Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakikinig ng music sa earpods na nakalagay sa tainga ko.
Madaling araw palang kaya antok na antok parin ako. Kasalukuyan kasi kaming bumabyahe ng buong family ko papuntang Manila, kung saan nakabili si Daddy ng bagong bahay. "Donna, Dana, matulog muna kayo d'yan , gigisingin nalang namin kayo pag nasa Manila na tayo." sabi ni Mom na nasa front seat. Hindi na kami sumagot ng kapatid ko dahil pareho kaming inaantok, napili kasi ni Dad na madaling araw kami umalis para makaiwas sa traffic. Mabilis naman akong nakatulog sa b'yahe, hanggang sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay nakaramdam ako ng malakas na pagsalpok at hapdi sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Tuluyan kong iminulat ang mga mata ko. DUGO! Nanginginig ako dahil sa unang nakita ng mga mata ko, punong-puno ng dugo ang kamay ko. Hindi galing sakin, kundi sa kapatid ko na ngayon ay nakasandal sa'kin— naliligo sa sariling dugo. "Donna! Donna!" Tawag sa kan'ya habang nanginginig at nangingilid ang luha. Hindi sumasagot ang kapatid ko, walang kahit anong pagkilos. Kaya minabuti kong iangat siya mula sa pagkakasandal sa akin at niyugyog ang balikat niya. Ngunit nanatili lang na nakapikit ang mga mata niya, hindi sumasagot. Ano bang nangyari? Napatingin ako sa unahan, mas lalo akong naiyak, Mom and Dad seems lifeless. Parehong nakayuko sa unahan at punong-puno rin ng dugo. "Mom! Dad!" Sigaw ko, pinipilit ko ring gumalaw mula sa pagkakaupo para abutin sila pero hindi matanggal ang seat belt ko. Walang sumagot! Kaya mas lalong lumakas ang paghagulgol ko, parang dinurog ang puso ko. Sobrang kabado na baka hindi na nga magising ang tatlong kasama ko. "Mom, Dad, Donna!" Sigaw ko uli sa mga pangalan nila. Pero wala talaga. "Miss!" napatingin ako sa may bintana, may mga tao sa labas na nakapalibot sa amin, ambulance na tumunog ang serina at mga police. Agad na binuksan ng responders na nasa labas ang kotse, agad akong tinulungang makalabas, habang hindi parin lubos pumapasok sa isip ko ang nangyari. "Ang mom and dad ko, ang kapatid ko," mahinang sambit ko sa responder sa gitna ng panginginig at pag-iyak. Inilayo niya ako sa kotse namin pero nagpumiglas ako, binuhos ko ang lahat ng natitirang lakas ko, gusto kong masigurado na buhay pa ang mga kasama ko. "Ma'am, lalapatan po namin kayo ng paunang lunas." Anito, pero hindi ko pinansin. Nakita kong nilabas nila sa koste ang kapatid ko, inilagay sa streacher — at tinakluban ng itim tela. Mas lalo akong napahagulgol. "Donnnaaaa!" Sigaw ko. Gustong-gusto kong lumapit pero namamanhid na ang buong katawan ko. Hindi ko na maigalaw kahit ang mga paa ko. Ang nagawa ko lang ay isunod ang tingin ko dito. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko, ng bumaling ako sa ulit sa kotse namin, dalawang strecher pa ang inalalabas. Pareho ring nakabalot ng itim na tela. Nanlambot ang tuhod ko, napaluhod sa mismong kalsada. Hindi alintana kung pilit akong pinapatayo ng responder na umalalay sakin. Hindi ko narin naiintindihan ang mga sinasabi niya. "Mom... dad..." sunod sunod ang pagbuhos ng mainit na luha sa mata ko. Teka! Ang sakit! Durog na durog ang dibdib ko, parang dahan-dahan piniga ang puso ko. "Mom! Dad!" Sigaw ko pa, pero wala na talagang sumasagot. Punong-puno na ng luha ang mga mata ko, hindi ko na nakikita ng maayos ang mga nasa harap ko. Biglang umikot ang paningin ko at walang lakas na nawalan ako ng malay. NAGISING ako na nahahiga sa hospital bed, walang ibang tao sa paligid ko liban sa doctor na nakatayo sa gilid. "You're awake, kamusta ang pakiramdam mo?" Anito. "Ang mom and dad ko po? Ang kapatid ko?" Mabilis na tanong ko rito habang dahan-dahang umupo at isinandal ang likod ko sa headboard. Tinignan lang ako ng doctor na parang nakikiluksa. Muli na naman akong napaiyak at napahagulgol. "Ikinalulungkot ko Hija," ani ng doctor at iniwan ako sa loob, siya namang pagpasok ng family lawyer namin. "Miss Florentino," taway nito sa'kin kaya napatingin ako sa kan'ya. "Who did this to us?" Agad na tanong ko, tinignan siya habang patuloy paring umiiyak. "I'm so sorry for your loss, Miss Florentino." "Asan na yung nakabangga samin? Gusto ko siyang makita." Matigas na saad ko. "Actually, na-hit and run kayo, sa ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon at pinaghahanap parin ang suspect." Mas lalo akong nanlumo. Gustong-gusto kong makita kung sino man ang taong gumawa nito. ILANG ARAW ANG LUMIPAS, nakalabas na ako ng ospital, naiburol narin ang pamilya ko pero wala paring update sa kaso. Sa sobrang disperasyon ko na mapadali ang imbestigasyon ay kumuha pa ako ng isa pang abogado, yung pinakamagaling. Binenta ko lahat ng ari-ari-an namin maging ang bagong bili naming bahay para lang mabigyan ng agarang hustisya ang pamilya ko. At wakas, tinawagan niya ako. "Natukoy na kung sino ang nakabangga sa inyo, Miss Florentino." Panimula nito. Biglang nag-alab ang galit at kagustuhan kong makita ang salarin. "Pero ikinalulungkot ko, inareglo na niya ang kaso. Mas mabuti pang h'wag mo nalang siyang kilalanin at kalabanin." Nag-igting ang tainga ko sa narinig ko. Anong ibig niyang sabihin? Inareglo? H'wag kalabanin? "Anong h'wag kalabanin?? Anong inareglo?" Sunod sunod na tanong ko, napatayo pa ako at nailapag ng malakas ang dalawang palad ko sa mesa. "Huminaho—" lumilinga ito, at pilit akong pinapahinahon. "Pano ako hihinahon?" Halos pasigaw kong tanong. "Tignan mo to," inabot niya sa'kin ang isang sobre. Na agad ko namang binuksan, isang cheque? Mas lalong kumulo ang dugo ko nang makita ang halaga na naroon. 1 Billion Pesos! Gano'n lang ba ang halaga ng buhay ng pamilya ko? Tumingin ako ng malagkit sa lawyer na nasa harap ko. Pinunit sa maliliit na parte ang cheque'ng hawak ko. — hindi ko man lang natignan kung kanino o anong pangalan ng taong nagpadala ng cheque. "Wala na akong magagawa, Miss Florentino. I told you, mahirap kalabanin ang taong nasa likod ng aksedente." Anito at walang paalam na tumalikod at umalis. Iniwan akong mag-isa. Habang unti-unti na namang pumatak sa mga pisgne ko ang mga luha ko. Tinignan ko ang pira-pirasong cheque na nasa harap ko. Akala ba niya mababayaran niya ang buhay na mga nawala? Umupo ako, tumingin sa cellphone ko, binuksan ang internet at nanood ng news. Nagbabaka sakaling naibalita na ang tungkol sa aksendente. O kung sino ang tao sa likod nito, na hindi ko man nagawang silipin sa cheque. Scroll ako ng scroll habang umiiyak, pero walang highlights about sa kaso. Sinubukan kong magsearch pero mas lalo akong naiyak ng walang result na lumabas. Sinubukan ko ring hanapin ang mga naunang article, at social media posts. Baka sakaling nabanggit na ang pangalan ng taong nakabangga sa amin. Pero maging ang mga ito, ay walang result, na parang tuluyang binura. Shit!We shake hands. Pero ramdam kong parang mahigpit ang pagkakahawak niya sa palad ko. He is also looking at me fiercely while his lips is slowly moving— he smiled."A-ang kamay ko po," saad ko at parang binawi ang kamay ko. Do'n lamang siya napa kurap at agad na binitawan ang palad ko."I'm sorry, I was just amazed." he said. Umiling-iling pa, sandali siyang yumuko. At dahan-dahan muling tumingin sakin ng hindi inaalis ang matamis na ngiti sa labi niya."Amazed?" Kunot-noong tanong ko."Nothing." He replied and shake his head again.Ano daw? Bakit naman siya maamaze sakin?"Here you are." Someone talk behind my back. Kilala ko ang boses na'to."Oh, Bro!" Nakuha kaagad ni Mon ang atensyon ng lalaking nasa harap ko. Tumayo pa si Yami at lumapit dito samantalang ako ay hindi man lang nilingon si Mon."I'm not talking to you." narinig kong saad ni Mon sa kapatid niya.Mon's voice is cold and deep, na parang nagagalit ito. Nag-aaway ba sila? Well it's none of my business."Oh, you're sexy se
Kinagabihan, akmang matutulog na ako ng isang busina ng sasakyan ang gumising sa diwa ko, agad akong sumilip para tignan kung sino ito, and I knew it. It was Mon. Ano na naman kaya ang pinunta niya dito, gabi na! Maya-maya nga ay narinig kong kumatok ito sa pinto, "I knew you're still awake. Open the door." he said kaya napilitan akong pagbuksan siya. "Anong ginagawa mo dito?" agad na tanong ko, pero dere-deretso lang siyang umupo sa couch. Napalinga-linga pa sa loob ng apartment ko na para bang naliliitan sa space, well hindi ko naman kasi siya pinapasok. "Hey!" saway ko pa sa kan'ya pero tinignan niya lang ako. "Here," inabot niya sakin ang isang supot na dala-dala. Ano na naman kaya 'to? "Ano yan?" agad na tanong ko. "Check it," sagot nito at mas nilapit sakin ang supot kaya inabot ko nalang din at tinignan ang laman. A black, glittered dress? Anong gagawin ko dito? Taas kilay akong tumingin sa kan'ya at inabot pabalik ang paperbag, "Para san to?" tanong ko.
Isinantabi ko ang calling card na bigay niya sa akin, wala akong nakikitang dahilan para tawagan iyon. Ang hirap mag-move on, lalo na't nag-iisa na lang talaga ako. Wala akong makausap, wala ring maiyakan. I'm lost, naguguluhan. Kailangan ko bang wakasan ang walang kwentang buhay na ito, o magpapatuloy ba ako? Pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Hanggang sa lumipas ang ilang linggo, ganito pa rin ako, iyak lang nang iyak ang nagagawa ko. Hindi ko rin nagawang umuwi sa probinsiya dahil wala na rin naman akong mauuwian doon. Naibenta ko ang lahat para lang sa walang kwentang abogadong nakuha ko. Pagkatapos ng lahat ng binayad ko, hindi ko man lang nagawang makilala ang taong dahilan ng pagkamatay ng pamilya ko. Napaangat ako ng ulo nang may kumatok sa pinto ng apartment ko, ito na naman siya. Pagkatapos ng pagtatagpo namin noong gabing iyon, palagi nang nag-iiwan ng prutas at isang white rose sa labas ng pinto ng apartment ko si Mon. Ang lalaking iyon, he always said, "Smil
Isang nakakasilaw na liwanag at walang tigil na busina ang naalinag at naririnig ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa gitna ng kalsada. Ilang minuto nalang ay susunod na ako sa inyo, Mom, Dad, Donna. Ngumiti ako ng mapakla, pinikit ang mga mata ko at hinintay ang pagbangga ng malaking truck na paparating sa akin.Ramdam ko narin ang unti-unting pag-ambon, kasabay ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko. Handa na akong mamatay. "Miss!" imbes na matigas na bagay ang sumalpok sa katawan ko, ay isang malambot na palad ang humawak sa braso ko, hinila ako pabalik sa gilid, ilang segundo bago tuluyang dumaan ang malaking truck sa kinatatayuan ko kanina.May hawak itong payong kaya kahit biglang lumakas ang ulan ay nanatili kaming tuyo. "Hey, magpapakamatay kaba?" tanong nito, isang lalaking nakasuot ng black slack, black coat at black necktie, kunot-noong nakatingin sakin. I smiled bitterly, "Oo." walang ganang sagot ko at binawi ko ang kamay ko pero muli niyang inabot at h
Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakikinig ng music sa earpods na nakalagay sa tainga ko. Madaling araw palang kaya antok na antok parin ako. Kasalukuyan kasi kaming bumabyahe ng buong family ko papuntang Manila, kung saan nakabili si Daddy ng bagong bahay. "Donna, Dana, matulog muna kayo d'yan , gigisingin nalang namin kayo pag nasa Manila na tayo." sabi ni Mom na nasa front seat. Hindi na kami sumagot ng kapatid ko dahil pareho kaming inaantok, napili kasi ni Dad na madaling araw kami umalis para makaiwas sa traffic. Mabilis naman akong nakatulog sa b'yahe, hanggang sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay nakaramdam ako ng malakas na pagsalpok at hapdi sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Tuluyan kong iminulat ang mga mata ko. DUGO! Nanginginig ako dahil sa unang nakita ng mga mata ko, punong-puno ng dugo ang kamay ko. Hindi galing sakin, kundi sa kapatid ko na ngayon ay nakasandal sa'kin— naliligo sa sariling dugo. "Donna! Donna!" Tawag sa kan'ya habang nanginginig at
'He never wanted to save you Dana!' 'That billionaire is just killing you softly!' Hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Yami kanina. He's still giving me this warning about his step brother. Hindi tuloy ako mapakali, kinukutuban din ako, pakiramdam ko ay may mga tinagatago nga talaga sa akin si Mon. I looked at the windows of Mon's office, malakas ang ulan sa labas, kumukulog at kumikidlat, enough to make me want to wrap my self into his arms, but not tonight. 'Look for the files,' hindi ko alam kung ano ang files na gusto ni Yami na makita ko, o tungkol ba ito sa ano. "Is there a problem, Dan?" he asked, his voice is still calm and sweet as usual. Napatigil ito sa paghalik sa leeg ko at tumingin sa akin– his eyes was confused. "W-wala..." sagot ko at umiwas ng tingin. How much do I really knew about this guy? He just smiled, a slow, and looks like a predatory curve of his lips, "I told you, I will give you enough reason to live, Dan. If you're thinking about