Share

Chapter 2. Engagement Has Been Decided

CHAPTER TWO: ENGAGEMENT HAS BEEN DECIDED

✧THIRD PERSON's POV✧

"Hi, darling!" Sunud-sunod na b****o si Stephanie sa kaniyang mga guwapong apo, sa triplets, habang malapad ang ngiti. Ganoon din kay Summer. "Kumusta kayo?" Nasa likuran nito ang mister na si Carlo Vivar, kilala ring businessman, at ang bunso nilang anak na si Amethyst, na kung tawagin ng triplets at ni Summer ay Tita Baby. Twenty-three na ngayon si Amethyst dahil isang taon lang naman ang age gap nito sa triplets.

"We're fine, Mommyla. Pero si Faith, not so fine." Bumungisngis pa si Hope kaya napukol ito nang masamang tingin ng kanilang Daddy na si Ace.

Pisting yawa kasi itong si Hope. Kinakabahan na nga ang kapatid na si Faith, lalo pa itong hindi mapanuto dahil sa kaniyang panunukso. Alam na kasi nila ang rason ng pagpunta ngayon dito ng kanilang Mommyla.

Ipinagpatuloy nila ang kumustahan habang patungo sila sa dining area. Nauuna ang dalawang mag-asawa, habang nasa likuran naman ng mga ito ang kanilang mga bagets. Si Summer naman at Amethyst ay magkaukyabit na ang braso at nagbubungisngisan dahil sa pagiging close nito.

"Hindi mo raw sinasagot 'yong tawag n'ya," mahinang sabi ni Amethyst sa pamangking si Summer. Ngunit dinig ng triplets ang kanilang usapan.

"Tita Baby, sira 'yong speaker ng phone ko. Kapag may tumatawag, kahit sagutin ko, hindi ako maririnig ng nasa kabilang line. Kaya hindi ko na lang sinasagot."

"I have an extra iphone at home. 15 promax. It's sealed. Hindi ko pa nagagamit. Ibibigay ko na lang sa 'yo next time na magkita tayo."

"Omg! Really?!"

Hindi naiwasang bumaling ni Hope sa dalawa, lalo na sa bunso nilang si Summer para buwisitin ito. "Pa-iphone-iphone ka pa! Samantalang noon, masayang-masaya ka na sa telepono mong Chinese. Tililit tililit wayayu! Tililit tililit arf, arf! Ay ay ay ang galing kong sumayaw! Ay ay ay—"

Naputol ang paggaya ni Hope sa ringtone dahil sa halakhak ni Amethyst. "You're so funny, Hope! But your lyrics is crazy. It's, 'ay ay ay I'm your little butterfly'. Hindi 'ang galing kong sumayaw'. Ano 'yon? Totoy Bibo?"

Hindi naiwasang mapalingon ni Ace at Keycee sa mga bata, lalo na kay Amethyst nang marinig nila ang sinabi nito.

Pagdating sa dining room at lahat ay nakaayos na sa kani-kaniyang upuan ay sinimulan na nila ang pagkain. Magkakatabi ang triplets, ang kanilang parents, ganoon din ang kanilang Lolo at Lola, maging si Amethyst at Summer. Gayon pa man, habang kumakain ay sinimulan na ng kanilang Mommyla ang diskusyon.

"Kids," Stephanie started, her eyes moving over all of them. "I have an announcement to make." Ukol iyon sa nakatakdang engagement ni Faith sa panganay na anak ni Lucio at Jody Herald. "Alam kong may idea na kayo sa sasabihin ko dahil galing sa bahay si Hope kaninang umaga."

"Mommyla naman," reklamo agad ni Hope. "Sa salita mo, parang ginagawa mo 'kong tsismoso. Sinasaktan mo damdamin ko."

"Oh. Are you not?" natatawang biro naman ng kaniyang Mommyla. "Anyways," kay Faith muli nito ibinaling ang tingin. "Faith, your engagement has been decided."

Biglang tumahimik ang kanilang paligid, lahat ng tingin ng magkakapatid ay nakatuon na kay Faith, ganoon din ang kanilang magulang na si Keycee at Ace.

Faith Zeican sighed in resignation to his fate. He always knew they'd end up in arranged marriage anyway. "Who is it, Mommyla?" he asked.

"Chloe Herald, daughter of Jody and Lucio Herald and heiress to an oil empire. As you may know, oil is an industry we have yet to enter, and this will be our chance. Chloe is twenty-two. I haven't met her yet. Mommy at Daddy pa lang n'ya ang na-meet ko kaninang umaga dahil sumadya ito sa bahay."

"Ma," tawag ni Keycee sa kaniyang ina, si Stephanie. Bakas ang pagkabahala sa kaniyang mukha. "Hindi ba dapat ay next year pa? Twenty-four pa lang ang triplets. Sa pagkakatanda ko, kapag twenty-five na sila, 'tsaka nila p'wedeng i-meet ang match nila."

"Keycee, anak. Gano'n din naman 'yon. Ilang buwan na lang naman ang hihintayin. Isa pa, mas okay na ma-meet na ngayon ni Faith ang magiging fiancé n'ya para magkaroon na sila ng pagkakataong kilalanin ang isa't-isa. Engagement pa lang naman ito, Keycee. Hindi pa kasal. Uunahin lang ang engagement para maisaayos na rin ang merger. Faith, sweetie boy?" Bumaling ito kay Faith. "You'll meet her next week, okay?"

Faith stares at his grandmother for a moment, his heart heavy. Then, having no choice, he nodded. "Okay, Mommyla."

Having earned a degree in Business Management, Faith was already an integral part of the companies left behind by Don Adolfo by the age of twenty-four. Therefore, he wasn't surprised that their future might involve business deals. Gayon pa man ay malaki ang tiwala niya sa pagiging King of Matchmaker ni Don Adolfo at 'yon na lamang ang pinanghahawakan niya.

Among the triplets, Faith Zeican was entrusted with the Electronics Company, while his brother Hope was tasked with overseeing the Entertainment Industry. Although neither had yet been appointed as CEO due to their relative inexperience, it was clear to everyone that they were being groomed for these roles.

In contrast, Love Andrei chose a different path. He opted out of a business course and is currently studying to become a scientist. Their youngest sibling, Summer, is in her third year of college, also pursuing a degree in business. From a young age, they all understood that they would eventually be needed to help manage the enterprises left by not only Don Adolfo but also their late great-grandmother, Marlette Tan.

Sa kasalukuyan naman, ang kanilang ama na si Ace na ang tumayong Director ng Lee University. A role he stepped into after the passing of his grandfather, Don Adolfo. Ace has embraced his new responsibilities with dedication, ensuring the university thrives under his leadership. On the other hand, his wife, Keycee, continues to live a life of leisure as a spoiled housewife. From the beginning, Ace has been adamant about her not working, despite her occasional desire to pursue a career. This arrangement has allowed Keycee to focus on managing their household and supporting their family in other ways.

-ˋˏ✄┈┈┈┈

Matapos ang dinner at nang makaalis na ang pamilya ng kanilang Mommyla ay saka naman nagtipon sa living room ang mag-asawang Ace at Keycee, kasama ang kanilang mga anak para pag-usapan ang engagement ni Faith.

"Faith?" seryosong tawag ni Ace sa tahimik niyang anak na halatang malalim ang iniisip. Magkakatabi ang triplets sa couch, habang nakapagitan naman si Summer sa mag-asawa.

"Yes, Dad?"

"Parang wala ka sa sarili. Sabihin mo, hindi ba okay sa 'yo ang arrangement?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Ace. Alam niya ang ganitong pakiramdam dahil pinagdaanan niya rin ito noong kasalukuyan pa lang silang sine-set-up ni Keycee.

"No, Dad. It's, uhm, I-I'm okay."

"You're not. Maloloko mo ang sarili mo, anak. Pero hindi ako." Ace sighed. "Just meet her for a week. See how it goes. Kapag hindi naging maganda ang pakiramdam mo sa kan'ya, or sa tingin mo hindi kayo compatible, tell me."

"Ano'ng gagawin mo, hubby?" takang tanong ng kanilang ina.

"Uunahin nating isalang si Hope," Ace joked, and it made Hope roll his eyes.

"Wala talagang nagmamahal sa 'kin sa pamilyang 'to. Aminin n'yo nga, ampon lang ba 'ko?"

Napairap din sa kaniya ang kapatid na si Summer. "Parang sira 'to! Kung sakaling may ampon man sa atin, iisipin kong ako 'yon, dahil ako lang ang naiiba ang itsura. Kayong tatlo, iisa ang wangis n'yo. Mukha kayong mga pinagbiyak na kubeta!"

"Manahimik ka r'yan, bungang-araw!" ganti niya rito.

"Ikaw talaga, Hope, kung anu-ano na lang ang tinatawag mo sa mga kapatid mo," sermon ng kanilang ina.

"Bagay naman kay Summer, eh. Tag-init kasi 'yong pangalan n'ya, uso ang bungang-araw." Humalakhak pa si Hope, ngunit mabilis din sumeryoso nang dunggulin ni Love ang braso nito. "Dad, ayoko pang ikasal. Tamang si Faith na lang ang mauna," patuloy ni Hope. "O kaya si Andreng—"

"No," Love interrupted him. "I'm still studying."

Bumuntonghininga muli si Ace at binaling ang tingin kay Faith. "Just a week, Faith Zeican. Kapag nakita mo na si Chloe at naramdaman mong hindi kayo magkakasundo, your mom and I will do our best to talk to your grandmother to call off the engagement. You hear me?"

"Dad, why are you talking to me like I'm a baby? I can handle it. Don't worry."

"You're still our baby, Faith," ani Keycee sa kaniya. "Kahit ano pang edad ang abutin n'yo, mananatili kayong baby sa amin ng daddy n'yo."

Habang nag-uusap-usap silang mag-iina, biglang natahimik si Hope nang maramdaman nitong nag-vibrate ang phone niya sa kaniyang bulsa. Kinuha niya ito at binuksan ang chat na natanggap, kasunod ang pagbaling niya kay Faith habang namimilog ang mga mata at natatawa.

"Hell. You're done for, Faith!" Naagaw niya ang atensyon ng kaniyang pamilya. "I've just found out that your soon-to-be fiancé is bitchy and whiny. The ultimate spoiled, materialistic airhead from the Herald family."

"Saan mo naman nasagap 'yan?" taas ang kilay na tanong ng kanilang ina. Bago pa kasi sila pumunta rito sa living room ay nagpadala na si Hope ng mensahe para ipaalam ang nalalapit na engagement ni Faith. Binanggit niya rin sa kausap kung sino ang magiging fiancé ng kaniyang kapatid.

Hope grinned. "Secret. Clue; Betlog ang palayaw n'ya."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Marilyn Aramay
magandang ka bonding c Hope galing mo magbigay ng nickname Hope
goodnovel comment avatar
Elle M.
si ryan talaga naiimagine ko kay Hope hahahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status