Share

CHAPTER 7

I RELEASED with a deep breath after looking at the wristwatch I was wearing. It’s already six in the evening. Madilim na rin ang buong paligid. Nakaupo lang ako sa mahabang upuan na nasa gilid ng talyer. I’ve been waiting here for Midas to finish his work, pero sa tingin ko ay sinadya yata ng lalaking iyon na tagalan ang trabaho niya para abutin ako ng gabi rito at hindi ko siya makausap.

God! Did I make the right decision? I wasted my time here just to wait for him and talk to him. Is this the right decision for me to hire him to pretend to be my boyfriend? Oh!

“Aba! Hindi ka talaga umalis, a!”

I looked at him when I heard his voice. Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang suot niyang sky blue stripes na polo na halatang pinunit lang ang manggas ay ang dumi na. Maraming dumikit doon na grasa at punit din ang sa may bandang tiyan niya kaya nakita ko ang abs niya.

Oh, shit! Seriously, Jass Anne? Iyon talaga ang nakita mo?

Tapos ang pantalon niyang maong na kupas ay madumi na rin. Nakasuot din siya ng itim na sapatos.

Que horror!

Ang lalaking ito ang gagawin kong boyfriend? I mean, may hitsura naman siya, inaamin ko ’yon. Pero kapag pumayag siyang magpanggap na boyfriend ko at bago ko siya ipakilala kay lolo na boyfriend ko, kailangan ko muna siyang paliguin nang husto.

“Ano? Tititigan mo na lang ba ako riyan?”

Muling bumalik sa mukha niya ang paningin ko nang magsalita siya ulit.

Damn him! Kahit mukha siyang gusgusin sa hitsura niya ngayon dahil may mga dumi rin ang mukha niya, pero hindi ikakailang napakaguwapo ng lalaking ito!

Oh, I hate myself for praising him. Naiinis ako sa kaniya, pero pinupuri ko naman ang mukha niya.

Ah, Jass Anne, ah!

Pinilit kong taasan siya ng kilay, saka ako tumayo sa kinauupuan ko at humakbang nang dalawang beses palapit sa kaniya.

“We need to talk.”

“Sinabi ko na sa ’yo kanina, Miss. Wala tayong dapat na pag-usapan pa. Sinabi ko na rin kay Nancy na humanap na lang siya ng ibang lalaki na magpapanggap na nobyo mo. Hindi ko tinatanggap ang alok mo.”

“But Madam Nancy said earlier, you have agreed.”

“Kanina ’yon nang hindi ko pa alam na ikaw ang makakatrabaho ko. Pero nang malaman ko... Nagbago na ang isip ko.”

I was about to speak, but he spun his back kaya napasunod agad ako sa kaniya nang maglakad siya pabalik.

“I know our first meeting was not good, nor was our second meeting. But... It’s not my fault, it’s your fault.”

Bigla siyang huminto sa paglalakad niya at pumihit siya paharap sa akin. Mabuti na lang at bigla rin akong napahinto, kaya hindi ako sumubsob sa dibdib niya. Napaatras ako.

“Ibig mong sabihin ay kasalanan ko pa?” tanong niya habang magkasalubong ang kaniyang mga kilay. Tumawa siya nang mapakla. “Ako na nga ang tumulong sa ’yo, tapos ikaw pa ang galit sa akin.”

“I’m not mad at you. I even thanked you when you helped me at the bar, didn’t I? But you are the one who got angry with me because of what I was wearing.”

“Dahil tama naman ako! Hindi ka mababastos nang mga lalaking ’yon kung marunong ka lang magsuot ng disenteng damit.”

Aba’t...

Pinigilan ko ang sarili ko na hindi magalit sa kaniya.

I clenched my fists and sighed to control myself.

“My clothes are decent. There is no problem with my clothes. They’re just really rude.”

Napailing siya dahil sa mga sinabi ko, pagkuwa’y tumalikod ulit siya at naglakad palapit sa unahan ng kotse. Inayos niya ang toolbox niya roon.

“Okay, fine. I’m sorry.”

Ugh! If only I hadn’t rushed to find a pretend boyfriend, I wouldn’t have apologized to him.

Hindi naman siya umimik. Ang ingay ng mga gamit nila rito sa talyer ang tanging maririnig.

At mayamaya, dumating ang kasama niya.

“Midas, ikaw na ang bahalang magsarado dito, a!”

“Sige. Ako na ang bahala. Iwanan mo na lang ang susi sa opisina.”

“Salamat.”

Sinundan ko muna saglit ng tingin ang papalayo niyang kasama bago ako muling tumingin sa kaniya.

“Please! I really need your help.”

Tumigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin din siya sa akin. Seryoso ang mukha niya.

Balak ko na sanang ngumiti sa kaniya para magpa-cute. Susubukan ko lang kung sakaling gumana ang charm ko sa kaniya, pero bigla naman siyang nag-iwas ng tingin at tumalikod. Napasimangot ako.

“Huwag na ako ang kulitin mo, Miss. Iba na lang,” sabi niya. “Hindi mo ba nakikita? Masiyado akong busy rito sa trabaho ko.”

“Two hundred thousand for the first payment. Another two hundred thousand will be added if my plan goes well.”

“Sa ’yo na ang pera mo, Miss.”

“Please!” Sumunod ako sa kaniya nang maglakad na naman siya. “I already say sorry to you. I already thanked you. What else do you want me to do?” tanong ko. “I just really need your help.”

“Umuwi ka na lang, Miss. Dahil kahit ano pa ang gawin mo, hindi na magbabago ang isip ko.”

Isang napakalalim na paghinga ang pinakawalan ko sa ere at naiinis na tinitigan ang naka-side view niyang mukha.

Pagkalipas ng ilang segundo, tumalikod na lang ako at nagmamaktol nang lumabas sa talyer.

Damn it.

Nasayang lang ang oras ko kakahintay sa kaniya. Hindi ko naman pala siya makukumbinsi.

Oh, my veggies!

Medyo madilim na ang kalsada. I’m sure na malalagay na naman sa panganib ang buhay ko nito.

I sighed.

Mayamaya, napahinto ako sa paglalakad ko nang biglang kumulog at may kasama pang kidlat.

Kinabahan ako sa matinding gulat. Napatingala ako sa kalangitan.

Hindi nagtagal, naramdaman ko ang pagpatak ng ambon.

“Shit!” wala sa sariling napamura ako at nagmadaling maglakad kahit alam ko naman na malabong makarating agad ako sa kotse ko na hindi ko na alam kung saan ko naiparada. “Oh, life!”

When the rain started pouring, I couldn’t do anything but stop walking. I was soaked, and so was my bag.

Napatingala ulit ako sa kalangitan.

“Seriously? Ngayon po talaga?” reklamo ko.

Napatungo ako upang tingnan ang sarili ko. At mayamaya, hinubad ko ang heels ko. Binitbit ko iyon saka ako naglakad. But just for a few moments, I looked up again when I could no longer feel the heavy raindrops on my body. I frowned when I saw the rainbow colored umbrella. Napatingin din ako sa kaliwa ko. And there... I saw him. Holding the umbrella.

“Ito ang unang ulan ngayong buwan. Kaya hindi malabong magkasakit ka.”

Napasimangot ako. “Pakialam mo ba?”

Lumingon naman siya sa akin. “Tingnan mo? Iyan ang hindi ko nagustohan sa ugali mo. Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa ang nagagalit.”

Napatikom na lamang ako at napatingin sa unahan ko.

“Nasaan ba ang kotse mo?” tanong niya.

“I don’t know.”

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sa akin. “Hindi mo alam kung saan mo pin-ark ang kotse mo?” tanong niya pa ulit.

“I forgot.”

“Good luck sa kotse mo!”

Kunot ang noo na napalingon ako ulit sa kaniya. “What?”

“Nasa eskwater ka, Miss. Alam mong maraming tambay rito. At hindi malambong pagkainteresan ng mga tambay ang kotse mo. Suwerte ka kung nanakawan lang ang sasakyan mo. Pero malas ka kung buong kotse mo ang nakawin.”

Bigla akong nakadama ng panlulumo dahil sa sinabi niya.

Oh, God! Huwag naman sanang nakawin ang kotse ko. Iyon na lang ang mayroon ako dahil ibenenta ko na ang isa kong sasakyan.

“Help me!”

“Gabi na at maulan pa. Mahihirapan tayong hanapin ang sasakyan mo.”

“Paano ako makakauwi sa bahay kung hindi ko mahahanap ang kotse ko?”

“Hindi ko na problema ’yon.”

Walang-hiya talaga siya!

Sinamaan ko siya ng tingin nang lumingon siya sa akin ulit.

“Thanks, huh! Ang bait mo!”

Nagkibit lamang siya ng kaniyang mga balikat.

Sa inis ko, bigla kong binilisan ang paglalakad ko.

“Gusto mo talagang magkasakit ano?”

Hindi ko siya pinansin. Pero mayamaya, pinasukob niya ako ulit sa payong niya.

“Mag-uutos ako ng maghahanap ng kotse mo.”

“No thanks! Kaya ko na!”

“Mataas ang tubig baha sa unahan. Kahit kaunting ulan palang ang bumubuhos, umaapaw agad ang tubig sa kanal. Madumi ’yon. Sigurado naman ako na hindi ka maglalakad sa maduming tubig, hindi ba?”

Napahinto ako sa paglalakad ko at kung anu-ano agad ang pumasok sa isip ko.

“Mukhang hindi agad titila ang ulan dahil malakas ang buhos ngayon. Sa bahay ka muna.”

Napalingon ako ulit sa kaniya.

Ako? Isasama niya ako sa bahay niya?

Oh, no, no, no! Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.

“Hindi ako masamang tao. Wala akong balak na gawing hindi maganda sa ’yo.”

Inirapan ko siya.

“Halika na!”

Ayoko man sanang sumama sa kaniya, pero sa huli ay wala na rin akong nagawa. Nilalamig na rin kasi ako at biglang nanakit ang mga paa ko dahil sa paglalakad ko nang nakayapak lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status