Share

CHAPTER 213

Author: dyowanabi
last update Huling Na-update: 2025-04-25 23:49:03
Dumaan pa ang mga araw na puno ng excitement. She is always looking forward to her wedding with Hunter. Abala siya sa paghahanda ng mga detalye ng kasal... mula sa gown, sa listahan ng mga bisita, hanggang sa mga bulaklak.

Hindi rin nagpahuli si Hunter... katuwang niya ito sa bawat desisyon, sinisiguradong hindi lang maganda kundi perpekto ang magiging araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Lubusan na itong magaling at natapos na din ang pagte-therapy. Bumalik na ang dati nitong pangangatawan. Maybe because excited din ito sa bagong buhay na bubunuin nilang mag-jowa kasama ang kanilang magiging anak.

Ngayon din ang araw ng pagdating ni Belle. Gusto nitong makatulong sa preparation ng kasal nila. Hindi naman siya nagreklamo pa dahil best friend niya ito at magiging maid of honor. Of course, excited din ito para sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa airport ngayon. Maaga pa lang ay andoon na sila para sunduin ang kaibigan. Kasama niya si Hunter, Almira, at Kuya Caleb.

Hindi niya alam
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Francis De Lara
ang tpid nmn sa episode
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 343

    Pagkatapos ng klase niya ay bumalik siya sa faculty room. May meeting daw silang mga teachers. Kaunti pa lang ang naroon. Nakita niya si Joseph at agad itong lumapit sa kanya."Hi Cher, late ka pala kanina? Akala ko nga maaga ka, nakita ko kasi ang kotse mo naka-park na dito kanina pa.""Ahm, iniwan ko 'yan kagabi.""Ah ganun ba..." mahina ang sabi nito saka yumuko.Mabuti at hindi na din nagtanong pa si Joseph. Mukhang nakarating na dito ang balita tungkol sa date nila ni Liam kagabi."Bakit ka pala wala kahapon?" pag-iiba niya ng usapan."May sakit kasi ako kahapon.""Ganun ba?" Tinaas niya ang kamay at hinawakan ang noo ni Joseph kung mainit iyon."I'm ok now. Nakuha agad naman sa gamot.""Almira!"Nabaling ang atensyon niya sa tumawag sa kanya... si Elijah, nasa pinto kasama si Liam na matalim ang tingin sa kanilang dalawa ni Joseph."Ah eh... bakit andito ka, Mayor?" Agad siyang lumapit sa dalawa. Si Elijah lang ang pinansin niya at hindi si Liam."Sasama kami sa meeting n’yo.""

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 342

    ALMIRA'S POV:Walang habas sa pagtulo ang luha niya habang tinalikuran si Liam at naglakad palayo sa kaibigan. Ito ang matagal niyang pinangarap at hinihintay, na magpahayag ito ng pagmamahal sa kanya, pero bakit kung kailan hindi na puwede ay saka pa ito nangyayari? Paalis na siya papuntang Italy at hindi niya puwedeng ipagpaliban 'yon. Madami na siyang nasakripisyo. Nakahanda na ang lahat.Aaminin niyang she was tempted to accept Liam. Pero paano naman ang sarili niya? Ipagsasawalang-bahala na naman ba niya ang sarili para kay Liam? Kapag ginawa niya 'yon ay siguradong pipigilan siya nitong umalis.Ilang taon na niyang ginawa 'yon. Palagi na lang siyang nagpaparaya hanggang sa umabot lang siya ng ganitong edad. At kung kailan nakapagdesisyon na siyang unahin naman ang sarili ay saka naman siya pipigilan ni Liam?Pagpasok niya ng bahay nila ay tulog na ang kanyang mga magulang. Mabuti naman para hindi siya makitang umiiyak. Siguradong magtatanong ang mga ito.Pumasok siya sa kanyang

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 341

    Tinapos na nila ang pagkain pero wala silang pansinan. Halatang bad trip na din si Almira."Fuck! Sira ang date na plinano ko!" wika niya sa isip.Pagdating nila sa kotse ay tahimik pa din sila. Hindi pa niya iyon agad pinaandar. Nandoon lang sila sa parking."Ano pa ang hinihintay mo? Uwi na tayo. May klase pa ako bukas." sambit nito."Pwede ba tayong mag-usap?""Ano na naman 'yan, Liam?""It's not true na hindi kita matatype-an gaya ng sinabi ni Celeste.""So? Wala akong pakialam sa opinyon ng ex mo!" supladang sabi nito."Almira! Will you stop acting as if you don't care!" sigaw niya. Nawawalan na siya ng pasensya."Bakit kasi dito mo pa ako dinala? Alam mo namang palagi ang mga exes mo? Gusto mo pa talagang marinig ko ang mga pang-iinsulto nila?" inis na sabi ni Almira, nagbabadya ng tutulo ang mga luha nito.Hinawakan niya ito sa kamay. "What are you talking about? Wala akong pakialam sa kanila. Ikaw ang kasama ko. Ikaw ang ka-date ko...""Hindi ito date!" pagtatama nito sa kanya

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 340

    LIAM'S POV:Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Tinitingnan niya lang habang naglalakad papasok si Almira sa loob ng restaurant. Ramdam niyang may wall pa din sa pagitan nila. Hindi naman 'yon mawawala agad, pero nilakasan niya ang kanyang loob na siya na ang unang gumawa ng paraan para muling makipaglapit kay Almira.Ilang araw na siyang hindi mapakali, miss na miss na niya ang dalaga. Iniisip niya din na kung hindi pa siya gagalaw ay baka maunahan siya ng iba sa dalaga. Hindi niya lang alam kung ano ang magiging reaksyon ni Almira kung sasabihin niyang manliligaw siya.Actually, kanina pa siya nito sinusupalpal. Ramdam niyang umiiwas itong pag-usapan ang tungkol sa kanila. Pero desidido din siyang sabihin ngayong gabi sa dalaga ang nilalaman ng puso niya. 'Yun nga lang, kinakabahan pa din siya."Consi, good evening po. Dito po ang reservation niyo. Please follow me," sabi ng waiter na sumalubong sa kanila. Hinawakan niya ang kamay ni Almira pero hindi ito nagpahawak. Dati naman

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 339

    "Ma'am! Tapos na po kami!" sigaw ng mga estudyante. May pinasagutan siyang test sa libro ng mga ito. Way niya din 'yun para tumahimik ang mga ito at makapag-isip siya para sa muling paghaharap nila ni Liam mamaya.Pero natapos lang ang test ng mga estudyante ay hindi pa din niya alam ang gagawin. Ilang minuto na lang ay uwian na at si Liam ay naghihintay sa kanya sa labas!"Okay, pass your paper!" sabi niya.Napatingin siya sa bouquet of roses na nasa table pa din niya. Napakaganda talaga nun. Gusto niya iyong hawakan at amuy-amuyin pero kakantiyawan na naman siya ng mga estudyante niya."Okay, class. Bye. See you tomorrow.""Bye, Ma'am! Good luck sa date niyo ni Consi!" kantiyaw ng mga ito bago lumabas ng classroom niya. Napailing nalang syaKinuha niya ang bag at kumuha ng salamin. Medyo oily na ang mukha niya kaya naglagay siya ng press powder at konting lipstick. Naglagay din siya ng konting blush-on para hindi naman siya mukhang pale."Maganda ka na..."Nagulat siya nang makita n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 338

    "Wag niyo na problemahin kung sino ang nagbigay niyan. Umupo na kayo at mag-start na tayo." sabi niya sa mga ito. Pero ang totoo ay naguguluhan din siya.Umupo na ang mga estudyante sa kani-kanilang pwesto. Kumuha siya ng chalk at nagsulat sa blackboard."Good afternoon, Councilor Liam!"Nagulat siya sa sinabi ng mga estudyante. Nasa harap pa din siya ng blackboard kaya hindi niya alam ang mga nangyayari. Nandoon ba si Liam sa loob ng classroom niya? Ayaw niyang humarap... natatakot siya."Ma'am, andito po si Councilor Liam!" tawag-pansin ng mga estudyante niya.Dahan-dahan siyang humarap... at doon nga niya nakita si Liam na nakatayo sa pinto at nakatingin sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Agad siyang yumuko at umiwas, nahiya siya bigla."Ahm, andito ka pala. Halika, pasok ka. May kailangan ka ba?"Tinigil niya ang pagsulat sa blackboard at umupo sa kanyang upuan saka nagkunwaring nag-aayos ng mga papel sa kanyang desk.Dahan-dahan namang lumapit si Liam na nakapamulsa, tila n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status