Ayaw na sanang makipagtalo ni Margaret sa kalsada dahil sa bagay na wala namang kabuluhan.
Matapos makuhanan ng litrato ang nakita niyang eksena, hinila niya si Shaina papunta sa kotse sa kabilang kalsada upang umalis na agad. Ngunit bago pa sila makalayo, may humarang na agad sa kanila. Si Rio, personal na assistant ni Xander, halos ituring nang anino ng asawa. Mula pa noong high school, trabaho na niyang sumunod kay Xander. Tapat siya, walang inuurungan, at tanging si Xander lamang ang sinusunod. Hindi siya nakikihalubilo sa iba. Para siyang robot, walang emosyon, walang pakialam, at walang habag. Bahagyang hinigpitan ni Margaret ang hawak sa kanyang cellphone. Walang emosyon ang mukha ni Rio habang iniaabot ang kamay kay Margaret. Hindi nagsalita si Margaret. Hindi rin siya nagpakita ng intensiyong sumunod. Sa halip, lumingon siya patungo sa direksyon ni Xander . Doon niya nasilayang masaya itong nakikipag-usap kay Cassandra, ang babaeng kabit nito. Hawak ang kamay ng isa’t isa, masinsin ang kanilang usapan, at dama ang lambing na kailanma’y hindi niya naranasan mula sa asawa. Hindi na kinaya ni Margaret ang tanawin. Ibinaling niya ang tingin pabalik kay Rio, malamig na ang kanyang mga mata. "Paano kung hindi ko ibigay?" "You know I never take that as an answer, Madam. Give it." sagot ni Rio, walang bahid ng pakikiusap. "Ano?! Gusto mo pang magnakaw sa kalsada?! May batas pa ba kayo sa katawan?!" sigaw ni Shaina na agad pumagitna kay Margaret. Tahimik na pinagmasdan ni Rio ang mukha ni Shaina bago dahan-dahang magsalita. "Shaina Ramos. You've been a lawyer for six years, five months, and eighteen days. You specialize in civil and commercial appeals, intellectual property disputes, and corporate legal services. Right now, you're working for a law firm that's one of the top in the country." He paused for a beat before continuing. "The Ramirez Group is a client and a partner of your firm. I’m sure your firm won’t run out of good lawyers to replace you... if it comes to that." Namutla si Shaina. Malinaw ang ibig sabihin, Kung manghihimasok siya, puwede siyang tanggalin sa trabaho. May kapangyarihan ang pamilyang Ramirez para sirain ang kanyang career. Pero best friend niya si Margaret… Pinilit ni Margaret ang isang ngiti, pilit pinapawi ang sakit at galit. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. “Hintayin mo na lang ako sa kotse” Hindi niya kayang makitang masira ang career ng kaibigan niya dahil lang sa kanya. Magsisisi sya habang buhay. Ngunit bago pa makaalis si Shaina, muling humarang si Rio. “Sorry, but I also need to check Ms.Ramos's phone.” Biglang nagdilim ang mata ni Margaret. “Ano'ng kinalaman niya rito?!” Sa inis, tumakbo siya palapit kina Xander at Cassandra. Ngunit mabilis siyang hinarang ni Rio, inilagay ang braso sa harap ng kanyang balikat. Napangiti ng mapait si Margaret, sinubukang tumakas, ngunit nabigo. Pilit siyang bumuwelo, ngunit nadulas siya at naramdaman ang kirot sa kanyang likod. Agad siyang tinulungan ni Shaina. Kunot na kunot ang noo ng kaibigan, hindi niya gusto ang nangyayari at kahit anong oras ay sasabog siya. Hindi na napigilan ni Shaina ang sarili. Hindi na mahalaga kung mawalan siya ng trabaho. Bumwelo siya gamit ang handbag upang ipukpok ito, ngunit hinawakan siya ni Margaret. Masakit na ang katawan ni Margaret sa kasasalo ng pukpok mula sa kaibigan. “Margaret! Huwag mo akong pigilan! Kung gumagamit sila ng kapangyarihan para mang-api, hindi na ako papayag! Nagche-cheat sa public, tapos galit kapag pinicturan? Mga hayop sila!” Pawis na pawis ang noo, nanginginig, ngunit pilit na pinigilan niya ang kaibigan. “Kalma lang... tingnan mo.” Napalingon si Shaina. Hindi niya napansin kanina, ngunit may apat o limang itim na sasakyang nakaparada sa dulo ng kalsada. Nakababa ang mga bintana, at sa loob ay mga bodyguard na naka-itim na suit. Alam nila kung para kanino ang mga iyon. Muling iniabot ni Rio ang kamay. “You ladies were smart enough to know what will happened if you continue that barbaric act” Tulala si Shaina. Hindi makapaniwala. Hindi niya alam na ganito na kasama ang lagay ng kasal ng kaibigan. Sa halip na protektahan, ang asawa pa ang nanggigipit. Mula sa malayo, tiningnan ni Margaret si Xander Wala itong pakialam. Tuluy-tuloy ang usapan nila ni Cassandra. Masaya, malambing, tila ba sila ang tunay na mag-asawa. Si Margaret ang legal na asawa, ngunit halos durugin siya sa harap ng lahat ng tao. Napakasakit. Isinara ni Margaret ang kanyang mga mata. Pagdilat niya, malamig na ang kanyang titig. Bahagya siyang ngumiti, ngunit walang damdamin ang kanyang mga mata. "Tingnan mo," mariing wika niya, "puwede mong burahin ang picture sa cellphone ko. Pero si Shaina, hindi siya kasali rito." "We'll see," mariing sagot ni Rio. "Hinding-hindi puwede." Tumindig si Margaret.. "Kung kaya mo akong patayin sa kalsadang ito sa harap ni Xander at ng publiko, sige, gawin mo. Pero kung hindi, huwag mong gagalawin ang cellphone ng kaibigan ko." Bagama’t pasado alas-diyes na ng gabi, maraming tao sa lugar na iyon. Bar, kainan, at maraming nakamasid. May mga nagsimula nang kumuha ng litrato. Ngunit mabilis silang pinigilan at dinala ng mga bodyguard sa itim na suit. Maaaring mapigilan ang balita, ngunit kapag may nangyaring masama, hindi ito matatakpan. Tumahimik si Rio. Alam niya ang limitasyon, si Margaret pa rin ang legal na asawa ni Xander. Tinuro ni Margaret ang security camera sa labas ng bar. “Tingnan niyo ang CCTV kung gusto niyong malaman kung sino ang kumuha ng litrato.” Tahimik na tumitig si Rio kay Margaret. Maya-maya, tumango siya at sinigurong nabura na ang larawan sa cellphone ni Margaret. Matapos iyon, bumalik siya kay Xander. Ngunit hindi man lang siya tiningnan ng asawa. Sa halip, inaya nito si Cassandra patungo sa isang private restaurant sa di kalayuan. Habang naglalakad, tumingin si Cassandra kay Margaret. Isang mapanuksong ngiti ang ibinigay nito, habang pinupunasan ang lipstick sa kanyang labi. "Mga hayop!" bulalas ni Shaina, halos maiyak sa galit. Tahimik lamang si Margaret.. Hindi siya nagpadaig. Sa halip, binuksan niya ang cellphone. Isang itim na screen na puno ng code ang lumitaw. Mabilis siyang nag-type ng ilang command. Sa screen, lumitaw ang isang invisible lock icon.Isang banayad na amoy ng scented candles ang bumalot sa buong silid. Parang usok na hinahaplos ang hangin, nagpapakalma sa bawat kaluluwang nagtatago ng pagod at pangamba.Nasa ilalim ng kumot si Margaret, nakapikit habang ninanamnam ang bango ng kandila. It smells cool, sweet, and comforting. Sa kauna-unahang pagkakataon sa matagal na panahon, nakatulog siya ng mahimbing.---Maaga ng umaga.Tatlong mahinahong katok ang pumunit sa katahimikan. Tok, tok, tok.Sa labas ng pintuan, naroon si Asher. Suot ang gray na sweater, silver-rimmed glasses, at ang mukhang laging kalmado.“Sir, Didn't you sleep?” tanong ni Butler Ed, nakatayo malapit sa hagdan.Ngumiti lang si Asher, tipid at magaan. “I brought some scented candles for Yanna last night. I wanted to see it works so I stayed late last night, It seems working though.”Nagpatuloy siya sa kabilang kwarto, yung malapit lang sa kay Margaret, at doon nagpahinga. Si Butler Ed, tahimik lang na umiling habang bumaba ng hagdan.---Kinabukasan
Tahimik na lumapit si Zein sa kama. Huminto siya mga isang metro bago ito maabot."President... kamusta na po ang sugat ninyo?" tanong niya, mahinahon pero may halong concern.Pinili niyang bumalik sa formal tone, she was on her Secretary mode. Para malinaw na respetado niya ito bilang tagapagligtas at hindi kung sino pa man.Pero hindi siya sinagot.Hindi man lang siya tiningnan.Nakakahiya.Tumayo lang siya roon. Hindi alam kung ano’ng gagawin, kaya naghintay siyang magsalita ito. Tahimik lang sila parehas. She was too scared to speak, baka mamaya gusto palang gumanti ni Warren o di kaya, hilahin na lang sya papunta sa kama.Si Warren, nakasandal pa rin sa headboard, hawak ang librong binabasa, hindi man lang kumurap simula pa nang kumatok siya hanggang ngayon.Dumaan ang halos isang minuto.Mabagal na binuksan ni Warren ang pahina gamit ang mahaba’t mapuputing daliri, parang eksena sa art film, eleganteng-elegante.Saka siya nagsalita. "Secretary Verg
“Margaret?? Marga?? Hello?”Napatigil sa pag-iisip si Margaret nang paulit-ulit siyang tawagin ng kaibigang reporter sa kabilang linya.“Gusto mo ba itong i-expose? Big scoop ‘to, kahit hindi pa confirmed, sasabog sa media to.”Halata sa boses ng lalaki ang sabik at excitement pero iba ang dating nito kay Margaret. Alam niya kung gaano kabigat ang impormasyon, at kung gaano kalala ang pwedeng maging consequence ng maling paglalabas nito.“I'm not in favor of fake news. Hindi tayo pareho,” malamig niyang sagot.“Ang kailangan ko malaman, may contact ba si Rin kay Cassandra? May binanggit ba siya tungkol dito?”“Wala, as in wala. Sa ngayon, base sa records at surveillance, never pa silang nagkausap. Magkaama lang sila, pero never silang nagtagpo.”Napakurap si Margaret. Walang contact?Kung gayon, yung 10 million yuan na hinihingi ni Madrid para sa kasal na nauwi sa pagka-ospital niya ay hindi galing sa utos ni Cassandra?Ibig sabihin… baka may ibang mastermind.Biglang pumasok sa isip
"Are you having a nightmare?"Dahan-dahan ang boses ni Asher habang nakatayo sa hallway, naka-gray pajamas, tahimik lang, pero punô ng pag-aalala ang mga mata."Dumaan lang ako sa kusina para uminom ng tubig... pero narinig kita. Sumisigaw ka, Yanna."Napakurap si Margaret.Sumigaw siya?Hindi niya namalayang ganoon na pala kalalim ang bangungot niya. Unti-unti siyang tumango, pagod na pagod, at umupo sa gilid ng kama."Hindi na ako makatulog ng maayos," mahinang sabi niya.Tuwing pinipikit niya ang kanyang mata, bumabalik-balik ang mukha ni Xander na may dugo sa ulo, nakakulong sa madilim na selda. Nakakasulasok sa isip.Nag-isip siya sandali, at saka mahinang nagtanong. "Do you have sleeping pills?"Umiling si Asher, at may konting kunot ang noo. "Stop depending on sleeping pills. Lalo kang manghihina."Kita niyang nawalan ng pag-asa ang babae, kaya't nag-alok siya. "Kung okay lang sayo, puwede ba akong maupo sa tabi mo hanggang makatulog ka?"Napatigil si Margaret. Saglit siyang na
Kahit pa gusto na niyang sipain palabas si Wayne, hindi na niya ito pwedeng itapon basta-basta. After all, si Mama pa rin ang may final say.“Just let me recover at saka mo na lang ako guluhin,” maikling sabi ni Xander.“Ohh~” sagot ni Wayne, kunyaring inosente habang nakatitig nang tuwid kina Cassandra at Xander, ngiting may malisya.Napakuyom ng kamao si Xander, halatang naiirita. Pero bago pa siya makapagsalita, naunahan na siya ng pinsan:“My dad ask me to go here every weekend. Kung hindi raw, I'll be punished. Tapos, may sakit ka pa! Eh kung ‘di ako dumalaw, hindi na ako tao n’un, ‘di ba?”"Get him out of here" Hindi na nagdalawang-isip si Rio. Parang laruan lang na binuhat si Wayne at inilabas sa kwarto.Pagbagsak sa labas, napa-“Aray!” si Wayne.“Tangina, lakas non!” Wayne cursed while still in shock.Pero syempre, hindi siya nagpatalo. Kumalampag siya sa pinto ng ward habang sumisigaw. "Bye, cousin~ See you tomorrow!"Tapos, mabilis siyang tumakbo pababa. Habang pababa sa ha
"Hindi pa rin ikaw ang head of household?" Napakunot na ang noo ng staff sa presinto, at halatang nawawalan na ng pasensya. Mabilis ang pila, at mahaba ang naghihintay sa likod niya. "Medyo komplikado 'yan, Miss. Pumunta ka muna sa kasama ko para i-explain ang proseso. Marami pa kasing kailangang intindihin diyan." Margaret had no choice but to step aside and seek assistance. First time niya ito, at wala siyang kaalam-alam sa bureaucratic maze ng pagpapalit ng legal documents. "Ang pinakaimportante ngayon ay ang household registration mo. Kapag kumpleto ang info, usually, five days lang 'yan," paliwanag ng mas mahinahong staff. Pero... "Dahil hindi ikaw ang householder, kailangan mo ng kopya ng ID niya, o kung wala siya, kailangan mo ng authorization letter na may pirma niya." Of course. Of course kailangan pa rin si Xander. "Paano kung hindi naman nawala ang household book pero... ayaw lang niya ibigay?" tanong ni Margaret, halos pabulong, pero may bahid ng desperasyon