Kasama ni Sebastian si Fate ngayon at papunta sila sa tagpuan nila ni Vien. Napili nilang lokasiyon ay ang katabi ng pinag tatrabahuan ng kaniyang kaibigan para hindi na ito lumayo pa.
"BRUHAAAA!" Tawag ni Vien kay Fate habang papalapit ang mga ito sa kaniya. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na hindi s'ya sumipot sa interview kahapon. Sobra ang kahihiyan na natamo n'ya dahil maraming beses n'yang pinagtakpan ang kaibigan. Sinabi pa nito na may dysmenorrhea si Fate kaya hindi makakapunta."ANO NA? BASTA-BASTA MO NALANG ITATAPON ANG MGA PANGARAP MO PARA LANG SA LALAKING 'TO?" Sermon ni Vien ng makalapit sa kaniya. Lumapit ito kay Fate at bumulong.'Saan mo nabingwit 'yan? Ang gwapo pa tsaka parang mayaman. Matutupad na ang pangarap mo dahil sa kaniya.' Bulong nito at humagikgik pa."Bii s'ya si Sebastian, tauhan s'ya ng lalaking nagpakidnap sa'kin. Sebastian, si Vien, best friend ko." Pagpapakilala nito sa dalawa."What do you mean na nakidnap?" Doon nga'y ikinuwento ni Fate ang nangyari. Parang hindi nila kasama si Sebastian kung pag usapan nila ang mga ito. Panay naman ang sulyap nito sa relo dahil halos mag dadalawang-oras na itong nag uusap at wala pa rin maayos na impormasiyon s'yang nasasagap."So, ibig sabihin ba nito hindi ka uuwi sa bahay mo? Hindi mo madadalaw sila tita?" Tanong ni Vien. Nag aalala ito para sa kaibigan dahil baka pahirapan s'ya ng mga kumidnap sa kaniya; kahit pa sinabi n'ya na mag luluto lang naman s'ya."Ewan ko lang.""Ayy! Oo nga pala bii, anong kompanya ang pinagpasahan mo ng manuscript ko na THE LAST SEASON OF US?" Tanong ni Fate. Saglit namang nag isip si Vien bago sumagot."Sa pagkakaalala ko...Wanderer Entertainment, Lumiyo Publishing House & Company at N & L. Bakit mo natanong? Magpapasa ka ba ulit sa kanila? Naku Fate, 'wag mo ng ituloy. Masasayang lang ang effort mo." Tugon ni Vien."Hindi na ako magpapasa do'n. Besides, kawalan nila 'yon dahil sinayang nila ang isang tulad ko." Then she rolled her eyes.*/PEEEPNapalingon silang lahat dahil sa bumusina. Alam na alam na agad nina Fate at Vien kung sino ang lulan nun."Diba si Liandra Faye Anderson 'yon?" Rinig nilang tanong ng ibang tao na nakakita sa babaeng bumaba mula sa sasakyan."Nandito na naman ang attention seeker mong kapatid Fate." Saad ni Vien sa kaibigan. May nakakatandang kapatid si Fate at 'yon nga ay si Liandra. Baliktad naman sila ng kapalaran sa buhay; ang ate n'ya ay isang sikat na artista at modelo, maraming nagkakandarapang mga lalaki sa kaniya dahil sobrang ganda, sexy at magaling sa halos lahat ng bagay.Lumapit ito sa kinaroroonan nila."Bakit ka nandito?" Tanong ni Fate sa kapatid. Hindi kasi uso sa kaniya na tawagin siyang 'ate' dahil walang sino mang kapatid ang mangangahas na agawin ang boyfriend n'ya ng harapan."Galing ako sa bahay mo pero wala ka raw kaya pinuntahan kita dito. Alam ko naman kasing mahilig ka makipag chismisan." Sakto lang ang boses nito na silang dalawa lang ni Vien ang makakarinig. Lumayo kasi si Sebastian dahil may tumatawag sa kaniya."Kung nandito ka lang para insultuhin ako, mas mabuti nalang kung umalis ka na." Matapang n'yang hinarap ang kapatid n'ya ng taas-noo."Aren't you happy to see me?" Kunyari ay nagtatampo ito para makuha ang simpatya ng mga tao."Hoy, kung sino ka man na kinakausap ni Ms. Liandra, dapat maging masaya ka at magpasalamat dahil ang isang sikat na kagaya n'ya ay pinapansin ka." Sabat ng isa sa mga taong naroroon. Palihim na napangiti si Liandra dahil madali n'ya lang nakukuha ang mga gusto n'ya. At dahil 'yon sa artista s'ya."Manahimik ka, wala kang alam dito! Kung hindi lang s'ya artista, ipagtatanggol n'yo pa kaya s'ya?" Sabat ni Vien. S'ya na ang sumagot para sa kaibigan dahil alam n'yang hindi 'yon iimik."Ikaw naman Liandrang impakta, bumalik ka na sa lungga mo. Asikasuhin mo ang inagaw mo baka maagaw din ng iba dahil sa kapabayaan mo. Hmp! Tara na nga Fate." Pag kasabi n'ya nun ay agad n'yang hinila si Fate paalis. Naglakad-lakad silang dalawa."Vien, 'wag mo ng uulitin 'yon ha." Napahinto naman si Vien sa paglalakad dahil sa sinabi ni Fate."H'wag kang maging malambot masyado Fate. Dapat nga ay ikaw pa ang galit dahil Ikaw ang inagawan eh."FATE'S POVOo, galit ako kay Liandra but still, kapatid ko pa rin s'ya. Alam kong gusto rin nila mama at papa na maibalik namin ang closeness naming dalawa noong mga bata pa kami. Pero paano? Paano namin maibabalik kung s'ya ang dahilan kung bakit nawala sa'kin ang childhood lover ko, ang boyfriend ko at ang lalaking nangako na ako lang ang mamahalin n'ya habang buhay.FLASHBACK"Bata bakit ka umiiyak?" Tanong nang batang lalaki na may dala-dalang cotton candy."K-kasi ninakaw ang balloon ko." Pag susumbong ko sa batang kaharap ko ngayon.Tumingin-tingin naman s'ya sa paligid. Hinahanap n'ya siguro kung sino ang nagnakaw sa balloon ko."Nandun oh! Nasa taas na." Mas lalo akong humagulgol dahil hindi ko na maibabalik sa'kin ang balloon ko." H'wag ka ng umiiyak. Ito oh cotton candy sa'yo nalang.""S-salamat */hik/" Pasasalamat ko sa gitna ng mga hikbi."Alam mo ba yung balloon mo ay naglalakbay na 'yon sa mundo. Tapos pag may madaanan s'yang bata na umiiyak ay nagkakaroon ito ng magic." Napatingin naman ako sa kaniya."Talaga? Anong magic?" Namamangha kong tanong. Grabe hindi ko alam na may magic pala ang mga balloon."Kapag nakikita s'ya ng mga batang umiiyak, bigla silang sumasaya." Ang galing naman nun."Wow. Sana kung sino man ang batang makakita sa kaniya ay hindi na maging malungkot hehe." Sabi ko at kinain yung cotton candy."Ano palang pangalan mo?" Tanong ng batang lalaki sa'kin."Fate, ikaw?""Jerome. Alam mo gusto kitang maging kaibigan.""Talaga? Sige friends na tayo."***************"Alam mo Jerome, gusto ko maging isang sikat na manunulat 'pag laki ko." Kasalukuyan kaming nasa playground ngayon."Ako ang pinakauna mong taga-hanga. Pag dating ng araw mag papa-autograph ako sa'yo hahaha." Napatawa naman ako sa sinabi n'ya."Sige ba. Basta may bibilhin mo ang lahaaaaaaaaat ng libro ko haha."******************"Hindi ba pwedeng dito ka nalang, Jerome?" Malungkot kong tanong. Aalis na kasi sila bukas papunta sa States. Sinabi n'ya sa'kin na ipapagamot na raw s'ya ng mommy at daddy. May brain tumor s'ya stage 1 kaya kailangang operahan habang hindi pa lumalala ito."Babalik din ako, Fate. Babalikan kita. Tutuparin ko ang pinangako kung mag papa-autograph ako at bibilhin ko ang lahat ng mga libro mo. Higit pa ro'n, pinapangako kung ikaw lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko at papakasalan kita. Hintayin mo lang ako.""Hihintayin ko ang araw na bumalik ka sa'kin Jerome. S'ya nga pala, pag bumalik ka rito may ipapabasa ako sa'yong kwento. Ginawa ko 'yon para sa'yo." Excited kong sabi sa kaniya. Plano ko palang gawin yung kwento. Hango 'yon sa totoong buhay...Buhay namin ni Jerome.*************Ilang taon na ang nakalipas. Maraming 'summer' ko na rin s'yang hindi nakikita. Pero taon-taon akong pumupunta rito sa playground kahit lumipat na kami ng bahay. Nagbabakasakali pa rin ako na makikita ko s'ya."Jerome, tapos ko na yung kwento na sinabi kong ipapabasa ko sa'yo...ikaw nalang ang kulang."***************I was 22 nang malaman ko na nakabalik ka na rito sa Pilipinas. Pagkatapos ng shift ko bilang isang part-time waitress ay dali-dali kitang pinuntahan sa inyo.'Excited na ako na makita. I've been waiting for you every summer dahil it was our favorite season...tapos ngayon nandito ka na rin finally!'I saw hum. Nasa loob s'ya ng bakuran. Nakabukas kasi ang gate nila kaya kitang-kita s'ya mula rito. Patakbo akong lumapit sa kaniya."JEROMEEEE YOU'RE BACK!" Sabi ko. Nawala naman ang mga ngiti ko ng makitang seryoso lang s'yang nakatingin sa'kin."Who are you?" Bigla naman akong nakaramdam ng kirot dahil sa sinabi n'ya. Pero baka..."HAHAHA tigilan mo ako sa pag aarte mo Jerome, hindi na 'yan bebenta sa'kin." Hindi ako tumigil sa pagtawa not until..."Faye?" I saw ate Liandra. May dala s'yang isang baso ng tubig at mga gamot."Babe, you know her?" Parang gumuho naman ang mundo ko dahil sa narinig. B-babe? Anong ibig n'yang sabihin?"Oh I forgot to mention. Babe, this is Fate, my sister. Fate this is Jerome, my BOYFRIEND." Madiin talaga ang pagkakasabi nito sa salitang boyfriend."A-anong nangyayari ate? P-paanong—"Look Fate, 'wag mo akong awayin sa harap ni Jerome. I don't want him to be stress. He's still recovering from the surgery." Palihim naman s'yang ngumiti sa'kin."Jerome ako 'to s-si Fate. Yung babaeng pinangakuan mo na babalikan at papakasalan." Hinawakan ko ang kamay n'ya pero laking gulat ko ng tinabig n'ya."Hindi kita kilala. At sa iisang tao lang ako nangakong papakasalan ko...and it's your sister, not you."ENDOFFLASHBACKSince then, nagkaroon na kaming dalawa ng lamat. She always bullied me at kapag nandiyan si Jerome, nagiging maamong tupa s'ya at ako lagi ang pinagbibintangan.I can't fight back. Walang nag tatanggol sa'kin not until I met my best friend. Buti pa s'ya at kaya n'yang lumaban, samantalang ako, ito, puro iyak lang ang nagagawa.Just a normal day for everybody. Nasa opisina na naman ni Ashley si Xavier—kadarating lang nito kaya hindi niya muna ito inistorbo. Kumuha si Xavier ng tissue paper sa mesa niya at pa simpleng pinunasan ang ilang butil ng pawis na nasa mukha nito. "You're late Mr. Collins," wika niya habang nag titipa sa kaniyang laptop—palipat-lipat ang tingin niya sa computer at laptop na ginagamit niya."Mr. Collins? Why is that?" Sa nakalipas kasi na isang buwan ay hindi maipagkakaila na mas lalo sila naging close sa isa't-isa. Ashley called him by his name and not by his surname. Kaya nagtataka ito kung bakit bumalik na naman ito sa dating tawag niya."We're in the office," sagot ni Ashley. Hindi man kumbinsido ay hindi na muling nag pumilit si Xavier tungkol sa bagay na 'yon."I'd like to congratulate you for the success of our project Connect The Dots. Dahil tapos na ang project na 'yon, ito na rin ang magiging katapusan ng agreement natin," saad ni Ashley habang hindi pa rin inaalis ang tingi
Habang nasa hapagkainan, tahimik lang silang kumakain. Nag palitan naman ng tingin si sina Ashley at ang kaniyang ina."May problema ka ba, anak?" tanong ni Ashley. Inilapag naman ni Yuan ang kubyertos na hawak niya at nag paalam na aakyat sa kwarto niya."Sige na, kausapin mo siya." Tumango naman si Ashley tsaka sumunod rin sa itaas. Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan at bahagyang sumilip sa loob. Doon ay nakita niyang nakatalikbong si Yuan at naririnig niya ang mga hikbi nito. She's hurt for his son."Yuan, you can talk to mommy. 'Diba sabi ko sa'yo na nandito lang ako?" Nilapitan niya ang anak at tinanggal ang kumot sa buong katawan nito. Nakita nga niyang umiiyak ang kaniyang anak kaya mabilis niya itong niyakap at hinagod ang likuran."What's wrong, baby?" pagpapatahan niya sa anak."Aren't you sad, mommy? Daddy will have a family. How about us?" Napapapikit nalang siya dahil sa sinasabi ng anak niya. Mahirap naman talaga 'yon para kay Yuan. Tanging kagustuhan nito ay makilal
After a month...Nasa opisina na si Ashley ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Liandra. Nakangiti itong nag lakad papalapit sa kaniya. "Himala yata at napadpad ka rito. May kailangan ka ba?" tanong niya at binalingan ng tingin si Liandra."Gusto ko lang sabihin na you should stay away from Xavi." sagot ni Liandra. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng mga ngiti sa kaniyang labi. Sa nakalipas na isang buwan ay naging mas malapit din sina Ashley at Xavier sa isa't-isa. Halos tatlong beses sa isang linggo ang pagbisita ni Xavier sa kanila kaya hindi naman maiwasan ng ibang tao na mag bigay sa kani-kanilang mga opinion. May iilan na nag sasabi na baka raw may nabubuong pag tingin na ang dalawa at ang iba naman ay ginagawa lang nila 'yon dahil sa trabaho. Sa mga may alam sa past nilang dalawa ay naiisip nila na bumabalik na naman sila ulit sa dati."I can't do that. He's my business partner after all kaya normal lang na halos araw-araw kaming may ugnayan sa isa't-isa." sagot niya hab
THIRD PERSON'S POV Nag punta si Xavier sa opisina n'ya na medyo wala sa sarili. Iniisip niya kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Ang tanging naaalala niya lang kasi ay sabay-sabay silang umuwi nina Sebastian. Si Sebastian din mismo ang nag maneho ng sasakyan. Ng makapasok sa mansion ay agad niyang tinungo ang kuwarto niya. "Boss okay ka lang? Hindi ka lang dapat muna pumasok.""I'm fine." sagot niya sabay hinilot ang kaniyang sentido. Umupo naman si Sebastian sa sofa at sinimulang mag scroll sa tablet na hawak niya."Sebastian..." tawag niya rito."Bakit boss?" Nag aalangan siya kung dapat niya bang itanong ang tungkol doon o hindi."Did you remembered everything that happened last night when we came home?" Saglit namang nag-isip ito at kalaunan ay tumango."Dumiretso ka na agad sa kuwarto mo." "Then? Is there anything unusual to me or Liandra?""Habang papasok ka sa kuwarto mo ay nakita kong nakatingin sa'yo si Liandra. Sinabi ko sa kaniya na matulog n
"CHEERS!" sigaw ni Sebastian kaya mas lalo akong napangiti. After all this years, Sebastian became my friend kahit na wala kaming masyadong interactions. Sa ginawa niya ngayon ay ni release niya ang tension between us. While Jericho is still protecting me kahit na mismo sa kapatid ko."CHEERS!" sabay-sabay naming tugon at tinungga ang alak na nasa mga baso namin."So, Xavier, ilang taon na kayo ni Liandra?" tanong ni Jerome. Bahagyang tumingin muna si Liandra kay Xavier bago sumagot."We are four years of being together." sagot ni Liandra."How come? I mean, nanligaw ba siya sa'yo?""N-no! But we fall in love with each other." Hindi naman halata."Is it true, Xavier?" tanong ni Jerome sa kaniya. But he refused to answer the question. Instead, uminom lang ito ng alak."Of course, it is." sagot ni Liandra."Ikaw Sebastian, did you believe that both of them are in love? Or it's just a one sided love?" Napunta ang atensiyon namin kay Sebastian."Haha wala akong alam diyan. Ang dami ko ng
FATE'S POV Nag sisidatingan na ang mga bisita para sa kaarawan ng anak ko. Childrens party ang ginawa namin dahil gusto kong ma enjoy ni Yuan ang pagkabata niya. May iilan din namang adults ang invited sa party kagaya nina Teacher Aeris, Mr. Collins, Sebastian and some of my employees like Giselle and Jennica. Kasalukuyan ng nag sisimula ang show ng mga clowns at magicians kaya naman busy ang anak ko sa kanonood at halatang nag eenjoy siya. Seeing him happy is enough for me.Mula sa gate ay nakita ko ang sabay-sabay na pagpasok nina Xavier, Sebastian at... Liandra? Bakit siya nandito? Wala akong natatandaan na inimbeta ko siya, ah."Here's a gift for Yuan." Inabot ko naman 'yon."Thank you. Please help yourselves." sabi ko sa kanila at tinungga ang wine na nasa loob ng baso ko."Babe, pakikiha ako ng pagkain. Kaunti lang ha, h'wag mong damihan kasi diet ako." Hindi ko alam pero medyo natawa ako sa kaunti lang daw tapos h'wag damihan. Tsaka bakit kaya hindi nalang siya sumama roon at