Tinapos na nila ang pagkain pero wala silang pansinan. Halatang bad trip na din si Almira."Fuck! Sira ang date na plinano ko!" wika niya sa isip.Pagdating nila sa kotse ay tahimik pa din sila. Hindi pa niya iyon agad pinaandar. Nandoon lang sila sa parking."Ano pa ang hinihintay mo? Uwi na tayo. May klase pa ako bukas." sambit nito."Pwede ba tayong mag-usap?""Ano na naman 'yan, Liam?""It's not true na hindi kita matatype-an gaya ng sinabi ni Celeste.""So? Wala akong pakialam sa opinyon ng ex mo!" supladang sabi nito."Almira! Will you stop acting as if you don't care!" sigaw niya. Nawawalan na siya ng pasensya."Bakit kasi dito mo pa ako dinala? Alam mo namang palagi ang mga exes mo? Gusto mo pa talagang marinig ko ang mga pang-iinsulto nila?" inis na sabi ni Almira, nagbabadya ng tutulo ang mga luha nito.Hinawakan niya ito sa kamay. "What are you talking about? Wala akong pakialam sa kanila. Ikaw ang kasama ko. Ikaw ang ka-date ko...""Hindi ito date!" pagtatama nito sa kanya
LIAM'S POV:Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Tinitingnan niya lang habang naglalakad papasok si Almira sa loob ng restaurant. Ramdam niyang may wall pa din sa pagitan nila. Hindi naman 'yon mawawala agad, pero nilakasan niya ang kanyang loob na siya na ang unang gumawa ng paraan para muling makipaglapit kay Almira.Ilang araw na siyang hindi mapakali, miss na miss na niya ang dalaga. Iniisip niya din na kung hindi pa siya gagalaw ay baka maunahan siya ng iba sa dalaga. Hindi niya lang alam kung ano ang magiging reaksyon ni Almira kung sasabihin niyang manliligaw siya.Actually, kanina pa siya nito sinusupalpal. Ramdam niyang umiiwas itong pag-usapan ang tungkol sa kanila. Pero desidido din siyang sabihin ngayong gabi sa dalaga ang nilalaman ng puso niya. 'Yun nga lang, kinakabahan pa din siya."Consi, good evening po. Dito po ang reservation niyo. Please follow me," sabi ng waiter na sumalubong sa kanila. Hinawakan niya ang kamay ni Almira pero hindi ito nagpahawak. Dati naman
"Ma'am! Tapos na po kami!" sigaw ng mga estudyante. May pinasagutan siyang test sa libro ng mga ito. Way niya din 'yun para tumahimik ang mga ito at makapag-isip siya para sa muling paghaharap nila ni Liam mamaya.Pero natapos lang ang test ng mga estudyante ay hindi pa din niya alam ang gagawin. Ilang minuto na lang ay uwian na at si Liam ay naghihintay sa kanya sa labas!"Okay, pass your paper!" sabi niya.Napatingin siya sa bouquet of roses na nasa table pa din niya. Napakaganda talaga nun. Gusto niya iyong hawakan at amuy-amuyin pero kakantiyawan na naman siya ng mga estudyante niya."Okay, class. Bye. See you tomorrow.""Bye, Ma'am! Good luck sa date niyo ni Consi!" kantiyaw ng mga ito bago lumabas ng classroom niya. Napailing nalang syaKinuha niya ang bag at kumuha ng salamin. Medyo oily na ang mukha niya kaya naglagay siya ng press powder at konting lipstick. Naglagay din siya ng konting blush-on para hindi naman siya mukhang pale."Maganda ka na..."Nagulat siya nang makita n
"Wag niyo na problemahin kung sino ang nagbigay niyan. Umupo na kayo at mag-start na tayo." sabi niya sa mga ito. Pero ang totoo ay naguguluhan din siya.Umupo na ang mga estudyante sa kani-kanilang pwesto. Kumuha siya ng chalk at nagsulat sa blackboard."Good afternoon, Councilor Liam!"Nagulat siya sa sinabi ng mga estudyante. Nasa harap pa din siya ng blackboard kaya hindi niya alam ang mga nangyayari. Nandoon ba si Liam sa loob ng classroom niya? Ayaw niyang humarap... natatakot siya."Ma'am, andito po si Councilor Liam!" tawag-pansin ng mga estudyante niya.Dahan-dahan siyang humarap... at doon nga niya nakita si Liam na nakatayo sa pinto at nakatingin sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Agad siyang yumuko at umiwas, nahiya siya bigla."Ahm, andito ka pala. Halika, pasok ka. May kailangan ka ba?"Tinigil niya ang pagsulat sa blackboard at umupo sa kanyang upuan saka nagkunwaring nag-aayos ng mga papel sa kanyang desk.Dahan-dahan namang lumapit si Liam na nakapamulsa, tila n
ALMIRA'S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang classroom. Mag-isa lang siya doon, Kakatapos lang ng kanyang klase. May isang oras pa siyang hihintayin bago ang next class niya.Ilang araw na din ang nakalipas simula ng nagkomprontahan sila ni Liam, at hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkikita. Hindi din ito tumatawag o nagte-text sa kanya. Aaminin niyang nami-miss na niya si Liam.... Na-miss niya ang pangungulit nito.... Na-miss niya ang gwapong mukha nito.... at higit sa lahat ay na-miss niya ang mga halik nito.Next week ay birthday na niya. Araw ng Biyernes iyon. Nagpaalam na siya sa kanilang principal na mawawala ng tatlong araw. Ang principal lang nila ang nakakaalam tungkol sa pag-aapply niya papuntang Italy. Pamangkin kasi nito ang nag-invite sa kanya na mag-apply doon. Hindi naman siya nito pinigilan, ilang taon na din siyang naging teacher sa eskwelahan nila. Hindi naman siguro siya masasabihan na walang kwentang mamamayang Pilipino kung mag-apply siya sa ibang bansa... It’s
Fuck! sigaw niya sa isip. Mabuti na lang at madilim doon at walang nakakakita sa kanyang umiiyak. Napaupo siya sa isang malaking bato. Pinapanood niya habang naglalakad palayo si Almira sa kanya. Bakit pakiramdam niya ay literal na lumalayo na ito sa buhay niya?How can he be so insensitive? Kung kailan mawawala na si Almira ay saka niya na-realize ang importansya nito sa buhay niya. At nasasaktan siya dahil kaya na siyang tanggihan ni Almira.Kung dati ay sunod-sunuran lang ito sa kanya.... Aayain niya ito kung saan-saan, tatawagan niya sa madaling araw para samahan siyang mag-inom kapag mag-break sila ng girlfriend niya, kahit pa antok na antok na ito ay sasamahan pa rin siya.Si Almira ang naging pamilya niya bukod sa pamilya ni Elijah. Mag-isa lang siya sa Pilipinas. Anak siya sa pagkadalaga ng mommy niya na kapatid ni Tito Felix. Nakapangasawa ang mommy niya ng Amerikano sa US at doon na naninirahan kasama ang bago nitong asawa at ang half-sister niya.He is literally alone, kaya