Share

Chapter Four

Aвтор: HIGHSKIES
last update Последнее обновление: 2025-06-10 09:37:36

Ano ‘yon?

Apat na araw na simula nang dalhin ako ni Javier sa bahay niya pero hindi ko siya nakikita.

Mas madalas ko pa makita ang mga bodyguards nila!

Inis akong bumangon mula sa higaan at binato ng unan ang salamin. Hindi ko pa rin makalimutan— ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

That was my first kiss! How dare he?

“Pero ang lambot..” bulong ko at sinampal ang pisngi ko. “Guni guni mo lang ‘yan, Claire. Guni guni mo lang ‘yan!”

When I went down, nakahain na sa kusina ang breakfast ko.

Palaging ganito ang set up nitong mga nakaraang araw— lahat ng kailangan ko, pagkain o’ kung ano, nakahanda na kaagad sa harap ko.

Kulang na lang ay gawin akong imbalido!

But I appreciate the efforts, kaya hindi na rin masama. Mabilis kong naubos ang pagkain ko at pagtapos, umakyat na rin ulit ako sa kwarto ko.

Syempre, nakasunod ang bantay ko.

Kahit saan ako magpunta ay nakasunod ang guard na iniwan ni Javi. Iniisip siguro ni niya ay tatakasan ko siya?

As if I have the guts! Baka subukan ko pa lang, barilin na agad ako dito.

Nakanguso akong kinuha ang cellphone ko at minessage si Celine. Sa ngayon ay hanggang message lang ang pinayagan niya akong gawin ko. Bawat kilos ko ay naka-monitor sa bahay sa kanya.

kler:

celine, kumain ka na?

Nabasa niya kaagad ang text ko.

celine:

yes po, ate

miss u :((

Lalong humaba ang nguso ko sa message niya. Mabuti na lang at hindi pinababayaan ni tita ang kapatid ko. She was my last resort when I decided to meet Javi.

kler:

miss u too bbgirl :((

After I sent that message ay may kumatok sa pinto ko. Dali dali kong itinago ang cellphone ko sa ilalim ng unan at inayos ang sarili.

“Pasok,” sabi ko.

Ang akala ko ay iyong bodyguard ko na naman iyon. Oras oras ay tinatanong niya kung ayos lang ako at kung may kailangan ako, at hindi lang siya ang ganon.

Halos lahat ng tauhan ni Javier ay binebaby ako!

This is not really what I expected. Buong akala ko ay mapait ang sasapitin ko dito, iyong tipo na hindi na sisikatan ng araw.

Marahan na bumukas ang pinto at iniluwal noon si Javier.

Nakasuot siya ng leather jacket, pants at boots. Sa pormahan niya ay pwede na syang gumanap na action star— pwede niya ng palitan si Coco Martin.

Natawa tuloy ako sa naisip ko.

“Anong nakakatawa?” tanong niya, blangko ang mukha.

Kunwari ay sumeryoso ako at umubo. “Wala naman..”

Tinignan niya ako at sinigurado kung totoo ba ang sinasabi ko. Nang makumbinsi— kinuha niya ang paper bag at hinagis sa pwesto ko.

Kinuha ko iyon agad at binuksan.

“Para saan 'to?” tanong ko, medyo excited.

“Para sayo?” sagot niya.

Napakabland! Obviously sa akin niya binigay kaya sa akin ‘to? Kung sa iba nanggaling ang sinabi niya, iisipin ko sarkastiko siya ro'n.

Ang kaso— seryoso siya habang sinasabi 'yon at doon ako naiinis.

Pagbukas ko ng paper bag, sumimangot ako. It has a leather jacket and pants, and boots inside.

Katerno lahat ng suot niya.

Baduy, a****a!

“Sayo na yan!” Ibalik ko lahat yon sa loob at binato pabalik sa kaniya. Walang kahirap hirap niya iyon na sinalo at binaba sa sahig.

Sa inis ay nagtalukbong ako ng kumot.

“Aalis tayo, bumangon ka.” sabi niya at hinila ang paa ko.

May kilita ako sa talampakan kaya nagpaikot-ikot ako sa kama at nahulog! Tumama ang likod ko at nakita ko syang ngumiti.

Iyong klase ng ngiti na nagpapaikot sa mga babae— ngiting playboy.

Inis na dinampot ko ang binigay niya sa sahig at pinagtulakan siya palabas ng kwarto.

“Magbibihis ako! Labas!” inis na sabi ko at ni-lock ang pintuan.

Mabuti na lang at hindi na 'yon pinuna ng body guard ko sa labas. Hindi rin kasi ako pwede na mag-lock ng pintuan.

Hinawakan ko ang pisngi ko pagtapos. Pakiramdam ko ay nag-init iyon ng makita ko ang tipid na ngiti ni Javier.

Badtrip!

Paglabas ay hinatid ako ng tauhan niya sa labas kung saan siya nag-iintay. Naabutan ko si Javier na nakatayo at magkakrus ang dalawang braso— nakatukod sa tabi ng malaking motor.

So.. he rides a big bike, kinda hot.

Kinilabutan ako sa naisip ko at tinapik ang mukha ko. Damn, wake the fuck up! You’re not in a fantasy series, Claire.

Javi glanced at me— confused and concerned sa ginagawa ko.

Siguro sa isip niya ay pinagsisisihan niya na ako ang kinontrata niya. Feeling ko, iniisip niya na nababaliw na ako.

Not that he’s wrong though..

Sinenyasan niya ang body guard ko na umalis at pumasok na sa loob.

“What are you doing?” tanong niya— titig na titig sa mukha ko.

Sinampal ko ulit ang sarili ko at nagkunwari na pumapatay ng lamok. “Ah! Ano, makati! Malamok!” sagot ko.

Umangat ang kilay niya ngunit hindi na nakipagtalo.

“You look great..” He complimented at sumama ang mukha ko.

Mas bagay pa syang mang insulto kesa mag compliment. Wala man lang reaction, parang tuod!

At kung alam ko lang.. hindi ko na dapat sinabi sa isip ko 'yon at bumalik agad ang karma sa akin. Halos hindi na ako maka hinga sa likod ni Javier sa higpit ng yakap ko sa kanya.

Sobrang bilis nyang mag drive ng motor, liliparin na yata ako!

I never learned to ride a motorbike because the first time I did— puro galos ang inabot ko. Wala na akong pakialam sa iisipin niya at mas hinigpitan ko pa ang kapit ko.

Kapag nalaglag ako dito ay isasama ko siya. Hindi pwede na ako lang, 'no!

Hapon na ng dumating kami sa isang rest house, na hindi ko natandaan kung saan. Hindi ko nakita ang dinaanan namin, busy kasi ako sa pagyapos sa kanya buong byahe.

Nauna syang bumaba ng motor at hinubad ang suot na helmet.

Akala ko ay iiwanan at pababayaan niya na ako ro'n ng mag-isa pero mali ako. Nilingon niya ako at inasikaso, inalis niya sa ulo ko ang helmet at binuhat ako pababa ng motor niya na ubod ng taas.

Tinignan niya ang mukha ko, siguro ay ang haggard ko na. “Ayos ka lang?”

The audacity na tanungin ako kung ayos lang ako? After he drove that fast?!

Hindi ako sumagot at lumayo sa kaniya. “Basagin ko yang side mirror mo, e,” mahinang sabi ko.

Narinig niya pa rin pala 'yon.

“Mahal yan, may pera ka?” aniya at nauna nang pumasok.

Inis akong sinundan siya at inilibot ang paningin sa paligid. Sa labas ay mukhang simple lang na rest house ito— pero ibang iba ang itsura nito sa loob.

The place is empty, kami lang ang tao. Pero mukha namang well-maintained, malinis at maaliwalas ang buong rest house. Even the indoor pool at the back, hindi rin madumi ang tubig at tiles.

Kinuha ni Javier ang susi sa bulsa niya at binuksan ang main door. Excited akong pumasok at umikot sa loob.

The rest house was two story styled.

Sa ground floor— nandoon ang lounge, kitchen, at mini cinema theater. Iniwan ko ang bag ko sa couch at tumakbo paakyat.

Sa itaas naman ay nandoon ang terrace, mini bar at.. master bedroom.

Kumunot ang noo ko.

Isa lang kwarto sa buong bahay. Sa laki nito.. bakit iisa lang ang kwarto?!

Akyat baba ako para siguraduhin kung may ipa bang kwarto— but found nothing. Isa lang talaga ang kwarto, sa taas lang.

“Do you like the place?” tanong ni Javier.

Hindi ko siya sinagot. “What.. What are we doing here?” kabadong tanong ko at nakahawak sa dibdib ko.

“Honeymoon,” nakangising sagot niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Комментарии (1)
goodnovel comment avatar
darlululu
... nakalimutan ko ata huminga dito
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Latest chapter

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Sixty-Eight

    Macau, China. 8:00 AM. Nag-unat si Claire at marahan na iminulat ang kan’yang mga mata. At agad na bumangon nang makita ang orasan. She overslept. She grabbed her phone from the bedside table and checked for messages. Hindi niya kasi nakita si Javi sa tabi niya. After a short time with him last night, sinamahan siya nito sa kwarto matulog. ‘Di gaya noong araw na pumunta sila dito, hindi na umapila pa si Javi. But she didn’t even feel it when he left the mattress. Saan na naman kaya ito nagpunta? Hindi naman nag-message ito, kahit si Vien, hindi rin nagsabi. “Nasa ibaba kaya sila?” tanong ni Claire sa sarili at lumabas. Marami ang mga tauhan ng Navarro na nakakalat sa buong bahay. Nangunot ang noo ni Claire at ipinagtaka ito. Hindi naman ganito ang dinatnan niya kahapon. But then, an idea popped up in the back of her mind. The auction. Pumasok siya ulit ng kwarto at naligo. She changed into comfortable clothes before going downstairs. At tama nga ‘yong iniisip n

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Sixty-Seven

    Habang nag-iisip, nagsasalubong ‘yong kilay ni Vien. Hindi masikmura ang inaasahan n’yang makita sa gabi na ‘yon. “Paano tayo makakapasok?” tanong ni Andrei. Lumulunok. Kasabay ng matunog na paghinga ay ang pag-abot ni Javi sa invitation tickets na ibingay sa kanya ni Shin. Saktong sakto ‘yon, apat.“Paano ang backup? Isasama mo talaga si Claire dito?” kunot-noong tanong ni Vien. Hindi maitago ang pangamba. Tumango si Javi. “She came here as a part of our team— hindi natin p’wedeng isantabi ang katotohanan na ‘yon.”“And if she died?” nakataas ang kilay na tanong ni Andrei. Javi’s eyes darkened. “No one’s dying on my watch, Andrei.” “Hindi mo masisiguro ‘yon.” Tumayo si Andrei at umakyat na sa itaas. Hindi na inantay pa ang abiso nito. “Tignan mo ‘yon!” aniya ni Vien at susundan dapat ang kapatid ngunit tinapik ni Javi ang balikat nito. “Hayaan mo na, kasama rin naman siya sa auction sa ayaw niya at gusto,” sabi ni Javi. At ayon na naman ‘yong mukha niya na hindi mo kakitaan n

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Sixty-Six

    Habang nasa Navarro Corporate office si Claire at Javier— hindi rin matahimik si Andrei at patuloy ang imbestigasyon. Matapos ang mainit na usapan kagabi, hindi rin naman magawang sundin ni Andrei ang sinasabi nito. Mas nanaig sa kanya na ituloy ang plano nito na pagmamanman sa mga Cuevo, kahit siya lang, ngunit hindi ‘yon natupad, sapagka’t hindi siya hayaan ng kapatid.“Kapag nalaman ni Kuya Zen ang ginagawa mo, mayayari ka,” pananakot ni Vien. Nasa itaas sila ng isang rooftop. Ayon kay Andrei at ayon sa “source” niya, katapat ng building na kinatatayuan nila ‘yong gusali kung nasaan si Fiona.“Hindi makakarating kung hindi mo sasabihin,” nakangising sagot nito at inaayos ‘yong sniper. It wasn’t to start a chaos but to see what they have under their sleeves. “Hindi ba mapapansin ang ilaw n’yan?” giit ni Vien at naupo sa tabi ng kapatid. Nakikiusosyo rin sa ginagawa nito. Hindi siya sinagot ni Andrei, bagkus, nagpatuloy sa pagsipat kay Fiona. Ang nasa loob ng gusali ay puro ta

  • LOVE BEYOND TRADE   Author's Note

    Hello! This is Author Kei.Moving forward, this story will be written in THIRD PERSON POINT OF VIEW. Comments and feedbacks are highly appreciated. Maraming salamat po!

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Sixty-Five

    Nang makalabas si Javi, inayos ko ulit ang sarili ko. The lipstick that I put on earlier got erased when we ate. Kinuha ko ang small bag ko at inilagay doon lahat ng kailangan ko— and that includes a knife, a small knife. Chineck ko ulit ‘yong sarili ko sa harapan ng salamin. After making sure that everything’s ready, bumaba na ako at nakita agad doon si Javi. Nakaayos na rin siya at nag-iintay sa tabi ng sasakyan. “Shall we go?” tanong niya at inilahad ang kamay sa harapan ko. I smiled at him and put my hand on the top of his. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at pinrotektahan ang ulo ko sa pinto nang pumasok ako. Umikot si Javi sa driver’s seat at nag-umpisa na rin magmaneho. My eyes darted on the designs of the city. Ibang iba sa Pilipinas. Somehow, the designs were a bit familiar to me. Maybe because Navarro’s residence was inspired by this city’s structure. Naglalakihan ‘yong mga gusali at maraming tao na naglalakad sa tabi ng daan. “Saan tayo pupunta ngayon?”

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Sixty-Four

    After their heated argument— umakyat na kami ni Javi sa itaas. Just as I thought, malaki rin itong bahay. “Go to your room and take a rest,” aniya at isasarado na sana ‘yong pinto. “Saan ka pupunta?” Iniharang ko ang kamay ko pinto. Huminto si Javi sa pagsara nito at tinignan ako. “Sa kwarto ko?” nag-aalangan na aniya. Nangunot ang noo ko. “Iiwan mo ako mag-isa dito?” tanong ko. Narinig ko syang bumuntong hininga pero hindi na nakipagtalo. Iginaya niya ako sa kama at nahiga sa tabi ko. Kinumutan niya ako at marahan na tinatapik ang balikat ko. Sa ganoong paraan ay dinalaw ako ng antok at nakatulog. Kinabukasan, nagising ko sa tama ng araw sa balat ko. Javi’s not beside me. Napabalikwas ako ng bangon at lumabas ng kwarto. Kaagad na hinanap ng mata ko si Javi— pero kahit saan ako magtungo hindi ko siya nakita. Hindi ko rin mahanap si Vien o’ kahit si Andrei. Saan sila nagpunta? I tried to collect my thoughts. Huminga ako ng malalim at bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang phone at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status