NANGINGINIG ang buong katawan ko at ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pagpatak. Mahigpit pa rin akong nakahawak sa likod ng front seat at ang isang kamay ko ay nakahawak din sa tiyan ko. Mayamaya, narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Lailani maging ang pagliko ng kotse. “I hate you, Jass Anne! I really hate you!” Narinig ko ang malakas na iyak nito at sunod-sunod na pinaghahampas ang manibela. At kahit labis pa rin akong natatakot dahil sa nangyari, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At nang makita kong nakahinto na sa gilid ng kalsada ang sasakyan at wala na sa harapan namin ang paparating na truck, hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Oh, God! Ang akala ko ay ito na ang huling araw ko sa mundo. Akala ko ay ibabangga talaga ni Lailani ang kotse sa truck. “I want to kill you and your baby, Jass Anne. Para maramdaman ni Midas kung ano ang sakit na naramdaman ko nang mawala sa akin si Wigo. But... I’m not as bad as you think.” Tumatangis na saad nito.“H-Hindi ako ang
“HERE’S your snacks, wife!”Nakangiting lumingon ako kay Midas nang marinig ko ang boses niya. I was sitting pretty in the sofa na nasa loob ng gazebo. Nagbabasa ako ng magazine habang binabantayan ko ang ang second baby namin ni Midas na three years old na at masarap ang pagkakatulog sa crib na nasa tabi lang din ng sofa na inuupuan ko. Samantalang tinatanaw ko naman sa garden si Paddy, ang panganay namin. Nakikipaglaro ito sa anak nina Crandall at Portia na si Link. Oh, well, noon pa man ay silang dalawa na talaga ang magkalaro dahil tuwing linggo ay sinusundo ko sa bahay nina Portia ang anak nila ni Crandall para may kalaro si Paddy. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang bonding nilang dalawa. Mas matanda ng tatlong taon si Link kaysa kay Paddy kaya natutuwa ako na strong ang bonding at relationship na nabuo sa pagitan nilang dalawa. Natutuwa ako na nagkaroon ng kuya ang anak ko sa katauhan ng anak ni Portia.“Thank you so much, daddy!” Ngumuso ako sa kaniya kaya yumuko naman siya
“MA, I CAN’T DO THAT!” mariing saad ko kay mama habang naglalakad ako papasok sa kusina. Nakasunod naman ito sa akin. “Jass Anne, ito lang naman ang hinihiling ko sa ’yo. Pero bakit hindi mo pa ako mapagbigyan?”Ramdam ko ang iritasyon sa boses ni mama dahil sa paulit-ulit na pagtanggi ko sa gusto nitong mangyari.Bumuntong hininga pa ako nang malalim nang makarating na ako sa tapat ng refrigerator at binuksan ko iyon upang kumuha ng malamig na tubig na nasa pitcher at pagkatapos ay kumuha rin ako ng baso sa kitchen counter at sinalinan ko iyon ng tubig. Bago ko iyon inumin, I looked at her again.“Ma, what you are asking me is not just a simple thing. You want me to marry someone that I didn’t love. I mean,” sabi ko na hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon dahil sa mga sinabi ni mama sa akin no’ng isang araw.Ilang araw na ako nitong kinukulit na pagbigyan ko ang gusto nitong mangyari. Kung dati ay pinipilit lamang ako nito na makipag-date sa lalaking gusto nito para sa akin kah
“CAN WE TALK, MA?” tanong ko kay mama nang pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko itong nakaupo sa may dining table at umiinom ng tea nito. When she drinks tea, I know she’s thinking about something again and can’t fall asleep early.Mama didn’t bother to look at me, but she let out a deep sigh kaya naglakad ako palapit sa kitchen counter at nagtimpla muna ng gatas ko because I still can’t sleep. I’m still thinking about what Lailani and I talked about earlier. But now I have made up my mind. I will try her suggestion to see if it works. Pagkatapos kong magtimpla ng gatas ko, umupo rin ako sa silyang nasa kabilang kabisera. “Concerning what you would like me to do,” sabi ko. Dahan-dahang tumingin sa akin si mama. Pero hindi pa rin nagbabago ang seryosong hitsura ng mukha nito.“Papayag na po ako,” sabi ko. “Pero may hihilingin po ako sa inyo.”Nangunot ang noo nito. “Ano?” tanong nito.“Makikipag-date po ako and then I’m going to get married so I can get an inheritance from lolo ka
“KUYA MIDAS!” sigaw ng binatilyo habang nagmamadali itong tumakbo palapit sa kaniya. “Kuya Midas!”Napahinto siya sa paglalakad at kunot ang noo na tiningnan ang binatilyong sumalubong sa kaniya. “Oh, Kalo, bakit?” tanong niya nang tuluyan itong makalapit.“Kuya, si inay po isinugod ng mga tanod sa ospital.”“Ano?” gulat na tanong niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit? Ano ang nangyari?” tanong niya pa at sa halip na dumiretso sa pag-uwi sa kaniyang bahay ay kaagad siyang pumihit at naglakad pabalik.“Inatake na naman po kasi ng asthma niya, kuya!”“Saan daw ba siya dinala? Halika at sumama ka na sa akin,” aniya at malalaki ang mga hakbang na tinungo nila ang labasan ng squater kung saan sila nakatira. “Midas, halika at sumakay ka na. Nasa ospital si Yolly,” sabi nang tricycle driver na nadaanan nilang nakaparada sa gilid ng kalye.Hindi na siya nagsalita at kaagad na sumakay sa tricycle.Pagkarating nila sa ospital, kaagad siyang nagtanong sa nurse na nasa front desk.“Yoll
“HUWAG ka ng makisali rito, Midas. Kami ang nauna rito.”“Umalis ka na lang, Midas.” “No! P-Please, help me!” nagmamakaawang sabi ko habang nahihintatakutang nakatitig sa kaniya. God! If I had known that I was going to perish again now, I would not have come here alone. I would have looked for someone to be with. Holy lordy! Talaga bang puro kapahamakan ang mangyayari sa akin ngayon?“Bitawan mo na siya, Karding kung ayaw mong magkagulo pa tayo.”“Punyeta naman, Midas!” galit na pagmumura ng lalaking may hawak sa braso ko. “Lagi mo na lang kami pinipirwesyo, Midas! Puwede bang huwag mo na kaming pakialaman dito?” “Bibilang lang ako ng tatlo. Kapag hindi mo siya binitawan, magkakagulo na naman tayo rito.”“Upukan mo na ’yan, pare,” utos ng isang lalaki.“Namumuro ka na sa amin, Midas.” Galit na saad ng lalaking unang sumalubong sa akin kanina at pagkuwa’y nagmamadali itong lumapit sa lalaking Midas daw ang pangalan.Pero hindi pa man ito tuluyang nakakalapit ay tinadyakan na niya
“WHERE is lolo, Manang?” tanong ko sa kasambahay ng Lolo Amadeo nang makapasok ako sa sala. It’s Sunday and I don’t have work, so I decide to come here to the mansion to visit my grandpa.Actually, I rarely come here because there’s someone in the mansion I don’t want to run into. So sometimes I make excuses when Grandpa asks me to come here, so he doesn’t feel bad.“Nasa kuwarto pa po, Señorita. Tatawagin ko po ba?” tanong nito.“Yes, please. Thank you, Manang.” Naglakad ako agad papunta sa lanai para doon ko na lang hintayin si lolo. But even before I got there, I saw Selena, ang babaeng pinakaayaw kong makita kaya hindi ako madalas nagpupunta rito sa mansion. Malayo pa man ako ay nakataas na ang kilay nito habang nakatingin sa akin.She stood up and made her way to the door of the lanai. Standing in the middle, she crossed her arms over her chest. “What are you doing here, Jass Anne?” tanong nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “You’re not the one I meant to come here,
“TEKA! Magkakilala kayo?”Tumaas ang isang kilay ko at tinarayan ko siya. Pagkatapos ay napatingin ako kay Madam Nancy. “Is he the one you say is your new con artist?” tanong ko.Tumango naman ito. “Yeah,” sagot nito at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.“Kilala mo ba siya, bes?” dinig kong tanong din ni Lailani sa akin habang nakatayo ito sa may likuran ko at nakasilip sa lalaking... I don’t know his name. “Nope,” sagot ko. “E bakit eksaherada ang reaksyon ninyo ngayon?” tanong pa nito.I let out a deep sigh, then glanced at him again. Tinarayan ko ulit siya.“Nancy!”“Yes, Papa Midas?”Oh! His name is Midas?“Siya ba ang sinasabi mong naghahanap ng magpapanggap na boyfriend niya?”Naglakad naman si Madam Nancy palapit sa kaniya. Malawak ang pagkakangiti nito. “Oo. Siya nga ang sinasabi ko sa ’yong kliyente ko na naghahanap ng lalaking magpapanggap na boyfriend niya.”Yumuko siya at kinuha ang baso na nasa center table na gawa sa kahoy. Inisang lagok niya ang natitir