CHAPTER ELEVEN: POPPY WITH THE LEE FAMILY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ KATABI ni mommy si Poppy. Nasa kaliwa niya ito, habang nasa bandang kanan naman si dad. Kaharap nila kami ni Chloe. Nang dumating si Summer at maayos na ang itsura at damit, tumabi siya kay Chloe at nagsimula na ring maglagay ng pagkain sa plato niya. Si Mommy naman ay si Poppy ang inaasikaso. Siya ang nag-se-serve ng pagkain sa plato ni Poppy. “Ginising mo na ba ang Kuya Love mo?” tanong niya kay Summer. Pero hindi pa man nakasasagot si Summer ay dinig na namin ang pamilyar na footsteps ni Love, palapit sa amin. “Good morning,” mahina niyang bati pag-upo niya sa kabilang side ko. Poppy's eyes shot wide as she spotted Love, and we couldn't miss her audible gasp. Her eyes darted between us, clearly puzzled by our uncanny resemblance. I could almost imagine her shock if Hope were also here—it would be a real double-take moment. Dahil natatawa si Summer sa reaksyon niya, siya na mismo ang nag-explain kay Poppy. “Kambal sin
CHAPTER TWELVE: HOPE PICK-UP LINE✧FAITH ZEICAN LEE✧HANGGANG ngayon ay nakaawang pa rin ang bibig ni Poppy habang nakamasid sa aming tatlo. Dahan-dahan siyang tumayo at pinagmasdan niya ang mga suot namin. Siguro ay nagbase siya sa suot namin dahil kanina niya pa kami kasama ni Love simula nang mag-almusal. Kaya kay Hope siya bumaling. Dahan-dahan niyang nilapitan si Hope, inangat niya ang kamay niya at bahagyang tinusok ng hintuturo niya ang pisngi ni Hope, na lalo niyang ikinagulat. Dahil para bang nakumpirma niya na totoo si Hope.“Ang galing ko, ‘di ba? Ngayon naman, aalisin ko ‘yong isa. Magiging dalawa na lang ulit sila. Pikit ka, Poppy.” Si Summer. Bahagya niyang inilayo si Poppy sa harap ni Hope at inutusan ulit itong pumikit.Sumunod siya.Noong nakapikit na si Poppy, maingat at natatawang hinila ni Summer si Hope papunta sa likod ng couch at doon niya pinayuko para magtago. Napapailing na lang si Love habang pinanonood ang bunso namin.Bumalik ulit si Summer sa tabi ni Poppy
CHAPTER THIRTEEN: SUGAR-POPS✧FAITH ZEICAN LEE✧BANDANG alas dies ng tanghali noong hinatiran kami ni mommy ng meryenda sa sala. Kasama pa rin namin si Poppy dahil wala pa si Chloe, hindi pa ito nag-u-update sa ‘kin kung pabalik na ba siya. Kahit papaano, nagiging komportable na si Poppy sa amin.Kasalukyan kaming nanonood ng K-drama series sa Netflix sa malaking flatscreen TV nang ilapag ni mom ang tray sa coffee table sa gitna namin. Naroon ang dalawang klase ng pastries na bineyk niya kaninang umaga. Pero ‘yong cream puff lang ang pamilyar sa ‘kin. Kasunod niya si Ate Emy, na siya namang may bitbit naman ng tray ng drinks namin.“Mom, ano ‘yong isa? Bakit hindi namin ‘yan nakita kanina?” Tinuro ni Summer ‘yong katabi ng cream puff.Napangiti si Mom at kumuha ng isa, inabot niya ‘yon Summer, sunod ay inabutan niya rin si Poppy. Then she said, “Baklava ‘yan.”“Ewan. ‘Di ko sure.” Si Hope, na natatawang umabot naman ng cream puff.“Hindi kita tinatanong, Hope. Ang ibig kong sabihin, ‘
CHAPTER FOURTEEN: MISSING✧FAITH ZEICAN LEE✧“PANLALAKI po ba, sir? Para po ba sa inyo?” tanong sa ‘kin ng saleslady na siyang nag-a-assist sa ‘kin habang iniikot ko ang tingin ko sa mga naka-display na phone cases. Katatapos ko lang bumili ng bagong phone, at ngayon, phone case ang hinahanap ko.I shook my head. “Hindi. Pambabae ang kailangan ko. Ano ba ang design na sa tingin mo p’wede sa isang . . . uh, seventeen years old? Ipangreregalo ko kasi.” Nabanggit ko naman na sa kaniya ang unit na kailangan ko kaya hindi na siya mahihirapan mag-isip. Design na lang ang iisipin niya.“Depende po kasi, sir, eh. Ano po ba ang hilig n’ya?”Natahimik ako at napaisip, kasunod ang pag-iling ko. “I don’t know.”“How about color po? Gusto n’yo po bang sa color na lang po tayo magbase? Baka po alam n’yo ang favorite color n’ya?”Hindi rin ako sure sa bagay na ‘yon, pero naalala ko na kulay pink ang suot niyang lumang T-shirt noong una kaming nagkita sa party. “Pink na lang,” I told her.Tumango siy
CHAPTER FIFTEEN: WHERE'S POPPY?✿ SUMMER ✿ISANG oras pa lang mula nang makaalis sina Kuya Faith at Ate Chloe nang dumating si Tito Ryan at Tita Wynter sa bahay para ihatid si Meng at Sunny.“Uy! Narito na pala ‘yong pinsan naming Disney Princesses!” Natatawa si Kuya Hope na sumalubong sa kanila. Kasama rin nila Tito Ryan si Moy, pero ‘yong dalawang girls lang ang nakagayak dahil for girls only ang lakad namin ngayon. Pumayag sila dahil alam nilang kasama rin namin si Tita Baby. Pero wala pa ito, papunta pa lang.“Kuya Hope, lumayo-layo ka muna. Maaga pa para manghiram ka ng mukha sa aso. Ganitong ka-a-attend ko lang ng Krav Maga lesson ko kahapon, sinasabi ko sa ‘yo. Kahit ikaw ang pinakapaboritong pamangkin ni Daddy, hindi kita sasantuhin,” lakas-loob na sabi ni Meng sa kaniya kaya natawa si Moy at ang parents niya.“Ito naman! Gusto ko lang naman kayong ipakilala sa bago naming kapatid. Kay Sugarpops pampiyam-piyam!” Binalingan niya si Poppy sa tabi ko. Lahat sila ay nakatingin kay
CHAPTER SIXTEEN: FOUND POPPY✧FAITH ZEICAN LEE✧I DIDN’T have difficulty requesting the security department for a temporary lockdown because they recognized me when I showed my ID. Nalaman nilang anak ako ng may-ari ng mall, so they also granted my request to review the CCTV footage to find Poppy. Pinili ko muna na ipa-lockdown ang mall para masigurong hindi makakalabas si Poppy. And since they didn't know Poppy, I joined them in monitoring the screens to search for her.Habang nakatutok ang mga mata ko sa screen, patuloy ko rin pinag-ri-ring ang phone ni Poppy dahil naka-save naman na sa ‘kin ang number niya. Pero maging ako ay hindi niya rin sinasagot.After a few moments, I spotted Poppy's familiar figure on the screen. I knew it was her because of what she was wearing. White jeans, blouse with collar na kulay cream at sneakers. Kasama niya si Sunny na pumasok at lumabas sa women’s restroom.“Ito s’ya.” Tinuro ko si Poppy sa mga kasama kong security para matulungan nila akong sundan
CHAPTER SEVENTEEN: NEGLECTED CHILD✧FAITH ZEICAN LEE✧NAPATITIG ako kay Poppy matapos ang sinabi niya. Hindi siya marunong magbasa? Kaya pala. Ngayon, malinaw na sa ‘kin kung bakit tila wala siyang ideya kanina na ako ang tumawag sa kaniya. Malinaw na kung bakit hirap din siyang gumamit ng cell phone. Dahil ang isang taong marunong bumasa, kayang sundan at i-explore ang isang gadget kung nababasa niya ang mga dapat pindutin. Pero si Poppy, wala siyang ideya sa mga nakasulat doon.‘Yon din ang nakikita kong dahilan ngayon kung bakit siya naligaw kanina. Dahil hindi niya kayang basahin kung nasaang palapag na siya, gayong mayroon namang mga signages na matatanaw sa taas. Pero bakit? Bakit hindi siya marunong magbasa? Hindi ba siya pinag-aral ng parents niya?My chest tightened as I pondered that thought. It felt like I wanted to confront Chloe right then about her sister's situation. Kung bakit hinayaan nila ito na hindi matutong bumasa gayong seventeen years old na ito. Another troublin
CHAPTER EIGHTEEN: BLUEBERRY COOKIES✧FAITH ZEICAN LEE✧KINABUKASAN. Sunday, ay bumisita muli ako sa bahay nila Chloe. May dala akong flower bouquet na para kay Chloe, at ang blueberry cookies na bineyk ni mommy para naman kay Poppy. Medyo marami ‘yon kaya makakatikim naman silang lahat.Hindi sana ako pupunta rito ngayon dahil kahapon lang ay kasama ko naman si Chloe. Pero dahil sa nalaman ko kahapon kay Poppy, mukhang kailangan kong dalasan ang pagdalaw rito sa bahay nila para malaman kung ano ang totoong sitwasyon niya rito sa kanila.Pagdating ko sa kanila, si Chloe ang sumalubong sa akin sa main door. Napangiti agad siya nang makita niya ang bitbit kong bulaklak. Ang totoo, nagkausap kami sa chat kagabi noong nakauwi na sila matapos silang sunduin sa amin ni Mr. Herald. Dahil napansin niya pala ang hindi ko pagkibo sa kaniya noong kumakain na kami sa restaurant matapos kong malaman ang tungkol kay Poppy. Tinanong niya ako kung ano’ng problema. Ang palusot ko, medyo badtrip lang ak