LOGINThanks for dropping by...
Kinabukasan sa istasyon, umaga at tahimik pa ng mga oras na yun.May kanya kanyang ginawa ang mga naroon. Habang si Arah naman ay kanina pa nakatitig sa calling card ng NorthPoint na nasa ibabaw ng kanyang mesa.Kanina pa siya nagdadalawang isip kung tatawag ba siya o hindi kahit buong gabi na niya itong pinag-isipan, ang tawagan si Renz para pasalamatan.Aminado siya na kung hindi dahil sa binata ay baka siya itong nasa hospital ngayon sa halip na yung mga puganteng binaril niya kahapon. Kaso sa tuwing tatangkain niyang damputin ang telepono para i-dial ang numero ng NorthPoint ay parang napapaso siya. Nahihiya kasi siya na hindi niya maunawaan. Pakiramdam niya ay para siyang highschool na naman na tatawagan sa telepono ang kanyang crush at aamin dito ang nararamdaman.Bumuntong hininga siya ng malakas.Pagkatapos ay marahang dinampot ang telepono at lakas loob na dinayal ang numero.Nakadalawang ring bago may sumagot.“NorthPoint Logistic… Good morning!” masiglang bati ng sekretary
Isinakay sa patrol service si Rogy habang ang dalawang kasama nito ay sa ambulansya naman isinakay upang gamutin sa hospital. Wala naman sila sa bingit ng kamatayan pero yung tama ng baril ay sapat na para hindi sila masyadong makagalaw kaya kinakailangang lapatan ng pangunang lunas.Habang abala ang mga kasamahan sa mga pugante, abala naman si Arah sa pagtingin sa paligid upang alamin kung nasaan na si Renz. Pero hindi na niya ito makita. Naglaho na lang ito na parang bula.Maging ang sasakyan nito ay wala na rin kung saan nito ipinarada kanina.Kung puro pagdududa ang nasa isip ni Arah kanina nang sundan niya si Renz gaya ng kung bakit at ano ang ginagawa ng lalaki sa lugar na ito…, ….ngayon naman ay iba na ang tumatakbo sa utak niya.At yung ay ang ilang beses na muntik na siyang nalagay sa alanganin dahil sa grupo ni Rogy pero ilang beses din siyang naligtas dahil nagkataong nandyan si Renz. Yung hinihila siya palayo sa kapahamakan at binubulungan upang malaman kung nasaan ang k
Mag-isang tinungo ni Arah ang hotel kung saan may nangyari sa kanila nung macho dancer. Hindi na niya isinama si Jonas dahil may tinatapos pa itong report. Ang daan papuntang hotel ay same route papuntang NorthPoint kaya madadaaan niya ito. At nang mapadaan nga siya ay unti unting huminga ang patakbo niya ng sasakyan. Maya maya lang ay nakita niya ang sarili na nasa labas ng NorthPoint sa hindi kalayuan. Kahit hindi na niya hawak ang kaso ng NorthPoint ay narito pa rin ang kanyang interest. Ilang taon na rin niya itong hinawakan kaya naman ganun na lang siya ka-invested sa kasong ito na parang ang hirap pakawalan. Lalo na at may naaalala siyang sinabi ni Renz sa reunion. Hindi niya maalala ang eksaktong salitang ginamit nito pero parang may gusto itong aminin kung hindi lang sana dumating si Joey. Kaya palaisipan na naman sa kanya yun. Napakislot siya nang bumukas ang gate at lumabas ang isang itim na sasakyan. Huminto muna ito sa tapat ng guard house. Mabilis na lumapit ang is
“Wag mong intindihin ang ama nun. Hindi porke sinabi niyang layuan mo eh lalayuan mo na nga.” boses ni Tatay Albert. Tila nagising si Leon mula sa pagbabalik tanaw nang marinig ang amain. Napangiti si Renz dahil napaka-supportive nito sa kanya. “I don’t. I choose to keep distance hindi dahil sinabi ng ama niya. I did it for her sake because it was the right thing to do.” sambit ni Renz. Alam naman niyang may punto ang ama ni Arah. Iniimbestigahan ni Arah ang NorthPoint. Sa ilalim ng patakaran ng pulisya, kailangang manatiling propesyonal at walang personal na ugnayan ang isang imbestigador sa subject nito upang hindi makompromiso ang integridad ng kaso. Pwede ring makasira sa imahe ni Arah kung magkaroon ng conflict of interest. Lalo na ngayon na siya na ang bagong may-ari ng NorthPoint. Kailangan niyang mag-ingat sa mga desisyon. This wasn’t something he could rush. The last thing he wanted was to put Arah in a very difficult situation. Hindi na sila mga high school stud
‘Mukhang malalim ang iniisip natin ah” Napalingon si Renz nang marinig ang boses mula sa kanyang likuran, si Tatay Albert. May hawak itong dalawang malamig na bote ng beer at inabot sa kanya ang isa. “Pampakalma.” nakangiting anito. Narito siya ngayon sa Laguna. Sa halip na bumalik sa reunion ay dito siya dumiretso kahit gabing gabi na. “Hindi ka naman uuwi ng probinsya ng ganitong oras nang walang dahilan.” Bumuntong hininga si Renz. Tama si Tatay Albert. Kapag may bumabagabag sa kanyang isip ay dito siya agad dumidiretso. Sa bahay na ito, nagiging payapa ang kanyang isip. “Si Captain na naman ba?” may panunukso sa tono ng boses nito. Tipid na napangiti si Renz bago lumagok ng beer. “Hindi pa ba nakakapagtapat ang binata namin?” dagdag na biro ni Tatay Albert. Mahinang natawa si Renz saka umiling. Alam ni Tatay Albert ang tungkol kay Arah. Maging yung gabing may nangyari sa kanilang dalawa ng babae. Kahit naman hindi niya sabihin ay malakas na ang kutob ng kanyan
Mabigat ang katawan na nagdrive siya pabalik sa presinto. At ilang minuto lang ang nakabalik na sila doon.“Nagulat talaga ako dyan kay Mrs. Delgado. kaloka, ginawang kabit yang beauty mo.” sabi ni Jonas pagkaupo.Napabuntong hininga si Arah at sumandal sa upuan.“Ako na nga ang tumutulong sa kaso nila noon, ako pa ang napasama. Sana lang maayos ko bago pa makarating sa mga kasamahan natin ang tungkol doon. Dahil siguradong makakarating yan agad kay Dad.”“Minsan ganun talaga lalo na at sobrang babaero ng mga asawa nila. Lahat na lang ng babaeng mapapadikit, iniisip nilang may relasyon sa mga asawa nila. Malas mo lang dahil isa ka sa mga napagbintangan.”Sasagot pa sana si Arah ng may lumapit. “Captain…” si Gina yun, ang records custodian at non-uniformed personnel. Maganda, seksi kaya maraming nanliligaw ditong mga pulis sa istasyon nila.Napalingon ang magkaibigan sa babae.“May bagong records request po mula sa prosecutor’s office.” magalang na sabi nito at inabot kay Arah ang pape







