Nagmamadaling sumakay si Alliyah sa kaniyang kotse at halos matapilok pa siya sa bilis ng lakad niya. Ini-start niya ang engine ng kotse niya. Napukpok niya ang ang steering wheel nang hindi agad ito nag-start.
Damn this car! Bulong niya sa kaniyang sarili. Pati ba naman itong lintik na kotseng to ipapahamak pa ako!
Napapailing na inayos niya ang rearview mirror ng kaniyang sasakyan ng ylumandar na ito at agad na iniatras ang kotse ng makitang walang sagabal sa likod nito. Nang makaatras ang kotse ay agad niya itong pinasibad.
Halos liparin nito patungo sa restaurant na pagdadausan ng meeting nila. Ipinahamak siya ng alarm clock niyang walang silbi!
Mantakin mo alarm clock na naturingan pero hindi tumunog para lang magising siya. Napuyat pa man din siya kagabi dahil tinapos niya ang report na pinapagawa ng Boss niya. Kaya ngayon naghahabol siya ng oras.
Napabuntong-hininga na lamang siya at sinulyapan ang sarili sa rearview mirror ng sasakyan. Ni halos magpahid ng kaunting polbo ay hindi na niya nagawa, tanging lipstick nalang niya ang naipahid niya sa kaniyang bibig dahil sa kaaapura niya.
Binawi niya ang kaniyang tingin at ibinaling sa daan hanggang sa makarating siya sa destinasyon niya. Agad-agad siyang bumaba at binitbit ang mga folders na kailangan niya para sa meeting.
Malamang e kanina pa siya hinihintay ng Boss niya at nasisigurado niyang na abot-abot ang sermong matatanggap niya. Hahakbang na sana siya papasok sa restaurant ng may kotseng mabilis ang takbo, agad siyang nagbawi ng paghakbang niya pero sa gulat niya ay naitapon niya ang mga folders na hawak-hawak niya at nag liparan ang mga laman niyon.
Kung minamalas nga naman! Galit siyang napatingin sa kotse at agad na umupo at isa-isang pinulot ang mga papel na nagkalat. Oh damn! Usal niya. Mabilis niyang pinulot ang mga papel at ang huling papel na akma niyang pupulutin sana ay may pumulot para sakanya.
Tumingala siya upang makita kung sino iyon and she was stunned nung nakita niya ang gwapong mukha nito na nakasuot ng itim na shades, bigla siyang napalunok at nakalimutan ang pagkapoot sa taong may dahilan sa nagkalat niyang mga reports.
At nang tanggalin nito ang shades niya ay mas lalo pa siyang humanga sa kagwapuhang tinataglay nito. A pair of deep black eyes na pag tiningnan ka ay para bang nanunuot sa buong pagkatao mo. A perfect shape of nose at bumaba ang tingin niya sa labi nito and a kissable lips.
Bumaba ang tingin niya sa kabuuan nito at tila ba ito isang mythic gods na nababasa niya sa mga libro dahil he is so perfect at bagay na bagay rito ang kaniyang business suit na suot nito. He is so gorgeous! Oh god!
Kung hindi pa ito tumikhim ay hindi pa siya matatauhan. Bahagyang pagkapahiya ang naramdaman niya."Satisfied?" Nakakunot noong tanong nito at marahil ang tinutukoy nito ay ang pagsuyod niya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Inilahad nito ang kamay niya upang tulungan siyang makatayo at agad naman niyang tinanggap dahil nag-aapura siya.
Isang thank you lang ang binigkas niya at tinalikuran ito agad. Pagpasok niya sa restaurant ay natanawan niya agad ang Boss niya na may kasamang isang babae na sexy, na ang edad ay mga nasa late twenties. Napakunot naman ang noo niya. Ang sabi ng kaniyang boss ay lalaki ang ka-meeting nila.
Na-disappoint ba siya na hindi lalaki ang nadatnan niya? E ano naman ang ipinagkaiba ng isang babae sa lalaki? Napapailing nalang siya sa isiping iyon.
Habang papalapit siya sa mga ito ay narinig niya ang tawa ng kaniyang boss. Madalang lang itong tumawa and to her surprise napapatawa ito ng kausap niya. Negosyo nga naman, syempre ang isang business man na gaya nito ay marahil nakikisama sa kausap upang maging maganda ang flow ng gagawin nilang meeting.
Tumikhim siya upang ipahiwatig ang kaniyang pagdating. Agad na nag-angat ng ulo ang boss niya at isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
"Oh Ms. Madrigal you are here already, so this is my assistant Ms. Alliyah Madrigal," nakangiting pagpapakilala sa kaniya ng boss niya sa kausap nito. Awtomatiko naman niyang inilahad ang kamay niya at nagpaskil ng isang friendly na ngiti sa kaniyang labi. The girl stared at her hand, and then to her face.
Akala niya nga titingnan lang nito ang nakalahad niyang kamay at handa na sana niya itong bawiin dahil konti nalang ay mapapahiya na siya nang abutin nito. "Nice to meet you Ms. Madrigal." at ngumiti ito sa kanya.
"So, now umupo kana Alliyah" baling sa kaniya ng kaniyang boss at agad naman siyang umupo sa tabi nito. Dalawahan ang mga upuan bale apat ang upuan at magkatabi sila ng kaniyang boss habang ang babae ay nakaupo sa tapat ng kaniyang boss. May isa pang bakanteng upuan, nagkibit-balikat nalang siya.
Habang inilalabas niya ang mga folders na naglalaman ng mga reports niya ay may naghila ng upuan sa harap niya at umupo.
Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at nag-angat ng ulo. To her surprise it was the guy who nearly bumped her to her death. Napatuon ang tingin ng lalaki sa kaniya, that pair of deep black eyes, sinalubong niya ang mga titig nito at tila nanunuot sa kaniyang kalamnan ang mga titig na yoon.
Isang tikhim ang narinig niya kaya nagawa niya mag-iwas ng tingin.
Tila siya nahihipnotismo nang matitigan niya ang mga mata nito, tila ba siya namamagnet at parang gusto niyang tumayo at lumapit dito.
Napailing siya, ano bang nagyayari sakanya? Unang pagkikita palang nila ng lalaking ito ganito na ang nararamdaman niya. Is this the so called attraction? Maybe.
At sinundan niya nalang ng isang buntong hininga. Yes, this man is so attractive 'cause he has the looks, Oh god ano ba tong nangyayari sakin? Mariin siyang napapikit, at tila ba napansin ng boss niya iyon kaya binalingan siya nito.
"Ms. Madrigal what is the problem? are you sick?" Nakakunot noong tanong nito.
"Nope Sir I'm fine," at umupo siya ng tuwid. "So, let's start the meeting." segunda niya.
Masayang pinagmasdan ni Alliyah ang mahimbing na batang natutulog sa crib. Hinaplos niya ang ang mukha nito at pinagmasdang mabuti.Kamukhang kamukha ito ng kaniyang ama. Nakuha nito ang mga pilik mata nito ang ilong at ang korte ng bibig.Nagulat siya ng biglang may yumakap sa kaniya mula sa likod. Napangiti siya, It was Philip alam niya. Idinantay nito ang baba sa kaniyang balikat at pinagmasdan din ang batang paslit na himbing na himbing sa pagtulog."Ang laki na niya." he whispered. Napangiti siya."Ang bilis ng panahon," she answered. Noong araw na kausapin siya ni Philip ay niyaya siya nitong magpakasal. Agad naman siyang pumayag dahil mahal niya ito at ganun din si Philip.Nalaman niya mula rito na ng umagang iyon ay nagpunta sa opisina niya si Jake at kinompronta at nalaman nito ang pagdadalang tao niya.Ang Tito niya ay labis ang tuwa ng malaman ang balak na pagpapakasal nila ni Philip. Si Jake na kahit nasaktan ay pinilit na
Isang suntok ang pinakawalan ni Jake sa mukha ni Philip. He greeted his teeth. Galit na galit siya. Galit na galit.Napasubsob ito sa mesa executive desk nito. Akma niyang susuntukin nanaman ito ng mabilis itong nakatayo at hawak ang panga.Tiningnan siya ng masama nito."Anong problema mo?!" Asik nito sa kanya."Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw niya rin dito at naglakad siya palapit dito at akmang susunggaban ng mabilis itong kumilos at kwinelyo siya pagkatapos ibinalya sa dingding.Tiningnan siya nito ng nag aapoy ang mga mata."Wala akong atraso sayo!" Sigaw niya na nag iigting ang mga bagang."Sa akin wala! Pero kay Alliyah meron!" Agad itong tila natilihan sa pagkakarinig sa pangalan ni Alliyah. Agad niya ito itinulak at sinuntok ulit sa panga. Napaupo ito at agad niya nanaman sinuntok."Wala kang karapatan na gawin sa kanya iyon! Na iwan siya na parang basura lalo pa at buntis siya!" Tumaas baba ang dibdib ni Jake
Matuling lumipas ang mga araw. At mahigit isang buwan na rin simula noong huling araw na magkita sila ni Philip.Walang lumabas na iskandalo. Marahil ay pinakiusapan ni Philip ang asawa nito na tumahimik nalang at pinakisamahan ito ng maganda.Sa mga araw na nagdaan ay tila siya unti unting namamatay. She miss him badly. Gabi gabi pa rin siyang umiiyak. At inaalala ang mga sandaling pinagsaluhan nila ni Philip .Ni minsan ay hindi nagpakita sa kanya si Philip. Marahil ay wala na itong interes sa kanya.Na tila isang laruang pinagsawaan.Napapikit siya ng mariin at napasandal sa kaniyang swivel chair.Napagaga ba niya na pumasok sa ganoong relasyon? Hindi bat naging masaya naman siya sa piling nito? Kaya wala siyang dapat pagsisihan. Experience. Yun ang angkop na salita para doon.Napahawak siya sa kaniyang sentido. Nahihilo nanaman siya. Napapadalas ang pagkahilo niya at ang pagsusuka niya sa umaga."Are you okay?" Napamu
Mabilis na lumipas ang araw. Isang buwan na simula ng araw na pumayag si Alliyah sa set up na gusto ni Philip.Naging maganda naman ang takbo ng relasyon nila. Sa pad na siya ni Philip tumira. Oh well, wala namang nakakaalam na dito na siya tumira kahit sino.Umuuwi siya paminsan minsan sa bahay niya at naglilinis.Wala siyang pasok ngayon sa opisina. Si Philip ay maagang umalis dahil may aasikasuhin daw sa opisina.Naglilinis siya ng makarinig siya ng katok. Napakunot naman ang noo niya. Sino naman kaya ang kakatok? May bisita kaya si Philip sa araw na ito?Nagkibit balikat nalang siya at tinungo ang pinto. Napakunot ang noo niya sa nabuksang tao sa labas ng pinto. Isang Babae ng nakasuot ng dark sunglasses."Anong kailangan mo?" Tanong niya rito.Tinanggal ng babae ang suot nitong salamin. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang mukha nito. Sinuyod siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa at humalukipkip
Mabilis akong bumalik sa upuan kung saan naroon ang lamesa namin nila Jake."Where have you been Alliyah?" Tanong nito habang nagsasalubong ang mga kilay."Dyan lang.. Nagpahangin lang ako," at umiwas ako ng tingin at umupo na."Your lips is a bit swelled," bulong sakin ni Joana.Nginitian niya ako at napakagat labi ako. Oh damn that man!Hindi ko nagawang manlaban ng halikan niya ako. Ganun kalakas ang epekto sa kanya ng halik nito.Nagsimula na ang party at bagot na bagot na siya. Minsang inikot niya ang mga mata niya sa paligid ay nakita niyang nakatingin din sa kanya si Philip.Hindi pa natatapos ang party ay niyaya niya na si Jake na umalis. Nagdahilan siyang masakit ang ulo niya."Okay kalang?" Nag aalalang tanong nito ng makasakay na sila sa sasakyanTumango lang siya at sumandal sa headrest ng sasakyan."Dumaan tayo sa isang botika para makabili ng gamot,"
Agad na nagkislapan ang mga kamera sa pagpasok ng dalawang taong kapapasok lang. Nakangiti ang lalaki at mas lalong nakangiti ang babae. Ito ay si Pia Jimenez na isang kilalang artista.Mas lalo pang lumapit ito sa lalaki at idinikit ng husto ang sarili. Ang damit nitoy tila two piece swim suit sa itaas at kitang kita ang cleavage na ang likod ay wala ng tinakpan. Ang mga mata ng mga lalaking naroon ay sa babaeng iyon nakatingin lahat sila ay halatang naiinggit sa escort nito na walang iba kundi si Philip lang naman.Nagngingit ang kalooban niyang inalis ang paningin doon sa bukana ng hall at itinuon sa lamesa ang tingin.Kaya pala hindi siya tinawagan nito! Dahil busy ito sa paghahanda sa party na iyon!Hindi niya alam kung bakit siya nagngingitngit. Naiinis siya sa lalaki pero bakit? Dahil ba may kasama itong ibang babae na pumunta sa party?Tiningnan niya ulit ang dalawa na ngayon ay nakaupo na sa isang mesa at prenteng nakaupo katabi si P