Share

CHAPTER 519

Author: dyowanabi
last update publish date: 2025-09-16 23:21:22

Pagdating niya sa bahay, nadatnan niyang nanonood ng TV ang mama at kapatid niya. Si Trish ay nasa tabi ng mama niya at nakikinood din.

Agad itong nagpacute nang makita siya.

“Good evening, sir.”

Tinanguan niya lang ito.

“Kuya, andito ka na pala? Maaga ka ata ah!” bati ni Felicity. “Sabi ni Manang Brenda, gabi ka na daw kung umuwi.”

“Dati ‘yun nung wala pa kayo dito. Pero ngayon maaga na ako uuwi palagi. Gusto ko lang makasama si mama ngayong hapon,” sabi niya. Pero isa din sa rason kaya siya n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rochellevi
Liam ha wag na wag mong i entertain yang malanding Trish na yan
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks author SA update uwi kna Almira may Higad lumalandi Kay Liam
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
nko liam.mag ingat ka nasa tabi lang ang ahas pra matuklaw ka hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 977

    NICOLAS POV:Business launch ng partnership nila ni Noah at ni Mr. Li ngayong gabi. Maaga pa lang ay nasa hotel na siya upang siguraduhing maayos ang lahat. Abala ang mga staff sa kani-kanilang gawain habang unti-unti nang dumarating ang mga bisita.Naroon na rin ang kanyang pamilya. Halatang excited ang mga ito na makita si Mr. Li. Kung tutuusin, parang gusto lang naman ng mga itong makapagpapicture sa matanda.Ngunit kahit gaano siya kaabala, hindi pa rin mawala sa isip niya si Marise. Dalawang linggo na... dalawang linggo na mula nang huli niya itong makita. Parang sadya siyang iniiwasan ng dalaga.May mga sandaling gusto na lamang niyang sumuko. Ngunit hindi ganoon kababaw ang nararamdaman niya para basta na lang bumitaw. Naging abala lang siya nitong mga nakaraang araw dahil sa launching na ito, pero pagkatapos ng gabing ito, sisiguraduhin niyang muli niyang hahanapin si Marise... At hindi siya titigil hangga’t hindi niya ito nakikita.“Uncle…”Naputol ang kanyang pag-iisip nang

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 967

    “What happened, Nicolas? Something wrong?” nagtatakang tanong ni Mr. Li.Bigla siyang natauhan. Mukhang napansin nito ang pagkawala niya sa focus. Napasandal siya sa upuan at mariing napapikit sandali.Hindi pa tuluyang naa-announce ang partnership nila. Maaari pang umatras ang matanda kung sakaling hindi nito magustuhan ang pakikitungo niya. Isa pa, hindi biro ang oportunidad na iyon. Si Mr. Li ay isa sa pinakarespetadong negosyante sa buong mundo. Kaya hindi siya pwedeng magbigay ng maling impresyon.“Ah… no, Mr. Li,” mabilis niyang sagot habang pilit na pinapakalma ang sarili. “May iniisip lang po ako tungkol sa trabaho.”“Hahaha!” malakas na tawa ng matanda. “Baka naman napapagod ka na sa kakatrabaho at wala ka nang lovelife?”Napailing siya habang bahagyang napapangiti.“Bakit hindi ka muna mag-relax at makipag-date?” biro pa nito.Tipid siyang ngumiti kahit hindi naman siya nakikita ng kausap.“Wala po akong panahon sa mga ganyan, Mr. Li,” sagot niya. “Lalo na’t ilo-launch na na

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 966

    “I have to see her, Uncle,” mariing sabi ni Anthony. “Kailangan kong magpaliwanag sa kanya.”At bago pa siya makapagsalita, mabilis na itong tumalikod at pumasok sa grocery. Naiwan siyang nakatayo roon. Tahimik na nakatitig lamang sa salaming pinto habang magulong-magulo ang isip niya.Lumipas ang ilang minuto. Pakiramdam niya ay napakabagal ng oras habang hinihintay ang paglabas ni Anthony. Hindi niya alam kung ano ang mas kinatatakutan niya, ang makitang nagkabalikan ang dalawa… o ang mapagtantong wala talaga siyang lugar sa puso ni Marise.Wala pang sampung minuto nang bumukas muli ang pinto ng grocery. Lumabas si Anthony na bagsak ang mga balikat at halatang dismayado.“What happened?” hindi niya napigilang itanong.“Wala raw si Marise,” mahinang sagot nito. “Hindi na raw pumapasok dito simula last week. Nagbakasyon daw kasama mama niya.”Hindi siya umimik dahil iyon din mismo ang sinabi sa kanya ng mga staff noong minsang palihim siyang nagtanong.“Baka…” nag-angat muli ng tingin

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 965

    NICOLAS POV:Isang linggo na ang lumipas, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makontak si Marise. Simula noong may muling nangyari sa kanila, hayagan na siyang nilayasan ng dalaga, parang bula itong naglaho nang walang kahit anong paliwanag.Noong una, akala niya ay magiging madali lang ang lahat. Akala niya, sapat na ang isang tawag, isang utos, o isang pagpunta niya upang bumalik agad si Marise sa kanyang piling.Pero nagkamali siya, Hindi pala ganoon kadali. Lalo na ngayong saka lang niya tuluyang naintindihan ang tunay niyang nararamdaman.Sa loob ng maraming taon, pilit niyang ikinukubli sa sarili ang damdaming iyon. Pilit niyang ipinapakitang wala lang si Marise sa kanya, na isa lang itong babae sa napakaraming kayang mapalapit sa kanya anumang oras niya gustuhin.Ngunit ngayong wala na ito… ngayon niya narealize kung gaano kalaki ang espasyong iniwan nito sa buhay niya. At kung gaano kasakit ang pagkawala nito.Napabuntong-hininga siya at napasandal ng upo sa kanyang sa

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 964

    “Just give it a try, iha…” pangungulit ni Lolo Li. “Kapag nagkagustuhan kayo, well and good. Pero kung hindi… hahanap ulit tayo ng iba.”Napahalakhak pa ito. Napasimangot naman siya habang napapailing. Mukhang siya na talaga ang bagong project ni Lolo Li ngayon.Palibhasa siya na lang ang natitirang single sa pamilya... Si Paulette, masaya nang naikasal kay Mayor Elijah, ganun din si Ate Elise kay Governor Felix. Si Noah, nagkaayos na rin kay Tessa.At siya… Siya na lang talaga ang mag-isa. Puwera sa mga anak ni Ate Elise na sina Asherette at Charlotte na mga bata pa.Kung sana katulad ni Mayor Elijah ang ipakilala ni Lolo sa kanya… Napangiti siya sa sariling isip... Joke lang!Dati lang naman niyang crush si Mayor Elijah. Noon pa ‘yon sa mga panahong puno pa siya ng inggit kay Paulette. Gumawa pa nga siya noon ng kung anu-anong kalokohan para maagaw dito si Elijah.Pero wala rin siyang napala. Sobrang mahal kasi ni Elijah si Paulette.At saka matagal na iyong nakaraan. Noong mga pa

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 963

    MARISE POV:Nakasimangot si Noah habang nagda-drive papuntang Quezon. Halatang hindi nito gusto ang sitwasyon sa loob ng sasakyan.“Bakit ba sumama kayong lahat? Si Tessa lang ang uuwi tapos sumama din kayo, Mama… Marise… pati ikaw, Lolo?”Nakakunot pa ang noo nito habang mahigpit ang hawak sa manibela.“Bakit ba? Gusto din naman naming mag-unwind no. Pagod na rin kami sa pagtatrabaho. Magbabakasyon lang kami ng konti.” depensa agad ng kanilang mama.“Eh paano ang grocery?” reklamo ni Noah. “Porket stable na ang grocery, iiwan niyo na naman ng ganun-ganun? Pababayaan niyo?” Halatang badtrip ito.Sa totoo lang, siya lang talaga dapat ang sasama kay Ate Tessa pauwi ng Quezon dahil iyon ang napag-usapan nila kagabi. Kailangan niyang lumayo muna sa Maynila para kahit paano ay makaiwas kay Nicolas. Pero nang malaman iyon ng mama nila, agad itong nagprisintang sumama matapos marinig kay Tessa na maraming puno ng prutas sa bahay nila sa Quezon.Na-excite agad si Mama. At dahil gusto rin suma

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 601

    Pagdating nila sa restaurant ay nagulat siya nang mukhang naka-reserve iyon para sa kanila lang. Pero ang ikinagulat niya ay nang makitang may mga press people.“Bakit may press dito, Nova?”“I don’t know. Ang daddy mo ang nagpatatawag ng lunch meeting na ‘to.”Nang makita niya ang kanyang daddy ay

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 589

    PAULETTE'S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanilang eskwelahan. Wala na silang masyadong klase dahil hinihintay na lang ang kanilang graduation.Habang naglalakad ay tinawag siya ni Tere. Tumigil siya sa paglalakad samantalang ito ay tumatakbo papunta sa kanya.“Saan ka pumunta? Kanina pa kita hinahan

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 585

    Pag-alis ng kanilang mga bisita ay saka pa lang siya nakapasok sa kanyang kwarto. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan ang nobya. Kanina pa si Paulette nagme-message sa kanya pero hindi niya masagot dahil nasa harap siya ng daddy niya. Binabantayan nito ang galaw niya.Akmang pipin

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 587

    “Huuy... parang baliw ka na diyan na nakangiti!” tawag-pansin ni Liam sa kanya. Nakalimutan niyang andoon pa pala ang pinsan niya.“Pasensya ka na, cuz. Nag-text lang kasi si Paulette.”“Mukhang ako ang natatakot sa’yo, bro. Sobrang in love mo ata sa babae.”Hindi na niya ikinuwento kay Liam na ila

    last updateLast Updated : 2026-03-30
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status