Share

Chapter Four

HINDI pa sumisilay ang haring araw ay gising na ako. Hindi nga ako sigurado kung nakatulog nga ba talaga ako o hindi. Pakiramdam ko magdamag na mulat ang aking mga mata. Very comfortable naman ang kamang hinihigaan ko at maganda ang silid na pinagdalhan sa akin, hindi ko lang talaga maiwasan na makaramdam ng takot sa sitwasyon ko ngayon, idagdag pa ang pag-aalala ko sa aking ama.

Marahan akong bumangon sa kama at naupo lang sa gitna ng king size bed tsaka malakas na nagpakawala ng isang buntong-hininga. Ito na nga ba ang umpisa ng pagbabago sa buhay ko? Ano nga ba ang magiging silbi ko sa buhay ni King?

Buntong-hiningang umalis ako sa ibabaw ng kama at naglakad palabas sa veranda na kanuog ng kwartong kinaroroonan ko. Agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin pagkalabas ko. Napapikit ako nang dumampi sa aking mukha ang hangin. Nakangiting suminghot ako ng hangin at marahan ko iyong ibinuga. Dahil sa sariwang hangin at magandang tanawin, nakalimutan ko kung ano ang sitwasyon ko ngayon.

"Miss Grace?" Napalingon ako kay Rufert na NASA loob na ng kwarto ko.

"Ikaw pala."

"Dala ko na ang bagong kontrata. Bumaba ka na lang kapag tapos ka ng mag-ayos para makakain ka na rin ng umagahan." Iyon lang at lumabas na ito ng kwarto.

Mariin na lang akong napapikit dahil sa inis na nararamdaman ko. Pero wala rin naman akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Siguro nagbabad ako sa bathtub halos isang oras din. Wala akong pakialam kung maghintay man sa akin si Rufert.

Pagkatapos kong maglagay ng konting kolorete sa mukha ay lumabas na rin ako at dumiretso sa dining area. Muntik pa akong maligaw sa laki ng mansion, buti na lang may napagtanungan akong katulong.

Pagkapasok ko sa dining room ay agad akong inasikaso ng mga katulong at inihanda ang mga kakainin ko.

"Sorry for keeping you waiting, Rufert," sabi ko sa kanya ng nakaupo ako.

"It's okay. Kumain ka muna bago ko ipabasa ulit sayo ang kuntrata at mapirmahan na," anito.

"Nasaan siya? Hindi pa rin ba siya nakakabalik?"

"Si Mr. Velazquez?"

"Wala naman akong iba pang tinutukoy."

Inayos nito ang suot na salamin. "Nakabalik na si Mr. Velazquez pero meron pa siyang importanteng dapat asikasuhin."

"So, I'm not important?" taas ang kilay na tanong ko.

"You are, Miss Grace but Mr. Velazquez is busy right now."

Inirapan ko lang siya at inis na sumubo ng pagkain. Sindya kong bagalan ang pagkain ko para maghintay siya ng matagal at hindi ko talaga siya inalok na kumain. Pagkatapos kong kumain ay agad na niligpit ng mga katulong ang pinagkainan.

"Here's the contract. Read carefully and if there is no problem you can sign it." Inilapag niya ang dokumento sa harapan ko. "Meron na 'yang pirma ni Mr. Velazquez. Pirma mo na lang ang hinihintay."

Pagkatapos kong masuri ang kontrata ay agad ko na iyong pinirmahan. "Kailan ang kasal?"

"Ipapaalam ko na lang sa'yo kung kailan, Miss Grace."

"Ipapaalam? Hindi man lang ba ako pupuntahan o hindi ba magpapakita sa'kin si King?"

Tipid siyang ngumiti. Alam niya na ngiti iyon ng pang-iinis. "Nakalagay sa kontrata na makikita mo lang siya sa oras na gusto niya at sa oras na kailangan."

"Pero kasal 'yon! Kasal namin. Isang beses lang ako ikakasal tapos hindi man lang siya magpapakita sa'kin?"

"I'm sorry, Miss Grace. Mauuna na ako," anito na tumalikod na.

"Sabihin mo sa amo mo, bwisit siya!" Pahabol ko bago tuluyang lumapat pasara ang pinto.

Inis akong lumabas ng dining area at napahinto nang mapansin ko na halos walang tao sa paligid. Humakbang ako palapit sa bintana at sinilip ang labas. Napangiti ako nang mapansin ko na halos walang bantay sa paligid. Ito na siguro ang pagkakataon ko para tumakas. Pero, unang pumasok agad sa isip ko kung tatakas ako may kasiguraduhan ba akong makakabalik sa ama ko? Ni wala akong pera at cellphone dahil kinuha iyong lahat sa akin. Hindi ko nga rin alam kung nasaan ako eh.

Buntong hiningang bumalik na lang ako sa kwarto ko at inubos ang oras sa panonood ng mga movie sa tv. Dumaan ang maghapon na wala akong ginawa kundi magmukmok sa kwarto at manood ng movie. Pinaakyat ko na lang din ang hapunan ko para dito na rin kumain. Ayoko naman kumain sa dining room dahil masyadong malaki ang lamesa at ang kwarto para lang sa akin.

Hating gabi na ng muli akong nakaramdam ng gutom. Umalis ako sa ibabaw ng kama at nagdesisyon na pumunta sa kusina para maghalughog ng makakakin doon.

Bahagya pa akong natigilan sa pagpasok nang mapansin ko ang isang bulto ng lalaki. Marahil isa ito sa tauhan ni King Velazquez. Akmang bubuksan ko ang ilaw nang magsalita siya.

"Don't open the light," mahina pero mariin nitong utos.

Napakunot ako ng noo sa paraan ng pagkasabi niya. Gusto ko sana siyang buskahan pero wala ako sa mood na makipag-away ngayon.

Dahil may kadiliman ang kusina ay hindi ko masyadong makita ang mukha niya, bukod sa madilim ay nakayuko siya habang may iniinom. Ganito ba kaluwag si King para payagan ang mga tauhan nito na rito kumain at uminom?

Dumiretso na lang ako sa refrigerator para maghanap ng pwedeng kainin. Napangiti ako nang bumungad sa mata ko ang isang box ng cake. Dali ko iyong kinuha at inilabas mula sa refrigerator at pagkatapos ay inilapag sa counter top.

"Mahilig din pa lang kumain si King ng cake no?" aniya, pero hindi man lang sumagot ang lalaki.

Kumuha ako ng platito at tinidor tsaka agad na kumuha ng isang slice ng cake. "Hmm... sarap!" mahina kong sabi.

"Hmm... hmm..." ninanamnam ko ang bawat pagkain ko ng cake dahil sobrang sarap naman talaga at hindi masyadong matamis kaya hindi talaga nakakaumay.

"Hmm..."

"Will you stop that?" inis na sabi ng lalaki.

Napatingin ako sa kanya. "Stop what? Pati ba naman pagkain bawal sa bahay na 'to?"

"You can eat without moaning."

Natigilan ako. "I'm not moaning! I'm just appreciating the food. Hindi ba pwede 'yon?"

"Just stop humming. It's annoying."

I tsked. "Ang arte naman nito," bulong ko sa aking sarili. "Hindi ko akalain na nag-i-English din pala ang mga tauhan ni King Velazquez."

"Excuse me?"

Natawa ako. "I'm talking to you." Tumayo ako at namaywang. "Tauhan ka lang dito kaya huwag kang umasta na parang ikaw ang may ari ng mansiong 'to! For your information, mister who ever you are, I'm Mary Grace Quanteros, future wife of King Velazquez. Now you know so, give respect to me or else I will fire you." Nginitian ko siya.

"Don't worry it's just a warning. Buy the way, tell to your boss na naiinis ako ng sobra sa kanya." Binitbit ko ang isang box ng cake. "Sa kwarto ko na lang ito kakainin so you wouldn't hear my moaning." Pilyang ngiti ang binigay ko sa kanya bago ko siya tuluyang iniwan.

Levantandose

hello! need ko pong baguhin ang apelyido ng female lead ko. hehehe! Thank you!

| 1

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status