Share

CHAPTER 639

Author: dyowanabi
last update Huling Na-update: 2025-11-16 19:56:25

NOVA'S POV:

Walang sigla siyang pumasok sa kanyang hotel room. Bakit naman si Gary agad ang nakita nya pagtapak nya ng China? Gusto sana niya itong iwasan pero imposible naman iyon dahil magkikita at magkikita talaga sila.

Oo, may relasyon sila ni Atty. Gary Chan pero ayaw nitong isapubliko ang kanilang relasyon. Walang nakakaalam kundi sila lang.

Hindi niya alam kung bakit ayaw nitong malaman ng iba na nobya siya nito. Hindi naman siguro nakakahiya na maging nobya siya. Maganda din naman ang posisyon niya sa Elise Corporation.

Si Gary ay right hand ni Mr. Li. Ito ang pinagkakatiwalaan ni Mr. Li sa lahat ng bagay. Mas mataas ang posisyon ni Gary sa kanya. Kaya ganun na lang siguro kung bakit ayaw nitong malaman na may relasyon sila.

Akmang maghuhubad na siya ng kanyang damit para maligo nang may kumatok sa kanyang pinto. Napapitlag siya, wala pa namang nakakaalam ng pagdating niya. Kung si Elijah man iyon ay napakabilis naman maligo ng lalaki? Kakarating pa lang nila ay sinusundo na a
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
H i K A B
OMG! Scumbag pala itong si Gary.. medyo excited pa man din akong silang 2 ni Nova sa huli, pero so far mabuting tao pa rin naman si Nova kaya she doesn’t deserve someone like Gary.
goodnovel comment avatar
Anita Valde
dpat sabihin mo Nova Kay Mr Li ang katotohanan walang UTANG na loob Ka Gary pinag Aral Ka Ng Matanda tz aangkinin mo ang kayamanan Niya ganid ka
goodnovel comment avatar
Angelene Mique
naku masamang tao pala yang c Gary paullete kYa ka cguro niligawan para maging parte na sya ng pamilya nyo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 704

    “Mayor Elijah, I called your secretary and set an appointment because I would like to make a donation to your town.”“For what purpose, Mr. Scott?” diretsahang tanong niya.“Well, I know you’re already aware that my wife, Lilac, is from your town. She used to be the town’s muse, right?”“I know Lilac, of course,” sagot niya.Nakita niyang nanigas si Hanna sa kinauupuan nito nang marinig kung sino si Mr. Scott. Hindi rin nito alam na ang ka-meeting nila ngayon ay asawa ni Lilac… ang ex-girlfriend niya.“Let’s make this quick, Mr. Scott. My secretary and I still have another appointment to attend,” pagsisinungaling niya. Hindi niya ma-atim na tumagal sa isang lamesa kasama ang asawa ng ex niya.Tiningnan siya nito ng diretso sa mata at ngumiti ng tipid. “I’m donating one million pesos to your charity, Mayor Elijah. All I want is for you to tell me where my wife is.”Tinaasan niya ito ng kilay. “Why are you looking for your wife through me? Weren’t you both in America?”“She is filing fo

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 703

    Pagkatapos niyang ibaba ang telepono, huminga siya ng malalim. Hindi niya naman sana kailangang ipaalam pa kay Paulette ang tungkol kay Lilac. Panandaliang problema lang naman ito at aalis din. Pero bakit nakokonsensya siya habang kausap si Paulette?Wala pa man isang minuto ay nag-ring na naman ang cellphone. Si Lilac ulit ang tumatawag. Ilang beses na itong tumawag sa kanya sa araw na ’yon, pero binabalewala niya.“Hello!” matigas niyang sabi. Napagdesisyunan niyang sagutin na lang ang dalaga, alam niyang hindi siya titigilan nito.“Elijah, please help me... Tawag nang tawag si William sa akin, tinatakot niya ako. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako, Elijah…” nanginginig na boses ni Lilac habang kausap siya.Napaupo siya nang tuwid. Kahit papaano ay nag-aalala rin siya kay Lilac. “Nasaan ba siya? Andito ba siya sa Pilipinas?”“Hindi ko alam. Natatakot ako... galit na galit siya sa pag-alis ko. Pinagbantaan niya akong papatayin kapag hindi ako nagpakita... huhuhuh”“Hindi niya n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 702

    Ilang sandali pa’y napatingin siya sa relo. Mag-aalas-dos na. Unti-unti nang nagpaalam sina Liam, Hunter, at Caleb dahil may kanya-kanya rin silang aasikasuhin. Naiwan siyang mag-isa sa opisina, at doon mas lalong bumigat ang kanyang dibdib.Umupo siya sa swivel chair at napasandal, nakatitig sa kisame. Pilit niyang inaayos sa isip ang mga dapat gawin ang mga papel na kailangang pirmahan, ang mga meeting na dapat paghandaan. Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya si Lilac.Hindi niya alam kung awa ba o konsensya ang nagtutulak sa kanya para mag-alala. Maliwanag naman sa kanya na tapos na sila... Matagal na. May Paulette na sa buhay niya, ang babaeng nagkokompleto ngayon sa buhay nya... Isang babaeng pinili niyang mahalin.Pero bakit naapektuhan pa din siya ni Lilac?Muling nag-vibrate ang cellphone niya. Napapitlag siya, mabilis itong kinuha, pero hindi na message ang bumungad... missed call, mula kay Lilac.Napapikit siya sandali, nag-iisip kung sasagutin o babalewalain ang tawag

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 701

    "It’s not about money… it’s about security. Paulit-ulit kong pinapaalala sa inyo ang karanasan ni Elijah kung bakit ko siya pinaprotektahan. Ayaw kong makita ang anak ko na muling malugmok dahil sa pagmamahal sa maling babae. Alam n’yo kung paano siya magpakabaliw... halos ibigay niya ang kanyang buhay sa babae. At nakita ko na naman kung paano niya kabaliwan si Paulette. I thought isa na naman si Paulette sa mga maling desisyon na ginagawa niya sa kanyang buhay, but I was wrong… and I admit it. Ngayong nakikita kong mahal din siya ni Paulette ay okay na ako... ’yan lang naman ang hinihiling ko, na mahalin si Elijah ng napili niyang mamahalin, at hindi kung ano lang ang puwedeng makuha niya sa anak ko."“Tama, Tito. Tama ka diyan.” tumango si Liam, Hunter at Caleb bilang pag sang-ayon. Namasa naman ang kanyang mga mata habang nakikinig sa ama. Ramdam niya ang pagmamahal nito. Ang akala niya’y naging matapobre ito kay Paulette, at nagkamali siya. Pinoprotektahan lang pala siya ng ama.

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 700

    Agad niyang binawi ang kamay at tumingin sa malayo. “Umalis ka na, Lilac. Pumunta ka na sa Manila, sa condo ko. Doon ka magtago. May mga pagkain na doon, magpapadala na lang ako ng grocery kung kailangan mo. Huwag kang lalabas para hindi ka makita. Siguro namang hindi maiisip ng dati mong asawa na hanapin ka doon.”“Salamat, Elijah. Napakabuti mo. Nagsisisi ako na ipinagpalit kita kay William. Masyado akong nag-asam ng sobra. Siguro dahil pinanganak akong mahirap, ang nasa isip ko noon ay opportunity. Kapag magpapakasal ako kay William ay magiging green card holder ako at makakatulong pa nang mas malaki sa aking pamilya dito sa Pilipinas. Hindi ko inisip ang damdamin mo... na ikaw ang nagdala sa akin doon sa America para pag-aralin ako.... Sarili ko lang ang iniisip ko.”“Stop it, Lilac!” putol niya sa iba pang sasabihin ni Lilac. “Nakaraan na ’yon. Katulad ng sinabi ko kanina, iba na ang buhay ko ngayon. Huwag mo nang ibalik ang nakalipas.”“M-mayroon ka na bang ibang mahal?”“Wala k

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 699

    Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik siya sa mga kaibigan. “O ayan ha, pasok na kayong lahat.”“Salamat talaga, bro… salamat din kay Paulette.”“O ngayon, halos lumuhod kayo kay Paulette? Dati ayaw n’yo sa kanya!” pangongonsensya nya sa mga ito“Of course not! Hindi naman namin sinabi na ayaw namin sa kanya.”“Huuu. Tama ka na, Caleb, magsisinungaling ka pa!” supalpal ni LiamTawanan nang tawanan lang silang magkakaibigan. Na-miss niya ang mga pagkakataong tulad nito, na parang mga bata lang sila ulit... puro asaran.Hindi nagtagal ay nag-ring na naman ang cellphone niya.“Si Paulette na naman ba ’yan, bro? Mukhang miss na miss nyo agad ang isa't isa… bakit hindi ka na lang bumalik doon kaya?" turan ni Hunter"Baka naman nag-iwan si Elijah ng bakas na hinahanap-hanap ngayon ni Paulette kaya panay ang tawag?" kantiyaw ni Caleb. Muli na namang nagtawanan ang lahat. Alam nya kung ano ang ibig nitong sabihin. Namula ang kanyang mukha dahil guilty sya.Pangiti-ngiti nyang kunuha ang cellp

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status