Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-02-12 09:28:31

LILURA ÁSVALDR ODESSA

“Mabuti naman at dumalaw kana hija,” wika ni Doc Enriquez.

Dito pinadala ni Mr. Hadisson ang mama ko sila ang nagbabayad ng ibang bills ng mama ko habang wala ako at sa gamutan na rin. “Kumusta po ang mama ko?” Tanong ko sa personal na doctor ng mama ko.

“Mabuti naman siya sa ngayon, mabuti at tuloy tuloy ang gamutan niya..” wika nito na kina tango ko.

“Gusto ko po makita ang mama ko..” wika ko dito.

“Sige sasamahan ka ng nurse.. Jo? Samahan mo si Miss Odessa sa kwarto ng mama niya..” utos ni Doc sa kanyang nurse na babae.

“Opo doc, tara na po..” naka ngiti nitong aya sakin.

Tumango ako at tumayo na ako dala ko ang mga prutas na binili ko, nag tungo kami sa kwarto ni Mama pag pasok ko pa lang nakita kong gising si Mama. Iniwan naman na ako ng nurse.

“Ma? Nandito na po ako..” pag kuha ko ng atensyon nito.

“Mabuti naman, naka usap mo ba ang ama mo?” Tanong nito sa akin.

Napa higpit ang hawak ko sa dala kong basket ng prutas. Nilapag ko ito sa mesa at kumuha ako ng isang mansanas. “Sana nag uusap kayo o nag kita man lang hindi na kasi siya nakaka tawag sa atin dati kasi tumataw——” pinutol ko na ito ng sumagot ako.

“Simula ng pinili ko na bumalik tayo dito, pinutol ko na ang connection natin sa kanya. Huwag na kayo kumapit sa taong may pamilya.” Malamig kong sagot.

“Anak tatay mo parin siya.. hindi mo maalis yu—-” hindi ko muli pinatapos ito ng mag tawag na ako ng nurse.

“Babalik na lang ako sa ibang araw.. pero sana hindi na siya ang bukang bibig mo..” wika ko at lumabas na ako.

Binagsak ko ang hawak ko sa mesa at sinalubong ko ang nurse. “Babalik na lang ako Nurse sa ibang araw..” wika mo at hindi ko na ito hinintay pang mag salita at umalis na ako.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ko ang floor 1. Nakaka inis man pero lagi parin kumakapit si Mama sa lalaking ni isang beses hindi naman siya minahal.

Umiling na lang ako at bumuntong hininga, kahit may nag babadyang luha sa mata ko pinigil ko ito dahil nangako ako na hindi na ako iiyak ulit.

LUMIPAS ANG MAG hapon ko sa bahay na nag aayos. Hindi na ako muling bumalik pa sa hospital, bukas na lang siguro hindi ko kaya kapag ang topic ni Mama ay ang lalaki na ‘yun, kaya nagagawa kong lumayas na lang.

Ano bang especial sa lalaking ‘yun? Wala kasi akong nakikita kahit kaunti. Nilabas ko ang laptop ko at nakita ko sa article ang tungkol sa pamilya ng ama ko.

Saka ko na iku-kwento kung sino ba talaga sila, dahil hindi pa ito ang panahon para doon. Nang makita ko na ang family portrait nila agad kong inalis na ang atensyon dito. Muli akong tumayo at nag bihis upang mag hanap ng part time job kahit naman nag ta-trabaho ako bilang assassin suma-side line din ako sa ibang trabaho.

Nag suot ako ng jeans na itim, isang t-shirt na puti at jacket na makapal malamig ang gabi kaya kailangan ko ito upang hindi mag kasakit.

Lumabas na ako ng bahay namin at kinandado ko ito. Isa pa sa pinaka ayaw ko din sa pagiging assassin ay may maka alam ng tunay kong identity dahil ako mismo nag lagay sa aking ina sa delikadong sitwasyon.

Kaya umiiwas din ako na lagi ko itong dalawin mas lalo kung kainitan ko sa aking mission. Ito ang tinatawag ng nakakarami na..

Between the life and Death situation.

Alam ko naman na hindi na tatagal ang ina ko pero hanggat kaya ko pa gusto ko ibigay sa kanya ang buhay na kailangan niya. Masakit man sabihin pero mas mahalaga ang ama ko sa kanya kesa sa akin.

Napa tigil ako sa pag lalakad ng bumalik sa ala-ala ko ang nangyari noon kung paano ako hindi piliin ng sarili kong ina. “Not now..” bulong ko at nag patuloy ako sa pag lalakad.

“Oh bumalik na pala si Lura..” napa lingon ako sa lalaking nag salita.

Si Jed ang dakilang tambay dito at manginginom, kasama niya mga kaibigan niyang adik at mga basagulero. Mahilig silang mang gulo at mag hanap ng gulo.

“Shot ka naman Lura..” aya ng isa sa kanila. Umiling lang ako at hindi na nag salita pa.

“Ay tumatanggi ka na? Alam mo naman na kada daan dito at inaaya namin at bawal tumanggi diba?” Tanong ni Jed si Jed ang leader dito.

Nilingon ko ito at nag salita ako. “Wala akong pakialam sa trip ninyo, kung ayoko uminom ayoko..” sagot ko at tumalikod na ako sa kanila.

Naramdaman ko ang pag tayo ng iba sa bata nito, kahit naka yuko ko at may cap ramdam ko ang kilos nila. Isa ito sa mahigpit na training sa amin noong nasa russia pa ako.

Hindi ako naging assassin sa Bansang Spain kundi sa Russia ng doon ako personal kunin ni Mr. Hadisson.

Nang may humawak sa balikat ko agad gumana ang instict ko at hinawakan ko ang braso nito at inikot sa kanyang likod. Napa luhod ito at sumigaw sa sakit ng ginawa ko.

Mabilis kong binitawan ito, “Tulad ng sabi ko wala akong pakialam sa gusto niyo. Nanahimik ako..” wika ko at tiningnan ko si Jed ng malamig at umalis na ako ng tuluyan.

Nag tungo ako sa labasan kung saan makikita na ang mga nag lalakihang building ng BGC. Nag tungo ako sa isang bar kung saan ko nakita kahapon ang mga babae na ‘yun..

“Boss open ba ang Bar sa pag tanggap ng kahit server man lang?” Tanong ko sa guard na naka upo.

“Oo nag hahanap ata sila ng barista baka gusto mo, pasok ka sa loob.” Sagot nito tumango ako at pumasok ako sa loob.

Wala pa gaanong tao pero may iilan na rin naman. Lumapit ako sa may counter o bar counter dito. “Boss, nag hahanap pa ba kayo ng barista?” Tanong ko sa lalaking naka tayo pero naka talikod ito.

Nang lumingon ito nagulat ko na ang gwapo nito at ang kisig nito. “Mag aapply ka?” Tanong nito pabalik sa akin.

“Opo sana, nag hahanap kasi ako ng part time..” sagot ko dito.

Nang may lumabas sa kanan ko na babae. “Sir Val ako na po niyan!” Wika ng babae at tawag nito sa lalaki.

Nilingon ko ang lalaki, binaba nito ang hawak niyang alak at hinarap ako. “May offer ako sayo, hindi ka naman bagay maging Bartender, pwede ka mag trabaho sa magulang ko bilang personal nilang yaya.” Wika nito.

Napa ngiwi naman ako at umiling. “W-wala akong alam boss sa ganyan..” hindi ko maiwasan na mautal ng sagutin ko ito.

Nagkibit balikat ito. “May tao na ang counter, 50k monthly plus mga bonuses at mga insurance mo kami na ang bahala. Pag isipan mo, kung nakapag desisyon kana bumalik ka dito..” wika nito at umalis na ito sa harapan ko.

Yung babae naman ay napa iling na lang, sinundan ko pa ng tingin ang lalaki hanggang humalo ito sa kumpulan ng mga tao. “Sino pala siya?” Tanong ko sa babae at nilingon ko ito.

Nagulat pa ang gumuhit sa mukha nito sa naging tanong ko. “Hindi mo alam? Saang planeta ka ba galing?! Isa sya sa mga hottest CEO ng bansang ito kasama siya sa mga handsome bachelor. Siya si Sir Rhysand Valdis Maxilliano. Ang pamilya nila ay kilala sa politics..” paliwanag nito.

Nag kibit balikat ako at umupo ako. “Hindi ko pa siya narinig matagal akong nanatili sa Russia dahil sa trabaho, wala akong ideya.” Sagot ko dito na kina tango nito.

“Kaya pala, ako nga pala si Jessica at ikaw sino ka?” Tanong nito sa akin at pagkilala na rin.

“Lilura Odessa, Lura na lang..” pakilala ko at nakipag kamay ako dito.

“Ang ganda naman ng pangalan mo, alam mo maganda ka kaya mag ayos ka..” wika nito ngumiti lang ako ng tipid at umiling.

“Walang oras..” sagot ko dito at sabay kami napalingon sa likod ko ng may maingay na pumasok. Naririnig pa namin lahat dahil hindi pa ganun ka lakas ang tugtog dito dahil alas sais pa lang ng gabi.

Nakita ko na naman ang isa sa kanila ang pinaka bunsong si Llewella. “Alam mo ba na ang magkapatid na Lambrix? Marami nagsasabi na mga assassin daw ang mga ‘yan ngunit walang kumpirmadong information tungkol sa kanila. Malaking sindikato ang may hawak sa kanila.” Wika ni Jessica.

Inalis ko ang tingin ko dito at nag salita. “Kung ano man ang info na meron sila wala na akong pakialam doon.” Sagot ko lang at nag paalam na ako na lalabas na ako.

Plano ko tanggapin ang trabaho pero baba muna ako sa Headquarters upang kumuha ng bagong trabaho. “Hey you! Ikaw yung naka aaway ni Lieve diba?” Napa lingon ako ng may humawak sa aking braso.

“Eew ano bang suot ‘yan? Tao—” hindi ko pinatapos ito ng mag salita ako.

“Kung tinawag mo ako para laitin lang? Huwag mo kalimutan na humarap sa salamin, clown..” bulong ko sa huling salita ko at nag lakad na ako palabas ng tuluyan.

Hindi na ako lumingon pa o ano basta na lang akong lumabas at plano ko na dumertso na sa OoTA kung saan ako kukuha ng trabaho pero kailangan ko muna bumalik sa isa ko pang bahay upang mag bihis.

Bilang Assassin..

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LILURA ÁSVALDR | The Assassin’s Collaboration (TAGALOG)   EPILOGUE; BOOK 1 FINALE

    THIRD PERSON POV “Hindi ito totoo!! Hindi! Hindi!!” Malakas n ma sigaw ni Llewela at pinag sisira nito ang papel, habang si Lilura naman ay tumigil sa paglalakad at humawak ito sa malaking debris ng semento upang kumuha muna ng lakas. “Minsan, ang mga mata natin ang totoong taksil sa atin. Dahil nakikita na natin ang katotohanan, pero mas pinili nitong nagbubulag-bulagan dahil may gusto ang isip natin na sagot..” maka hulugan na wika ni Lilura. “Kunin niyo si Lilura..” utos ni Flame at agad itong nag lakad patungo sa harapan upang salubungin si Lilura. “Masusunod po..” nag takbuhan agad ang mga kaibigan ni Lilura. Nang makuha nila si Lilura sumugod si Llewela kay Flame ngunit agad itong tinutukan ng baril sa mukha. “Lahat ng information na binigay ko ay tugma at tama. Problema mo na kung paano mo yan aalamin, bago ka manisi at itutok ang baril sa isang tao alamin mo muna ang lahat.” Mahabang paliwanag ni Flame. Gumihit ang takot sa mukha ni Furiae dahil sa klase ng tingin

  • LILURA ÁSVALDR | The Assassin’s Collaboration (TAGALOG)   Chapter 100

    THIRD PERSON POV “Bakit kasama ang mommy Levana?” Tanong ng ama ni Levana na ng nasa sasakyan sila patungo sa lumang gusali na malayo sa kabihasnan. “Dahil kailangan ni Mommy malaman lahat ng ginawa mo..” sagot ng panganay na anak ni Oswald at Heleth Lambrix. Agad gumuhit ang takot sa mga mata ni Oswald na maaaring malaman na ng kanyang asawa ang pagtataksil na kanyang ginawa. May 20 years na mahigit ang nakaraan. “Anak mapag uusapan naman ito, huwag lang ganito!” Awat at pakiusap ni Oswald sa kanyang anak. “Ano ba nangyayari sainyo?” Pag tatakang tanong ni Heleth sa kanyang mag ama. “Dad, matagal na kita binigyan ng pagkakataon para mag sabi sa amin ng katotohanan. This time huwag ka naman maging unfair!” Sagot ng dalagang si Levana. “Anak pakiusap labas dito ang mommy mo! Alam mo naman kung gaano ko pinaghirapan ang makilala ang ——” hindi ito natapos sa pag sasalita ng itigil ni Levana ang sasakyan sa isang lumang gusali. Lumingon ito sa kanyang ama na matalim ang pag

  • LILURA ÁSVALDR | The Assassin’s Collaboration (TAGALOG)   Chapter 99

    LILURA ÁSVALDR ODESSA Kung kanina matapang pa ako, ngayon hindi na dahil sa batang dina-dala ko. Nagugutom na ako halos isang araw na ako na hindi kumakain. Kaya pakiramdam ko hinang-hina na ako at nauuhaw pa ako. Masakit din ang katawan ko at mga sugat ko. “Anak.. kapit ka lang kay mommy ha? Huwag ka muna bumitaw pakiusap..” bulong kong pag kausap sa anak ko. Dumating na ang araw kung saan hindi ko alam paano ko ipapaliwanag dahil wala akong ideya sa nangyari sa Russia. Hindi ko alam sino ang pwede ituro. Kasalanan ko ito hindi ko inalam anong nangyari noon, ngunit malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang taong nag aabang sa target ko ng gabi na ‘yun. Sigurado ako na meron pa, dahil ang bala nila nang galing sa mataas na parte sa harapan. Ibig sabihin nasa harap ito naka pwesto, nang gawin ko ang trabaho ko sumabay na ito, para sa akin ang sisi.. Naikuyom ko ang kamao ng napagtanto ko ang ginawa ng taong ‘yun. Wala din akong ideya sa mga taong nakapalibot sa mga kaibiga

  • LILURA ÁSVALDR | The Assassin’s Collaboration (TAGALOG)   Chapter 98

    THIRD PERSON POV MALAMIG NA TUBIG ANG gumising kay Lilura, umubo ito dahil sa tubig na nainom nito. Nang imulat nito ang kanyang mata doon niya nakita ang mukha ni Llewela. “Sa tagal ng panahon na hinahanap ko ang taong pumatay sa kaibigan ko at kay tito? Kasama ko lang pala all along ?” Tanong ng dalaga sa kanyang kapatid. Ngumisi si Lilura at nag salita. “Hindi ka ba nag hanap pa ng mga ebidensya kung talagang pinatay ko ang kaibigan mo?” Matapang na tanong ni Lilura. Nang aambahan ng sampal ni Llewela ang kapatid tumigil ito at nag salita. “Papahirapan kita hanggang ikaw mismo ang sumuko!” Pagbabanta nito. “Papayagan kita, pero huwag mong idamay ang bata sa t’yan ko..” pakiusap ni Lilura. Tumawa lang ang dalagang si Llewel at hinawakan ang baba ni Lilura at inangat patingala sa kanya. “Nakakaawa ka naman, Miss Lilura Ásvaldr Odessa. Tingin mo maniniwala ako sa’yo? Marami na akong pinatay na tao at nagmamakaawa sakin tulad mo buntis din, pero sa huli nag sisinungaling din

  • LILURA ÁSVALDR | The Assassin’s Collaboration (TAGALOG)   Chapter 97

    LILURA ÁSVALDR ODESSA Nagising ako ng madaling at una kong tiningnan ang orasan sa tabi ko, nakita ko na 4;14 na ng madaling araw. “Ma.. kain ka po muna para may laman ang t’yan mo..” kalabit ko sa mama ko ngunit napa tigil ako ng napaka lamig ng balat ni mama. Agad kong binuksan ang lampshade at doon ko nakita na anak pikit si mama at natutulog. “Ma..” tawag ko dito at pinag masdan ko ang buong katawan ni mama pababa. Napansin ko na hindi na ito humihinga. “Ma.. gising kana po..” tawag ko muli dito, naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko at ang pangingilid ng luha ko. “Ma! Gising na po!” Tawag ko muli dito habang ang luha ko ay tumutulo na. “Ma naman.. gising na po, sabi ko po diba kakain po kayo pag alas kwatro na..” tawag ko dito at pinunasan ko ang luha ko at buong mukha ko. Panay ang yugyog ko kay mama ngunit hindi pa rin ito kumikibo o nagigising. Napa yuko at umiyak lang ako. “Sinamahan mo lang ako kumain sa huling pagkakataon. Kahit alam ko naman na ang lahat, masaki

  • LILURA ÁSVALDR | The Assassin’s Collaboration (TAGALOG)   Chapter 96

    LILURA ÁSVALDR ODESSA Nasa labas kami ni mama habang nag papaaraw kami dahil kailangan niya ito kahit papaano. Tinigil ko ang wheelchair at umupo ako sa may bato habang naka tanaw sa asul na dagat. “Mama, lagi po tandaan na mahal na mahal kita..” wika ko at hinawakan ko ang kamay ni mama. Napaka payat na nito, ni hindi ko na makikala ang mama ko. Naka suot na rin ito ng bonnet sa ulo dahil wala na rin buhok si Mama. Nagising ako sa pag iisip ng hawakan nito ang mukha ko. “Anak. Lagi mo tatandaan kahit mawala si mama mahal na mahal kita. Ang mundo anak napaka walang puso kaya kailangan mo kayanin..” ngumiti ito pero tipid na. Tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng mama ko. “Kakayanin ko po kahit ano pa ‘yan..” sagot ko dito. “Ang mga kaibigan mo.. si Flame napaka bait niya anak gusto ko siya bilang kaibigan mo, napakabuti ng puso niya nagawa ka niya protektahan sa lahat..” wika ni mama na kina gulat ko. “Paano niyo po siya nakilala?” Tanong ko dito, tumingin lang ito sa ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status