Honeymoon, my ass!
I can’t believe I got ahead of myself and thought we were gonna do what I anticipated he would do. Noong pumasok siya sa kwarto ay kinabahan ako— I prepared my body for anything worse, pero hindi niya ako ginalaw. Nang lumapat ang likod niya sa higaan ay natulog na rin siya agad. He looked so defenseless in his sleep, I almost forgot how good he is at fighting and that.. he is a criminal. Our companies were once affiliated, so I guess that makes me one too. Nakatulog ako sa pag-iisip at pagtitig sa mukha niya at nang magising, wala na siya sa tabi ko. Kinuha ko ang phone ko at inis na pinatay ang alarm no'n. I forgot to turn off my alarm at four, kaya gising na agad ako! Ganitong oras kasi.. nag-p-plano kami tumakas ni Celine noon, kaya nakaset na ang oras sa phone ko. Nawala na ang antok ko at lumabas ako ng kwarto, at nakita si Javier doon sa veranda. Nakapamulsa at naninigarilyo. “Good, you're up early,” bati niya at napansin na nakatingin ako sa yosi niya. “Gusto mo?” Kamumulat lang at wala pa sa sarili— lumapit ako at pinanood syang humipak doon. He puffed his cigarette more than twice, bago hinawakan ang pisngi ko. Nang maramdaman ko ang palad niya sa balat ko ay doon lang ako natauhan. Humipak siya ng isang beses at hindi binuga ang usok. Sa halip ay pinagparte niya ang mga labi ko gamit ang daliri niya at sinunggaban ako. Nanindig ang mga balahibo ko nang matikman ang menthol na flavor ng sigarilyo niya. Did we just.. did.. a shotgun kiss? Anong pumasok sa isipan mo, Claire, at pumayag ka?! “N-Nakakadalawa ka na!” giit ko at umatras ng isang baitang, dinuduro siya. Hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin sa hiya. Sigurado akong pulado na ang mukha ko ngayon— parang hinog na kamatis! “You taste good though,” nakangising sagot niya at tinalikuran ako para manigarilyo. Did he.. oh my God! Tinignan ko ang sarili ko at tinakpan ang dibdib ko. “Manyak!” sigaw ko. Hindi niya ako nilingon pero kitang kita ko ang pag-angat ng labi at balikat niya, pinagtatawanan ako. Bahagya kong sinipa ang likod ng tuhod niya at iritado na bumalik sa kwarto ko. I know he didn't touch me— but it's not.. that I would really mind.. even if he did. Napatayo ako sa pumasok sa isip ko. “Hormones! This is my hormones acting up, siguro ay ovulation period ko!” kumbinsi ko sa sarili ko. I had my fair share of sensual fun, casual making out and such— pero iba ang bagay na 'to. Lahat ng 'yon ay stranger or a friend of a friend in college. Si Javi, he’s my husband in contract. Huminga ako ng malalim at tumitig sa ceiling fan. Hanggang ngayon, naaalala ko ang nakahandusay na katawan nang magkita kami ni Javier. Kahit pa i-n-assure niya ako na buhay lahat ng mga 'to, sa tingin ko ay nag-iwan 'yon ng malaking impact sa akin. Lalo na at hindi ko alam kung ano ng nangyari kay daddy. Hanggang ngayon ay wala akong balita tungkol sa kaniya. Nang umalis siya, hindi ko na nabalitaan na umuwi ito. Wala rin namang nababanggit si tita at Celine. Bumigat ang dibdib ko ro'n ngunit napawi ito agad nang pumasok sa kwarto si Javi, may bitbit na itim na duffle bag at naupo sa gilid ng kama— sa tabi ko. “Para saan 'yan?” masungit na tanong ko. Hindi ko naman napansin 'yon na bitbit niya kahapon. Ang naaalala ko, ako ang may bitbit na bag at sobrang liit pa no'n dahil hindi ako prepared. I only brought necessities for a short period of time. Who would have thought na sa rest house ang punta namin at mag-s-stay kami dito? Hindi ako ready. Wala tuloy akong swimsuit! “Mag-h-hiking tayo..” bigla ay sabi niya. Napabalikwas ako ng bangon. “Are you crazy? Wala akong damit!” reklamo ko. I know he's weird but not this weird! He must be really out of his mind. Bakit niya naisipan na mamundok? Paano naman ako ro'n? I'm new to this, paano kung iwan niya ako o 'di kaya.. paano kung plano niya talaga ito? I-Is he going to.. 'Wag naman! Ang bata bata ko pa! “Hindi, ayoko! Kung gusto mo ay ikaw mag isa ang mamundok!” pag tanggi ko at babalik na dapat sa higaan pero binuhat niya ako at itinayo. In the end— I accompanied him sa trip niya na pamumundok. Parang bibigay na ang tuhod ko sa taas ng inakyat ko! Never ko pa yata naranasan ang ganon karaming steps, hindi ko na yata kaya bumaba ulit. “Ano ba kasi ang gagawin natin dito?” Hinahabol ang hininga na saad ko, hinahapo ako sa init at pagod. Hindi siya sumagot at tinignan lang ako, bago naupo doon sa tuktok ng mataas na bato— sakto sa sikat ng araw. Ang ganda ng bukang liwayway.. Tumatama ang sikat nito sa buhay kaya’t kitang kita ko ang reflection nito. Pati ang mga mata niya, kumikislap. My mouth gaped open with how breathtaking he looked— nang bigla ay lagyan niya ng siopao ang bibig ko. “Marunong ka bumaril?” sabay tanong niya at nangunot ang noo ko. “Kung hindi ay tuturuan kita dito..” Nabitawan ko ang kagat kagat kong siopao at hindi makapaniwalang tinignan siya. Binabalak niya ba talaga na patayin ako? I saw him opened the duffle bag and took out a short gun. Pinanood ko syang lagyan ito ng bala at kabado na kinakapa ang kinikilos niya. I can’t believe that at this exact moment, nagagawa ko pa bumilib sa bilis nyang magkalas at mag-ayos ng baril. Survival instinct? Definitely zero! “Tignan mo kung paano i-assemble,” mahinahong utos niya at tumango ako. Matapos nyang lagyan kanina, inalis nya ulit ang mga bala nito. Ibig sabihin ay safe pa ako! Kahit na mag init ang ulo niya sa akin ay wala 'yong laman. “Try loading the gun, i-g-guide kita,” aniya. He placed the gun on the top of my hand at muntikan ko pa 'yong mabitawan! Hindi ko inaasahan na mabigat ito. Just as he said, he guided my hand. Step by step nyang sinasabi sa akin kung paano ang gagawin at ano ang uunahin ko. We tried doing it a few times bago ko nakuha kung paano gawin ng tama. It was a big help, indeed. In case of emergency— I at least have an idea how to load a gun with bullets. Bagay na bagay sa akin 'to at hindi healthy ang life style ng asawa ko. After loading the gun, pumwesto si Javier sa likod ko— hinawakan ang kamay ko at itinutok ang baril sa may puno. Ngayon ko lang napansin na may target board pala ito, a self-made target board. But I couldn’t care less. Javier fired the first bullet and it hit through the middle of its forehead. Napabilib niya ako do'n! Nakangiti ko syang nilingon at sinubukan na gayahim ang ginawa niya. Kaso, hindi ito tumama sa kahit saang parte ng target kung hindi sa sanga ng puno. Sinubukan ko ulit pero hindi talaga ito tumatama sa target board. “Don't get disheartened, you need to learn the basics..” bulong ni Javi at niyakap niya gamit ang isang braso ang katawan ko. “Take it easy and focus— to save yourself and stay safe for me,” he muttered.Macau, China. 8:00 AM. Nag-unat si Claire at marahan na iminulat ang kan’yang mga mata. At agad na bumangon nang makita ang orasan. She overslept. She grabbed her phone from the bedside table and checked for messages. Hindi niya kasi nakita si Javi sa tabi niya. After a short time with him last night, sinamahan siya nito sa kwarto matulog. ‘Di gaya noong araw na pumunta sila dito, hindi na umapila pa si Javi. But she didn’t even feel it when he left the mattress. Saan na naman kaya ito nagpunta? Hindi naman nag-message ito, kahit si Vien, hindi rin nagsabi. “Nasa ibaba kaya sila?” tanong ni Claire sa sarili at lumabas. Marami ang mga tauhan ng Navarro na nakakalat sa buong bahay. Nangunot ang noo ni Claire at ipinagtaka ito. Hindi naman ganito ang dinatnan niya kahapon. But then, an idea popped up in the back of her mind. The auction. Pumasok siya ulit ng kwarto at naligo. She changed into comfortable clothes before going downstairs. At tama nga ‘yong iniisip n
Habang nag-iisip, nagsasalubong ‘yong kilay ni Vien. Hindi masikmura ang inaasahan n’yang makita sa gabi na ‘yon. “Paano tayo makakapasok?” tanong ni Andrei. Lumulunok. Kasabay ng matunog na paghinga ay ang pag-abot ni Javi sa invitation tickets na ibingay sa kanya ni Shin. Saktong sakto ‘yon, apat.“Paano ang backup? Isasama mo talaga si Claire dito?” kunot-noong tanong ni Vien. Hindi maitago ang pangamba. Tumango si Javi. “She came here as a part of our team— hindi natin p’wedeng isantabi ang katotohanan na ‘yon.”“And if she died?” nakataas ang kilay na tanong ni Andrei. Javi’s eyes darkened. “No one’s dying on my watch, Andrei.” “Hindi mo masisiguro ‘yon.” Tumayo si Andrei at umakyat na sa itaas. Hindi na inantay pa ang abiso nito. “Tignan mo ‘yon!” aniya ni Vien at susundan dapat ang kapatid ngunit tinapik ni Javi ang balikat nito. “Hayaan mo na, kasama rin naman siya sa auction sa ayaw niya at gusto,” sabi ni Javi. At ayon na naman ‘yong mukha niya na hindi mo kakitaan n
Habang nasa Navarro Corporate office si Claire at Javier— hindi rin matahimik si Andrei at patuloy ang imbestigasyon. Matapos ang mainit na usapan kagabi, hindi rin naman magawang sundin ni Andrei ang sinasabi nito. Mas nanaig sa kanya na ituloy ang plano nito na pagmamanman sa mga Cuevo, kahit siya lang, ngunit hindi ‘yon natupad, sapagka’t hindi siya hayaan ng kapatid.“Kapag nalaman ni Kuya Zen ang ginagawa mo, mayayari ka,” pananakot ni Vien. Nasa itaas sila ng isang rooftop. Ayon kay Andrei at ayon sa “source” niya, katapat ng building na kinatatayuan nila ‘yong gusali kung nasaan si Fiona.“Hindi makakarating kung hindi mo sasabihin,” nakangising sagot nito at inaayos ‘yong sniper. It wasn’t to start a chaos but to see what they have under their sleeves. “Hindi ba mapapansin ang ilaw n’yan?” giit ni Vien at naupo sa tabi ng kapatid. Nakikiusosyo rin sa ginagawa nito. Hindi siya sinagot ni Andrei, bagkus, nagpatuloy sa pagsipat kay Fiona. Ang nasa loob ng gusali ay puro ta
Hello! This is Author Kei.Moving forward, this story will be written in THIRD PERSON POINT OF VIEW. Comments and feedbacks are highly appreciated. Maraming salamat po!
Nang makalabas si Javi, inayos ko ulit ang sarili ko. The lipstick that I put on earlier got erased when we ate. Kinuha ko ang small bag ko at inilagay doon lahat ng kailangan ko— and that includes a knife, a small knife. Chineck ko ulit ‘yong sarili ko sa harapan ng salamin. After making sure that everything’s ready, bumaba na ako at nakita agad doon si Javi. Nakaayos na rin siya at nag-iintay sa tabi ng sasakyan. “Shall we go?” tanong niya at inilahad ang kamay sa harapan ko. I smiled at him and put my hand on the top of his. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at pinrotektahan ang ulo ko sa pinto nang pumasok ako. Umikot si Javi sa driver’s seat at nag-umpisa na rin magmaneho. My eyes darted on the designs of the city. Ibang iba sa Pilipinas. Somehow, the designs were a bit familiar to me. Maybe because Navarro’s residence was inspired by this city’s structure. Naglalakihan ‘yong mga gusali at maraming tao na naglalakad sa tabi ng daan. “Saan tayo pupunta ngayon?”
After their heated argument— umakyat na kami ni Javi sa itaas. Just as I thought, malaki rin itong bahay. “Go to your room and take a rest,” aniya at isasarado na sana ‘yong pinto. “Saan ka pupunta?” Iniharang ko ang kamay ko pinto. Huminto si Javi sa pagsara nito at tinignan ako. “Sa kwarto ko?” nag-aalangan na aniya. Nangunot ang noo ko. “Iiwan mo ako mag-isa dito?” tanong ko. Narinig ko syang bumuntong hininga pero hindi na nakipagtalo. Iginaya niya ako sa kama at nahiga sa tabi ko. Kinumutan niya ako at marahan na tinatapik ang balikat ko. Sa ganoong paraan ay dinalaw ako ng antok at nakatulog. Kinabukasan, nagising ko sa tama ng araw sa balat ko. Javi’s not beside me. Napabalikwas ako ng bangon at lumabas ng kwarto. Kaagad na hinanap ng mata ko si Javi— pero kahit saan ako magtungo hindi ko siya nakita. Hindi ko rin mahanap si Vien o’ kahit si Andrei. Saan sila nagpunta? I tried to collect my thoughts. Huminga ako ng malalim at bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang phone at