Share

CHAPTER 214

Author: dyowanabi
last update Huling Na-update: 2025-04-26 00:23:14
"Okay! Enough drama. Maganda ang araw ngayon, and I’m getting married soon. So dapat lahat tayo masaya, okay?”

Tumango si Belle. “You’re right. This is your moment, bestie. Hindi ko ’to papalampasin.” Kumapit ito sa braso niya. Si Almira naman ay sa kabila. Pinagitnaan siya ng mga ito.

Nagpatiuna sila sa parking kung saan naka-park ang kotse nila. Sina Caleb at Hunter naman ay nasa likod nila at nagtutulak sa mga maleta ni Belle.

“Nagpaalam na ako kay Dad, bestie. Doon ako didiretso sa inyo sa Quezon. Doon na lang kami magkikita sa araw ng kasal mo. After all, umuwi lang ako para sa kasal mo.”

Napangiti siya. Imbitado din si Senator Benigno Laurel sa kasal niya. Nahihiya nga siya dahil hanggang ngayon ay inaawitan pa din siya nitong magtrabaho para sa charity works nito pero sa ngayon, nabusy lang siya sa buhay sa probinsya. Lalo na ngayon sa preparation ng kasal nila ni Hunter.

Pagdating ng kotse ay inilagay na ng dalawang lalaki ang mga maleta ni Belle sa likod na compartme
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 348

    Kinabukasan na ang birthday ni Almira pero hindi pa din ito nagpapakita sa kanya. Ang inaasahan niyang mami-miss siya nito ay hindi nangyari.Hindi pa din nila napag-usapan ang plano niya sa birthday nito. Ang plano niya ay magdi-dinner sila at saka siya magpo-propose.Kasalukuyan siyang nagda-drive papunta sa bahay nina Almira. Kailangan niyang makausap ang dalaga at ipaalam ang plano niyang dinner bukas. He wants it to be special for his girl.Pagdating niya ay andoon na ang kotse ni Almira. Napangiti siya dahil nakauwi na ang dalaga. Alam niya kung anong oras ang uwi nito galing school.Pagbaba niya ng kotse ay sinalubong agad siya ng nanay at tatay ni Almira.“Liam, anak, ikaw pala.”“Nay, Tay, kamusta po. Nakauwi na ba si Almira galing school?”Nakita niyang nagkatinginan ang mga ito bago muling tumingin sa kanya.“Ah, eh, wala dito si Almira, iho. Hindi din siya pumasok sa school kanina.”“Huh? Nasaan po siya?”“Pumunta siya ng Manila.”“Huh? Ano po ang ginawa niya doon? Akala k

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 347

    LIAM’S POV:Pagkaalis niya sa bahay nina Almira ay ramdam niya pa rin ang bigat sa dibdib. Ang akala niya ay umpisa na iyon ng pagiging okay nila, pero lalo ata lumala.Bakit nito nasabi na bored lang siya at baka makalimutan rin kapag magkaroon na ng bagong nobya? Ganun ba ang tingin ni Almira sa kanya? Hindi siya gano’ng klaseng tao. At lalo na, hindi gano’ng babae si Almira para basta nya na lang kalimutan.Nakatitig lang siya sa bintana ng kotse habang nagbibiyahe. Nag-book lang siya ng Grab para makauwi. Naiwan ang kotse niya sa school dahil ang kotse ni Almira ang ginamit nila.Hindi niya mabasa ang nasa isip ni Almira. Bakit paulit-ulit siya nitong pinagtatabuyan? Parang may tinatago ang dalaga sa kanya.“Almira…” mahina nyang sambit habang napapailing. "Kung alam lang niya… kung alam lang niya kung gaano ko siya kamahal, hindi niya iisipin na laro lang ‘to sa akin" ... sambit nya sa isip“Consi, andito na pala tayo sa labas ng bahay n’yo,” tawag-pansin ng driver sa kanya.Napa

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 346

    “Si Almira po, Tay... si Almira po ang nililigawan ko.” walang kagatol-gatol na sagot ni Liam bago pa man maabot ng tatay niya ang ulam.Halos mabilaukan siya sa sariling laway. “L-Liam!” sigaw niya, saka sinipa ang lalaki sa ilalim ng mesa.“Ay, siya ba?! Ikaw ang nililigawan ni Liam, anak? Salamat naman at nagka-inlaban din kayo. Matagal na naming hinihintay ‘yan.”“Nay, Tay, hindi po totoo ‘yun!” tanggi niya, pero parang wala na siyang laban sa tingin ni Liam na nakakaloko.“Ano’ng hindi totoo? Eh halos araw-araw nga kitang hatid-sundo, ikaw lang itong ayaw sa akin at pinapahirapan pa ako!” asik nito na tila nagsusumbong sa mga magulang nya.“Anak, ayaw mo ba kay Liam? Ano naman ang ayaw mo sa kanya? Mabait na bata at pogi pa. Isa pa, magkaibigan na kayo kaya hindi na kayo mahihirapan na pakisamahan ang isa’t isa.” anas ng tatay nya.“Ay, oo nga!” sabat naman ng Nanay habang sumasandok ng munggo para kay Liam. “Eh ‘di ibig sabihin, malapit na ang kasal n’yo? Aba’y malapit nang mawa

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 345

    “Why?” nagtatakang tanong ni Liam.“Si nanay papadating!” Agad din itong umupo ng tuwid. Mabuti na lang at patay ang ilaw nila kaya hindi sila nakikitang may kababalaghan na ginagawa doon.Nang makarating na ang nanay niya sa kotse ay kinatok nito ang bintana sa driver’s seat.Binaba ni Liam ang bintana.“Good evening, Nanay Ising!” nakangiting bati ni Liam.“Ay kabayo! Naku nakakagulat ka naman, Liam! Ang akala ko ay si Almira ang nagda-drive. Magkasama pala kayo?”“Opo, Nay, hinatid ko lang ang dalaga n’yo.”“Salamat kung ganun anak… halika, pasok na kayo at maghahapunan na. Dito ka na kumain, Liam.”“Tamang-tama po, gutom na ako. Sige, Nay, susunod na kami.”“Sige, sumunod kayo kaagad.”Muling sinara ni Liam ang bintana at tumingin sa kanya. Ngumiti ito pero hindi niya sinalubong ang tingin nito. Nahihiya siya dahil nahawakan na nito ang kepyas niya.“Umuwi ka na…” mahiyang sabi niya kay Liam.“Why? ‘Di mo ba narinig ang sabi ni Nanay Ising? Dito daw ako kakain. Sakto, na-miss ko n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 344

    Napamulat siya ng mata nang marinig ang sigawan ng kanyang mga co-teachers at ni Elijah na nakatingin sa kanila.Kumalas siya sa pagkakayakap kay Liam pero hindi siya nito binitiwan.“Liam, bitawan mo ako, nakakahiya sa kanila.”“So what? Mabuti nga makita ng Joseph na ‘yon kung sino ang nagmamay-ari sa’yo. Dapat alam niya kung sino ang kinakalaban niya.”“Shut up, Liam!” Nagalit na naman siya. “Napaka-angas mo. Porket councilor ka at teacher lang si Joseph ay ibu-bully mo na lang ng gano’n?”Kumalas siya sa mga bisig nito. “Gusto ko lang ipakita sa kanya na hindi kita susukuan."“Wag mo siyang pag-initan dahil wala siyang kasalanan at wala din akong sasagutin sa inyong dalawa kaya tumigil ka na diyan.” Bulalas niya saka bumalik sa faculty.“O akala ko ba okay na, nagyakapan na kayo eh… bakit mukhang magagalit na naman?” natatawang tanong ni Elijah.“Shut up, Elijah!” sigaw niya.“Miss Almira, watch your mouth. Mayor natin ang minumura mo…” saway ng principal sa kanya pero inirapan ni

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 343

    Pagkatapos ng klase niya ay bumalik siya sa faculty room. May meeting daw silang mga teachers. Kaunti pa lang ang naroon. Nakita niya si Joseph at agad itong lumapit sa kanya."Hi Cher, late ka pala kanina? Akala ko nga maaga ka, nakita ko kasi ang kotse mo naka-park na dito kanina pa.""Ahm, iniwan ko 'yan kagabi.""Ah ganun ba..." mahina ang sabi nito saka yumuko.Mabuti at hindi na din nagtanong pa si Joseph. Mukhang nakarating na dito ang balita tungkol sa date nila ni Liam kagabi."Bakit ka pala wala kahapon?" pag-iiba niya ng usapan."May sakit kasi ako kahapon.""Ganun ba?" Tinaas niya ang kamay at hinawakan ang noo ni Joseph kung mainit iyon."I'm ok now. Nakuha agad naman sa gamot.""Almira!"Nabaling ang atensyon niya sa tumawag sa kanya... si Elijah, nasa pinto kasama si Liam na matalim ang tingin sa kanilang dalawa ni Joseph."Ah eh... bakit andito ka, Mayor?" Agad siyang lumapit sa dalawa. Si Elijah lang ang pinansin niya at hindi si Liam."Sasama kami sa meeting n’yo.""

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status