로그인Naging mabilis ang oras. Matapos naming mananghalian kanina ay nagpahinga lang kami saglit, tapos ay tsaka na kami tinoka ni Nay Emmy sa mga gagawin naming trabaho. Ako na muna daw ang maglinis ng mga tuyong dahon at nalagas na bulaklak sa garden, pagtapos ay diligan ko ang mga bulaklak dahil alaga daw yun ni Don.
Diba? siya lang ang kilala kong lalaking nag aalaga ng bulaklak! Pero habang nagpupulot ako ng mga tuyong dahon at nalagas na mga bulaklak ay nananayo ang balahibo ko sa batok. Di ko alam kung bakit, pero usually kapag ganito pakiramdam ko, alam kong may nagmamasid sakin... O baka guni guni ko lang talaga. Hahaha. Matapos kong pulutin ang mga kalat ay saka ko naman kinuha ang hose, at hindi ko alam kung paano ito sisindihan... "Paano ba 'to?" tanong ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo at kinikilatis kung saan ba bubuksan ung hose para lumabas yung tubig! Alam ko may pipihitin dito tapos lalabas na yung tubig— "Ayyy!" sigaw ko dahil bumulwak ang tubig sa mukha ko, dahilan para mabasa ako ng buo. Agad ko namang inilayo ang hose sa mukha ko at nagpalinga linga dahil baka may nakakita sakin, jusko! nakakahiya! pero mukhang wala naman kaya kinuskos ko ang mukha ko at ang dibdib ko na nabasa rin ng tubig. Papasok sana ako para kumuha ng towel ng madako ang tingin ko sa may taas sa balcony, naroon si Don nakaupo habang umiinom ng kape at halatang nagpipigil ng tawa. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napapikit dahil sa hiya. Jusko! Sa dinami dami ng pwedeng makakita sakin ba't siya pa! Ano na lang iisipin niya? na ignorante ako sa trabaho? na hindi ko inaayos ang trabaho ko? jusko! nakailang minus point na ba ako sakaniya? Wag muna sana mag zero! wala pa akong isang araw dito! "O bakit parang basang sisiw ka jan—Jusko! wala bang nakakita sayo? Sila Jhong at Jack? S-si Poks nakita ka ba nila?" ilagagang tanong ni Aling Denden sakin. "P-po? W-wala naman po, sino po si Poks?" taka kong tanong. "Ah, driver dito... pero sigurado ka bang walang nakakita sayo ng ganiyan itshura mo?" tanong pa nito, kaya nangunot ang noo ko. "Bakit po ba kung may makakita sakin?" tanong ko. "Eh kasi..." nanlaki ang mata ko ng tignan ako sa dibdib ni Aling Denden at ngumusi roon, doon ko lang napansin na kita ang bogelya ko sa ilalim ng puti kong uniform na nabasa. Agad akong napayakap sa sarili at nanakbo papunta sa quarters namin. Tsaka ko lang naalala na nakita ako ni Don kanina... Wait? kaya ba siya nakangiti kanina? TANGINAAAAA TALAGAAA! ano ba itong kamalasang nakakapitt sakin! Dali dali na akong nagbihis, buti na lang at tig dadalawa ang uniform namin, kung hindi, anong isusuot ko habang nagtatrabaho? Short at t-shirt? jusko! ano ba tong nangyayari sakin! "Oh Shasha andyan ka pala! Tulungan mo nga akong buhatin to" tawag sakin ni Aling Denden at kita ko na may hawak siyang dalawang basket ng damit? "Saan mo naman ito dalahin Aling Denden?" tanong ko. "Ahh, sa kwarto ni Don. Wala siya ngayon don, paniguradong naroon siya sa study niya sa may balkonahe nagkakape pag ganitong oras" ano Aling Denden, at di naman siya nagkakamali... Nandoon talaga si Don, at kitang kita niya ang itshura ko kanina at paniguradong nakita niya rin ang bakat na bogelya ko. T.TSHASHA'S POV...“Shasha!”Napalingon ako kay Nay Emmy na kasalukuyang abala sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina. “Opo, Nay Emmy?”“Pakidala na nga itong almusal ni Don Arthur sa study niya. Nag-message kasi kanina na roon na lang daw siya kakain. May inaasikaso si Denden sa laundry, tapos may ginagawa rin si Osang sa pantry. Ako naman, kailangan kong tapusin itong mga ihahanda para sa tanghalian.”Agad kong nilapitan ang mesa at tiningnan ang tray na nakahanda na. May mainit na kanin, scrambled eggs, ilang hiwa ng bacon, toasted bread, at isang tasa ng kape. Mayroon ding maliit na mangkok ng hiniwang prutas sa gilid.“Bakit po parang pang-isang barangay ang almusal ni Don?” napatanong ako habang maingat na inaayos ang pagkakalagay ng mga kubyertos.Napatawa si Nay Emmy. “Hindi naman niya uubusin lahat iyan. Pero mas mabuti nang kumpleto kaysa may hanapin pa siya. Alam mo naman ang amo natin, ayaw na ayaw niyang may kulang.”“Noted po. Baka pati plato, bilangin bago kumain,” biro ko, d
DON ARTHUR'S POVAlas-dose na ng madaling-araw, pero gising pa rin ako.Ilang beses na akong nagpalit ng posisyon sa kama, ilang beses na ring tumingin sa orasan, ngunit ni katiting na antok ay wala akong maramdaman. Nakapikit man ako, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang eksenang nakita ko sa garden kaninang hapon. Ang malakas na tawanan ng mga staff, ang ngiti ni Shasha, at higit sa lahat, ang kamay ni Poks na nakahaplos sa likuran niya habang tinutulungan siyang makabawi sa pagkabulon.Napadilat ako at napabuntong-hininga.For heaven's sake, Arthur. It's just a hand on her back.Ilang oras na ang lumipas, pero bakit parang sariwa pa rin sa isip ko ang eksenang iyon? Hindi ko naman nakita si Poks na gumawa ng anumang bagay na dapat ikagalit ko. Tinulungan lang niya ang dalaga. Kung may ibang empleyado man ang gumawa noon, malamang ay hindi ko na iyon pinag-isipan pa.Pero dahil si Shasha ang sangkot, tila hindi ako mapakali.Bumangon ako at sumandal sa headboard, saka pinisi
DON ARTHUR'S POVHindi ko alam kung bakit ako napunta sa balcony nang marinig ko ang tawanan mula sa garden. Kanina pa ako nakaupo sa study, abala sa pagbabasa ng mga dokumentong kailangan kong lagdaan bago matapos ang araw, pero ilang minuto na rin akong hindi makapag-concentrate. Sa tuwing susubukan kong mag-focus sa binabasa ko, may maririnig akong malakas na halakhakan mula sa labas. Sa una ay binalewala ko lang iyon, hanggang sa tuluyan akong tumayo at naglakad papunta sa balcony upang alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga staff.At doon ko sila nakita.Halos lahat ay nagtipon-tipon sa garden, nakaupo sa paligid ng mesa habang kumakain at nagkukuwentuhan. Naroon sina Emmy, Osang, Denden, Poks, at maging ang ama ng huli. Wala naman akong problema sa paglalaan nila ng oras para magpahinga. Alam kong hindi madali ang trabaho sa mansyon, at wala akong balak na ipagkait sa kanila ang ilang minutong pahinga pagkatapos ng mga gawain nila.Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit s
Tahimik ang mansyon tuwing hapon, lalo na kapag nasa kani-kanilang gawain ang mga staff. Pero kapag oras na ng merienda at nakapagpahinga na ang lahat mula sa mga trabaho nila, parang ibang lugar ang garden. May mga upuang nakapalibot sa mahabang mesa sa ilalim ng puno, may nakahandang tinapay at kakanin, at may pitsel ng malamig na juice na agad dinudumog ng mga uhaw na katulad ko.“Hoy, Shasha, dahan-dahan ka naman sa pagkuha. Hindi naman tatakbo ang tinapay,” natatawang saway ni Ate Osang nang makita akong kumuha ng pangatlong piraso ng pandesal. Nakataas pa ang kilay niya habang nakatingin sa hawak kong plato, na para bang nahuli niya akong nagnakaw sa kusina.Ngumunguya muna ako bago siya sinagot. “Ate, ang tawag po rito ay paghahanda. Malay mo, biglang may ipagawa sa akin si Don Arthur mamaya. At least, may energy ako.” Inayos ko pa ang pagkakaupo ko at buong yabang na itinaas ang pandesal. “Tsaka sayang naman kung hindi ko titikman. Baka mamaya, ito na ang huling merienda ko ri
Mas naging normal na ang pagpasok ko sa study ni Don Arthur pagkatapos ng unang pagkakataon. Hindi na ako kasing kaba gaya noong una, siguro dahil dalawang beses na akong nakapasok doon at wala naman namang nangyaring masama. Trabaho lang talaga. Iyon ang lagi kong ipinapaalala sa sarili ko tuwing may ipinapadala sa akin si Nay Emmy roon, lalo na kapag alam kong nandoon si Don Arthur.That morning, abala ako sa pag-aayos ng ilang documents na kailangang dalhin sa kaniya. Maingat kong pinatong ang mga papel sa isang folder bago ako naglakad papunta sa study. Kakatok na sana ako nang marinig ko ang boses niya mula sa loob.“Yes, I understand. Send it to my office and I'll review it myself.”Napahinto ako at umatras nang kaunti. Mukhang may kausap siya sa phone, kaya naghintay muna ako sa labas hanggang sa matapos ang conversation. Ilang sandali lang, bumukas ang pinto mula sa loob at nakita ko siyang nakatayo roon habang hawak pa rin ang phone.Nagkatinginan kami bago siya bahagyang tum
Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad pabalik sa kitchen. Kape lang naman ang dinala ko kay Don Arthur, at ilang minuto lang naman kaming nag-usap sa study niya. Wala namang nangyari. Hindi rin naman siya nagsabi ng kahit anong kakaiba, pero habang inaayos ko ang mga baso sa counter, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang sinabi niya.You look tired.Napailing ako at mas pinagtuunan ng pansin ang ginagawa ko, pero lalo lang akong nainis sa sarili ko nang mapansin kong ilang segundo na pala akong nakatitig sa isang baso na hawak ko. Wala naman akong nililinis doon. Hawak ko lang talaga at parang nakalimutan ko kung ano ang susunod kong gagawin.“Shasha?”Napalingon ako kay Ate Osang na nakaupo malapit sa counter. Mas maayos na ang itsura niya kaysa kanina, kahit may bakas pa rin ng pagod sa mukha niya. Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin, kaya agad kong ibinaba ang baso at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng ibang gamit. “Bak







