Share

Chapter Five

MAGANDA ang gising ko nang magising ako kinaumagahan. Bumangon ako at pagkatapos ay nag-inat ng aking katawan.

Ayaw ko ng mamoblema sa problemang meron ako ngayon dahil ayokong pumangit kakaisip. At dahil sa maganda ang panahon, nagdesisyon akong mag workout sa garden. Sayang naman ang ganda ng lugar na ito kung ibuburo ko lang ang sarili ko sa kwarto diba?

Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at magpalit ng damit. Pagkatapos kong magbihis ng damit pang-workout. Bitbit ang mga equipment ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa garden. Pagkarating ko roon ay inayos ko ang aking mga gamit bago nagsimulang mag-workout.

Natigil ako sa ginagawa nang mapansin ko ang paglapit ni Rufert sa akin. Hindi ba personal assistant ito ni King? Wala ba itong ginagawang trabaho para nandito siya palagi?

"May kailangan ka?"

"Umh... I'm sorry to interrupt you, Miss Grace but Mr. Velazquez forbid to workout here."

Nangunot ang noo ko. "Paano niya nalaman? Sinabi mo? Sumbungero."

"Trabaho ko na sabihin sa kanya ang lahat ng nangyayari rito sa mansion, Miss Grace."

"Pati ba naman pagwo-workout bawal? Anong gusto niya iburo ko ang sarili ko sa kwarto?!"

"Mas gugustohin 'yon ni Mr. Velazquez."

Inirapan ko siya at inis na tumayo. Sinira ng mga bwisit na 'to ang maganda kong mood.

"Kunin mo 'yan at dalhin sa kwarto ko. Bwisit!"

Inis na nagmartsa ako papunta sa kwarto ko. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan ng mapahinto ako at napatingin sa west wing ng mansion. I'm starting to get curious about what's have in that part of the mansion, why it's forbidden to go there?

"Miss Grace?" pukaw sa akin ni Rufert na nasa aking likuran na pala.

Buntong hininga na pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad papunta sa kwarto ko.

"Kapag naikasal na kayo ni Mr. Velazquez, ikaw na gagawa ng iba niyang trabaho," maya'y sabi ni Rufert nang mailapag niya ang mga gamit ko.

"Tulad ng?"

"You'll know, Miss Grace."

"Kailan ba ang kasal? Naboboring na akong mag-stay sa bahay na 'to. Ni hindi man lang ako mapuntahan ng fiance ko. Nakakalungkot."

"Soon, Miss Grace. Maiwan na kita," sabi nito na lumabas na.

Naiinis na pabagsak akong naupo sa gilid ng kama. Ngumuso ako at hindi mapigilang makaramdam ng lungkot.

Sinabi ko na hindi na ako mag-iisip ng problema ko, pero heto't ganu'n ang ginagawa ko ngayon. Hindi ko lang din talaga mapigilan dahil magmumukmok na naman ako rito sa kwarto hanggang matapos ang araw. Ayoko naman kumain mag-isa sa mahabang lamesa, mas lalo akong malulungkot.

I miss my old life, 'yung wala akong ibang pinoproblema kundi ang gumala at magsaya kasama ng mga barkada ko. Mag-shopping na parang wala ng bukas at syempre 'yung ako ang nasusunod sa buhay ko. Pero nami-miss ko na rin ang daddy ko. Kumusta na kaya siya? Umiinom kay siya ng gamot? Sino ang kasama niya? Hindi ko man lang siya magawang makamusta dahil ultimo cellphone ko kinuha ng King na 'yon!

Sa sobrang inis na nararamdaman ko, hindi ko mapigilan ang sumigaw habang parang batang nagpapadyak ng mga paa. Nang mapagod ako ay pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama at mariin na ipinikit ang aking mga mata.

"Bwisit ka sa buhay ko, King Velazquez!"

SA SUMUNOD na araw ay hindi ko na inabala ang sarili ko na gumising ng maaga. Wala na akong plano para sa buong araw dahil wala naman akong ibang gagawin kundi ang magmukmok dito sa kwarto ko.

Mahina akong napamura nang biglang lumiwanag ang kwarto ko at tumama naman sa sarado kong mga mata ang sinag ng araw dahilan para imulat ko ang aking mga mata.

"Good morning, Miss Grace," bati ni Jessy sa kanya.

Ibinaling ko ng aking mukha sa kabilang bahagi. "Anong maganda sa umaga, Jessy? Ayoko pang bumangon."

"Pero binilinan ho ako ni Sir, Rufert na gisingin kayo dahil meron daw ho kayong importanteng pag-uusapan."

Inis na nilingon ko siya. "Sabihin mo sa kanya wala akong pakialam. Magsama sila ng amo niya." Sinubsob ko ang aking mukha sa unan.

Inaakala kong aalis na siya pero hindi pa pala. "Pero ngayon na raw ho kayo ikakasal ni young master, Miss C

Grace."

Muli kong naimulat ang mga mata ko pagkakuwan ay mabilis na bumangon at hindi makapaniwalang tumingin sa rito.

"Ngayon na kami ikakasal ni King? Are you sure?"

Tumango siya. "Iyon ho ang sabi ni Sir Rufert."

Mabilis akong umalis sa ibabaw ng kama. "Ihanda mo ang dadamitin ko, Jessy." At daling bumasok sa banyo para maligo.

Isang dress na kulay puti ang inihanda ni Jessy para sa akin pero bago ko iyon sinuot ay inayusan ko muna ang sarili ko. Magkakaharap na kami ni King kaya kailangan maganda ako sa paningin niya.

Pagkatapos kong mag-ayos ay isinuot ko na ang dress at tinernuhan iyon ng kulay puting stiletto. Nang makita kong maganda na ako mula sa reflection ng salamin ay lumabas na ako ng kwarto at agad na nagtungo sa drawing room.

Hindi na ako makapaghintay na makita si King Velazquez. Pero laking dismaya ko nang tanging si Rufert lang ang naghihintay sa drawing room.

"Good morning, Miss Grace."

"Totoo ba ang sinabi ni Jessy na ngayon kami ikakasal ni King?"

"Yes, Miss Grace."

"But where is King?"

"Boss doesn't need to be here, just sign this paper and—"

"Are you serious? Kasal namin 'to tapos gusto niya lang pirmahan ko ang pesteng papel na 'yan?!" hindi ko mapigilang sikmat sa kanya.

Tumikhim ito. "You are not in love with each other, Miss Grace so, stop acting like you're in love with my boss. You are here because you need him."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang inaasahan ko na sabay kaming maglalakad sa harap ng altar at magbibitaw ng vows na para bang mahal na mahal namin ang isa't-isa? Ano ba ang iniisip ko? Alam ko naman kung bakit ako nandito ngayon but why I am looking forward to happen that?

Kuyom ang kamaong lihim akong nagpakawala ng buntong-hininga.

"Kung wala ng problema maaari ka nang pumirma, Miss Grace."

Labag man sa loob ko ay pikit ang mga matang pinirmahan ko ang marriage licence.

"Congratulations! You are now Mrs. Velazquez," anito na kinamayan siya. "This is your ring." Inilapag niya ang kulay baby blue na kaha ng sing-sing sa center table.

Kinuha ko ang kaha at binuksan iyon. Hindi ko mapigilang mamangha pagkakita ko sa singsing dahil alam kong hindi biro ang halaga nito. It was a luxurious saphire blue stone diamond wedding ring. Nag-iisa lang ito at pinag-aagawan noon sa auction, kaya hindi ako makapaniwalang nasa kamay ko na ito ngayon.

"I can see that you like the ring. You should always wear that especially when you attend parties or events."

Kunot ang noong nagtaas ako ng tingin sa kanya. "What do you mean?"

"Ngayong asawa ka na ni Mr. Velazquez, ikaw na ang hahali sa kanya sa mga event at party. Pinapaalalahanan kita na huwag mong dudungisan ang pangalan ni Mr. Velazquez dahil hindi mo magugustuhang magalit siya." Tinago na nito ang mga papeles Sa attache case. Pagkatapos ay may tinawag ito mula sa radio.

Bukas ang pinto at pumasok doon ang isang lalaki. Matangkad ito, may malaking pangangatawan at hindi tumakas sa paningin ko ang taglay nitong kagwapuhan.

"Mrs. Velazquez, this is Rhett Santadeleones and he will be your personal bodyguard. Tapos na ang trabaho ko rito kaya kapag may kailangan ka sa kanya mo sabihin."

"Whatever!" aniya na inis na nilagpasan ang mga ito.

Levantandose

hello! feel free to share your thoughts about this story. thank you and god bless!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status