PAKIRAMDAM ni Andrea ay nasasakal siya sa ginagawang pag uusap ng mga magulang ni Damian at ng kaniyang ama at lolo patungkol sa nalalapit na nilang kasal.
Pumayag man siya ay mabigat pa rin sa kalooban ni Andrea ito. Hindi rin maitatatwa na hanggang ng mga oras na iyon ay inookupa pa rin ni Leopold ang buong isipan ng dalaga.Nag aalala pa rin kasi siya sa lalaki dahil batid niya na labis na apektado pa rin ito sa pagkawala ni Raymund.“Hello… earth to Andrea?”Kaagad na napatigil sa paglipad ang kaniyang isipan nang tapikin siya ni Damian sa balikat. Magkatabi kasi sila nito sa upuan habang nasa harap naman nila ang mga matatanda.“W-what?”“Itinatanong ng mommy kung gaano raw ba kalaking wedding cake ang gusto mo,” wika ni Damian.Nalipat naman sa nakangiting si Mrs. Enriquez ang tingin ni Andrea. Alanganin siyang ngumiti rito dahil mukhang kanina pa ito naghihintay ng kasagutan mula sa kaniya.“A-ahDAHAN-DAHAN na pumasok si Leopold sa malawak na silid kung saan niya nakitang nakaupo si Red sa harap ng mga taong nakahiga at nakatali sa aluminum table.Sa bawat taong nakahiga sa mesa ay mayroon ding isang taong nakatayo sa gilid ng mga ito. Nakasisiguro siyang mga tauhan ito ni Red.“Faus, where’s Leo?” Dinig pa niyang tanong ni Jonas sa kabilang linya.“North-east side of the building. Inside the last room at the hallway,” tugon naman ni Faustus.“We’re moving, Leo. Wait for us…” Jonas instructed.Hindi naman na sumagot si Leopold. Tangka pa sana siya lalapit at magtatago sa madilim na bahagi ng silid nang may maramdaman siya sa kaniyang likuran.Dahan-dahan siyang lumingon na para bang nasa isa siyang horror movie. Kaagad siyang dumistansya nang makita ang isang malaking lalaki na nakangiting nakatingin sa kaniya.Maikukumpara sa isang wrestler ang panganga
KAHIT pa hindi pumayag si Damian sa nais mangyari ni Andrea ay buo na ang kaniyang pasya. Hindi niya itutuloy ang pagpapakasal sa lalaki.Binabaan niya kaagad ng telepono ito kanina nang mag simula na itong magtaas ng boses. Ipinangako rin niya na babayaran niya ang lahat nang nagastos ng pamilya nito para sa kanilang kasal.Pagkatapos niyon ay kaagad siyang nagtungo sa tahanan ni Leopold. Hindi na siya mag sasayang pa ng pagkakataon. Ipagtatapat na niya rito ang tunay niyang nararamdaman.Sa pagkakataong ito ka-klaruhin na niya ang lahat. Ang lahat ng tungkol sa kanila. Sunod-sunod niyang pinindot ang doorbell ngunit walang sumaaagot mula sa loob. Nakapatay din ang ilaw nito kaya lalo siyang nakatiyak na wala ngang tao sa loob.Saan naman kaya siya nagpunta ng ganitong oras? Tanong niya sa sarili.Hindi na niya kaya pang ipagpabukas ang sasabihin niya sa lalaki. Bumalik siyang muli sa kaniyang sasakyan at pintakbo ang makina nito. Magtutu
PALIPAT-LIPAT ng silid na pinupuntahan si Leopold. Pihado siyang hindi pa nakalalabas ng factory ang bata. At sigurado rin siya na hindi ito makalalayo sa silid kung saan nila natagpuan ang mga kasama nito.Damn it! Where the hell are you, kid? Leopold thought at the back of his mind.Leopold turned around when he heard a sound coming from the room next from where he was standing. He immediately went in front of the room and opened the door.Saglit pa siyang nakahinga ng maluwag nang makita ang isang batang babae na nakaupo at nakasiksik sa pinakagilid na bahagi ng silid. Lalo pa itong nag sumiksik doon nang subukan niyang humakbang palapit dito.Muli siyang napayuko at napakapit sa hamba ng pinto nang muli na namang makarinig ng pagsabog. Hindi na napigilan ng batang babae ang mapahikbi dahil sa takot.Naalala naman ni Leopold ang anak sa bata. Kagyat niya itong nilapitan at inalo. Hinimas-himas niya ang ulo nito dahilan upang magtaas
GINAGAWA nina Jonas ang lahat upang mailabas sina Leopold at ang kasama nitong bata mula sa mga guho. May pagmamadali ang bawat kilos nila dahil sa kondisyon ng bata.“Make it fast! She might die!” sigaw pa ni Flint habang ginagamit ang buong lakas kasama ng iba pa upang alisin ang batong nakapagitan sa kanila nila Leopold.Nararamdaman na rin ni Leopold ang pagnipis ng hangin sa loob. Kaya hindi na siya nagsasalita upang hindi na siya maubusan pa ng hininga.Pinakiramdaman niyang muli ang pulso ng bata. Habang tumatagal ay pahina nang pahina ang pulso nito. At this rate she might really die. But he knew that everyone was doing their best to rescue them.But death won’t wait for them. That is the unspeakable rule between life and death.Gamit ang natitira pa niyang lakas, habang pilit na iniaangat ng mga kasama niya sa labas ang malaking bato, ay siya rin namang pagtulak niya rito mula sa loob.Matapos ang ilang minuto ng s
MALIWANAG ang silid kung saan nag mulat si Leopold. Naitakip pa niya ang likod ng palad sa mga mata upang makapag adjust ang paningin sa liwanag. Inilibot niya ang paningin sa paligid saka niya napagtanto na nasa medical facility siya ng Crow katabi ng kanilang headquarters. Nasilayan pa niya si Andrea na natutulog sa gawing kaliwa niya. Nakatalikod ito mula sa pinto. Para sa lalaki ay napakasarap nitong pagmasdan. Sa payapa nitong pagtulog ay kumakalma ang kalooban niya. Pakiramdam niya kailanman ay hindi siya magsasawa na pagmasdan ito. Napangiti pa siya nang maalala ang ginawa nitong pag-amin sa kaniya kagabi. Lumutang sa saya ang kaniyang puso, maging ang mga tinamo niyang pinsala ay hindi na niya nararamdaman ng mga sandaling iyon. Hinaplos niya ang mukha nito at inayos ang ilang hibla ng buhok na kumawala na mula sa pagkakatali nito. Kagyat niyang binawi ang kamay nang biglang magmulat ang dalaga. Nag iwas siya ng tingin dito at
MATAPOS lang ang ilang araw ay nagagawa na muling makalakad ni Leopold. Ipinaliwanag na rin sa kaniya ni Andrea ang lahat patungkol sa arranged marriage nito.Hindi niya gustong masaktan si Damian ngunit hindi rin naman niya hahayaan na mawala sa kaniya si Andrea.Ayon kay Andrea ay hindi pa rin umano pumapayag ang kaniyang lolo sa biglaan niyang pag-atras sa kasal ngunit ani ng dalaga ay hindi siya susunod sa gustong mangyari nito kahit na ano pa ang mangyari.Walang sinoman ang nararapat na makulong sa isang pagsasamang isa lang ang may gusto. Everyone has their own freedom. Everyone deserves better–and that’s what they believe.Kaya naman upang matuldukan na ito ay magtutungo siya sa tahanan ng mga Herrera at pormal na ipapaalam sa mga ito ang namamagitan sa kanila ni Andrea.Hindi alam ni Andrea ang plano niyang ito at wala siyang balak na ipaalam ito rito dahil natitiyak niyang pipigilan lamang siya ng dalaga.Humugot siya n
KASALUKUYANG naglalakad papasok sa isang fine-dining restaurant sina Julie at Leopold. Kakatagpuin nila rito ang kliyente na siyang nag re-request ng assistance ng Crow. Nasa isang misyon din kasi si Jonas kasama sina Atlas at Mira. Habang si Faustus naman ang naiwan sa headquarters upang pansamantalang humalili kay Jonas. Pinagtitinginan sila ng lahat ng naroroon. Sa suot na white long-sleeves habang naka-tucked in sa denim jeans at bukas ang tatlong butones ay talaga namang hindi mapigilan ng mga kababaihan na mahumaling kay Leopold. Napakalinis at machong tingnan kasi nito sa suot. While Julie on the other hand is wearing a black cocktail dress that falls knee-length. Labas na labas ang hubog ng katawan pati na rin ang maputi at makinis nitong balat. Napaka-hot din nitong pagmasdan dahil off-shoulder ang dress nito habang nakalugay naman any mahaba at tuwid nitong buhok. Kahit sinong lalaki ang makakakita kay Julie ng mga oras na iyon ay tiyak na m
KINABUKASAN ay kaagad na lumakad sina Leopold at Julie. Nagtungo sila sa Golden Woods Corporation building at nag disguise bilang empleyado roon.Binigyan sila ng pahintulot ni Mr. Decena na gawin ito at mabilis na pinagawaan ng pekeng identification cards upang hindi na sila mahirapan pa sa pag puslit dito.Naunang pumasok si Julie sa establisyemento. Ilang minuto pa ang lumipas bago sumunod sa pag pasok si Leopold. Nagtanguan pa sila ni Julie nang mag salubong ang kanilang mata.Kagyat na sumakay sa elevator si Leopold habang lulan naman ng isa pa si Julie. Patungo siya ngayon sa palapaf kung saan matatagpuan ang opisina ng Presidente ng kumpanya habang si Julie naman ay tutunguhin ang CEO’s office.Ini-on niya ang suot na earpiece. “Good luck, Doc.”“You too.” Umayos mula sa pagkakatayo si Leopold nang marinig ang tunog ng elevator na sinundan nang pagbubukas nito. Pumasok mula sa labas ang isang ma