NANLAKI ang mata ng mga kasama ng babaeng nagngangalang Kristin. Pati si Harmony na nagse-serve sa kabilang table ay napaubo nang malaman na ex-girlfriend pala ito ng kaniyang amo.
“It’s good to see you again after so many years, Leo.”
Ngumiti lang kay Kristin ang binata. sa totoo lang ay wala naman talaga siyang pakialam sa pagkikita nilang ito. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay sa kaniyang restaurant napiling kumain nito.
“I can’t believe that you’re still poor after all these years. God, it’s really a good choice to break up with you when we were in high school or else, losyang na siguro ako sa sobrang stress sa iyo,” maarteng saad pa ni Kristin.
Magsasalita na sana si Harmony na kapansin-pansin ang pag dilim ng anyo. Hindi niya maatim na nilalait-lait lamang ang taong tumulong sa kaniya na makapag tapos ng pag-aaral at tumuring sa kaniya bilang kaparte ng pamilya nito.
Subalit agad siyang napigil ni Leopold na blangko ang ekspresyon. Dahil dito ay ipinagpatuloy na lamang ni Harmony ang pag pupunas sa iba pang mga mesa habang nakikinig sa mga ito.
“So, he’s really poor? Sayang ang hot pa naman sana,” nanghihinayang na wika ng isa sa mga kasamang babae ni Kristin.
Hindi naman alintana ni Leopold ang mga panlalait at ang mga may panghuhusgang tingin sa kaniya ng mga ito kahit pa halos ang buong restaurant na yata ang nakaririnig sa mga pinag-uusapan nila dahil sa lakas ng boses ng mga babae.
“Pero to be honest, Leo. Mabuti na lang at nakapasok ka sa restaurant na ito. It’s quite famous because of its good food. And knowing you being the chef of one of its branches is an achievement even for you,” dagdag pa ni Kristin.
Naghagikgikan pa ang mga kasama ni Kristin na kung umasta ay mga tunay na mayayaman. Samantalang halata naman sa kilos ng mga ito pilit lamang nilang niloloko ang kanilang mga sarili na kabilang sila sa mga taong may matataas na antas ng buhay sa lipunan.
“Aren’t you being too rude to the young man, ladies? I think it’s time for you to stop making fun of him.”
Nabaling naman sa katabing table ng mga babae ang tingin ni Leopold at ng mga dalaga. Nakangiti sa kanila ang isang lalaki na bagamat makikita sa kulay ng buhok ang katandaan ay matikas pa rin ang postura. Maging ang mga buhok nito sa mukha ay namumuti na rin.
Hindi katulad ng mga babaeng ito na posturang-postura nang mag punta sa Lia’s gourmet ay nakapambahay lamang ang matandang lalaki. Pero parang pamilyar kay Leopold ang lalaki. Hindi lamang niya maalala kung saan niya ito nakita.
“Who are you ba manong? Why are you being so pakialemero?” sagot ng isa sa mga babae.
Natawa naman dahil dito ang matanda.
“Me? Oh, I’m just a nobody.”
“Nobody pala eh, you should mind your own business, old jeezer!” bulyaw ni Kristin sa matanda.
Nagkibit-balikat lamang ang matanda at pagkatapos ay napatingin kay Leopold na sinuklian naman ng binata ng nagpapasalamat at nagpapaumanhin na tingin.
“I think it’s time for you to stop, ladies. Binabastos na ninyo ang customer namin. You’re all grown up. You should behave like one, especially you, Kristin. I’m utterly disappointed with you. You all should leave.” Pahayag ni Leopold.
Parang bang pinagpraktisan ng mga babae ang mga sumunod na nangyari.
Sunod-sunod kasing nagsalubong ang mga kilay ng mga ito. Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Leopold dahil sa nakita ngunit napigilan niya ang kaniyang sarili na gawin ito.
“And who are you to tell us to leave, Leopold? Mga customer kami and you’re just a simple chef who cooks in my favorite restaurant!” sigaw ni Kristin sa kaniya na para bang sinapian ng dalawampung demonyo ang itsura dahil sa labis-labis na pagkakalukot ng mukha nito.
Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi ni Leopold. “This is my restaurant.”
Makailang beses napakurap si Kristin dahil sa narinig. Pilit na pinoproseso ng maliit niyang utak ang sinabi ni Leopold.
“N-no way! You’re lying!”
Napakamot naman sa kaniyang sentido si Leopold. Hindi niya akalain na sa paglipas ng mahabang panahon ay mapurol pa rin ang utak ng babaeng nasa kaniyang harapan.
“Nakikita mo ba ‘yung pangalan ng restaurant sa labas? Lia’s my daughter and I own your favorite restaurant,” saad ng binata kasabay nang pagturo niya sa logo ng kaniyang restaurant.
“You all should leave kung ayaw ninyong ipakaladkad ko pa kayo sa mga guwardiya sa labas.”
Tatalikuran na sana ni Leopold ang mga ito nang may maalala siya kaya naman ay pumihit siyang muli paharap sa mga ito. “By the way, you don’t need to pay. It’s all free of charge. Libre ko na sa’yo at sa mga kaibigan mong mukhang pinagsasampal ng ilang beses ang itsura dahil sa sobrang pula ng mga pisngi.”
Labis ang pamumula ng mga mukha ng magkakaibigan dahil sa pagkapahiyang inabot nila mula sa lalaki. nagdadabog na dinampot nila ang kanilang mga bag at lumabas sa restaurant.
Nakangisi pang kinakawayan ni Harmony ang mga ito. Galit siya sa mga ito dahil sa panghahamak na ginawa nila sa kaniyang amo kaya naman kahit na napakagaganda para sa kaniyang paningin ng mga ito ay labis ang kaniyang kagalakan nang supalpalin ni Leopold ang mga ito.
Habang nakaupo si Leopold sa kusina ay may agad siyang naalala. Dali-dali siyang lumabas. Hinanap ng kaniyang mga mata ang matandang umawat kina Kristin kanina.
Naalala na niya kung saan niya ito nakita. Nakita niya ang litrato nito sa isang millionaire’s magazine. Isa ito sa mga top businessman sa bansa. Si Teddy Herrera. Ang nagmamay-ari ng pinakamalaki at pinakamaunlad na chain of restaurants sa bansa.
Nang hindi na niya matanaw ito sa loob ng restaurant ay tinungo niyang kaagad ang glass door at itinulak iyon.
Naapuhap ng kaniyang mga mata ang matanda na pasakay na sa sasakyan nito
Sa tabi nito ay isang bodyguard na nakasuot ng kulay itim na amerikana habang pinagbubuksan ng pinto ang matanda.“Sir!”
Napalingon naman sa binata ang matanda. Agad na nilapitan ito ni Leopold. Nakasunod naman sa kaniya si Harmony.
“Oh, Mr. owner! May maipaglilingkod ba ako sa’yo, iho?”
“Wala po. Ipagpaumanhin po ninyo ang pang-aabala ko sa inyo. Hihingi lang din po sana ako ng paumanhin dahil sa pambabastos sa inyo ng mga naging customers ko kanina,” paliwanag ni Leopold.
“Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin sa akin, iho. Hindi naman ikaw ang nambastos sa akin. And I admire your attitude earlier. It is hard to be as cool as you in front of rude customers like them. But you nailed it. You have my respect for that.”
Inilahad ng matanda ang kamay sa kaniya na agad naman niyang tinanggap. Matapos nito ay nagpaalam na ito sa kaniya.
Hindi naman makapaniwala si Leopold na ang isang successful na may-ari ng mga naglalakihang restaurants sa bansa ay naging customer niya ng araw na iyon.
“Sino ‘yon, boss? Bakit mukhang proud ka na nakausap mo siya ngayon?’ nagugulumihang tanong ni Harmony.
“Mag basa ka ng millionaire’s circle magazine. Malalaman mo ang sagot sa tanong mo. Let’s go!”
Hindi naman na nag salita pa si Harmony at agad na sumunod sa lalaki.
Nang makabalik sa kanilang mga puwesto ay naging abala na ang lahat dahil sa naging sunod-sunod ang pag dating ng mga customers.
Hapon na nang mawalan ng customers ang restaurants. Nahahapong napaupo sa isang upuan si Leopold.
“Boss hindi mo susunduin si kulit ngayon? Hapon na ah?” tanong ni Harmony na nanlalanta na rin sa pagod para sa araw na iyon.
“No. Si Raymund na muna ang susundo sa kaniya today. Mamamasyal daw sila eh,” tugon naman ni Leopold.
Lumabas mula sa kusina si Aling Vicky na may dalang dalawang baso ng orange juice. Ibinaba niya ang isa niyon sa mesang nasa harap ni Leopold at ang isa naman ay sa mesang nasa harapan ni Harmony.
Bumalik naman kaagad ito sa kusina matapos magpasalamat ng dalawang lalaki. Hindi pa nila nauubos ang kanilang mga juice nang muling bumukas ang glass door. Pumasok mula roon ang dalawang customers.
Pabalik na sana si Leopold sa kusina sa pag-aakalang oorder lang ang mga ito nang bigla siyang tawagin ng dalawang lalaki. “Excuse me?”
Nakangiti naman niyang nilingon ang mga ito. “Yes?”
“Are you, Leopold Rodriguez?”
Nagulat naman ang binata sa naging tanong ng mga ito. Paano naman kaya nalaman ng mga ito kung sino siya samantalang hindi naman niya kilala ang mga ito.
“Yes. And who are you again?”
Inilahad ng isa sa mga ito ang kaniyang kamay na tinaggap rin naman ni Leopld out of respect sa mga bagong dating.
“I am Crisostomo Almeda. Magkaklase tayo noong high school and this is Marc Santos, also our classmate.”
Mariing napapikit naman si Leopold at napatingala. “Bakit ba ang dami kong bisita ngayon, Lord?” bulong niya sa sarili.
“Ano ‘yon?” tanong ng lalaking nagpakilalang si Crisostomo.
“Nothing. So, ano ang maitutulong ko sa inyo classmates?” tanong ni Leopold na sinamahan pa niya ng pag ngiti.
“We’re here to invite you sana for our upcoming reunion. Don’t worry we’re not here to ask for donations. Gusto lang namin na personal kang imbitahan.”
Inabutan siya nito ng isang invitation card kung saan nakapaloob ang mga detalye para sa magaganap na reunion.
“Hindi ako sigurado kung makakapunta a—”
“Sige na pare! Minsan lang naman tayo magkakaroon ng reunion eh. It’s been fifteen years na rin naman eh,” pangungumbinsi pa ni Crisostomo.
Matagal na nag isip naman si Leopold. Sa huli ay tuluyan na nga niyang pinaunlakan ang imbitasyon ng dating mga kaklase. Kahit paano naman ay curious din siya sa kung ano na ba ang mga naging buhay ng mga kaklase niya noon.
Hindi na rin naman nag tagal pa ang dalawang lalaki at nagpaalam na upang umalis. Inihatid naman sila ni Leopold hanggang sa labas ng kaniyang restaurant.
May isang linggo pa siya bago maganap ang reunion kaya naman ay hindi niya na muna inisip pa ang mga bagay-bagay tungkol dito.
Sumapit na ang takipsilim. Nag-aagaw na ang liwanag at ang dilim sa labas ng restaurant ni Leopold. Dinial niya ang numero ni Raymund sa kaniyang telepono upang kumustahin ang naging pamamasyal ng mga ito.
Naipagbigay alam ng kaniyang pinsan sa kaniya na kauuwi pa lamang nila ni Lia at kasulukuyan siyang nag luluto ng maaaring maging hapunan ng bata.
Nagpasalamat naman si Leopold para sa pag-aasikaso nito sa kaniyang anak.
Hindi pa kasi siya makauwi kaagad dahil marami pa ang kailangan nilang linisin ngayon. Hindi naman niya maaaring iwan sina Harmony dahil dalawa lamang sila ni Aling Vicky ang naka-duty ng araw na iyon.
“Sir, umuwi ka na. Yakang-yaka na namin ito ni Harmony. Baka hinihintay ka na ni Lia sa inyo,” Paalala ni Vicky sa binata.
“Okay lang po. Naroroon naman po si Raymund sa bahay, at isa pa mahihirapan kayo kung kayong dalawa lang ang tatapos sa lahat ng ito.” Magalang na tugon naman ni Leopold.
Dahil nga dito ay ipinagpatuloy na nila ang paglilinis at pagsasara sa restaurant para sa araw na iyon. Pagkalabas sa restaurant ay napansin ni Leopold ang isang lalaki na nakatayo sa ilalim ng isang street light ilang metro ang layo sa kanila.
Mataman itong pinagmasdan ng binata dahil pakiwari niya ay minamatyagan sila nito. Ngunit ilang minuto lamang ang lumipas ay walang lingon-likod itong umalis at iniwan ang dating kinatatayuan.
Nahihiwagaan man sa lalaki ay hindi na lamang niya ito pinansin. Nagpaalam na siya kina Harmony at sumakay na ng kaniyang sasakyan. Sana lang ay gising pa si Lia sa kaniyang pagdating. Kahit pagod siya ay nais pa rin niyang kumustahin ang naging araw ng kaniyang anak.
Nang makauwi siya ay naabutan niya pang bukas ang mga ilaw sa salas ngunit tanging si Raymundna lamang ang naroroon. Nanonood ito ng boxing habang umiinom ng beer.
“Tulog na ba si Lia?”
“Oh, you’re finally here. Yes, tulog na siya. So, paano aalis na ako ha? May date pa ako eh.”
Binato pa ni Leopold nang dala niyang mansanas ang haliparot niyang pinsan na mabilis namang umeskapo. Siya naman ang umupo ang sa sofa at nagbukas ng beer.
Naalala niya na nalimutan nga pala niyang pasalamatan si Raymund para sa araw na iyon kaya naman agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa at nag send ng text nang pasasalamat sa lalaki.
‘Di kinalaunan ay nagvibrate ang kaniyang telepono. Indikasyon iyon na sumago sa kaniyang text message ang pinsan. Napakunot ang kaniyang noon ang Mabasa ang nilalaman ng text message nito.
“It’s okay, I had fun with Lia as well. Anyway, were you expecting somebody? I saw a man standing in front of your house kanina noong umalis ako.”
Dahil sa nabasa ay nabitiwan ni Leopold ang kaniyang cellphone at agad na lumapit sa bintana. Hinawi niya ang kurtina niyon na sasapat lamang upang makita niya ang nasal abas ngunit hindi siya makikita ng kung sino man ang naroroon.
Inilibot niya ang kaniyang paningin sa labas ng tahanan ngunit wala siyang nakita ni anino man lang ng sinasabi ni Raymund na lalaki. Malamang ay ginu-good time lamang siya ng pinsan.
Ngunit kilala niya ang lalaki. Maloko ito sa babae subalit hindi ito magbibiro ng mga ganitong klaseng bagay.
Maya-maya lamang ay ang ingay nang mga nabasag na salamin ang pumailanlang sa paligid. Basag-basag ang mga salamin sa isa pang bintana ni Leopold.
Nang tingnan niya kung ano ang dahilan niyon ay nakita niya ang isang malaking tipak ng bato na nababalutan ng papel.
Nagimbal siya nang mabasa ang mensahe sa papel.
“I will kill you and your daughter!”
Nakaramdam ng takot si Leopold dahil dito. Takot hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang anak. Kagyat siyang lumabas sa kaniyang tahanan upang alamin kung sino ang may pakana nang pananakot na iyon ngunit bigo siyang makakita ni isa mang tao sa paligid.
Hindi niya batid kung sino ang may kagagawan nito ngunit hindi niya hahayaan na masaktan si Lia ng kahit na sino pa man.
Dadaan muna sila sa kaniyang bangkay bago nila masaling kahit na ang dulo ng daliri lamang ng kaniyang anak.
LEOPOLD had spent the past three days working from his restaurant after their mission. Trying to forget how he barely see any signs of Bart and Malia. Their brothers in the organization are relentlessly working to track down the man who took his daughter but to no avail. He will visit Julie at their medical facility later. His friend just woke up few hours ago. They thought they were about to lose Julie but thank all the gods of mankind they didn’t. He was about to wrapped up when a familiar face entered the restaurant. “Mr. Rodriguez, long time no see!” said the man who arrived. “Mr. Lacasa. Great to see you,” ani Leopold. “Is it?” pagbibiro pa ng matanda na sinundan nito ng malutong na halakhak. Hindi alam ni Leopold kung bakit pero hindi talaga siya napapakali kapag nasa malapit ang matanda. Pero na ganito pa ang nararamdaman niya ay hindi naman niya ito maaaring itaboy sapagkat “I haven’t seen you in a while, Mr. Rodriguez. Are you busy with something else?” tanong ni Conrad
THE sound of someone making breakfast awoke Leopold from his slumber. Every instinct deep down told him to keep his eyes closed, but he knew it was a fool’s errand. Time was passing, and he was almost out of it.He opened his eyes to see Atlas smiling at him, “Good morning,” Atlas greeted, “slept well?”Leopold nodded slightly, unsure how to respond. “Yes, what are you doing here early this morning?” he said as she slowly got up. “When this is all over, we have a lot to talk about you and me.”Atlas furrowed his eyebrows. “About what?”“About your frequent trespassing here at my house, you dipshit!” Leopold extracted his self from the bed, hearing the joints in his back popping. In few short minutes, he was done taking a bath and went downstairs. Atlas and Julie had a hot bowl of soup and a side of bacon waiting for him.“Come on! Dig in!” Julie invited.“You can cook?” Leopold inquired making the woman spout.“Of course. Do you really think you’re the only one who can cook among all
THE gong sounded, and Hiroshi and Asahi limped and stumbled back to their starting marks. They exchanged pleasantries of bowing to each other and their grandfather. Hiroshi went to his defensive stance, while Asahi went on to his offensive strikes. The round kicked off with Asahi screaming wildly, smashing his left hand and his feet against Hiroshi’s defenses. Hiroshi blocked what must have been a dozen strikes effectively despite his poor balance with one good leg. Finally, Asahi seemed to collapse as his eyes closed. Instinctively, Hiroshi, tried catching his brother. Leopold saw what was happening before Asahi opened his eyes. Exploiting your older brother’s protective instinct to get him to drop his guard. You rotten bastard! Leopold thought at the back of his mind. Asahi’s left hand sprung like a rattlesnake toward the center or Hiroshi’s chest. Hiroshi gripped his brother’s forearm, desperately trying to keep the lethal object of his hand off her heart. Asahi seesawed with hi
LULAN ng dalawang sasakyan ay mabilis na tinalunton nina Leopold ang daan na maaaring tinahak ni Bart kasama si Malia.Ngunit hindi na nila makita pa ang mga ito. Maging ang grupo ni Jonas na umikot pa upang sana ay salubungin ang mga ito ay hindi sila nagawang maabutan.Alam ni Leopold na hindi sasaktan ni Bart ang bata ngunit may kung anong bagay ang nag bibigay sa kaniyang dibdib ng kaba. Kaba na kanina pa hindi naaalis sa kaniyang sistema.Kasalukuyan na silang pabalik ngayon sa Headquarters ng Crow. Naroon din na nag aabang ang ilan pa nilang mga kasamahan na hindi nakasama sa ibang sumaklolo sa kanila.“Is everyone safe, Sir Jonas?” tanong ni Abel habang katabi ang kakambal na si Cain.“Thankfully, Yes.” Jonas replied.“Thank god!” Napahalukipkip na tugon pa ng lalaki.Hindi nag tagal ay dumating na rin ang grupo nina Leopold. Nanlulumong napaupo ang lalaki sa high stool ng bar. Napansin ito ng iba pa ngunit hindi na lamang sila nag salita.Matapos bigyan ng isang baso ng scotch
NO ONE couldn’t fathom how uneasy Leopold was. Almost a dozen of armed men were in front of them. A small move and they will be dead. The worst case scenario— His daughter will die as well.His mind tried to calculate any escape route but to no avail. They were surrounded. One resistance from them and the three of them would be dead meat in an instant.A shape of a human being emerges from the darkness. Leopold was stunned upon seeing the man standing in front of him. It was Bart.His serious face began to show emotions that he tried to suppress long ago when he saw Malia. His daughter.“How did you find us?” Leopold asked the man.“It is not that hard to track your whereabouts, Leopold.” Bart answered.Muli nitong sinipat ng tingin si Malia. Humarang naman si Leopold nang mapansin ito. “Why are you doing this? Why did you join the Golden Circle?”“To get my revenge to you,” tugon nito bago muling tiningnan si Lia na nagtatago sa likuran ni Mira. “And to get my daughter back.”Parang
PARANG ipo-ipo sa ginawang pag kilos ang lahat. Kaagad na tumakbo patungo sa van sina Julie, Faustus at Leopold upang kunin ang kanilang mga baril.Habang si Mira naman ay kagyat na hinila sa isang gilid si Lia na naguguluhan sa mga nangyayari.“Tita? What are you playing po?” Nagtatakang tanong ng paslit na ang akala ay naglalaro lamang ang mga nakatatanda.“Uhh…” Umikot muna sa paligid ang mga mata ni Mira bago sagutin ang bata. “We’re about to play hide and seek baby, at tayong dalawa ang magkakampi kaya huwag kang aalis sa tabi ni Tita Mira, okay?”“Okay po,” sagot naman ng bata.“Leopold, Faus, Julie, Flint! With me!” utos ni Jonas.Nag-aalala naman na napatingin si Leopold kay Mira at Lia. Hindi niya nais iwanan ang anak sa gitna ng kaguluhan.“Don’t worry, I’ll take care of your daughter,” paniniguro ni Mira sa nag-aalalang ama.“I’ll be with them, Pare. Huwag kang mag-alala,” singit naman ni Atlas.Matipid na ngumiti naman si Leopold sa kanila. “Thank you guys. Take care.”“Le