Share

Kabanata 4

Penulis: exjhayy
last update Terakhir Diperbarui: 2021-12-07 16:55:01

Friends

Napayakap ako sa sariling katawan at patakbong nagtungo sa kusina ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang hablutin niya ang kamay ko. 

“Ang choosy mo naman, Miss…” 

Tumalim ang tingin ko sa lalaki at pilit binabawi ang kamay sa kaniya ngunit mabilis niya akong tinulak kaya napaupo ako sa sofa.

“K-Kuya, m-magkano po ba ang kailangan n’yo?” halos takasan na ako ng sariling boses dahil kabang lumulukso sa kalooban ko.

Ngumisi ito lalo. “Ikaw ang kailangan ko, Miss…” 

Umiling-iling ako sa kaniya at mabilis na tumayo akmang tatakbo ako pero muli niya akong itulak sa sofa kaya naupo ulit ako. 

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata. “Huwag po please…”

Napayakap ako sa sariling katawan nang inumpisahan niyang tanggalin ang pang-itaas na damit at sunod ang kaniyang sinturon sa pantalon.

Hindi ko na alam ang gagawin kaya napasigaw na ako. “Tulong! Tulong!” 

Matalim na tumitig sa akin ang estranghero at mabilis na tinakpan ang bibig ko gamit ang kaniyang magaspang na kamay. Kinagat ko iyon kaya nawala ang kamay niya sa bibig ko.

Umasim ang mukha ko. Pwe! Ang alat! 

Napaatras ako palayo sa kaniya at muli akong sumigaw. “Tulong!”

“Putangina ka, Miss!” 

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko na kaniyang sinampal. Tumingin ako sa kaniya at tanging pang-ibabang saplot na lang ang suot niya.

Napaatras ako lalo sa sofa at parang namamanhid ang pisngi ko. Muling lumapit sa akin ang lalaki at agad na hinawakan ang panga ko. 

“Hmm…” napadaing ako dahil sa sakit ng pagkaka hawak niya.

“Pasalamat ka nga binalik ko ang wallet mo. Hayaan mo dadagdagan ko pa iyan kapag nasarapan ako sa’yo,” anito na para bang normal lang ang ginagawa niya.

Sunod-sunod na namalabis ang luha ko nang padarag niyang binitawan ang panga ko. Sinubukan kong lumayo ngunit mabilis niyang hinablot ang buhok ko. 

“Aray… Kuya please huwag…” pakiusap ko.

Punong-puno na ng luha ang mga mata ko, nanlalabo habang nakatitig sa kaniya na pinagmamasdan akong maigi. 

Please help me…

Napaigtad ako sa pandidiri nang humaplos ang kamay niya sa ulo ko. Tinabig ko iyon at mabilis na lumayo sa kaniya ngunit agad niya na namang nahablot ang buhok ko.

Napahiyaw ako sa sakit.

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo! Masasarapan ka rin naman sa gagawin natin!” sigaw niya.

“Gago ka!” bulyaw ko.

Muli akong nakatanggap nang malakas na sampal mula sa estranghero kaya hindi ko na napigilan ang humikbi dahil sa sakit.

“Kyline? Kyline? Are you there?” 

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses na iyon. “Nandito ako! Tulungan mo ako-”

Mabilis na tinakpan ng lalaki ang bibig ko kaya hindi ko na natuloy ang sinasabi ko.

“Tumahimik ka babae!” anito sa maliit ngunit mariin na tinig.

“Kyline?” 

Kinagat ko ang kamay niya at muling sumigaw. “Kaleb! Kaleb! Tulong!” 

Muling hinablot ng estranghero ang buhok ko. Inaasahan ko na ang paglapat ng palad sa mukha ko ngunit malakas na kumalampag ang pintuan ng apartment.

Nagawa ko pang lingunin iyon at naka-lock. Ano ba ‘tong nangyayari sa akin!

“Tangina!”

Malakas na napapamura ang estranghero at malakas niya akong tinulak pahiga sa sofa. 

Napatihaya ako kaya mabilis na tumakip ang kamay ko sa mukha nang akmang hahawakan niya ako. 

“No-”

Narinig kong malakas na bumukas ang pintuan kaya naudlot sa ere ang kamay ng lalaki.

“Fuck you asshole!” 

Mabilis na umatras ang estranghero kaya napatakbo ako sa isang sulok ng apartment at saktong may pumasok na bulto ng tao.

Niyakap ko ang sarili habang pinagmamasdan ang taong dumating. Napahikbi ako nang nakita ang gigil sa kaniyang mukha habang pinapaulanan nang suntok ang estranghero.

Nanlaban pa ito pero sa huli naging bugbog sarado hanggang sa unti-unting bumagsak sa sahig ang kaniyang katawan. 

Patuloy pa rin ang pagsipa sa kaniya ni Kaleb kahit na nakahandusay na ito. Tumayo ako kahit nanginginig ang buong katawan at naglakad palapit sa kanya.

“T-Tama na…” pigil ko kay Kaleb at tumitig sa kaniyang mukha.

Madilim na madilim iyon at purong galit ang makikita sa mga kayumangging mata. Lumapit ako ng husto sa kaniya at halos mapayakap sa kaniyang d****b.

“T-Tama na, Kaleb…” 

Dahan-dahan siyang huminto at lumingon sa akin. Unti-unting lumalambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

“Are you okay?” He then checked every angle of my face.

Tumango lang ako dahil hindi ko na kayang magsalita, masakita ang panga ko. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong kabigin at niyakap.

Yakap na mahigpit. At sa pagkakataong ito, pakiramadam ko… ligtas na ako sa kaniyang mga bisig.

“Uminom ka muna ng tubig,” anito kaya nag-angat ako ng mukha sa kaniya. 

Inabot ko iyon ng walang imik at dahan-dahang ininom. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang takot sa d****b.

Marahan siyang upupo at tumabi sa akin.

“Are you really okay now?” mula pa kanina niyang paulit-ulit na tanong. 

Napaigtad ako nang bigla niyang inayos ang magulo kong buhok. Ngunit wala akong pagprotestang nagawa..

“B-Babalik na ako sa room ko-”

“No!” malamig niyang sinabi at tumayo.

Naglakad siya patungo sa kusina niya nakasunod lamang ang tingin sa kaniya hanggang sa bumalik siya na may dalang ice pack.

Tumingin ako sa kaniya na seryoso lang ang mukha. 

“K-Kaleb babalik na ko… kailangan ko pang pumasok sa trabaho,” mahinahon kong sinabi. 

Hindi ko magawang magtaas ng boses sa kaniya dahil sa nagawa niya. Para bang kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

“Dinampot na ang lalaki at dinala sa presinto. Ako na bahala roon. Nakausap ko na rin ang landlady sa pagkasira ng pintuan at-”

“At gusto niyang bayaran ko?” agap ko at tumitig sa kaniya.

Nanatiling seryoso ang mukha niya ngunit hindi nawawala ang pag-aalala sa mga mata.

Lumabi siya at tumabi ulit sa akin. Inayos niya ang buhok ko. Inipit niya ang mga natitirang hibla sa likod ng tainga at marahas siyang napabuga ng hangin.

“Aw…” hindi ko napigilan ang mapadaing nang ilapat niya ang ice pack sa pisngi ko na ilang beses nakatanggap ng mabigat na sampal.

“Sorry, masakit ba? Namumula at baka mamaga pa iyan. Dadalhin na kita sa hospital-”

“Huh, anong hospital! Wala lang ‘to…” agap ko.

Napatingin ako sa kaniya at para bang may malalim na iniisip.

He sighed lightly. “Fine. let me compress it so it won’t swell…” offer niya pa at dinampi-dampi ang ice pack.

“Ako na Kal-”

“Nah, ako na,” pagpupumilit niya. 

Hindi na ako nagprotesta dahil sa pamamanhid ng buong pisikal.

Napasandal ako sa upuan. Napatingala at dahan-dahang pumikit. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha nang naalala muli ang nangyari.

“Akala ko talaga kanina…”

“You’re safe now, Kyline…” Kaleb’s voice makes me feel something warm inside.

Dahan-dahan kong naramdaman ang kamay niyang pinupunasan ang luha ko kaya unti-unti akong nagmulat.

Napalunok ako habang nakamasid sa kamay niyang nasa harapan ko at dahan-dahang lumingon sa kaniya.

He was smiling now while gently pressing the ice pack on my cheek. 

“Siguro naman pwede na tayong maging magkaibigan?” nagulat ako sa tanong niya kaya napaupo ako nang maayos. 

Tinitigan ko siya ng taimtim mula ulo hanggang paa at sunod na tinaasan ng kilay. 

“Mahirap ka lang din ba?” tanong ko.

Biglang nahulog ang hawak niyang cold compress kaya tumingin siya roon. Dinampot niya iyon at muli niyang nilapat sa pisngi ko at tipid na ngumiti.

Napanguso ako.

“Mahirap ka lang din ‘di ba?” tanong ko.

Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Hindi naman siguro siya papayag maging delivery boy lang kung kaya sila sa buhay.

Umangat ang tingin niya sa akin at ngumiti. “Oo,” tipid niyang tugon.

Tumango-tango ako at bumalik sa pagkaka sandal. “That’s good. Ayoko kasi sa mayaman eh.”

Napapikit ako dahil para akong narerelax sa pagdampi-dampi ng ice pack sa pisngi ko. 

“Bakit ayaw mo?” tanong niya.

Napangisi ako. “Mga manloloko…”

Mahina siyang tumawa ngunit parang may bahid iyon ng pangamba. “Hindi naman siguro lahat manloloko,” opinyon niya.

Nagkibit balikat na lamang ako.

“Basta ayoko sa mayaman. ‘Di bale ng magkanda kuba-kuba ako sa trabaho. Basta hindi ako papatol sa mayaman kahit mabenta ang ganda ko sa kanila,” sabi ko at mahinang natawa.

“Oh, self-confidence-”

“Syempre ‘no! Ang dami ko kayang mayayaman na manliligaw,” pagmamalaki ko sa kaniya.

Natahimik siya kaya nabalot kami ng katahimikan. Hindi na rin ako nagsalita. Makalipas ang ilang minuto may narinig akong tumutunog na cellphone kaya napaayos ako ng upo. 

Luminga-linga ako bago lumingon kay Kaleb na nakatitig sa akin. “Hoy! Sa’yo yata iyon,” pukaw ko sa kanya.

Napakamot siya ng ulo at napangisi. “Oo nga…”

Tumayo siya at dinampot niyang cellphone na nasa tabi niya pala.

“Excuse lang,” paalam niya at naglakad palayo.

Naiwan akong nakatulala dahil iyong cellphone niya hindi pang estadong mahirap… Apple Iphone 13 Pro Max. U-Updated version ng iphone brand. 

Napakurap-kurap ako habang nakasunod ang tingin sa papalayo niyang bulto.

“N-Nagsisinungaling ba siya?” tanging nasambit ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Kissing The Scars   Special Chapter

    SPECIAL CHAPTER Kaleb Oliver Villaruz Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa sala. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at napansin kong bukas ang pintuan ng kuwarto. Lumingon ako sa tabi ko at wala na roon ang asawa at anak ko kaya agad akong napabangon mula sa kama at nagmamadaling lumabas ng silid. Diretso akong nagtungo sa living room dahil doon nanggagaling ang ingay. Nang makababa ay doon ko lamang napansin na may ibang kasama si Kyline. “I miss you so much.” Nangunot ang noo ko dahil pamilyar ang boses sa akin. Dahan-dahan akong lumapit dahil nakatalikod ito sa akin habang kayakap si Kyline. “Nagtatampo pa rin ako. Ang tagal mong nawala at hindi nagparamdam,” sambit ng asawa ko. Mahina akong tumikhim upang makuha ang kanilang atensiyon at hindi nagtagal ay sabay silang napalingon sa akin. “Hi, honey,” si Kyline na ngumiti sa akin. I smiled back at her as I walked toward her. Nang nakalapit ay agad ko siyang h******n sa ulo pababa sa pisngi. “Hoy mahiya

  • Kissing The Scars   Wakas - Part 4

    Kaleb Oliver VillaruzAs time passed by, nothing changed. There’s nothing to improve about the investigation because they stick to what they know. I am not losing my hope even day by day it could break me down. Did I fail to protect her? Is this the payback for my sacrifices?I buried my face in my office desk as another fresh tear rolled down my cheek. “Please baby, come back…”I immediately fixed myself when I heard someone knocking. I don’t want them to see how desperate I am now. I wiped my tears as I spoke. “Come in,” I said calmly. No one knows how hopeless I am. How miserable my life was day by day without my girlfriend. I pretended to check all the resort sales when I notice Mommy appeared.“Mom, what brought you here?” I asked without looking at her because my eyes don’t lie. I hear Mommy close the door as she walked toward me.“Your father is in a meeting and the resort is slowly going back to normal. We are very proud of you…” she expressed. I nodded. “Thanks, Mom. Whe

  • Kissing The Scars   Wakas - Part 3

    Kaleb Oliver Villaruz The following days were not been easy. After a day of spending time with her almost every day, I got busy at the same time Kyline's school started. I admit whenever I am with her I am always distracted and I even forgot my job because all I want is to be with her. And the most unexpected day happened when my mother gets kidnapped and thankfully that Owen and his team are immediately taking action. It was a successful mission by saving Mommy because the syndicates group didn’t aware that we are arriving. On that night they planned to assail the warehouse they traced for the past few days when someone give them a lead on this place.“Cousin, you should stay in the car or you should go home. This is not your job anymore,” said Owen which makes me shook my head as I held my gun tightly. “Just let me help you with this. I wanted to catch who dare to hurt my mother,” I insisted. “But it quite dangerous-” “I will be a careful cousin. I can defend myself.” Hindi

  • Kissing The Scars   Wakas - Part 2

    Kaleb Oliver VillaruzSince that day, I have been pretending to be a delivery boy in my cousin's restaurant. It's way better so I could slowly be friends with her.Baka kasi kapag nalaman niyang mayaman ang pamilya ko ay layuan niya rin ako. Knowing that she hates wealthy people. And that proves that she's such a simple woman with a nice personality.And I still remember the day I saved her from that asshole who tried to harass her inside her apartment. I was blaming myself for being late. Kung hindi sana ako unang umalis hindi mangyayari sa kaniya iyon. I was in the SM store to buy something for her. Nagmamadali akong bumalik ng resto ngunit napansin kong wala pa siya. “Miss, dumating na ba si Miss Gamboa?” I asked nicely.Ngumiti ito sabay iling ulo kaya agad na nabalot ng kaba ang dibdib ko. I was about to call her but damn it, I forgot my phone in my unit. Dali-dali akong sumakay sa dinadala kong motor sa pag-deliver at pinaharurot ito pabalik sa apartment. And I never thought t

  • Kissing The Scars   Wakas - Part 1

    Oliver Kaleb Villaruz (POV)Napabalikwas ako nang bangon mula sa higaan nang nakarinig nang pagkahulog ng isang bagay mula sa kung saan.Pupungas-pungas ang mga mata kong bumangon at agad napalingon sa aking tabi. I immediately smiled genuinely when I saw our little angel peacefully sleeping. I stared intently at Khloe's face as I slowly neared my face to her. My eyes watered and no words could define how happy I am knowing that she's my daughter. Our daughter. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat.They said, I already did my best to find Kyline before. But it feels like it was not enough. I still felt useless.Kung ginawa ko lang sana ang lahat hindi aabot ng anim na taon bago ko nalaman na may anak ako sa babaeng akala ko hindi na ako mahal.My tears rolled down my cheeks while pecking a soft kiss on her cheek.Hindi ko man lang siya nakita noong lumabas siya. Hindi ko man lang na alagaan ang mommy niya habang nasa sinapupunan siya nito.Hindi ko man lang sila na

  • Kissing The Scars   Kabanata 47

    Home"Nasaan tayo?" tanong ko nang makababa mula sa sasakyan.Sinarado niya ang pinto bago diretsong lumapit sa akin. Umakbay bigla ang kaniyang braso sa aking balikat."Wait, I need to cover your eyes," halakhak niya at sunod na tinakpan ng tela ang aking mga mata.Sumimangot ako."Ano ba ‘tong pakulo mo Kaleb? Baka pinagtitripan mo ako, ah," sambit ko.Mahina lamang siyang tumawa at inalalayan akong humakbang nang matapalan ng tela ang aking mata."You will like this for sure," paninigurado niya.Hindi na ako umimik pa. Malakas na tumatambol ang dibdib ko habang sinusunod ang kaniyang mga sinasabi.Hanggang sa unti-unti kong naririnig ang pagaspas na alon ng tubig at ang preskong hangin na humahampas sa mukha ko.Napangiti ako, na-relax ang sarili at naalala ang mga biglaang pangyayari sa mga nakalipas na buwan.After the unexpected tragedy, everything prevailed. Villaruz's hidden enemies planned everything to try them down but Villaruz's siblings are too good to be defeated.Furthe

  • Kissing The Scars   Kabanata 46

    Reason"Mommy… I'm so sorry. I was just excited to see you because Tito Gerome said that we were going to surprise you but…" ani Khloe nang nagising ito mula sa pagkakatulog. Until now she's still trembling and her eyes are swollen. But I'm glad that she's still fine despite what happened. Humigpit ang yakap niya sa akin. Pinunasan ko ang luha sa kaniyang mga mata at marahan na hinagod-hagod ang likod. "Shh, it's alright, baby. We are safe now. Mommy is proud of you. You are very brave…" I whispered full of bliss as I gaze in Kaleb’s direction. Nakatulala ito kay Khloe. Namamangha, namumula ang mga mata."I'm still scared, Mommy… there's a lot of bad people..." hikbi nito kaya niyakap ko siyang muli."Mommy is here now baby, we are safe now…" Muling pumalahaw ang iyak ni Khloe. At dumagundong iyon sa buong apat na sulok ng silid. Napabalik-tanaw ako kay Kaleb nang suminghap ito na animo'y hindi alam ang gagawin. Umangat ang kamay niya na para bang gustong hawakan si Khloe ngunit

  • Kissing The Scars   Kabanata 45

    ForgivenessWhen Papa brought me to Australia after knowing that I am pregnant. He stayed with me for a couple of months. I also met his parents who are already old but unfortunately, Lolo died after.Papa took care of me. He paid attention and he always gave me everything that I needed.He's been good to me and I could see how he regretted leaving my mother, the reason why as time passed by, I slowly genuinely accepted him being part of my life."Sweetie, I have to go back to the Philippines. But I will be back here," aniya. Tumango ako kay Papa habang nanonood ng TV. "Ano po bang business n'yo?" tanong ko. Tumawa lamang si Papa at ginulo ang buhok ko. He's always like that. Every time I was asking about his business he constantly changed the topic. "Do you want to meet your sister? She can go here if you want," Papa said. Naninikip ang dibdib ko. Pilit kong tinatago ang pait na nararamdaman. But this is one of my dreams… having a family aside from my mother. "If that's okay wi

  • Kissing The Scars   Kabanata 44

    Scar"W-What happened? W-What should I do?" natataranta niyang tanong.Kahit ako ay parang na blanko ang isipan at hindi rin malaman kung anong gagawin. Nangangatog ang buo kong katawan habang malakas ang pagkabog ng dibdib."M-Mom…"“B-Baby again, inhale and exhale-”"Kuya!" Sabay-sabay kaming napabaling sa mga dumating dahil na rin sa gulat. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang nakaharang sa mga mga ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang dalaga. Nabuhayan ako ng loob nang nakita ang kapatid ni Kaleb. "What's happening here?" tanong nila nang nakalapit. Agad kong tiningnan ang dalaga. "Do you have the i-inhaler with you? I saw you holding it—"Tumango ito kahit na bakas ang pagtataka."Here, it's still unused," alanganin niyag inabot sa akin. Agad kong kinuha iyon ay nilagay sa bibig ni Khloe. Alam kong nakatutuok silang lahat sa akin at mahinang nagtatanong ngunit kahit isa ay wala akong pinapansin. Desperada na akong umayos ang paghinga ng anak ko."Baby, use this one t

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status