Hindi na pinatagal pa ni Shaina ang kanilang kaba at agad nitong inilahad ang buong kaso—simple, direkta, pero matindi ang laman.Isa pala itong lumang kaso, mga lima o anim na taon na ang nakalipas. Ang mga pangunahing sangkot si Kia, ang kapatid ni Kin, at ang asawa nitong si Arbee.Nagkakilala sila noong college. Classic na love story—magkaibang mundo pero nagmahalan. Si Kia ay mula sa kilalang angkan, mayaman, maimpluwensya. Samantalang si Arbee ay simpleng tao lang, anak ng ordinaryong pamilya.Noong una, tutol ang Perez family. Pero dahil sa sincerity at pagmamahalan ng dalawa, pumayag rin sa huli. Nagpakasal sila.Maganda ang takbo ng lahat pagkatapos. Si Kia naging senior executive sa negosyo ng pamilya. Si Arbee naman, isang magaling at mabilis umasensong doktor. Dahil na rin sa tulong ng Perez family, naging Director ng Surgery si Arbee sa isang kilalang ospital sa Manila.Nagkaanak sila ng lalaki. Kumpleto. Career. Pamilya. Kaligayahan. Para silang nasa fairytale.Pero hind
Tahimik ang buong silid ng ospital. Walang nagsasalita.Hindi alam ni Margaret kung ano ang dapat sabihin. Kahit anong sabihin niya, parang mali. Sobrang komplikado na ng sitwasyon ng pamilyang ito.Ang biglaang katahimikan ay naging nakakailang.Ilang minuto ang lumipas bago niya napagtanto na mas lalong awkward kung mananatili siyang tahimik. Magbubukas na sana siya ng bibig para magsalita nang marinig niyang nagsalita si Kin sa mahinang tinig.“Puwede mo bang bantayan muna ang bata… ilang araw lang?” tanong nito, tila nahihiya.“Bakit?” Agad sumabat si Marie. “Kin, ang kapal ng mukha mong humiling niyan sa ate Margaret ko! Gusto mo pa ba talaga na ipaalala ko sa’yo kung paano mo siya tratuhin noon?!”“Marie.” Mahinang awat ni Margaret, pero hindi rin siya sumagot agad.Oo, naaawa siya sa bata, pero hindi niya rin kayang basta limutin ang sakit na naranasan niya mula kay Kin noon. Wala namang kinalaman ang bata sa mga kasalanan ng matatanda, pero hindi rin madali ang magpatawad ng g
Hindi pa man nagtatagal mula nang magising si Margaret, napansin niyang may isa pang tao sa kama. Nang matanto niyang ang batang kanyang iniligtas ang katabi niya, hindi siya gumalaw ni kaunti. Nanatili siyang nakahiga, tahimik."Napaka-bata pa nya, kawawa naman," napailing si Meng You habang nakatingin sa batang mahigpit na nakayakap kay Margaret. "Pagkarating na pagkarating namin sa ospital, nagising agad. Pero kahit anong paliwanag, hindi tumigil sa pag-iyak at paghahanap sa’yo. Baka pumutok pa ‘yung sugat niya sa kaiiyak, kaya wala akong nagawa kundi ipagsama kayo sa kama."Tahimik na tumango si Margaret. Naiintindihan niya. Bata pa ang bata, at matapos maranasan ang ganoong sitwasyon, ang pinaka-kailangan niya ay seguridad. Sa ngayon, siya lang ang tanging pamilyar sa batang iyon—ang taong nagligtas sa kanya. Kaya’t natural lang na sa kanya humingi ng comfort ang bata.Pero...“Nasaan ang mga magulang ng bata? Wala pa rin ba silang balita?” tanong niya.Umiling si Marie. “Wala pa
Hindi pa gaanong kalayo ang grupo ng mga kidnapper at alam ni Margaret na kritikal ang bawat segundo. Ayaw niyang makatawag-pansin kaya hindi siya tumawag. Imbes, mabilis niyang kinuha ang cellphone, sinet sa silent mode, at nagpadala ng mensahe kina Shaina, Marie, at sa may-ari ng Airbnb—kasama ang real-time location niya."Sana lang may isa sa kanila ang magising agad… at matawagan ang pulis," dasal niya habang nanginginig ang mga daliri.Pero alam niyang hindi sapat iyon.Mabilis niyang binuksan ang messaging app, inedit ang isang maikling text na may current location niya, ang sitwasyon, at dinagdagan ng area code—isang uri ng alarm message na ginagamit niya dati sa pagko-cover ng mga dangerous areas noong siya'y student journalist pa siya sa university.Minsan na siyang napunta sa liblib na bundok para sa design research, nakatagpo ng mga hindi mabubuting tao na muntik na syang kindapin, kaya hindi na bago sa kanya ang ganitong tensyon."Kahit sino ang makabasa nito, Lord… basta
Sa isang tahimik na hapon sa kumbento, abala si Anastasia sa pakikipagkuwentuhan sa mga Pari at Madre habang humihigop ng mainit na tsaa. Payapa ang paligid, parang walang anumang problema sa mundo.Biglang dumating sina Margaret at Marie, at may pag-aalalang inaya si Anastasia palabas ng kumbento.“Uy, bakit ang aga niyo akong pinapauwi?” tanong ni Anastasia na halatang nagtataka. “Wala naman akong gagawin sa bahay!”“Paano mo po nasabing wala kang gagawin? Ang dami pa nating pupuntahan!” tugon ni Margaret, sabay hila sa kanya palabas ng simbahan.Pagkalabas nila sa labas, bumulong si Margaret, “Auntie, hindi lang dapat dito ka nagdarasal. Mas effective kung marami kang pinupuntahang simbahan.”Napaisip si Anastasia. May sense nga naman. Pero parang may mali?Samantala si Margaret at si Marie naman ang may pakana ng pag-aaya sa auntie niya. Kanina pa kasi sila paikot ikot sa simbahan at naiinip na sila. Isa pa, amoy kandila na yung utak nila dahil naka-ilang sindi na sila bawat stati
Isinama ni Anastasia sina Margaret at Marie sa malaking simbahan upang magsindi ng kandila at magdasal.Tahimik si Margaret sa loob ng sasakyan habang paulit ulit na patingin-tingin sa kanyang cellphone. bukod sa mga pagbati mula sa mga kaibigan, wala siyang natanggap na ibang mensahe. Ni isang text o tawag mula kay Leo.Kanina pa siyang gising. Binati na niya ang kanyang tiyahin ng "Happy New Year," at tinawagan pa sa video call ang kanyang biyenan para kamustahin ito at batiin. Pero si Leo… wala. Kahit simpleng “Happy New Year,” wala."Siguro puyat kagabi. Baka hindi pa gising."Pinilit niyang kumbinsihin ang sarili, kahit ang totoo, masakit. Pero hindi na rin siya umaasa. Kaya't pinatay na niya ang screen ng cellphone at ipinasok sa bag.---Pagdating nila sa simbahan, Napaka-raming tao. Siksikan pero narating rin nila ang bandang altar. Mabuti na lang talaga at may mga kasama silang body guard at hindi na nila kinakailangang makipagsiksikan pa sa mga tao sa paligid. Halata kay Mar