Share

CHAPTER 306

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-07-23 21:46:23

Kinabukasan ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Pumunta agad siya sa bahay ni Oliver para ayusin ang garden nito. Kumuha na din siya ng tao para tulungan siya at mapabilis ang kanyang ginagawa.

Naglinis nya ang mga damo, nag-aayos ng mga paso, nagtatanim ng mga bagong halaman. Parang may hinahabol siyang oras. Ayaw niyang magbakasakali, ang sabi nga ni Oliver ay baka months o weeks na lang ang itatagal nito. Dapat pagbalik nito sa bahay ay maayos na ang lahat. Kahit doon man lang ay mapasaya niya ang kaibigan.

Si Belle na ang nagbabantay kay Callie. Kumuha din sila ng nanny ni Callie, saka sinasama ni Belle sa trabaho para makapagtrabaho siya ng maayos at mabilis nang hindi inaalala ang anak nila.

****

Pangalawang araw ay malapit nang matapos ang ginagawa niya. Minsan, habang abala siya sa pagbubungkal, dumating ang isang babae.

"Hi... you must be Caleb?"

Tumango siya at tumayo. “"Yes. You must be..."

“Angela. Ex-wife ni Oliver.”

Nagkatinginan sila saglit. Hindi niya alam kung an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Yan ang magagandang kapitbahay magtutulungan at bayanihan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 312

    Kasalukuyan na silang nasa airport. Hinatid sila ni Jason, na anak ng katiwala nila sa bahay, at ng nobya nitong si Emma.“Ikaw na ang bahala sa bahay namin, Jason, okay?”“Yes, Kuya... Darating na din si Mommy galing Pilipinas. 'Wag po kayong mag-alala.”“Salamat naman kung ganun.”“Mag-ingat po kayo, Kuya.”“Salamat, Jason.”Pumasok na sila sa loob dahil tinawag na ang kanilang flight.Inakbayan niya si Belle habang buhat nito si Callie.“Nalulungkot ka ba, babe?” tanong nya“Nalulungkot dahil hindi na natin makikita ang mga kaibigan natin dito, at masaya din dahil makakasama na ulit natin ang mga pamilya at kaibigan natin sa Pilipinas. Halos limang buwan din tayong namalagi dito sa UK.”“Wag kang mag-alala. Ang promise naman nilang pupunta sila sa kasal natin.”“Hihihi... Hindi natin akalain na makakahanap tayo ng pamilya at kaibigan dito. Nung una ay nalulungkot tayo dahil tayong tatlo lang ni Callie ang palaging magkasama. Masaya talaga kapag may kaibigan.”“Tama ka d’yan, babe.”

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 311

    Bisperas bago sila umuwi ng Pilipinas ay naghanda sila ng party sa mismong bahay nila. Inimbita nila ang kanilang mga kaibigan na kapitbahay ni Oliver. Maging sina Angela at ang mga anak nito ay andoon din.Doon sa garden ginanap ang party nila. Isa-isa nang nagsidatingan ang mga kaibigan nila. May mga dala itong pagkain at inumin kahit pa sinabihan nila na hindi na mag-abala.“Caleb, Belle. You have such a beautiful garden. Is this where Oliver got his inspiration from you?" sabi ni Beth.“Yes, Beth. He saw me working here in my garden while he was jogging with his dog. He asked me if I could also do his garden, and that he would pay me. In the end, he couldn’t pay because of his hospital bills. But still, I said I wanted to make his garden.""You're so kind, Caleb. By the way, why are you the one throwing a party today? Any special occasion? Is it your anniversary with Belle?"Nagkatinginan muna sila ni Belle.“Belle and I are going back to the Philippines tomorrow, and we wanted to

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 310

    Nang maayos na ang lahat sa bahay nina Oliver, ay umuwi sila sa bahay nila nang mabigat ang loob. Kaya pala kanina pa siya hindi mapakali. May nangyari na pala kay Oliver. Hindi man lang sila nabigyan ng pagkakataon na magkakilanlan at magsama ng matagal.“Babe…” pukaw ni Belle sa kanya. Hindi na ito nakatrabaho dahil sa masamang nangyari. Hindi nito kayang umalis at iwan siya doon habang nagluluksa.“I'm sure Oliver is happy wherever he is right now. And I know na masaya siya dahil nakilala ka niya. Isa kang mabuting kaibigan.”“Salamat, babe… naghihinayang lang ako kay Oliver. Napakabata pa niya.”“Nag-usap kami kanina ni Angela…” paunang kwento ni Angela. “Si Oliver daw ang nakipaghiwalay sa kanya. Wala itong binigay na dahilan. 'Yun pala ay baka ayaw niyang pahirapan pa si Angela na alagaan siya nang malaman niyang may sakit siya.”“Ganun ba? Kaya pala nababanaag pa din sa mukha ni Angela ang pagmamahal kay Oliver. Kasi kung titingnan sila, hindi naman sila magkaaway na dalawa.”“

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 309

    Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Hindi niya alam, pero mabigat ang dibdib niyang hindi niya maintindihan. Parang may bumabagabag sa kanya. Pero hindi niya iyon inintindi. Bagkus, ay pumunta siya sa kusina para magluto. Nag-prepare siyang breakfast para sa kanyang mag-ina. Sopas ang lulutuin niya. Dinamihan niya ang niluto dahil ang iba, dadalhin niya sa bahay nina Oliver. Alam niyang hindi makakaluto si Angela dahil sa pag-aasikaso nito kay Oliver. Nagdala din siya ng mga prutas para naman kay Oliver.Hindi naman nagtagal ay nagising na din si Belle at Callie saka pumunta sa kanya sa kusina. “Good morning, babe… Maaga ka atang nagising?” sabi ni Belle nang makalapit sa kanya.“Oo, nag-prepare na ako ng food for us. Ang iba, dadalhin ko kay Oliver.”“That’s a good idea, babe… Sasama kami ni Callie.”“Wala ka bang pasok?”“Mamayang hapon pa. May time pa naman ako ngayong umaga.”“Sige. After we have our breakfast, pupunta na tayo sa kanila para makain na din nila itong dadalhin n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 308

    Habang nasa biyahe sila ay tahimik ang lahat. Si Oliver ay nakapikit ang mga mata na parang nagpapahinga at nanghihina."Bro... you'll be surprised by your garden... just in time, I finished it before you even got out of the hospital... I hope you like it." sabi niya sa kaibigan, pilit pinapasigla ang boses. Hindi na niya sinabi na katuwang niya doon ang mga kapitbahay sa pag-aayos ng garden. Surprise nila 'yon kay Oliver."Thanks, bro... I feel more alive whenever I see a beautiful garden. It feels like it adds more days to my life." mahina ang sabi naman nito, pilit magsalita.Pagdating nila ng bahay ay hindi pa nakikita ni Oliver ang paligid dahil nakapikit ito."We're here!" anunsyo niya. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata."Wow, is this our house, Daddy?" sabi ni Thyron na panganay sa dalawa.Hindi din nakapagsalita si Oliver habang nililibot ang tingin sa paligid. Wala pa ang mga kapitbahay doon. Malamang ay nagsitago para lalong masurpresa si Oliver."You did all this, Caleb? T

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 307

    Ipinagpatuloy na nila ang paggawa. May ibang nagpipintura ng mga pot na iba’t ibang kulay para maging lively iyon. Ang iba naman ay nagtatanim ng mga makukulay na bulaklak. Nagsidala na din ang mga kapitbahay ng mga halaman mula sa mga bahay nito at dinala sa bahay ni Oliver.Parang ang lahat ay may iisang misyon... na mapaganda ang bahay ni Oliver nang sa ganun ay pagdating nito ay maganda ang madadatnan nitong garden.Mabilis ang improvement ng garden dahil maraming mga kamay ang gumagawa doon. Siguradong matutuwa si Oliver kapag nakita nitong maayos na ang garden, lalo na at pinagtulungan iyon ng mga kapitbahay nito.Natapos ang araw at natapos din ang garden ni Oliver. Ang inaakala niyang magagawa niya ng isang linggo ay naging tatlong araw lang. Mas masaya pala kapag madami ang nagtutulung-tulong."Thank you guys for coming and helping us. I'm sure Oliver will be happy knowing that all of you helped here." Sambit niya. "You're welcome, Caleb. We should have done this a long time

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status