Third Person's POV
Tulala at hindi pa din siya makapaniwala na natanggap siya nang walang kahirap-hirap sa trabaho na iyon. Hanggang sa makauwi siya ay para bang lumilipad ang utak niya.
"Mommy!"
Saka lamang nabalik ang kanyang ulirat nang marinig ang boses ng anak niya na nasa labas ng pinto habang kumakaway sa kanyang direksyon. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay.
"Marga, anak!" Tumakbo siya palapit sa bata at binuhat ito habang mahigpit na nakayakap sa anak.
"Oh, Trixie nakauwi ka na pala. Kamusta naman?" tanong ni Dara na kakalabas lamang ng banyo at nakatapis ng tuwalya ang katawan at buhok.
Masayang lumapit sa kanya si Trixie habang karga-karga pa din si Marga.
"Dara! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, natanggap ako!" masaya niyang saad.
"Naks naman, hindi naman ako m
(Continuation of chapter 3) "Really, huh? Sounds familiar." "Bakit po?" naguguluhang tanong niya. Pinakatitigan siya ng binata ngunit pagkuwan ay umuling na lang ito at saka may kinuha sa drawer ng kanyang lamesa. "Nevermind, it's not important. Anyway, here's my daily schedule notebook. As my secretary, dapat alam mo lahat ng mga meetings at lahat ng gagawin o pupuntahan ko araw-araw. Ikaw ang naka-assign para magpaalala sa akin ng mga important events or work ko para hindi ko makalimutan." Tinanggap niya ang notebook na inabot sa kanya ng lalaki. May nakaipit na ditong ballpen. "Noted po, may mga rules po ba kayong dapat kong sundin?" inosenteng tanong niya. "Rules? I don't like rules but if you really want some, fine I will give you." Tumayo si Derrick at nakatitig lamang sa kanya ang babae na naestatwa na sa kany
Third Person's POV "Oh, ayan i*****k mo sa baga mo!" Inilapag ni Trixie sa lamesa ang pagkaing binili niya kanina. Naabutan pa niya ang boss na may kausap sa cellphone habang nakataas ang paa sa lamesa. Nang mapansin siya nito ay nagpaalam na siya sa kausap. "Hmm… it looks delicious," wika ni Derrick at binuklat ang laman ng plastic. Natigilan siya nang mapansing hindi pa din umaalis si Trixie at nakatayo pa din sa harapan niya. "Why? Do you want to join me?" "'Yong bayad mo," tugon ng babae na hindi man lang sinagot ang tanong ni Derrick. Ngumisi ang lalaki at saka dumukot ng wallet mula sa bulsa niya. "Magkano ba? Hindi ba pwedeng libre na lang?" tanong niya habang nagbibilang ng pera. "Anong libre? Wala ng libre ngayon, hoy!" "Hinohoy mo na 'ko? B
(Continuation of chapter 4)Maagang pumasok ngayong araw si Trixie. Naglalakad siya pabalik sa kanyang lamesa. Kakagaling niya lang kasi sa printing room upang mag-print ng mga papeles na kailangan niyang papirmahan kay Derrick.Nagtaka siya nang mapansing wala si Maggie sa pwesto nito. Ngunit naisip niyang baka inutusan ni Sir Lucas. Umupo na siya sa swivel chair. Kukuha na sana siya ng stapler mula sa drawer nang mapansin niya ang isang maliit na pink na kahon doon."Ano 'to?" takhang tanong niya sa sarili at kinuha ang kahon.Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit abala ang lahat sa ginagawa. Wala naman siyang inaasahang regalo sa kahit na kanino. Hindi din naman kasi niya kaarawan kaya gano'n na lang ang pagtataka niya."Kanino kaya 'to galing?"Habang iniinspeksiyon ang kahon ay biglang tumunog ang telepono kaya agad n
Third Person's POV"Ano pong kailangan niyo, Sir?" sarkastikong tanong ni Trixie kay Derrick na abala sa pagpirma ng mga papeles sa lamesa."May meeting ba 'ko around four to five PM?" tanong niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa ginagawa.Napairap si Trixie at kaagad na tiningnan ang schedule mula sa notebook. Base doon ay may two hours meeting ito sa isang manager ng kumpanya na kung tawagin ay CarMona Company."May meeting ka sa CarMona. Two hours, gusto mo bang ipa-cancel?" Sinarado niya ang notebook at muling tiningnan si Derrick."No, natanong ko lang. Please give this files to Maggie, Dad needs this files para sa mga new designs." Inabot sa kanya ni Derrick ang makapal na folder at kaagad naman niya itong tinanggap.Masyadong madaming ginagawa ang binata kaya naman wala na itong oras para bwisiting muli ang sekr
(Continuation of chapter 5)Naestatwa sa kinatatayuan niya si Derrick nang makarinig ng parang may gumugulong sa sahig. Halos mapatalon na siya sa gulat nang tumama sa sapatos niya ang isang maliit na bolang kulay pula na hindi niya alam kung saan nanggaling.Napalunok pa siya at dahan-dahan itong pinulot. Nakarinig siya ng kakaibang tawa sa kung saan at naging dahilan iyon ng pagtakbo niya palapit sa table niya. Kinuha niya mula sa drawer ang isang flashlight at binuksan ito.Sa likod ng sofa ay napatutop sa bibig niya si Trixie. Hindi niya kasi mapigilang matawa sa nakikitang reaksyon ng lalaki. Paano pa kaya kapag nagpakita na siya dito?"J-joel? Kung ikaw man 'yan, bro it's not funny!" Marahan siyang naglakad papunta sa isang direksyon habang nakatutok doon ang ilaw ng flashlight na hawak niya.Pinagpapawisan na siya ng malamig dahil sa nerbiyos. Napatigil si
Third Person's POV"Come in," wika ni Lucas.Pumasok naman mula sa pinto ng kanyang opisina ang anak na si Derrick. Nakasuot ito ng pang-opisinang damit at maayos din ang buhok niya."Pinatawag niyo daw ako? May problema po ba?" Naglakad papalapit sa ama ang binata habang nakapamulsa."Nothing, gusto lang kitang makausap tungkol kay Trixie."Kumunot ang noo ni Derrick at maya-maya'y ngumisi ito at umupo sa upuang nasa harapan ng lamesa ng daddy niya."What about her?" tanong niya at sumandal."Napahanga niya 'ko. Siya pa lang ang kauna-unahang sekretarya mong umabot ng pangalawang araw sa trabaho." Ngumiti si Lucas at tumango-tango pa."Tss, 'yon lang po ba ang dahilan kaya niyo 'ko pinatawag? Na sa wakas ay may sekretarya na 'kong magtatagal sa 'kin? Para niyo namang pinamukha sa 'king napaka terror kong boss."
(Continuation of chapter 6)"Bwisit talagang lalaking 'yon! Laitin ba naman 'tong suot ko? Siya nga 'tong laking-laki na takot pa din sa payaso!" inis niyang sabi habang nakatingin sa repleksyon sa salamin sa banyo."Nakakainis ka, Derrick! Tamaan ka sana ng kidlat!" Habol niya ang kanyang hininga pagkatapos 'yong sabihin.Napunta ang tingin niya sa isang cubicle nang dahan-dahan iyong bumukas at iniluwa no'n ang isang babaeng empleyadong nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.Umayos siya ng tayo at kunwari'y hindi napansin ang babae."I-ikaw, Derrick. N-napaka bait mo talagang boss, biyayaan ka sana ng Panginoon ng maraming-maraming biyaya!" Pilit siyang ngumiti habang kinakausap ang sarili sa salamin.Nagmamadali namang lumabas ng banyo 'yong babae at tinanaw pa niya ito kung talagang nakalabas na. Pinagdasal na lang ni Trixie na sana hindi siya i
Third Person's POV"Kamusta na si Sir? Balita ko, na-ospital daw siya kahapon. Ano ba talagang nangyari sa kanya?" tanong ni Maggie habang pinapanood si Trixie na mag-ayos ng gamit.Humarap sa kanya ang babae at saka ngumiti."'Wag mo na ngang isipin ang lalaking 'yon, kasalanan din naman niya kung bakit siya na-ospital. Patay gutom kasi.""Ha?"Tumawa lamang si Trixie at saka tinapik ang balikat ni Maggie bago na siya umalis at bumaba ng ground floor habang dala-dala ang notebook niya. Dumaan din muna siya sa malapit na café at bumili ng kape para kay Derrick.Panay ang tingin niya sa wrist watch habang nakasandal sa isang kotse. Kanina pa kasi siya sa parking lot para hintayin ang boss niya, kahit na labag sa kalooban niyang gawin iyon.Akmang aalis na siya nang maya-maya'y may dumating na dark blue na kots