Share

King's Prostitute
King's Prostitute
Author: Levantandose

Prologue

PAGEWANG-GEWANG na pumasok ako sa mansion. Kauuwi ko lang galing sa Midnight Club. Wala ako ibang gustong gawin ngayon kundi ang humiga at matulog. Paakyat na sana ako ng makita ko si Dad na mag-isang umiinom sa sala. Lagi naman siyang ganito, iinom na parang may malaking pinoproblema.

Buti pa ang alak nagagawa niyang harapin, samantalang ako na anak niya ay hindi man lang mabigyan ng pansin. Lalagpasan ko na sana si Dad ng tawagin niya ako, pero nanatili lang siyang nakatalikod sa akin.

"Grace."

"Bakit?" pabalang kong sagot.

"Kailan ka ba magtitino?"

I rolled my eyes. Ilang beses na niya ba itong tinanong sa akin? Hindi ko na mabilang sa sobrang dami.

Hindi ko sinagot si Dad at wala akong balak na sumagot. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko pa paakyat sa hagdan nang muli siyang magsalita.

"We might lose our company," anito na nagpahinto sa akma kong pag-akyat.

Ano raw? Tama ba ang pagkakarinig ko o dala lang ng kalasingan?

"And we don't have enough money to live," sabi pa nito.

Tila nawala ang kalasingan ko sa sinabi ni Daddy. April fools ba ngayon para lokohin ako ng ganito? Pero base sa boses niya parang totoo ang sinasabi niya.

Nilingon ko siya. "Then do something. Hindi mo naman siguro hahayaang malugi ang kumpanyang pinaghirapan ninyo ni Mommy, diba?"

Tumawa ito ng pagak. "Do something?" umiling-iling siya. "Kung alam mo lang ang mga ginawa ko para muling maiahon ang kumpanya, you wouldn't believe it."

We have wealth, power, and we own the biggest advertising company in the Philippines. Kilalang matatag ang Aranzado Advertising Company kaya hindi kapanipaniwala ang sinasabi nitong lugi na ang kumpanya. Paano nangyari 'yun?

"You are joking right?"

Imbis na sumagot ang aking ama ay umuga ang mga balikat niya kasunod niyon ay ang mahina niyang pag-iyak. Doon ko napagtanto na hindi siya nagbibiro.

Mabilis akong bumaba ng hagdanan at humakbang palapit sa aking ama. Nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakitang umiyak si Dad pero imbis na maawa ako ay nakaramdam ako ng galit sa kaniya.

"This can't be happening! Bakit mo hinayaang malugi ang kumpanya?! Paano ko pa mabibili ang mga luho ko? Hindi pwedeng malaman nila Marga ang tungkol dito! Siguradong—"

"Iyan pa rin ba ang importante sa'yo?!" putol niya sa iba ko pang sasabihin. Ang boses niya ay dumagundong sa malawak na sala ng mansion.

"Mary Grace, lugi na ang kumpanya pero kapritso mo pa rin ang iniisip mo?! Hindi man lang ba pumasok sa isip mo ang libo-libong taong na nagtatrabaho sa atin?!"

Tumaas ang sulok ng labi ko. "Why would I care with them? Pinasasahuran ninyo naman sila. And one more thing, kasalanan mo kung bakit bagsak na ang kumpanya ngayon! Kung nandirito lang si Mommy, hindi mangyayari ang lahat ng ito!"

Isang malakas na sampal ang ibinigay niyang sagot sa akin.

"Wala kang alam kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganiyan!"

Taas-baba ang mga balikat ko na hindi makapaniwalang sinapo ko ang humahapdi kong pisngi. Never in my whole life Dad hurting me like this, ngayon pa lang. Doon lumandas ang mga luhang kay tagal ko ng kinimkim.

"Now you're hurting me?" sabi ko na nilingon ko siya.

"Kasi sumusobra ka na!" he snapped. 

"Ikaw din naman! Sa tingin mo ba pera lang ang mahalaga sa mundo? Oo, you always give everything I need, pero hindi lang 'yun ang kailangan ko! Nasaan ka noong mga panahong nagluluksa ako sa pagkamatay ni Mommy? Nandoon ka sa kumpanya mo! Kapag kailangan ko ng makakasama, nasaan ka? Kaharap ang mga alak mo! Now, you're telling me that I'm too much? Sa tingin mo, Dad, why I become like this? Why I want to destroy my life? It is because of you! You neglected me and in trusted me to Yaya Luring!" I cried. Lahat ng sama nang loob ko sa kanya ay tila isang bomba na hindi ko mapigilang basta na lang sumabog.

"Iyun ba ang tingin mo? Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na nagpapakalunod ako sa kumpanya dahil may kinakaharap itong problema? Ikaw lang ba ang nahirapan sa pagkawala ng Mommy mo? Kung nasasaktan ka, nasasaktan din ako! Kung nahihirapan ka, nahihirapan din ako! I've been a good father to you, Grace. Binigay ko ang gusto at mga luho mo para mapunan ko ang pagkawala ng mommy mo! Yes, it's not enough but I did everything para sa iyo. Hinayaan kitang gawin ang gusto mo at nagbabakasakaling magising ka sa kabaliwan mo, pero higit kang naging malala, naging makasarili ka! I don't know what to do with you anymore..." Humina ang pagkakasabi nito sa huling sinabi.

Tila nagising ako hindi lang sa lakas ng sampal na ibinigay ni Dad sa akin kundi sa mga sinabi rin nito. Totoong binibigay nito ang lahat ng hilingin ko, mapapera man o bagay. Tama rin ito sa sinabing naging makasarili ako at ni minsan hindi ko siya nagawang kumustahin man lang.

Malalim na humugot ng hangin si Dad habang sapo ang kaliwa nitong dibdib. Tinukod nito ang isang kamay sa gilid ng counter. Napansin ko na sinusubukan nitong tumayo ng tuwid pero tuluyan itong nawalan ng balanse at bumagsak sa sahig.

"Dad!"

NAGTAAS ako ng tingin mula sa kaibigang doktor ng aking ama sa paglabas nito sa hospital room. Tito Santi is my father longtime bestfriend. Tumayo ako para salubungin siya.

"How's my dad, Tito?" I asked worriedly.

Hinawakan niya ako sa balikat, nakikita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "Don't worry he'll be fine, dala ng pagod at stress kaya siya inatake sa puso. Kailangan niya magpahinga."

Inakay niya ako na muling maupo kuway naupo rin siya sa aking tabi.

"Tito, alam niyo rin ba ang tungkol sa kumpanya?" hindi ko matiis na hindi itanong. Marahan itong tumango.

"Totoo ho bang lugi na ang kumpanya?" hindi pa ring makapaniwalang tanong ko, kasi imposible talaga.

Kumunot ang noo nito. "You don't believe your father?

Nakagat ko ang ibabang labi. "H-hindi lang ako makapaniwala."

Nagbuntong-hininga ito. "Totoong lugi na ang kumpanya ninyo at idagdag pa ang malaking pagkakautang ng ama mo na kung hindi niya ito mababayaran within a month, hindi malaong mangyari na pati ang mansion ninyo ay mawala sa inyo.

Nanlaki ang mga mata ko na tumitig kay Tito Santi. Higit akong nagulantang sa huling sinabi niya. Hindi pwedeng mawala sa amin ang mansion. Nandoon lahat ng ala-ala sa amin ni Mommy.

"No... W-we can't lose our mansion. Lahat ng ala-ala ni Mom ay nandoon."

Marahan itong tumango. "Kaya lubos din nahihirapan si Roces. 'Yan din ang sinabi niya sa akin."

Nayuko ako at mabilis na pinahid ang basang pisngi ko nang sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. "Kailan pa ho nag-umpisang magkaproblema ang kumpanya?"

"Mula noong magkasakit si Jewel." He's talking about my Mother. "Hindi masyadong natutukan ni Roces ang kumpanya dahil ang gusto niya siya mismo ang mag-alaga sa mommy mo at naging malaki rin ang naging gastos nito sa pagpapagamot," mahaba nitong paliwanag.

Nakuyom ko ang aking kamao. Hindi ko alam na nagkaroon ng problema ang kumpanya at ang pinagdaanang hirap ng aking ama. Tapos heto ako't naging masamang anak at nagrebelde ng walang dahilan.

Tiningnan ko si Tito Santi. "Wala na ba ibang paraan para mailigtas ang kumpanya, Tito?"

"I don't know, Hija. Pero noong huling pag-uusap namin ni Roces, nasabi niya sa akin na parang wala ng ibang paraan para maisalba pa ang kumpanya. Sa ngayon, alagaan mo ng mabuti ang iyong ama, Ruby. Iyon ang higit na makakatulong sa kaniya."

Napatingin ako sa inabot niyang reseta. "Siguraduhin mong pamamainom mo sa kaniya ang lahat ng gamot na 'yan, and please, hanggat maaari pakainin mo siya ng masusustansya at iiwas mo sa alak. Kapag nagpatuloy ito baka hindi lang 'yan ang kahantungan niya."

"Okay. Thank you, Tito." muli niya akong tinapik sa balikat bago humakbang paalis.

Buntong hiningang tinitigan ko ang hawak na papel bago tumingin sa pinto ng kwartong kinaroroonan ni Dad. Tumayo ako at humakbang papasok sa kwarto. Marahan kong tinulak pabukas ang pinto at walang ingay na humakbang palapit dito saka naupo ako sa upuang katabi ng hospital bed nito.

Inilibot ko ng tingin ang buong paligid ng kwarto. Hindi ko inisip na muli akong papasok sa ganitong kwarto pagkatapos mamatay noon ang aking ina. Bumaba ang tingin ko kay dad na mahimbing na natutulog.

Sinapo ko ang kamay ni dad at mahigpit iyong hinawakan. I don't want to lose my father. Nawala na sa akin ang mommy ko kaya hindi ko na kakayanin pa kung pati ito ay mawala sa akin.

Naging makasarili ako sa loob ng limang taon at ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng kamalian ko at sobra ko iyong pinagsisisihan.

"I'll do everything to help you, dad." I murmured "But how?"

Nabaling ang tingin ko sa cellphone ni dad na nasa lamesa nang tumunog iyon. Inabot ko ang cellphone at agad na binasa ang text message.

From: King Velasquez

Do you agree with my proposal?

Nangunot ang noo ko pagkabasa sa text message na iyun at hindi ko mapigilang mapaisip. Ang mga Velasquez ay kilalang angkan dahil sa taglay nilang yaman. Hindi lang sa Pilipinas kilala ang mga ito, kundi pati na rin sa ibang bansa dahil sa dami ng kanilang negosyo. Pero ang lubos kong pinagtataka kung bakit ang isang Velasquez ay magmemensahe sa aking ama at may inaalok pa itong proposal? Anong proposal naman kaya iyon?

Muling tumunong ang message ringtone sa cellphone ni dad kaya agad ko iyong binasa. Ganu'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mabasa ko iyon.

From: King Velazquez

Let your daughter marry me, Mr. Aranzado. Just say yes and all your problems will be over.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status