Share

Kabanata 7

last update Last Updated: 2025-05-15 23:27:19

Pagkarinig ni Leo sa boses ni Cassandra mula sa kabilang linya, bigla siyang naliwanagan at tila ba may sumindi sa kanyang mga mata.

“Tita Cass! Tita Cass!” masiglang sigaw ng bata.

“Daddy, liar ka! Hindi mo tinupad yung promise mo! Hindi na kita kakausapin! Tita Cass! Look daddy is such a liar!” nagtatampong reklamo pa niya, habang isinusumbong ang ama.

Kinuha ni Cassandra ang cellphone at malumanay na kinausap si Leo. Pasimpleng tinawanan at pinagalitan si Xander, sabay promise sa bata na isasama siya sa paglalaro at pamimili sa sabado. Doon lang muling ngumiti si Leo.

Tunay ngang si Tita Cass pa rin ang pinakamalapit sa kanyang puso.

Kapag may hindi magandang nangyari, lalo na kung si Daddy ang may kasalanan, hindi kailanman siya pinakinggan ng kanyang mommy. Pero si tita Cass, isang salita lang, napapatahan siya agad.

Matapos ang tawag, naalala bigla ni Leo ang sinabi ng kanyang ama, na nakauwi na raw mula sa biyahe ang kanyang ina.

Ibig bang sabihin, uuwi na siya rito ngayong gabi?

Agad siyang nairita. Kapag si mommy na ang kasama niya, sure na maraming bawal. Bawal maglaro ng matagal, bawal kumain ng junk food, bawal magpuyat. Nakakainis!

"Bakit ba kailangang si mommy pa ang kasama niya, kung si Daddy nga ay ayaw rin kay Mommy?" inis na bulong niya.

Gusto niyang pumunta sa bahay ng kanyang lolo at lola. Doom kasi, walang magbabawal sa kanya. Lagi pa nga syang inii-spoil ng lolo at lola nya at lagi ring tinotolerate ang hindi nito magandang pagu-ugali.

Nagmadaling bumangon si Leo, isinuksok ang game console sa bag, nagbihis ng damit, at dahan-dahang bumaba. Kumatok siya sa pintuan ni Manang Rose.

Nagising si Manang Rose na tila hilo pa sa antok, pero agad namang tumawag ng driver upang samahan ang batang amo sa bahay ng kanyang mga lola, kahit hatinggabi na.

---

Sa kabilang banda, walang kamalay-malay si Margaret sa nangyari sa bahay ng mga Ramirez.

At kahit nalaman pa niya, marahil wala na rin siyang mararamdaman. Pagod na ang puso niya, paulit-ulit nang nasaktan, paulit-ulit ding nabigo.

Maybe this is a great choice, ang iwan ko ang lahat ng tungkol sa pamilyang iyon. Even for once, I can finally decide for myself. Para naman sa ikabubuti ko, para sa ikasasaya ko. Ngayon ko na lang pipiliin ang sarili ko,kaya sisiguraduhin kong kakayanin ko.

Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na si Margaret. Pinanood muna niya ang pinakabagong palabas sa Milan Fashion Week bago lumabas ng condo para bumili ng almusal.

Wala na siyang kailangang alagaan na asawa o anak sa umaga. Kumakain na lang siya sa labas, at mas maraming oras na ngayon para sa sarili.

Buong araw siyang busy, nag-interview ng bagong empleyado, inayos ang mga documents at inire-ready ang mga kailangang i-turnover. Ginawa niya ang mga dapat gawin para siguraduhing maaga siyang makaka-uwi.

Malapit na ang pagbabalik ng kanyang tiyahin para sa preparation sa Paris Haute Couture Week. Kailangan niyang tapusin ang kanyang portfolio at mga bagong design, ito ang kanyang pinaka-mahalagang trabaho sa ngayon.

Alas-sais ng gabi, oras ng rush hour sa manila, dalawang oras ang ginugol niya sa pagmamaneho patungo sa isang tahimik na subdivision sa Bulacan.

Dumaan siya sa bako-bako at tahimik na kalsada bago tumigil sa harap ng isang malaki at eleganteng two story villa. Nakapaskil sa gilid ang pangalang "Mayang.”

Ito ang kanyang personal na studio. Bunga ng kanyang sariling pagsisikap, mula sa sariling sahod sa trabaho hanggang sa kita sa mga private order mula sa mayayamang kliyente.

Kahit pinilit siyang itago ni Xander sa likod ng anino, hindi kailanman isinuko ni Margaret ang kanyang pagmaahal sa arts and design. Sa ilalim ng alyas na “Mayang,” lihim siyang gumagawa ng mga de-kalidad at natatanging disenyo para sa piling tao.

Her works were filled with elegance, power with her unique and authentic style, a modern traditional style. Isa siya sa pinaka-mahusay na designer. Isa sa mga highlights sa gawa niya ay ang mga burdang kamay na sya mismo ang bumurda, at ang mga pattern nito sa pagtatahi.

Kung noon ay nagtatago siya, ayaw magpakilala, ngayon malaya na sya, may oras na sya para gawin ang mga design niya.

Pagpasok niya sa studio, tahimik ang paligid. Sa mga dingding ay nakasabit ang mga painting at design sketches, habang sa sahig ay nagkalat ang mga mamahaling tela, sabay ang mga patapos na niyang mga ginawa.

Umakyat siya sa second floor, ang taguan ng kanyang pinakamahahalagang gawa.

Pagbukas ng isang pinto, napahinto siya. Sa gitna ng kwarto, isang mannequin ang nakatakip ng tela.

Inalis niya ang tela at tumambad ang isang black embroidered men’s suit.

Sa manggas nito, nakaburda ang gold and silver auspicious clouds, gamit ang bihirang double-sided different-color embroidery. Sa balikat, isang white crane na naburda sa silver na sinulid, na konektado sa ang isang pulang diyamante.

Matagal niyang tinitigan ang damit.

Ginawa niya ito para kay Xander. Mula sa disenyo, pagpili ng tela, pagbuburda, hanggang sa paglalagay ng diyamante. Ilang buwan niya itong pinagpaguran. Regalo sana ito sa anniversary nila.

Ngunit ngayong inalala niya ang panghihiya sa kanya, ang pagsisinungaling, at ang pagtataksil.

Para kanino pa ito? Isang magandang gawa para sa isang taong wala namang kwenta.

Kinuha niya ang gunting. Ngunit sa mismong sandaling dapat niya itong gutayin, nangalay ang kanyang kamay.

Hindi niya kayang sirain ang bagay na nilikha ng buong puso, kahit para sa isang taong hindi na karapat-dapat.

Ibinalik niya ang takip sa damit. Saka ko na lang iisipin kung anong gagawin dito.

Alam niyang kahit isa lang ito, may iba pang karapat-dapat magsuot ng kanyang obra maestra.

---

Samantala, sa villa ng mga Ramirez, dumating si Xander mula sa trabaho.

Wala si pa rin si Margaret. Tahimik ang buong bahay at wala man lang ingay.

“Nasan si Margaret?” tanong niya kay Manang Rose.

Naguluhan ito. “Sir, di ba po nasa business trip pa si Ma’am?”

Business trip? Hindi ba’t nakita ko siya kagabi?

Ngunit hindi na niya ito inalala. Sa isip niya, wala namang ibang pupuntahan si Margaret. Malayo ang loob nito sa sariling pamilya. Wala rin siyang matatakbuhan.

“Babalik din siya,” bulong niya sa sarili.

Sinundo niya si Leo sa sa bahay ng lola nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Imelda Perey Majadas
Bakit po ayaw magopwn
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 146

    “Baguio? You're going to Baguio?” Gulat na tanong ni Wayne.Hindi niya alam kung saan naka-kuha ng lakas ng loob si Margaret pra mag-demand ng ganoong bagay.“Cousin,” sabi niya na medyo inaasar pa, “That's too far. Sigurado ka ba?”Tumango si Margaret. “Kung hindi mo kaya, pwede mo na lang akong pahiram ng kotse—”Hindi pa siya natatapos nang itaas ni Wayne ang kamay para pigilin siya, sabay tayo na may halatang excitement sa mukha. “Hindi, hindi, hindi. Sasama ako! Ako na magda-drive!”At siyempre, 19 years old lang siya, edad ng mga batang sabik sa adventure. Eksakto sa rebellious phase niya, at gustong-gusto niyang patunayan ang sarili. Kaya nang marinig niya ang ideya na mag-drive ng halos isang bundok papuntang Baguio, sobrang excited siya. Parang gusto na niyang umalis agad-agad.Pero…“Pababain muna natin ang lagnat mo dahil mahina ka pa,” sabi niya, medyo nagdadalawang-isip. “Dapat kaya maghintay muna tayo ng dalawang araw bago umalis?”Umiling si Margaret. “Aalis tayo ngayon

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 145

    Medyo nahilo si Margaret at parang umiikot ang ulo niya. Yung mga salitang naririnig niya ay malabo, pati paningin niya, parang may usok sa harap ng kanyang mata. Mainit ang buong katawan niya, at pakiramdam niya ay sobrang hina at walang lakas.Napansin ni Wayne na matagal nang hindi siya nagsasalita, namumula ang mukha, at nang hinawakan niya ang noo nito, grabe, sobrang init!Agad siyang lumabas para tawagin ang maybahay ng bahay.May mataas na lagnat si Margaret. Matapos ang kung anu-anong abala, naipainom din siya ng gamot at nakatulog uli.Pero hindi komportable ang tulog niya. Sa gitna ng panaginip, bumalik siya sa nakaraan…Sa unang beses na nakita niya si Xander.Higit pa sa pitong taon ang nakalipas iyon.Panahon pa na nasa kolehiyo siya. Siya at ang kaibigang si Shaina ay naglalakad sa mababaw na baha, tumatawa sila habang nagkukwentuhan.Napalingon siya at aksidenteng nakita si Xander na nakatayo sa Hallway.May grupo ng tao doon, pero si Xander ang pinakakitang-kita.Hind

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 144

    May eksena sa loob ng isang maliit na villa sa bungad ng isang baryo malapit sa labas ng lungsod.Isang binata ang paikot-ikot na nag-aabang sa may pintuan ng kwarto.Maya-maya, bumukas ang pinto at lumabas ang maybahay. Tumango siya sa binata.“Pinunasan ko siya ng mainit na tubig, pinainom ng salabat, at pinalitan ng tuyong damit. Tulog na siya ngayon.” Ngunit may bahid ng pagkainis ang mukha ng maybahay at sinabing, "Ano ba ‘yan, ganyan ka ba mag-alaga ng girlfriend? Magkakasakit siya kung mababasa nang husto sa ulan.”Nahihiya si Wayne at agad na sumagot, “Hindi ko po sya girlfriend, pinsan ko siya.”Noong una ay sasabihin niya sanang asawa ng pinsan niya, pero dahil sa sitwasyon, pakiramdam niya ay awkward sabihin iyon, kaya “pinsan” na lang ang sinabi.Walang pagdududa ang maybahay at umalis matapos magbilin ng kaunti.Pumasok si Wayne sa sala. Umupo siya sa gilid ng kama, nakalabas ang isang paa, at nakatitig sa maputlang babae na nakabalot nang mahigpit sa kumot. Marami siyang

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 143

    Magdamag ang naging paghahanap pero sa huli, pinabalik si Xander sa lumang bahay ng kanyang ama."Nasiraan ka na ba ng bait?!" bulyaw ni Papa John sa loob ng study room.Maraming tao ang ipinakalat kagabi, at naging usap-usapan ito. Maraming tao sa kanilang social circle ang nakikialam at nanonood ng eksena. Maging siya, na matagal nang hindi nakikialam sa anumang bagay, ay napasugod.Basang-basa ng ulan si Xander buong magdamag, maputla ang mukha, ngunit wala siyang pakialam."I don't care about what they think,I have to find her."Namaga ang ugat sa noo ni Papa John sa sobrang galit, kaya’t kinuha niya ang tasa ng tsaa sa mesa at ibinato ito."You—!"Handa na sana siyang magpatuloy sa sasabihin nang biglang may kumatok sa pinto.Si Leo, na matagal nang nakatira sa lumang bahay, ay pumasok."Leo, maaga pa, bakit hindi ka pa matulog ulit?" Pagkakita sa kanyang apo, lumambot ang ekspresyon ni papa John at naging mas banayad ang tono."Lolo, I can't sleep po." Maputla ang kanyang mukha

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 142

    Umugong ang kulog at kumislap ang kidlat. Sa loob ng madilim at malamlam na silid, nanatiling tahimik ang lahat. Ang munting robot na may pulang sumbrero, na muling nabuhay, ay nakahandusay sa pagitan ng dalawang tahimik na tao, bahagyang nakatagilid.Nakatayo si Margaret, nangingilid ang mga luha.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Akala niya'y guni-guni lang iyon, pero kilalang-kilala niya ang boses ni Xander noong kabataan nito. Hindi pwedeng magkamali. Hindi pwedeng balewalain.Hindi niya maintindihan. Magulo ang isipan niya.Ang pitong taong pagsasama nilang mag-asawa, mula sa nakakatawang simula, patungo sa nakakatawang pag-usad, hanggang sa ngayon, mas lalo pang naging katawa-tawa.Kung ang lahat ng “I don't love you” sa loob ng pitong taon ay kasinungalingan… ano na ang saysay ng lahat ng ito? Ano ang totoo?Tahimik siyang lumuha habang unti-unting gumuguho ang kanyang puso.---“Marga…”Nanginginig ang mga mata ni Xander punô ng panibagong emosyon, tila may pangamba. D

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 141

    "Ano bang gusto kong malaman?"Sandaling nag-alinlangan si Cassandra bago niya pinindot ang file. Mayroong napakaraming impormasyon at ilang mga pictures. Pagkatapos niyang mapanood at mabasa ang lahat, namutla ang kanyang mukha at napakadiin ng kapit niya sa cellphone dahilan para muntik na itong mabasag.‘’This. This is what I wanted to know.’’Habang nasa ibang bansa pa siya noon, malinaw pa rin sa kanya ang mga nangyari kina Xander, Margaret, at Asher pitong taon na ang nakalilipas.Hindi man niya alam kung sino ang nagpadala nito, kapareho ito halos ng mga natuklasan niya noon, mas detalyado pa nga.Malaki ang posibilidad na totoo ito."You lied to me," bulong niya. "Xander, you really lied to me."Pagkasabi nito, bigla siyang tumayo at ibinato ang cellphone sa pader, nagkabasag-basag ito. Pero kahit iyon, hindi sapat para maibsan ang galit at sakit sa kanyang dibdib.Parang isang baliw, winasak niya ang lahat ng gamit sa kwarto. Pulang pula ang kanyang mga mata, puno ng galit at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status