Pagbalik nila sa sasakyan, kitang kita pa rin ang galit ni Shaina. Hindi niya matiis na makitang nasa ganitong kalagayan ang kaibigan. Kung pwede nya lang sugudin ang dalawang mga walang hiyang yun,ginawa na nya. Napansin niyang tahimik lamang si Margaret, nakayuko at abala sa cellphone. Akala niya’y malungkot ito kaya dali-daling lumapit at niyakap nang mahigpit.
"Marga~ Ayos lang ‘yan. Kaya natin to, hihiwalayan mo ang lalaking yon, gagawan ko ng paraan para makakuha ka ng compensation tapos titira tayo sa bundok, wala nang makaka-kita satin." halos maiyak siya dahil sa awa. Napayakap si Margaret, ramdam ang pag-aalala ng kaibigan. Nakaramdam siya ng kaunting tuwa dahil nakita niya kung paano mag-alala ang kaibigan, pero agad din siyang napangiwi sa sakit na bigla niyang naramdaman sa balikat. "Ouch..." bulong niya. Agad namang tumalima ang kaibigan para suriin si Margaret. "What happened? What's wrong?!" tanong ni Shaina. Hindi pala reklamo si Margaret kaya alam niyang once na umingit ito, talagang masakit ang pakiramdam niya. "Balikat ko... masakit." Nanlaki ang mata ni Shaina bigla niyang naalala, kanina hinarang ni Rio si Margaret gamit ang braso, at sa mismong balikat niya ito tinamaan. Dahil tinted naman ang mga bintana kotse, walang alinlangan niyang ibinuka ang kwelyo ng damit ng kaibigan at halos bumagsak ang balikat niya sa nakita. Ang puting-puting balat ni Margaret ay nabalot ng matingkad na pasa. Kulay violet it at halatang halata, bakas na bakas ang pwersang ginamit sa kanya. "Nasan na ang konsenya ng mga taong iyon! Hindi na ba sapat ang mental stress and emotional na binibigay nila sayo? Mga hayop!" sigaw ni Shaina habang nanginginig sa galit, kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. "Tama na... Ayos lang ako. Lalagyan ko lang ng gamot tapos magpapahinga. Dala na to ng cold compress" pilit na pinakalma ni Margaret ang kaibigan. Para maibsan ang tensyon, inabot niya ang cellphone at iniharap kay Shaina. "Look" Napahinto sa pag-iyak si Shaina. Nang tingnan ang screen, napatayo ito sa gulat at halos mauntog sa bubong ng kotse. "I thought—how?" Nasa screen ang larawang kinuhanan ni Margaret. It was a clear photo of her husband with his third party. Kitang kitang katatapos lang nilang gumawa ng milagro, at ang makalat na lipstick na kanina'y ibina-brag ni Cassandra, ngayon ay isang malaking ebidensya. Ngumiti si Margaret habang muling isinara ang kwelyo. "Nakalimutan mo na ata kung anong trabaho at PhD ko." Kahit pa hindi niya mahal ang kursong Computer Science, pinilit niya ito dati para sa asawa. Kahit hindi ito na-appreciate ng lalaki, nagsikap siya at naging dalubhasa. Ang pagbawi ng mga "deleted" files? Maliit na bagay. "Ay oo nga pala! Ang galing mo talaga!" kinikilig na wika ni Shaina, sabay iwas sa balikat ng kaibigan at niyakap siya ng maingat. Sa kabila ng galit niya kay Xander, hanga pa rin si Shaina kay Margaret. Hindi biro ang mag-excel sa isang bagay na hindi mo mahal, lalo pa’t umabot siya sa PhD at mataas na posisyon sa trabaho. "Huwag kang mag-alala, even if I'm not the best candidate for your divorce case, gagawin ko ang lahat. Kung kailangan kong bumalik sa university para humingi ng tulong sa mga dati nating professors, gagawin ko. Bibigyan kita ng magandang laban, hindi ko hahayaang makalusot ang dalawang iyon!" Pangako ni Shaina. "Kalilimutan na natin ang walang kwentang lalaking 'yon. Hindi nya deserve ang pag-usapan sya ng dalawang magandang babae katulad natin!" Ngumiti si Margaret, pilit na itinatago ang kirot sa puso. Mas concerned siya ngayon sa sinabi ni Rio kanina. "Pero paano kung totoo ang banta ni Rio? Paano ang career mo?" "Kung hindi ko nga kayang ipaglaban ang best friend ko, para saan pa ang pagiging abogada ko?" sagot ni Shaina. "Mas mabuti pang umuwi na lang ako at magmana ng negosyo." Alam ni Margaret na sinadya lang ni Shaina ang pagsasabi ng ganoon upang hindi siya mag-alala. Pangarap ni Shaina ang maging abogado, kaya nga tiniis nito ang lahat ng hirap para marating ang kinalalagyan ngayon. Hindi ito basta-basta susuko. Hindi na siya tumutol pa. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ni Shaina. "Sige, ikaw na bahala. Basta babalik ako sa art design. Kapag wala na akong ibang option, kukunin na lang kita bilang personal kong abogado para naman kapag may nang away sakin masasabi ko yung 'You'll hear from my private attorney mas malaki ang sweldo." "For real? Tutuloy kay sa AD?! Finally! Natauhan ka rin!" bulalas ni Shaina. Si Margaret ay magaling pagdating sa art design. Bata pa lang siya ay kilala na sa modern and traditional style nya. Ang mga trainers niya ay isa sa mga kilalang may-ari ng pinakamalalaking luxury brands sa mundo. Ngunit dahil sa kasal at desisyong mag-aral ng computer science para kay Xander, nakalimutan niya pansamantala ang pangarap. Pero ngayon… babalik siya at sisiguraduhin nyang mas makikilala pa sya. Naghiwalay na rin sila ng landas pauwi. Pagkarating ni Margaret sa kanyang inuupahang bahay malapit sa opisina, bigla na lamang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Hatinggabi na, Sino pa kaya ang magte-text sa kanya? Pagkabukas niya ng message, nanlaki ang kanyang mga mata. Mula iyon sa kanyang auntie. Hindi siya tumawag kanina dahil baka busy ito sa Milan Fashion Week at dahil na rin nahihiya siya. Hindi rin siya umasa ng reply. Kaya laking gulat niya nang makatanggap ng response mula sa kanya. "Nasa Milan Fashion Week pa ako, tapos babalik ako ng Paris para sa Haute Couture Week. Pagbalik ko sa katapusan ng buwan, mag-usap tayo. Dalhin mo ang mga bago mong design." Pagkaraan ng pitong taon, tila walang nagbago sa tiyahin niya, masyadong seryoso, maawtoridad, at hindi basta-basta nagpapakita ng emosyon. Pero ang ang simpleng mensaheng ito ay tanda ng pag-asa. Sa wakas, may magandang balita rin. May higit sampung araw pa bago matapos ang buwan. Maliban sa pagtatapos ng kasalukuyang trabaho, kailangan niyang ihanda ang sarili. Kilala niya ang kanyang tiyahin, hindi sya basta basta tumatanggap ng excuses lalo na kung dahil ito sa relasyon. Nag-isip-isip si Margaret habang naliligo, nilagyan ng gamot ang kanyang balikat, at saka natulog. Ngunit bago tuluyang mahimbing, parang may nakalimutan siya. Sa sobrang pagod, hindi na niya ito maalala.---
Samantala, sa villa ng mga Ramirez, Tulog na ang mga kasambahay. Si Leo lamang ang gising pa sa kanyang silid, abala sa paglalaro ng video games. Nang madaling araw, nagsawa rin siya. Wala siyang mapaglibangan, ayaw niyang tawagan si Margaret, dahil para dito, puro sermon lang ang ina. "If mom wasn't so boring, baka tawagan ko sya at mamiss." bulong niya sa sarili. Mas gusto niya si Tita Cass, mas masaya itong kasama. Kanina lang ay nasa kumpanya siya ng kanyang ama at naglaro sila. Pero pagkatapos noon, pinauwi siya ng driver at sinabing may aasikasuhin pa sila. "Liar! Wala naman silang inasikaso!" Galit na tinawagan ni Leo ang kanyang ama. Matagal bago ito sumagot. "Daddy, kailan ka uuwi?" "Isn't your mommy there? Siya muna ang kasama mo." sagot ni Xander. "Ayoko, She's not here! No one's here!" sigaw ng bata. "Sinungaling ka, Daddy!" Napakunot-noo si Xander. "Hindi pa ba umuuwi ang mommy mo?" Napaisip siya. Hindi ba’t tapos na ang business trip nito? Nagkita pa nga sila sa may labas ng bar at palihim pa itong kumukuha ng picture. Para kay Xander, sobrang OA ng reaksyon ni Margaret. Masyado itong selosa na wala namang dahilan. Pero gaya ng dati, naniniwala siyang babalik din ito sa bahay sa mga susunod na araw. Palagi naman ganoon. "Umuwi ka na Daddy! Please!" Sa kabilang linya, narinig ni Leo ang isang boses ng babae: "Xander, sino ‘yang kausap mo?" Namutla ang bata. Sa edad niya, nagsisimula na siyang makaramdam ng pagtatampo… at inis...Tulad ng sinabi niya, hatinggabi na nang umuwi si Asher. Pagkatapos mapatulog ni Margaret si Owen, bumaba siya sa sala para hintayin si Asher.Tahimik ang paligid. Malambot ang ilaw ng lampshade. Hawak-hawak niya ang tasa ng malamig nang kape, medyo antok, pero nagpupumilit na maghintay.Habang nakaupo, biglang bumulaga ang isang familiar na pakiramdam.Ganito rin siya dati. Noong bagong kasal pa sila ni Xander.Gabi-gabi, naghihintay siya sa sala, pilit binubuo ang sarili para sa lalaking halos di na siya nililingon.Pitong taon, pitong taon ng tahimik na paghihintay, hanggang sa napagod na lang siya.Biglang, may anino ng lalaki ang sumalubong sa paningin niya. Nakaawang ang mata niya nang maramdaman ang mainit na kamay na humawak sa kanya.“Yanna?” bulong ni Asher, habang nakaluhod sa harap niya. May ngiti sa labi, pero may lungkot sa mata.Parang may humawak sa puso niya.Agad niyang binawi ang kamay niya.“Antok ka na ba?” tanong ni Asher, kalmado pa rin. “Sorry, pinaghintay kita
Gabing-gabi Pagkapasok ni Asher sa bahay, sinalubong siya agad ni Butler Ed, tahimik na nakatayo sa gilid ng sala.“Miss Margaret and Mr.Owen already fell asleep,” mahinahong sabi nito habang inaabot ang puting coat ng lalaki.Napaayos si Asher ng suot, tinanggal ang silver cufflinks ng maingat at iniabot kay Butler Ed.“How was the kid?” tanong niya, habang iniikot ang balikat na pagod sa buong araw na pagtulong sa Oxford Group.“Maayos naman po. He's quite and behave. Pero… parang may pagka-autistic. May psychological issues rin po. Tinatawag po niyang ‘Mommy’ si Miss Margaret.”“Tinatawag niyang Mommy si Yanna?” Ulit ni Asher, na tila natawa.Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya habang tumingin sa malayo.“Interesting kid…”---Sa kabilang kwarto, tahimik ang gabi.Nakahiga si Margaret sa kama, mahimbing na natutulog habang yakap ang comforter. Tahimik at maaliwalas.Hanggang sa… biglang may kakaibang presensya sa kwarto.Sa isang iglap, nagising siyang may hinahanap. Na
Isang banayad na amoy ng scented candles ang bumalot sa buong silid. Parang usok na hinahaplos ang hangin, nagpapakalma sa bawat kaluluwang nagtatago ng pagod at pangamba.Nasa ilalim ng kumot si Margaret, nakapikit habang ninanamnam ang bango ng kandila. It smells cool, sweet, and comforting. Sa kauna-unahang pagkakataon sa matagal na panahon, nakatulog siya ng mahimbing.---Maaga ng umaga.Tatlong mahinahong katok ang pumunit sa katahimikan. Tok, tok, tok.Sa labas ng pintuan, naroon si Asher. Suot ang gray na sweater, silver-rimmed glasses, at ang mukhang laging kalmado.“Sir, Didn't you sleep?” tanong ni Butler Ed, nakatayo malapit sa hagdan.Ngumiti lang si Asher, tipid at magaan. “I brought some scented candles for Yanna last night. I wanted to see it works so I stayed late last night, It seems working though.”Nagpatuloy siya sa kabilang kwarto, yung malapit lang sa kay Margaret, at doon nagpahinga. Si Butler Ed, tahimik lang na umiling habang bumaba ng hagdan.---Kinabukasan
Tahimik na lumapit si Zein sa kama. Huminto siya mga isang metro bago ito maabot."President... kamusta na po ang sugat ninyo?" tanong niya, mahinahon pero may halong concern.Pinili niyang bumalik sa formal tone, she was on her Secretary mode. Para malinaw na respetado niya ito bilang tagapagligtas at hindi kung sino pa man.Pero hindi siya sinagot.Hindi man lang siya tiningnan.Nakakahiya.Tumayo lang siya roon. Hindi alam kung ano’ng gagawin, kaya naghintay siyang magsalita ito. Tahimik lang sila parehas. She was too scared to speak, baka mamaya gusto palang gumanti ni Warren o di kaya, hilahin na lang sya papunta sa kama.Si Warren, nakasandal pa rin sa headboard, hawak ang librong binabasa, hindi man lang kumurap simula pa nang kumatok siya hanggang ngayon.Dumaan ang halos isang minuto.Mabagal na binuksan ni Warren ang pahina gamit ang mahaba’t mapuputing daliri, parang eksena sa art film, eleganteng-elegante.Saka siya nagsalita. "Secretary Verg
“Margaret?? Marga?? Hello?” Napatigil sa pag-iisip si Margaret nang paulit-ulit siyang tawagin ng kaibigang reporter sa kabilang linya. “Gusto mo ba itong i-expose? Big scoop ‘to, kahit hindi pa confirmed, sasabog sa media to.” Halata sa boses ng lalaki ang sabik at excitement pero iba ang dating nito kay Margaret. Alam niya kung gaano kabigat ang impormasyon, at kung gaano kalala ang pwedeng maging consequence ng maling paglalabas nito. “I'm not in favor of fake news. Hindi tayo pareho,” malamig niyang sagot. “Ang kailangan ko malaman, may contact ba si Rin kay Cassandra? May binanggit ba siya tungkol dito?” “Wala, as in wala. Sa ngayon, base sa records at surveillance, never pa silang nagkausap. Magkaama lang sila, pero never silang nagtagpo.” Napakurap si Margaret. Walang contact? Kung gayon, yung 10 million yuan na hinihingi ni Madrid para sa kasal na nauwi sa pagka-ospital niya ay hindi galing sa utos ni Cassandra? Ibig sabihin… baka may ibang mastermind. Bigla
"Are you having a nightmare?"Dahan-dahan ang boses ni Asher habang nakatayo sa hallway, naka-gray pajamas, tahimik lang, pero punô ng pag-aalala ang mga mata."Dumaan lang ako sa kusina para uminom ng tubig... pero narinig kita. Sumisigaw ka, Yanna."Napakurap si Margaret.Sumigaw siya?Hindi niya namalayang ganoon na pala kalalim ang bangungot niya. Unti-unti siyang tumango, pagod na pagod, at umupo sa gilid ng kama."Hindi na ako makatulog ng maayos," mahinang sabi niya.Tuwing pinipikit niya ang kanyang mata, bumabalik-balik ang mukha ni Xander na may dugo sa ulo, nakakulong sa madilim na selda. Nakakasulasok sa isip.Nag-isip siya sandali, at saka mahinang nagtanong. "Do you have sleeping pills?"Umiling si Asher, at may konting kunot ang noo. "Stop depending on sleeping pills. Lalo kang manghihina."Kita niyang nawalan ng pag-asa ang babae, kaya't nag-alok siya. "Kung okay lang sayo, puwede ba akong maupo sa tabi mo hanggang makatulog ka?"Napatigil si Margaret. Saglit siyang na