Share

CHAPTER 1

"GOODMORNING. Ms. Esmeralda." masiglang bati ng mga staff pagpasok pa lang niya sa loob ng building ng ESMERALDA TRADING COMPANY (ETC). Tango at ngiti naman ang kanyang naging tugon sa mga employee na kanyang nakakasalubong bago lubusang pumasok sa kanyang bagong opisina at saka marahang nilibot ng tingin ang kabuuan nito.

She just stand there in a middle and it takes another few second bago niya pinakawalan ang pigil na emosyon na pilit niyang tinatago sa harap ng ibang tao.

"Da, Why?” puno ng emosyong tanong niya habang nakatitig sa larawan ng ama na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. It was their last picture together while celebrating her 24th birthday. “Da, tell me what am I going to do now? We still have so many plans. Who’s going to help me now? I know you’ve been training me para maging successor mo pero natatakot ako, I’m afraid to let our employee down. I’m not sure if I can lead them and our company just like the way you’re doing.” muli niyang saad habang hindi maiwasan na may ilang patak ng luha ang kumawala sa kanyang mga mata.

Mabilis niyang pinahid ang luhang tumulo nang marinig ang intercom na tumunog kasunod ang tinig ng dating secretary ng kanyang ama na si Amy.

"Yes. Amy, may kailangan ka ba?" tanong niya na pilit pinatatag ang sariling tinig,nang sagutin ang tawag nito.

"Ms. Esmeralda, Attorney Nick Bryle was here and asking for your appearance." magalang na sagot nito sa kanya na sinabihan naman niyang patuluyin sa kanyang opisina.

"Take a seat Atty., is there anything I can do for you?" malugod niyang tanong nang makapasok ito at maupo sa tapat niya.

"Thanks, ms. Esmeralda.” matipid nitong tugon.

‘Cofee or tea, atty?” tanong niya makalipas ang ilang segundo.

"Just water please.” sagot ng abogado na agad namang inutos ng dalaga sa secretary. “Thanks ms. Esmeralda. Anyway, I'm here to deliver the last part of your Father's Last Will and Testament." muling sabi nito habang ipinatong sa lamesa ang brief case na dala at inilabas doon ang ilang piraso ng folder na naglalaman ng pribadong papeles.

Napakunot-noo naman ang dalaga dahil hindi niya alam na may iba pang Last Will ang ama maliban sa binigay ng family Lawyer nila matapos ang libing ng kanyang ama..

Tila naman nabasa ng abogado ang kanyang reaction. "It seems that you're not aware of this another Will. Actually it was written less than a year, but, it's complete and validated already. And for your information it has six months provation, for you to find a ground to appeal in any court if ever you're not agree to the term given. But then, I'm telling you forwardly that there's alot of things na dapat mong isaalang-alang, dahil marami ang maaaring mawala sa'yo kung sakaling hindi mo matutupad ang mga nakasaad dito." mahabang paliwanag nito na nagdulot ng magkahalong emosyon sa dalaga.

......

SAMANTALA lihim namang napamura ang binata habang binabasa ang papeles na ipinadala sa kanya sa Italy, He was there for a Conference meeting with other investor ng ETC. bilang Vice President ng kompanya.

He start from nothing, kundi dahil sa kabaitan ni Mr. Esmeralda malamang ay isa lamang siyang boy sa kung saan-saan na maaaring pasukang trabaho.

His father is the family driver of Esmeralda family for many years, mahirap lang sila kaya naman laking pasalamat niya nang alukin siya ng libreng tuition ng Don, simula highschool hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo.

He graduated bilang isang Civil Engineering and a top nocher on a board exams. Maraming malalaki at kilalang kompanya ang nag-alok sa kanya ng posisyon, subalit tinanggihan niya ang lahat ng iyon. Hindi man siya inobliga ni Don Miguel na magtrabaho sa kompanya nito ay nagdesisyon pa rin siyang doon manilbihan, makabawi man lang sa kabaitan nito.

He started as a normal and a regular employee. After many years ay sinikap niyang patunayan na hindi nauwi sa lahat ang tulong na tinanggap mula sa Don. He climb the ladder and become one of the most valuable employee. Inalok din sa kanya ang posisyong V-pres na ilang ulit niyang tinanggihan hanggang sa magretired ang dating nakapuwesto doon kaya naman wala siyang nagawa kundi ang humalili dahil na rin sa halos lahat ng board of directors ay siya ang binoto.

He didn't ask for anything, pero sobra-sobra ang ibinigay sa kanya and now hindi na niya alam kung paano iiwasan at tatanggihan ang huling kahilingan ng taong pinagkakautangan niya ng kung ano man ang meron siya ngayon.

Marahan siyang napapikit at bahagyang isinandal ang ulo sa headboard ng swivelchair na kinauupuan at saka marahang pinisil ang bridge ng kanyang ilong. How long has it been since he tried to forget her? He ignore her completely dahil ayaw niyang masira ang tiwala na ibinigay sa kanya ng Don. Alam niyang worth it ang sakripisyong ginawa niya. Ang pagsikil sa sariling damdamin para sa unica hija at tagapagmana ng Esmeralda Trading Corp. Pero tila mapaglaro nga ang tadhana dahil mukhang ito pa ang naglalapit sa kanila ngayon.

"Ana, can you book me a flight back to philippines?" tanong niya sa secretary nang makalipas ang ilang minuto at makapagpasya sa kung ano ang dapat gawin.

"Yes sir. Ahm sir,umaga po ba o sa hapon?" balik tanong nito na agad naman niyang sinagot.

"Make it in an afternoon, coz I still have a luncheon meeting with some investors." sabi niya habang muling pinasadahan ang mga papeles na hawak.

" Will that be all, sir?" muling tanong nito na sinagot niya ng isang tango saka naman nakangiti na tumalikod ang babae.

"Alanis, believe me or not wala akong alam sa plano ng ama mo. but I do hope that you just give me a chance to prove to your dad na hindi siya nagkamali sa pagtulong sa akin." Sa isip ng binata habang nakatanaw sa glass wall ng opisina na animo’y maririnig siya ng dalaga.

........

"Atty. I just want to know if ever na si Rafe ang umayaw sa kasunduan mapupunta ba sa akin ang kompanya?"

Sunod-sunod ang iling nito bilang kasagutan. "Everything will be donated in some charity na pinili ng iyong Ama." saad nito na sinabayan pa ng magkakasunod na iling.

"So, I have no choice then?" Sumusukong sagot niya saka isinandal ang ulo sa kinauupuan.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa magpasyang magpaalam na ang abogado matapos na masigurado na maayos na ang lahat. Nangako itong muling makikipag-ugnayan kapag dumating na si Rafe mula sa business trip nito.

Ilang oras siyang tulala na para bang pilit inaalisa ang katotohanan sa huling kahilingan ng ama.

"Amy. Can you please cancel all my appointment for this afternoon, if someone asks just tell them that I'm indisposed." matapos mag bilin ay mabigat ang dibdib na tinungo ang car park.

"Da, Why?...Why?" sumisinghot na tanong ng dalaga habang nakatunghay sa puntod ng ama.

"A-akala ko...akala ko may tiwala ka sa'kin? I admit I'm not strong as you are, but what I don't expect is, hahayaan mong mawala ang lahat ng pinaghirapan mo at pinundar ng dahil lang sa kawalan mo ng tiwala sa akin." May bahid ng hinanakit na saad niya

‘Da, of all people sa kanya pa? Ganoon ba kalaki ang tiwala mo sa kanya?" tila hirap at pinipigilang bigkasin ang pangalan ng lalaking kinamumuhian.

They're happy already, both she and her Dad. pero nabago ang lahat ng iyon nang dumating ang binata sa mansion nila, nahati na ang attensyon ng kanyang ama na dati ay sa kanya lamang nakalaan.

Marahas niyang pinunasan ang mga luhang maglandas sa kanyang pisngi bago muling nagsalita.

"If this is what you want, I'll take the risk h-huwag lang mawala sa akin ang tanging ala-ala niyo ni Mommy." buo ang loob na sabi niya pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay nangangako siyang hindi ito magiging madali para sa binata.

Nagpalipas pa siya ng ilang oras bago nagpasyang umuwi na, lingid sa kanyang kaalaman ay may isang pares ng mga mata ang kanina pa nakatingin sa kanya at narinig lahat ng sinabi niya pero nagdadalawang isip na lumapit dahil alam niyang mas kailangan ng dalaga ang mapag-isa.

And he knew that it’s not the right time para sa muli nilang paghaharap.

Makalipas ang ilang minuto at siguradong nakaalis na ang dalaga ay saka palang lumapit ang binata sa puntod ng taong ginalang niya at tinuring na ikalawang ama.

"Sir, with all my heart, I vow to cherish your precious daughter and to make sure that she’ll be happy."

Tila naman natuwa ang kaluluwa ni Don Miguel dahil nagliwang ang kandilang kanina lang ay malapit ng mamatay.

Pero paano nga ba niya gagawin iyon kung siya ang napiling maging guardian ng dalaga. And to top it all, siya ang dapat na pumili kung sino man ang karapat-dapat na pakasalan nito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mila Villarias
nakakasabik sia more twist sana
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status