>viii<
Nanigas ako sa kinatatayuan ko pagkadinig sa boses ng lalaking nanggaling mula sa likod ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pamilyar na boses na iyon. Just hearing his voice made my stomach lurch. How can I ever forget that deep soothing voice of the man who saved me years ago. The voice that can freeze hell when he's fuming mad.
Lalong kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang yabag nyang papalapit saken. Hindi ako makalingon sa kaba. Bakit ba hindi ko agad naisip na may chance na magkita kami dito? Pero paano kung kaboses lang nya? Marami namang magkakaboses sa mundo di ba? Pero paano kung sya?
"Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" tila nanunubok na sabi nya. I've sensed the grin on his face. Why the sudden sarcasm? Parang may iba sa tono ng pananalita niya? Isa pa, tinawag niya akong wallflower? Nasa sulok lang ako sa buong durasyon ng party, ibig sabihin ba nun, kanina pa sya nakamasid saken? Kung kanina pa, bakit hindi ko man lang sya nakita?
Nakalimutan ko na yatang huminga ng maramdaman ko ang muli nyang paglapit. Lalo kong naramdaman ang presensya niya sa likod ko na sa palagay ko ay ilang hakbang nalang ang layo.
"Or should I call you Dominique, Miss Wallflower?"
Napasinghap ako ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Wala ngang duda, siya nga iyun. Bakit ba napakasarap sa pakiramdam kapag tinatawag niya ang pangalan ko? Bakit ba naisip ko noon na hindi ko siya gustong makita? Na ayokong marinig ang boses niya? Samantalang sa totoo lang ay gustong gusto ko na siyang makita ulit, na marinig ko lang ang boses niya parang gusto ko ng sugurin siya ng yakap. Pero mali, matagal ko ng kinalimutan ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi dapat ganito ang reaksyon ko.
Hindi, mali, iniisip ko lang lahat. Hindi ito pwede. Matagal ko ng kinalimutan ang kung ano mang naramdaman ko sa kanya noon kaya wala lang sakin ang makaharap siya ngayon. Tama.
Malakas pa din ang kabog ng dibdib ko nang harapin ko siya. Nalusaw lahat ng pinapaniwala ko sa sarili ko kanina nang masalubong ko ang pamilyar na abuhing mata na matamang nakatingin sakin. Bakit pakiramdam ko may paru-paro sa tiyan ko? Bakit nakaramdam ako ng tuwa? Though his eyes shows no emotion but piercing intently through me.
Teka, nakalimutan ko yatang humihinga pa ako at pati utak ko, ayaw magproseso ng maayos. Kung bakit kasi lalo siyang gumwapo sa paningin ko ngayon at lalo pang kumisig sa nakalipas na taon. Nakaayos ng mabuti ang buhok niya. Well defined ang pangangatawan nya even under those black armani suit that exudes power and authority. Goodness, why does he have to be this devastatingly handsome? May tao palang ganito? Akala ko sa romance novel lang ang mga yun.
Lalo yata akong napatanga ng ngumisi siya ng nakakaloko. "Are you done checking me out?"
Hindi ko napigilan ang pag-iinit ng pisngi ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Iba kasi sya makatingin ee. Pambihira naman oh. I couldn't bare ogling him just like that! Naglalandi na naman ang utak ko. Stop! Stop!
Hinamig ko ang sarili ko. Tumikhim muna ako bago nag-isip ng isasagot. Leche, ayaw gumana ng utak ko.
"How conceited you are, mister," pinilit kong maging natural kahit nadidinig ko ang kabog ng dibdib ko. Sana hindi niya naririnig. Pakiramdam ko iba na ang kaharap ko. Parang hindi siya ang Marione na nagligtas sakin.
My heart leapt when he flashed his heart melting smirk as he stared at me. He gave a little shrug. "Well-practiced english or you've got it all scripted?" napapailing na sabi nito.
"What are you doing here? You know, you shouldn't be here."
His eyes turned cold. Nakaramdam ako ng tila patalim na gumuhit sa dibdib ko. Hindi ba siya masayang nagkita ulit kami? Sabagay, sino ba naman ako? Isang hamak lang na iniligtas niya mula sa isang rapist. What d'you expect Nikki? Parang na-washed out bigla ang siyang naramdaman ko kanina. Kung tutuusin nga naman ay hindi ko siya kilala para husgahan ko sya agad. Maybe this is the real him. Huminga muna ako ng malalim. I tried to devour all my hopes and disappointments through a heavy sigh. As if that could help.
Luminga muna ako sa paligid bago ibinalik ang tingin sa kanyang abuhing mata. Those eyes I once dreamt of shade with affection for me. Oo nga pala, dream nga lang pala. Dream lang ang pagkakaroon ng hero. And he is my hero. "Partying. Just like the others,” I replied with the same sarcasm to match his.
Nalukot ang noo nya, nagpapahiwatig lang na hindi niya nagustuhan ang sagot ko. "Really? I thought you gatecrashed."
He was shooting daggers through his words. At tumatagos yon sa kaloob-looban ko. Iniisip siguro niya kung anong ginagawa ng mahirap na tulad ko sa pangmayamang party tulad nito. Or baka iniisip niya na kaya ako nandito ay para maghanap ng mayaman mabibingwit. He thinks I'm a social climber? Bakit parang nasasaktan ako na pinag-iisipan niya ako ng masama?
Nanatili akong tahimik. Siya naman ay humalukipkip na tila ba naghahanda sa mahaba-habang interogasyon. He seemed not to let me go with his scrutinizing gaze.
"Or you must be looking for a rich guy for a saving grace?" Something crossed his eyes but he blinked it away quickly.
Hindi na ako dapat magtaka di ba kasi ganyan talaga ang mga mayayaman? Pero bakit hindi pa din ako makapaniwala na ganito ang ugali niya? Gusto kong isigaw sa mukha niya na hindi ako ganung klaseng tao pero bakit hindi ko magawa? Ganun ba kababa ang tingin niya sakin? Sa mga katulad ko? I felt a painful thud in my heart. Slowly breaking it. Nagkamali ako. Pare-pareho lang sila. Parang gusto ko ng batukan ang sarili ko dahil pinabayaan kong lumago ang nararamdaman ko noon para sa ungas na ito.
Hindi ko alam kung paninindigan ko ang iniisip niya sakin o ipapamukha ko sa kanya na hindi ako ganon? Hay, bahala na nga. Ngumiti ako ng mapait. "So what's it to you if I was searching for a wealthy man to get me out of my miserable life? Don't worry, cause it'll never be you."
His gray eyes turned darker as he advance towards me pero hindi ako nagpatinag. Huminto siya nang isang talampakan na lang ang layo namin. I saw him clenched his jaw as he looked down on me. Para tuloy akong nanliit dahil di hamak na mas matangkad sya saken. Bakit ba ganito ang inaasal niya? Parang may galit sya sakin samantalang wala naman akong ginagawa or ginawa sa kanya. Pinagsisisihan ba nyang iniligtas ako?
"As if I want to be that guy", nang-uuyam na tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
Parang napakababa kong tao kung tignan nya ako. Gusto ko syang tanungin kung anong problema niya pero wala ding kahahantungan. Useless na makipag-usap pa ako sa kanya. Okay lang sana kung sa iba ko narinig yung mga sinabi nya ee, kaso hindi. Sa kanya pa mismo nagmula.
Inipon ko lahat ang pride na meron ako saka ko sya mariing tinitigan. This will be the last time na magkikita tayo Marione. Sapat na ang mga sinabi mo para hindi na kailan man magtagpo ang landas natin. Tama na ang isang beses na nasaktan ako sa pag-aakalang iba ka.
Parang gusto kong umiyak sa hindi ko malamang dahilan. Bago pa mangyari yun ay tinalikuran ko na sya at naglakad patungo sa pigurang nakita ko kanina. Naalala ko ang huli niyang sinabi sakin noon. "Be safe". Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Ang sakit. Bakit ba masakit? Kasi ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Nag-iinit ang mga sulok ng mata ko pero hindi ko hahayaang makita nya akong umiiyak.
Nagulat pa ako ng may biglang humablot sa braso ko at hinila ako pabalik kung saan ko nakaharap si Marione. Babawiin ko sana ang braso ko, dahil nakikita ko pang nakatayo doon ang lalaki mula sa sulok ang aking mata, pero natigil ako ng makilala ko ang humablot nalang saken. Pinahid ko agad ang luha ko bago pa niya mapansin.
"Cassidy."
Napalingon ako sa likod ng marinig ko ang isang lalaking tumatawag sa kaibigan ko. Hindi ko sya gaanong napagmasdan dahil kagad din akong hinila ni Cass. Mukhang galit ang best friend ko.
"Umuwi na tayo, Dominique ", saad ni Cass habang diretso pa din ang tingin sa dinadaanan.
Hindi na ako umimik dahil kanina ko pa talaga gustong umuwi. Ayoko na ding makita pa si Marione. Huli na nang mapansin kong palapit na kami sa kanya. Iiwas ko pa sana ang tingin ko sa kanya pero hindi ko na nagawa. Cause there, stood still where I left him, was the man who's looking at me intently with such emotion I can't seem to comprehend. Gusto ko na yatang umiyak.
Pakiramdam ko bumagal sa pag-ikot ang mundo nang dumaan kami sa harap niya. Akala ko pipigilan nya ako pero lalong bumigat ang nararamdaman ko ng lagpasan lang namin sya. Hindi na din ako nag-abalang lumingon pa sa kanya. Para saan pa? Wala lang naman ako sa kanya. Ako lang naman itong tanga na pinabayaang mahulog sa isang estrangherong minsan lang nagligtas sa akin. Huwag kang mag-alala, Marione, ito na ang huli. Kailangan kong ipaalala sa sarili ko kahit paulit-ulit ang katangahang ginawa ko habang hindi ko napigilang kumawala ang butil ng luha sa aking mga mata.
>ix<"Naiinis talaga ako pag naaalala ko yung mukha ng Elric na yun," nanggigigil na litanya ni Cass.Ilang beses ko na bang paulit-ulit na narinig iyon mula pa kagabi pag-uwi nito. Ang Elric na tinutukoy nito ay ang lalaking humabol sa kanya nung party three months ago. Yep, three months ago na simula ng tinalikuran ko ang lalaking nagligtas sa buhay ko. Three months na din akong nagtitiis ng sakit sa puso dahil sa mga nangyari ng gabing iyon. Kung bakit kahit anong pilit kong kalimutan, pilit na sumisiksik sa isip ko yung ungas na yun. Oo na, hindi ko na ide-deny na sa insidenteng yun three years ago ay na-fall agad ako sa kanya. Tsk. Totoo pala ang love at first sight yun nga lang sa maling tao. Pero ika nga nila, "love is blind". Tss.Hay, tama na nga. Lalong dumadaing si he
>x<"Thank you po, sir," pasasalamat ko sa may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ni Cess saka diretsong lumabas ng opisina nito para kitain ang kaibigan kong naghihintay sa labas.Pagkabihis ko kanina ay nagmadali agad akong pinapunta ni Cess dito sa restaurant dahil gusto daw akong kausapin ng amo nya. Sinabi nya daw kasi dito na kung maaari nya akong maipasok kahit waitress man lang. Pumayag naman daw agad ang amo nya kaya tinawagan niya ako agad.Matagal ko nang nahahalata na malakas si Cess sa may-ari dahil sa ilang benepisyong nakukuha nito na minsan ay higit sa karaniwan. Minsan nga naisip ko pang may namamagitan na dito at dun sa boss dahil kapag nalelate ito ng uwi ay laging inihahatid ng huli. Kung tutuusin, wala naman sigurong masama kung magkakatuluyan ang
>xi<Nasilaw ako bigla sa liwanag ng ilaw nang idilat ko ang mga mata ko. Itatabing ko pa sana ang braso ko para maidilat ang mga mata ko nang bigla akong makaramdam ng pagkirot mula sa kanang braso ko."Ah..." napadaing ako nang hindi lang simpleng kirot ang naramdaman ko duon kundi sakit na sumisigid sa buto."Don't move too much with your right arm," malumanay na sabi ng isang babae mula sa tabi ko.Tuluyan na akong napadilat at agad na binalingan ang babae. Parang may artista akong kaharap. Una ko agad napansin ang bilugan niyang mukha. Ang dark blonde nyang buhok, maayos na pagkakaahit ng kilay, malalantik na pilikmata, brown ang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi, artistahing-artistahin. No
>xii<"Bakit nagpaiwan ka pa? Umuwi ka na din. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa tulong." Sinadya kong palamigin ang boses ko. May parte sa akin na gusto syang makasama kahit sandali pero may parte din na ayoko na syang makita. Ngunit sa dalawang iyon ay mas nananaig ang una. Pero kailangan kong kumapit sa realidad dahil iyon ang tama."Does it still hurt?" concern evident in his voice. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi man lamang niyapinansin ang mga sinabi ko."Hindi mo na kailangang magkunwari na nag-aalala. Kaya ko na ang sarili ko. Umuwi ka na," sagot ko nang hindi pa din siya sinusulyapan. Narinig ko pa ang kanyang malalim na buntong hininga. Restraining himself from another outburst, maybe.
>xiii< "Nikki... Please... Don't fall in love with me... " Ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis sa ospital ilang buwan na ang nakakaraan. Tsk. Parang gusto kong maiyak kapag naaalala ko iyon. Gago na yun. Para na niyang sinabi na wag akong huminga. Pwes para sabihin ko sa kanya, huli na siya. I already fell for him. Peste namang mata to, nagbabadya na naman. Oo na, umiyak ako ng mismong pagkaalis nya. Pero pinapangako ko, iyon na ang huling pagkakataong iiyakan ko sya dahil itaga nya sa bato, kakalimutan ko na talaga sya. Akala nya kung sino sya, bwisit na yun. Teka nga, bat ba inaalala ko yung hinayupak na yun. Umagang-umaga sya agad nasa isip ko. Dapat wala na akong naaalala. Wala na akong kilalang-- Ugh! Hindi ko na
>xiv<Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niyang iyon? O kung nakita ko na ba iyon? Pati ang abohin niyang mga mata na tumatagos sa kaluluwa kapag tinititigan ka. Parang gusto ko nalang tumitig doon. Ayoko nang pumikit dahil baka wala na siya pagdilat ko. Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan ng matuon ang tingin ko sa kasama niyang babae. Sino kaya iyon? Girlfriend nya o baka naman asawa? Isipin ko palang na alin iyon sa dalawa ay ramdam ko na ang pagkadurog ng puso ko paano pa kaya kapag totoo? Kung sabagay, ito ang nababagay sa kanya. Elegante, edukada, mayaman. Hindi tulad ko. Ugh! This is hopeless. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Parang bigla ay gusto kong umiyak.Nasa ganoon akong posisyon ng biglang lumingon sa gawi ko si Sir Loki saka ngumiti sa akin. I blink back the tears immediately saka ngumiti
>xv< Buong akala ko ay mababawasan na ang sakit paggising ko pero nandito pa din. Buong-buo. Walang labis, walang kulang. Kung pwede lang tanggalin nalang ang puso ay ginawa ko na. Napakatanga mo kasi Dominique, hinayaan mo ang sarili mong mahulog. Lakas tuloy ng lagapak mo. Pakiramdam ko ay isang buwan na ang lumipas sa maghapong ito. Napakatagal lumipas ng oras. Kulang nalang ay hilahin ko ang kamay ng orasan para bumilis ito. Gusto ko nang umuwi hindi dahil sa kung ano pang bagay kundi para magkulong ulit sa kwarto. Pambihira kasing lalaki iyun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana di ko na lang siya nakita o nakilala dahil utang ko sa kanya ang puri ko. I mean, buhay ko pala. Paano ba ang g
>xvi<Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito."Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo."Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na."Sa tingin mo