Share

Chapter One

TININGALA ko ang mataas na building company ng Velazquez Group of Companies. Nandito ako dahil may gusto akong malaman, tungkol sa inalok ni King Velasquez sa aking ama. Kung bakit at ano ang dahilan ng pagtulong ng mga ito?

Nagbuga ako ng hangin bago humakbang papasok sa building. Agad akong nagtungo sa reception area para tanungin kung pang-ilang floor ang opisina ni King Velasquez, ang CEO ng Velazquez Group of Companies.

"Pang-ilang palapag ang opisina ni King Velazquez?" bungad ko sa babaeng receptionist. 

Nagtinginan sila ng kasama nitong kapwa babaeng receptionist bago muling humarap sa kanya.

"What is your name, Miss?"

"Mary Grace Aranzado." taas ang kilay na sagot ko.

Muling nagtinginan ang dalawang babae. Seriously, ano ba ang problema ng dalawang bruha na ito?

"Sorry, Miss Aranzado. But right now, Mr. Velazquez is busy at the moment."

Umarko ang isa kong kilay. "Wala akong pakialam. Just tell him that I'm here. Siguradong mas gugustohin niya akong makausap kaysa sa mga kausap niya ngayon," mataray kong sabi.

"Do you have any appointment with Mr. Velazquez, ma'am?" tanong naman ng isa.

I rolled my eyes. "May appointment o wala, wala akong pakialam!" inis na hinampas ko ang information desk. "Now, tell me where the hell his office located! Don't waste my time or else, magwawala ako rito!"

Muling nagtinginan ang dalawang babae. Ang isa ay nangiwi ang isa naman ay nagdial sa telepono.

"I will call Mr. Velazquez's secretary first, Miss Aranzado." sabi ng babaeng makapal ang lipstick.

I snorted. "Hindi na kailangan pang tanungin ang secretary niya. Tell her his fiancee's boss is here!" I exclaimed.

Napanga-nga sa gulat ang dalawang bruha. Eh di pahiya sila ngayon!

"Umm... y-you heard that." sabi ng isang receptionist sa kausap nito mula sa kabilang linya. Tumikhim ito na ibinalik sa cradle ang telepono.

"You can go there, Miss Aranzado. Sa fifteenth floor." anito sa akin.

Inis-miran ko siya. "Sasabihin din pala, dami pang arte!" sabi ko na tinalikuran na ang mga ito.

"Naniniwala ka bang fiancee 'yan ni Sir? Impakta at napaka tarantada talaga ng babaeng 'yan!" narinig niyang sabi ng isang receptionist sa kasama nitong makapal ang lipstick. Well, sino babang hindi nakakakilala sa akin?

Hindi ko binigyan pansin ang sinabi nito, hindi dahil sa wala akong pakialam kundi sanay na akong bigyan ng pangalan ng kahit na sino. And I don't give a damn.

Nang bumukas ang elevator ay agad akong sumakay. When I saw those two staring at me, my middle finger salute them.

"F*ck you!" I mouthed and I saw the unbelievable reaction of those woman in the reception area before the elevator's door closed.

Sinulyapan ko ang suot na orasang pambisig. Halos labing-limang minuno akong pinaghintay ng mukang susong babaeng iyon sa kapal ng lipstick sa labi. Kung sinabi na nito kanina pa ang floor ng opisina ni King Velazquez ay kanina ko pa ito nakaharap.

Huminto ang elevator sa fifteenth floor. Nang bumukas ang dalawang pinto ay agad akong lumabas. Bumungad sa akin ang babaeng ala miss universe ang ganda.

Tumaas ang kilay ko. Ito ba ang secretary? Maganda siya, pero mas maganda ako sa kanya. Buong bilib kong sabi dahil hindi naman ako nagmamayabang lang.

Nagtaas ito sa akin ng tingin kuway matamis na ngumiti. "Good morning, Miss Aranzado. I'm Cindy, Mr. Velazquez's secretary," bati nito. "I'm sorry, but Mr. Velazquez is busy at the moment. You can wait him in the waiting room," iminuwestra nito sa kanya ang pintong nasa kaliwa.

Ito na naman. Uubusin na naman ang oras ko!

"Where is he? What is he doing right now?" inis na tanong ko. Inuubos talaga ng mga taong ito ang pasensya ko!

Nanangiwi ito. "Actually, kasalukuyan pa ho kasi siyang nasa meeting, Miss Aranzado."

Nilingon ko ang malaking pintong nasa aking kanan. May nakalagay sa itaas niyon ang conference room. Humakbang ako papunta doon na agad naman akong pinigilan ni Cindy.

"I'm sorry, Ma'am. Pero hindi ho kayo pwedeng pumasok. Maghintay na lang ho kayo sa waiting room," pakiusap nito.

"Get out of my way!" singhal ko rito.

"I'm sorry, Ma'am. Pero hindi ho talaga pwede."

Marahas akong nagbuntong-hininga. Nauubos na ang pasensya ko!

"Aalis ka o sasabunutan kita?!"

Natakot siya at sa huli siya na ang tumabi. Inismiran ko siya sabay tulak pabukas ng dalawang pinto. Sinalubong ako ng pitong kalalakihan na abalang nagdidiskusyunan. Huminto ang mga ito at kunot ang noong nilingon ako.

"I'm sorry to interrupt your meeting..." I said out of sincerity.

"And who is this woman?" iritableng tanong ng lalaking may katandaan na. Siguro nasa middle fifty na ito.

"I'm Mary Grace Aranzado," taas noong pagpapakilala ko sa aking sarili.

"Aranzado?" 'Yung matandang lalaki. Doon nagsimulang magbulungan ang ibang lalaking nasa loob ng conference room.

Lihim ako napangiti. Siguradong kilala ng mga ito ang dinadala kong pangalan. Well, sino nga ba ang hindi nakakakilala sa mga Saavedra?

"I'm Mr. Velazquez's fiancee," taas noo ko pang sabi.

"Fiancee?" duet ng limang lalaki. Tumingin ang mga ito kanang sentro ng upuan.

Sinundan ko ang tingin ng mga ito at lumanding iyon sa malaking monitor na nasa loob ng kwartong iyon. Mula sa monitor ay nakita niya ang isang lalaking prenteng naka-upo sa tila trono nito. Hindi gaano maliwanag sa pwesto nito kaya hindi masyado makita sa monitor ang itsura nito.

Tila ko naman nahigit ang aking hininga sa hindi ko malaman na dahilan. Kahit may kadiliman, naaaninag niya sa monitor ang kalahating mukha nito na natatakpan ng kulay gintong maskara. Napatitig ako sa kulay asul nitong mga mata na walang emosyong nakatingin sa akin mula sa monitor. Dahil sa nakaka-intimidate niyang tingin, nanigas ako sa aking kinatatayuan.

Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam na makaharap ang isang King Velazquez kahit sa monitor lang niya nakita. Totoo pala ang sabi-sabi na nakaka-intimidate at nakakatakot ang awra ng isang King Velazquez.

"What do you need?" malalim ang boses na tanong niya. "You're disturbing our meeting."

Tila ko nagakat ang aking dila at hindi agad makasagot sa tanong niya. Nilunok ko muna ang tila namumuong laway sa aking lalamunan bago ko siya nagawang sagutin.

"I-I'm here because of your message with my fa—"

"Get out." anito na inalis ang tingin sa akin.

"Ha?"

"Wait me in my office. I'll talk to you after this."

Pero hindi ko agad nagawang maihakbang ang mga paa ko palabas ng kwarto at nanatili lang akong nakatayo.

Matalim ang mga tingin na muli niya akong Tiningnan mula sa monitor. "Why the f*ck are you still there?"

Bigla naman akong natauhan at madaling lumabas ng kwarto. Taas-baba ang aking dibdib nang maisara ko ang pinto at tila doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status