THE sound of someone making breakfast awoke Leopold from his slumber. Every instinct deep down told him to keep his eyes closed, but he knew it was a fool’s errand. Time was passing, and he was almost out of it.He opened his eyes to see Atlas smiling at him, “Good morning,” Atlas greeted, “slept well?”Leopold nodded slightly, unsure how to respond. “Yes, what are you doing here early this morning?” he said as she slowly got up. “When this is all over, we have a lot to talk about you and me.”Atlas furrowed his eyebrows. “About what?”“About your frequent trespassing here at my house, you dipshit!” Leopold extracted his self from the bed, hearing the joints in his back popping. In few short minutes, he was done taking a bath and went downstairs. Atlas and Julie had a hot bowl of soup and a side of bacon waiting for him.“Come on! Dig in!” Julie invited.“You can cook?” Leopold inquired making the woman spout.“Of course. Do you really think you’re the only one who can cook among all
LEOPOLD had spent the past three days working from his restaurant after their mission. Trying to forget how he barely see any signs of Bart and Malia. Their brothers in the organization are relentlessly working to track down the man who took his daughter but to no avail. He will visit Julie at their medical facility later. His friend just woke up few hours ago. They thought they were about to lose Julie but thank all the gods of mankind they didn’t. He was about to wrapped up when a familiar face entered the restaurant. “Mr. Rodriguez, long time no see!” said the man who arrived. “Mr. Lacasa. Great to see you,” ani Leopold. “Is it?” pagbibiro pa ng matanda na sinundan nito ng malutong na halakhak. Hindi alam ni Leopold kung bakit pero hindi talaga siya napapakali kapag nasa malapit ang matanda. Pero na ganito pa ang nararamdaman niya ay hindi naman niya ito maaaring itaboy sapagkat “I haven’t seen you in a while, Mr. Rodriguez. Are you busy with something else?” tanong ni Conrad
NAKABIBINGING mga tunog ang maririnig sa paligid. Ang kaninang payapang kapaligiran ngayon ay nabalot na nang karimlan.Ang hiyawan ng mga lumilikas na mamamayan at sigawan ng mga sundalo sa paligid ang nangingibabaw."Captain! There’s too many of them!”Napalingon si Captain Leopold Rodriguez sa isa sa mga team member niya para sa naturang misyon.Kinakailangan nilang mailikas ang mga naipit na sibilyan sa mainit na engkwentro ng mga sundalo at terorista.Ang main team na siyang nauna nang naka-engkwentro ng mga terorista ay unti-unti na ring nagagapi. Most of them were injured. Kaya naman ay ipinadala ang Elite team ni Captain Rodriguez mula sa Pilipinas upang tulungan ang pwersa ng United States sa laban.“Cap! We’re surrounded!” sigaw ng isa pa.Tanging ang mga konkretong bahay na lamang ang siyang nakapagitan sa grupo ni Leopold at mga kaaway.“Damn it!” mura ni Le
PAWIS NA PAWIS si Leopold nang siya ay magising. Mag mula kasi noong siya ay mag mulat sa ospital ay gabi-gabi na siyang binabangungot. Makailang ulit na rin siyang nagkaroon ng meeting with different Psychiatrists sa ospital na kinaroroonan ngunit wala ring naitulong ang mga ito.Ngayong araw na nakatakdang ma-discharge mula sa ospital ang binata. Bagamat may kirot pa rin siyang nadarama dahil sa kaniyang sugat sa likod at binti ay nasa maayos na rin ang pakiramdam niya.Inihahanda na niya ang kaniyang mga gamit sa pag-alis nang pumasok sa kaniyang silid si Lt. Montana. “I see that you’re getting ready to get discharge, Capt. Rodriquez.”Ngumiti naman sa kaniya ang binata. “Yeah, and this is all thanks to you, Doc.”“Nah, thank yourself, Leo. It’s you who followed all my instructions. I just simply did my job as a doctor,” ganting tugon ng babae. “Anyway, I came here to check your con
MABILIS na lumipas ang anim na taon. Kasalukuyan nang nasa grade one si Malia Zoe o Lia para sa tumatayong ama niya na si Leopold.Sa loob ng anim na taon ay kay Lia lamang umikot ang mundo ni Leopold. Matapos siyang maging legal guardian nito at tuluyang makapagbitiw sa serbisyo ay nagtayo siya ng isang munting restaurant na kaniyang mapagkakaabalahan.Hindi man kalakihan ang kaniyang restaurant ay dinarayo ito ng mga tao dahil sa masarap na mga putaheng inihahahain nila rito. Sa katunayan ay nagkaroon na ito ng apat na branches sa iba’t-ibang bahagi ng probinsiya ng Cavite.“Sir, hindi pa po ba ninyo susunduin si Lia? Mag aalas tres na po ng hapon pihadong patapos na ang klase ng batang makulit na ‘yon,” tanong sa kaniya ng isa sa mga cook niya sa restaurant na si Harmony.Isa ito sa pinaka-pinagkakatiwalaan niyang tauhan dahil mabait ito at kasundo ito ni Lia. “Tatapusin ko lang itong order sa table 23 at aalis na rin ako.
KASALUKUYANG tinatalunton ni Andrea ang daan papasok sa shopping district nang may mapansin. Napansin niya ang isang batang babae na may hawak na isang malapad na tablet.Mataman niyang pinagmasdan ito. Nagpalinga-linga pa siya upang subukang tukuyin kung sino sa mga tao sa paligid ang magulang nito ngunit wala ni isa man sa mga ito ang kahawig ng bata.Pababayaan na lamang sana niya ito at itutuloy na ang pagtakas na ginagawa niya sa mga bodyguard na npalaging nakabuntot sa kaniya nang makitang nilapitan ng tatlong teenager ang bata na sa tingin niya ay nasa anim o pitong taong gulang pa lamang.Base sa nakikita niya ay pinipilit ng mga teenager ang bata na ibigay sa kanila ang tablet na hawak nito. Hindi naman nagpapatalo ang bata kahit pa mas malaki ang mga ito sa kaniya.Noong pilit nang inaagaw ng mga teenager sa bata ang tablet nito ay dito na umaksyon si Andrea. Tahimik niyang nilapitan ang mga ito at binatukan ang tatlong ulupong mula sa kanilang
MATAPOS makatanggap ng tawag mula sa istasyon ng mga pulis ay agad na nagtungo roon si Leopold kasama si Raymund. Nang makababa mula sa sasakyan ay nahagip pa ng paningin ng binata ang isang papaalis na babae mula sa istasyon ng mga pulis. Hindi na niya pinagtuunan pa ito ng pansin at agad na pumasok sa loob nakasunod naman sa kaniya ang kaniyang pinsan. Mabilis na umikot ang mga mata ni Leopold sa paligid upang hanapin ang anak. Si Raymund na lamang ang nakipag-usap sa mga pulis habang abala ang binata sa pag oobserba sa paligid. Patakbong lumapit sa isang bench si Leopold nang matagpuan ng kaniyang mga mata roon ang anak. Mahimbing itong natutulog. Ininspeksyon pa niya ang mga braso at paa ni Lia kung may sugat ba ito. Nagpapasalamat na napabuntong-hininga si Leopold nang masigurong wala itong kahit na anong galos. Nang muli niyang tapunan ng tingin ang anak ay doon lamang niya napansin ang pink na scarf na nakabalot sa bata. Nilapitan niya
NANLAKI ang mata ng mga kasama ng babaeng nagngangalang Kristin. Pati si Harmony na nagse-serve sa kabilang table ay napaubo nang malaman na ex-girlfriend pala ito ng kaniyang amo.“It’s good to see you again after so many years, Leo.”Ngumiti lang kay Kristin ang binata. sa totoo lang ay wala naman talaga siyang pakialam sa pagkikita nilang ito. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay sa kaniyang restaurant napiling kumain nito.“I can’t believe that you’re still poor after all these years. God, it’s really a good choice to break up with you when we were in high school or else, losyang na siguro ako sa sobrang stress sa iyo,” maarteng saad pa ni Kristin.Magsasalita na sana si Harmony na kapansin-pansin ang pag dilim ng anyo. Hindi niya maatim na nilalait-lait lamang ang taong tumulong sa kaniya na makapag tapos ng pag-aaral at tumuring sa kaniya bilang kaparte ng pamilya nito.Subalit agad siyang napigil n