MATAPOS makatanggap ng tawag mula sa istasyon ng mga pulis ay agad na nagtungo roon si Leopold kasama si Raymund.
Nang makababa mula sa sasakyan ay nahagip pa ng paningin ng binata ang isang papaalis na babae mula sa istasyon ng mga pulis. Hindi na niya pinagtuunan pa ito ng pansin at agad na pumasok sa loob nakasunod naman sa kaniya ang kaniyang pinsan.
Mabilis na umikot ang mga mata ni Leopold sa paligid upang hanapin ang anak. Si Raymund na lamang ang nakipag-usap sa mga pulis habang abala ang binata sa pag oobserba sa paligid.
Patakbong lumapit sa isang bench si Leopold nang matagpuan ng kaniyang mga mata roon ang anak. Mahimbing itong natutulog. Ininspeksyon pa niya ang mga braso at paa ni Lia kung may sugat ba ito.
Nagpapasalamat na napabuntong-hininga si Leopold nang masigurong wala itong kahit na anong galos. Nang muli niyang tapunan ng tingin ang anak ay doon lamang niya napansin ang pink na scarf na nakabalot sa bata.
Nilapitan niya sina Raymund at ang pulis na kasalukuyang kausap nito.
“Excuse me?”
Hinarap naman siya ng dalawa.
Itinanong niya sa pulis kung kanino ang scarf na nakabalot kay Lia. Ipinagbigay alam naman sa kaniya ng lalaki na ang babaeng tumulong sa kaniyang anak ang nagmamay-ari niyon.
Hindi na umano nakuha pa ng mga pulis ang identity nito sapagkat agad itong umalis matapos makatanggap ng tawag.
Bigla namang pumasok sa kaniyang isipan ang babaeng nakita niyang lumabas nang sila ay makarating sa istasyon.
Hindi man niya ito nakilala ng personal ay taos puso pa rin ang kaniyang pasasalamat sa babae dahil kung hindi dahil dito ay baka napahamak na ang kaniyang anak.
“Daddy…”
Napalingon si Leopold pati na rin sina Raymund at ang pulis na kausap nila nang marinig ang boses ni Lia.
Papungas-pungas itong bumangon habang kinukusot-kusot ang isang mata.
“Hi baby, gusto mo nang umuwi?” tanong niya nang makalapit kay Lia.
Nagpalinga-linga ang bata nang tuluyan na siyang matauhan. “Where’s Ate Andy?”
“Ate Andy?” kunot noong tanong naman ni Leopold.
Tumango ang bata ngunit hindi na ito muling sumagot pa. marahil ay ito ang pangalan ng tumulong sa kaniyang anak.
“Halika, umuwi na tayo.” Anyaya niya kay Lia kasabay nang pagbuhat niya rito. Hindi naman na kumontra pa ang bata at kumapit na lamang sa kaniyang mga balikat.
“Tito Mund!” sigaw ni Lia nang mamataan ang kaniyang pinsan na kausap ng isang pulis.
Mabilis na nagpasalamat si Raymund sa pulis at tinalikuran ito upang puntahan sila. “Little Peanut!”
Si Raymund naman ang kumarga kay Lia nang siya ay makalapit sa mag-ama.
“We’re so worried. Saan ka ba nagpunta? Ang bata-bata mo napakagala mo na.”
Natawa naman si Leopold sa tinuran ng lalaki. Iniwan niya muna sandali ang mga ito upang kunin ang nakaparadang sasakyan upang makauwi na sa kanilang tahanan.
NANG makarating sa tapat ng kanilang bahay ay matamang pinagmasdan ni Leopold ang nahihimbing na si Lia.
Matapos kasi nilang maihatid pabalik sa restaurant si Raymund ay nakatulog na ang bata sa bisyahe.
Napangiti ang lalaki nang gumalaw ang mga labi ni Lia habang ito ay natutulog.
Lumabas kasi ang biloy nito kaya naman napaka-cute nitong pagmasdan para sa kaniyang pananaw.
Sa isipan ni Leopold ay ninanais niyang maibigay ang lahat alang-alang kay Lia.
Sisiguruhin niya na makapagaaral ito at makapagtatapos sa isa sa mga pinakamagandang unibersidad sa pilipinas.
Hindi niya ninanais na danasin rin nito ang mga paghihirap na dinanas ng kaniyang pamilya bago pa man siya maging isang ganap na kasapi ng sandatahang lakas noon.
Bubuhatin na sana ni Leopold si Lia upang pumasok na sa loob ng bahay at mailipat ito sa higaan nito nang may mapansin siyang anino sa gawing gilid ng bahay.
At dahil nga napatay na niya ang ilaw ng sasakyan kanina ay tanging ang liwanag na lamang ng buwan ang tumatanglaw sa kanilang paligid. Marahan niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas mula roon.
Dahan-dahan siyang lumapit kung saan niya nakita ang anino. Nang makaramdam ng mga paggalaw ay inihanda ni Leopold ang kaniyang sarili.
Halata ang pagkabigla sa mga mata ng isang lalaking nababalutan ng tela ang kalahati ng mukha. Nanlaki ang mga mata nito na tila ba hindi niya inaasahang magkikita sila ng binata roon.
“Sino ka?” tanong ni Leopold. Sinubukan niyang hawakan ang lalaki mula sa suot nitong jacket subalit pumiksi ito at mabilis na tumakbong palayo. “Damn it!”
Hindi na sinubukan pang humabol ni Leopold sa lalaki, bagkus ay tinungo na lamang niya ang kaniyang sasakyan kung saan nahihimbing ang kaniyang anak. Hindi niya alam dahil baka mayroon pa itong mga kasama.
Nang masiguro niyang wala ng tao sa paligid ay kaagad niyang binuhat si Lia at tuluyan nang pumasok sa kanilang tahanan. Ini-lock niya ang pinto at binuksan ang mga ilaw sa paligid ng kanilang bahay.
Pakiwari niya ay magnanakaw ang lalaking nakita niya kanina. Malas lamang nito dahil nakauwi na siya nang tangkain nitong pasukin ang kaniyang bahay.
Ipinagsawalang bahala na lamang ni Leopold ang naging kaganapan. Matapos niyang ilipat sa silid si Lia ay tinungo naman niya ang mga nalabhan ng damit at hinanap doon ang uniporme ni Lia.
Pa-planstahin niya pa kasi iyon para sa pagpasok ng bata kinabukasan. Matapos plantsahin at mailagay sa hanger ay isinukbit na niya iyon sa loob ng closet ni Lia.
Kumuha siya ng beer in can sa refrigerator at umupo sa sofa. Binuksan niya ang telebisyon upang manood sandali bago siya magpahinga sa kaniyang silid.
Makailang ulit siyang naghanap ng palabas na maaaring panuorin sa iba’t-ibang channel at nakakailang beer na rin siya nang naiinom hanggang sa mapahinto at mapatutok sa isang war movie ang kaniyang mga mata.
Ang movie ay patungkol sa mga sundalong pinoprotektahan ang kanilang kampo laban sa mga Taliban members. Hindi naman maiwasan ni Leopold na sariwain ang naganap sa Palestina.
Sa bawat putok ng baril na naririnig niya mula sa palabas ay pakiramdam niya muli siyang napadpad sa pinakamalagim na sandali ng kaniyang buhay. Sandaling pilit niyang ibinabaon sa limot subalit kusa namang nagbabalik upang pasakitan ang kaniyang loob.
Maya-maya ay unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ni Leopold.
Dala na rin marahil nang kalasingan ay unti-unti nang binabalot ng kadiliman ang kaniyang buong kapaligiran.
Sa tuluyang pagpikit ng kaniyang mga mata ay siya rin namang paglandas ng mga luha mula rito. Bago pa siya tuluyang panawan ng ulirat ay umusal muna siya ng isang mapait na salita.
“I’m sorry, everyone…”
MAHIHINANG pagyugyog ang nagpamulat kay Leopold kinabukasan.Nabungaran niya ang bagong paligong si Lia. Bitbit nito ang uniporme nitong pinalantsa pa niya kagabi.
Tinanaw niya ang oras mula sa wall clock. It’s almost seven in the morning.
Mahinang napamura si Leopold at napabalikwas nang bangon. Mahuhuli na kasi si Lia sa klase nito para sa araw na iyon.
Napagtanto rin niya na hindi na pala siya nakalipat sa kaniyang silid nang nagdaang gabi. Agad niyang binihisan si Lia at mabilis na tumakbo patungo sa kaniyang kwarto upang sandaling maligo at magpalit ng damit.
Matapos ang halos sampung minuto lamang ay handa na para maghatid sa kaniyang anak si Leopold. Suot ang denim pants at kulay rosas na long sleeves ay lumabas na mula sa kaniyang silid ang binata.
Umikot pa siya sa harapan ni Lia na tila ba isa itong hurado para sa kaniyang napiling damit sa araw na iyon. “Pogi ba ang daddy?”
Kumunot ang noo ng bata na siya namang nagpasimangot kay Leopold.
Hindi naglaon ay nag thumbs up ito sa kaniya habang nakangisi. Natawa na lamang si Leopold sa anak.
Nang marating ang day care center ay sinalubong sila ng guro ni Lia. Nagbatian naman ang binata at ang guro.
Nagpaalam na ang mga ito sa kaniya at pumasok na sa classroom nito.
Agad namang pinasibad ni Leopold ang kaniyang sasakyan. Magtutungo na siya sa Lia’s gourmet. Kahit pa kasi sabihing mayroon siyang mga tauhan doon ay iba pa rin kung magiging hands on siya sa kaniyang negosyo.
“Good morning, Sir L!” bati ni Harmony kay Leopold nang makita niya ito habang nagpupunas ng mga table. “Guwapo natin ngayon ah!”
Binatukan lamang ni Leopold ito at saka nagtuloy-tuloy na sa loob. Binati rin siya ng iba pa nilang mga empleyado roon.
“Marami bang customers kahapon? Sorry, something came up kaya hindi na ako agad na nakabalik dito.”
Nakakaunawa namang tumango si Harmony sa kaniya. “It’s okay boss. Tumawag naman dito si Sir Mund kaya aware kami sa nangyari. Naku! Mabuti na lang talaga at nakita ninyo kaagad si kulit dahil kung hindi baka kung ano na ang masamang nangyari sa kaniya.”
Natutuwa naman si Leopold sa ipinakikitang pagmamalasakit ng binata sa kaniyang anak. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing nila ni Lia na parte ito ng kanilang munting pamilya. Sa katotohanan ay hindi lamang ito, kundi pati na rin ang iba pa nilang mga empleyado.
“Yeah, thanks to the lady who took care of my daughter.”
Nag salubong naman ang kilay ni Harmony dahil sa narinig. “Lady?”
“Lia was found by an unnamed lady and brought her to the police station. According to Lia, inilibre pa raw siya nito ng mga pagkain dun sa maligayang bubuyog na fastfood.” Paliwanag ni Leopold.
“Is that so? Mabuti na lang. Pero chick kaya iyong nakakita kay—Aray!”
Hindi na natapos pa ni Harmony ang gusto niyang sabihin nang bigla siyang batukan ni Leopold. “Stop that nonsense. Get back to work, you dimwit!”
Habang nagpupunas ng mga table sina Harmony at Leopold ay bumukas ang glass door ng restaurant. Iniluwa niyon ang ilang mga nag gagandahang mga kadalagahan. Namukaan kaagad ni Leopold ang isa sa mga ito.
At dahil nga hindi siya interesado katulad ni Harmony na parang luluwa na ang mga mata dahil sa mga anghel na nakikita ay pumasok na siya sa kusina.
Aaliwin na lamang niya ang sarili sa pagluluto sa kung ano man ang nais na kainin ng mga bagong dating.
“Ate Vicky. Magpahinga ka na muna ako na muna ang mag luluto,” utos niya sa kaniyang kusinera.
“Naku, Sir! Mauusukan lang po ang damit ninyo riyan. Sayang naman ang porma ninyo ngayong araw kung mangangamoy ulam kayo,” pagtanggi pa ng kusinera.
Bahagya namang natawa si Leopold sa tinuran nito. Ngunit hindi pa rin siya nagpapigil dito. Maya-maya lang ay sumungaw na mula sa ordering window si Harmony.
“Boss! Three orders of carbonara and chicken cordon bleu and isang order ng tuna pasta. Iced tea ang drinks nilang lahat!”
“It’ll be out after forty-five minutes!”
“Copy!”
Nang mga sumunod ngang minuto ay nakatuon lamang ang buong atensyon ni Leopold sa pagluluto. At dahil nga kailangan pang lutuin ang order ng mga customer ay dinadamihan na lamang niya ang niluluto upang ang mga susunod na oorder ay hindi na maghihintay pa ng matagal.
Matapos mailuto ang lahat ay inilibas din naman kaagad ni Harmony ang mga ito at inihain sa kanilang mga customer.
Napansin naman ni Leopold na ligayang-ligaya ang binata sa pagsisilbi sa mga customer na diyosa kung tawagin nito.
Hindi lamang siya ang natatawa sa kalokohan ng binata kundi pati na rin si Aling Vicky na siyang ka-kuwentuhan niya ng mga sandaling iyon.
Pinag-uusapan nila ang mga ingredients na malapit nang maubos nang muling bumalik si Harmony sa kusina.
Napalingon naman sina Leopold at Aling Vicky dito. “May dumating na customer ba ulit? Anong order nila?”
“No, wala boss. Ipinatatawag ka kasi nung mga diyosa. Gusto raw nila ma-meet yung nag luto ng mga pagkain.”
“Why is there something wrong? Hindi ba nila nagustuhan?”
“Nope. Actually, sarap na sarap nga sila eh. Pupurihin ka lang siguro nila.”
Hindi na nga nag sayang pa ng panahon si Leopold. Kung ang gusto ng customer ay makilala ang nag luto ng mga pagkaing kinain nila ay hindi niya ito maaaring tanggihan.
Natulala ang isa sa mga babae nang makita siyang papalapit habang ang iba naman ay bakas sa mga mukha na kinikilig.
“Mga diyosa naming customer siya po ang nag luto ng mga inorder ninyo,” pagpapakilala ni Harmony sa kaniya.
“Oh my god. Is that you, Leopold Rodriguez?” maarteng tanong ng isa sa mga babae.
“Yeah. It’s nice to see you again, Kristin.”
Naguguluhan namang nagpalipat-lipat ang tingin ng iba pa kay Kristin at Leopold. Maging si Harmony ay ganito rin ang ginawa.
“You knew that hottie?” bulong ng babaeng katabi ni Kristin. Tumango naman dito si Kristin.
“Yep. He’s my ex.”
LEOPOLD had spent the past three days working from his restaurant after their mission. Trying to forget how he barely see any signs of Bart and Malia. Their brothers in the organization are relentlessly working to track down the man who took his daughter but to no avail. He will visit Julie at their medical facility later. His friend just woke up few hours ago. They thought they were about to lose Julie but thank all the gods of mankind they didn’t. He was about to wrapped up when a familiar face entered the restaurant. “Mr. Rodriguez, long time no see!” said the man who arrived. “Mr. Lacasa. Great to see you,” ani Leopold. “Is it?” pagbibiro pa ng matanda na sinundan nito ng malutong na halakhak. Hindi alam ni Leopold kung bakit pero hindi talaga siya napapakali kapag nasa malapit ang matanda. Pero na ganito pa ang nararamdaman niya ay hindi naman niya ito maaaring itaboy sapagkat “I haven’t seen you in a while, Mr. Rodriguez. Are you busy with something else?” tanong ni Conrad
THE sound of someone making breakfast awoke Leopold from his slumber. Every instinct deep down told him to keep his eyes closed, but he knew it was a fool’s errand. Time was passing, and he was almost out of it.He opened his eyes to see Atlas smiling at him, “Good morning,” Atlas greeted, “slept well?”Leopold nodded slightly, unsure how to respond. “Yes, what are you doing here early this morning?” he said as she slowly got up. “When this is all over, we have a lot to talk about you and me.”Atlas furrowed his eyebrows. “About what?”“About your frequent trespassing here at my house, you dipshit!” Leopold extracted his self from the bed, hearing the joints in his back popping. In few short minutes, he was done taking a bath and went downstairs. Atlas and Julie had a hot bowl of soup and a side of bacon waiting for him.“Come on! Dig in!” Julie invited.“You can cook?” Leopold inquired making the woman spout.“Of course. Do you really think you’re the only one who can cook among all
THE gong sounded, and Hiroshi and Asahi limped and stumbled back to their starting marks. They exchanged pleasantries of bowing to each other and their grandfather. Hiroshi went to his defensive stance, while Asahi went on to his offensive strikes. The round kicked off with Asahi screaming wildly, smashing his left hand and his feet against Hiroshi’s defenses. Hiroshi blocked what must have been a dozen strikes effectively despite his poor balance with one good leg. Finally, Asahi seemed to collapse as his eyes closed. Instinctively, Hiroshi, tried catching his brother. Leopold saw what was happening before Asahi opened his eyes. Exploiting your older brother’s protective instinct to get him to drop his guard. You rotten bastard! Leopold thought at the back of his mind. Asahi’s left hand sprung like a rattlesnake toward the center or Hiroshi’s chest. Hiroshi gripped his brother’s forearm, desperately trying to keep the lethal object of his hand off her heart. Asahi seesawed with hi
LULAN ng dalawang sasakyan ay mabilis na tinalunton nina Leopold ang daan na maaaring tinahak ni Bart kasama si Malia.Ngunit hindi na nila makita pa ang mga ito. Maging ang grupo ni Jonas na umikot pa upang sana ay salubungin ang mga ito ay hindi sila nagawang maabutan.Alam ni Leopold na hindi sasaktan ni Bart ang bata ngunit may kung anong bagay ang nag bibigay sa kaniyang dibdib ng kaba. Kaba na kanina pa hindi naaalis sa kaniyang sistema.Kasalukuyan na silang pabalik ngayon sa Headquarters ng Crow. Naroon din na nag aabang ang ilan pa nilang mga kasamahan na hindi nakasama sa ibang sumaklolo sa kanila.“Is everyone safe, Sir Jonas?” tanong ni Abel habang katabi ang kakambal na si Cain.“Thankfully, Yes.” Jonas replied.“Thank god!” Napahalukipkip na tugon pa ng lalaki.Hindi nag tagal ay dumating na rin ang grupo nina Leopold. Nanlulumong napaupo ang lalaki sa high stool ng bar. Napansin ito ng iba pa ngunit hindi na lamang sila nag salita.Matapos bigyan ng isang baso ng scotch
NO ONE couldn’t fathom how uneasy Leopold was. Almost a dozen of armed men were in front of them. A small move and they will be dead. The worst case scenario— His daughter will die as well.His mind tried to calculate any escape route but to no avail. They were surrounded. One resistance from them and the three of them would be dead meat in an instant.A shape of a human being emerges from the darkness. Leopold was stunned upon seeing the man standing in front of him. It was Bart.His serious face began to show emotions that he tried to suppress long ago when he saw Malia. His daughter.“How did you find us?” Leopold asked the man.“It is not that hard to track your whereabouts, Leopold.” Bart answered.Muli nitong sinipat ng tingin si Malia. Humarang naman si Leopold nang mapansin ito. “Why are you doing this? Why did you join the Golden Circle?”“To get my revenge to you,” tugon nito bago muling tiningnan si Lia na nagtatago sa likuran ni Mira. “And to get my daughter back.”Parang
PARANG ipo-ipo sa ginawang pag kilos ang lahat. Kaagad na tumakbo patungo sa van sina Julie, Faustus at Leopold upang kunin ang kanilang mga baril.Habang si Mira naman ay kagyat na hinila sa isang gilid si Lia na naguguluhan sa mga nangyayari.“Tita? What are you playing po?” Nagtatakang tanong ng paslit na ang akala ay naglalaro lamang ang mga nakatatanda.“Uhh…” Umikot muna sa paligid ang mga mata ni Mira bago sagutin ang bata. “We’re about to play hide and seek baby, at tayong dalawa ang magkakampi kaya huwag kang aalis sa tabi ni Tita Mira, okay?”“Okay po,” sagot naman ng bata.“Leopold, Faus, Julie, Flint! With me!” utos ni Jonas.Nag-aalala naman na napatingin si Leopold kay Mira at Lia. Hindi niya nais iwanan ang anak sa gitna ng kaguluhan.“Don’t worry, I’ll take care of your daughter,” paniniguro ni Mira sa nag-aalalang ama.“I’ll be with them, Pare. Huwag kang mag-alala,” singit naman ni Atlas.Matipid na ngumiti naman si Leopold sa kanila. “Thank you guys. Take care.”“Le