Share

CHAPTER 6

“TEKA! Magkakilala kayo?”

Tumaas ang isang kilay ko at tinarayan ko siya. Pagkatapos ay napatingin ako kay Madam Nancy.

“Is he the one you say is your new con artist?” tanong ko.

Tumango naman ito. “Yeah,” sagot nito at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

“Kilala mo ba siya, bes?” dinig kong tanong din ni Lailani sa akin habang nakatayo ito sa may likuran ko at nakasilip sa lalaking... I don’t know his name.

“Nope,” sagot ko.

“E bakit eksaherada ang reaksyon ninyo ngayon?” tanong pa nito.

I let out a deep sigh, then glanced at him again. Tinarayan ko ulit siya.

“Nancy!”

“Yes, Papa Midas?”

Oh! His name is Midas?

“Siya ba ang sinasabi mong naghahanap ng magpapanggap na boyfriend niya?”

Naglakad naman si Madam Nancy palapit sa kaniya. Malawak ang pagkakangiti nito.

“Oo. Siya nga ang sinasabi ko sa ’yong kliyente ko na naghahanap ng lalaking magpapanggap na boyfriend niya.”

Yumuko siya at kinuha ang baso na nasa center table na gawa sa kahoy. Inisang lagok niya ang natitirang laman niyon habang hindi man lang niya inaalis ang seryosong tingin sa akin.

Seryoso nga ba, o baka galit siya sa akin?

“Hindi bale na lang, Nancy. Maghahanap na lang ako ng ibang pagkakakitaan,” sabi niya saka muling inilapag sa mesa ang basong hawak niya at pagkatapos ay humakbang siya palapit sa akin.

“Huh?” kunot ang noo na tanong ni Madam Nancy at kaagad na sumunod sa kaniya. “Teka, Papa Midas! Akala ko ba tinatanggap mo na ang alok ko sa ’yo?”

He halted two steps away from me and gave Madam Nancy a quick glance. Then he looked at me again.

“Kanina buo na ang pasiya ko. Pero ngayon na nakita ko na kung sino ang kliyente mo...” Huminto siya sa pagsasalita. “Humanap ka na lang ng iba, Nancy. Alam mo naman ayaw ko sa babaeng maarte at iba ang ugali. Hindi kami magkakasundo.”

Napamaang ako. Pero mayamaya bigla ring nangunot ang noo ko. Aba! Walang-hiya ang lalaking ito, a!

Namaywang ako at nagtaas ako ng noo. “Excuse me,” mataray na sabi ko sa kaniya. “Hindi masama ang ugali ko. And FYI. Now that I’ve found out you’re a con artist working for Madam Nancy, I have no intention of agreeing to have you pretend to be my boyfriend.”

“Teka. Teka. Teka.” Lumapit sa tabi ko si Lailani. Ipinagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa aming dalawa. “Akala ko ba hindi kayo magkakilala?”

“Yes. We don’t know each other.”

“Hindi nga.”

Sabay pa kaming nagsalita.

“E bakit magkaaway kayo ngayon?”

“Just don’t ask, Lai,” sabi ko. Pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin si Madam Nancy na nakatayo na rin sa tabi ng lalaking ito. “Madam Nancy, please just find someone else. I don’t like him.”

“Pero... Teka...”

“Salamat sa tubig mo, Nancy. Mauuna na ako.”

Pagkasabi niya niyon, kaagad niya akong nilampasan at tuloy-tuloy siyang lumabas sa bahay ni Madam Nancy.

Napapamaang na lamang at nalilito ang hitsura nina Madam Nancy at Lailani nang tumingin ang mga ito sa akin.

“May gusto ka bang sabihin sa amin, bes?” tanong nito.

Bumuntong hininga ako ulit at ipinag-cross sa tapat ng dibdib ko ang mga braso ko.

“We met twice,” sabi ko at humakbang palapit sa sofa at umupo roon. “Remember the other night, when we went to the bar? I told you Lai, may mga nambastos sa akin while I was going to the comfort room. Luckily, someone saved me. And that someone... It’s him. He helped me, but he blamed me and the clothes I was wearing kung bakit ako nabastos ng mga lalaki roon sa bar. And the other day, when I came here, the same thing happened to me. And he saved me again. But he still blamed me for the way I dress. That’s why I hate him.”

“Oh, my God! So ikaw pala ang sinasabi ng mga kapitbahay ko na nabastos nga raw nina Karding no’ng isang araw doon sa may labasan.”

Buntong hiningang tumango ako.

“Pero kilala ko si Midas, Ganda. Mabait siyang tao. Baka kaya nagalit siya sa ’yo pati sa suot mong damit, kasi masiyado ngang revealing. E, alam mo na. Ang mga lalaki, lalo na ang mga tambay. Mabibilis ang mga mata at utak ng mga ’yan. Baka pinagsabihan ka lang niya para hindi na malagay sa panganib ang buhay mo sa susunod. Or hindi ka na mabastos ulit.”

Napaismid pa rin ako. Well, there is a point in what Madam Nancy said. That’s what he meant to me the two times he saved me.

But I’m still annoyed with that guy. Ang yabang.

“Agree ako sa sinabi ni Madam Nancy, bespren,” wika naman ni Lailani. “Pero, bagay kayong dalawa.”

Biglang nagsalubong ulit ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Lailani.

“Ay, agree din ako sa sinabi mo, Lai,” wika rin nito at nag-apir pa silang dalawa. “Kanina habang pinagmamasdan ko kayong dalawa, bagay na bagay nga kayong mag-jowa, Ganda.”

“Hay nako! Madam Nancy, just find someone else,” I said. “I don’t like him. He doesn’t like me either. At mas lalong hindi kami bagay.”

“Pero, bes—”

“No more buts, Lailani.” Pinutol ko ang pagsasalita nito. Alam ko kasing kokontrahin na naman ako ng babaeng ito.

“Ganda, baka mahirapan na akong makahanap ng panibago kung papalitan pa natin si Papa Midas,” sabi nito. “Siya na lang ang kunin mo. Kakausapin ko lang siya. For sure papayag siya ulit.”

“Hindi na, Madam Nancy. It’s fine with me if it takes a week or two bago ka makahanap ng new con artist mo. Basta huwag lang siya.”

“Bes, huwag ka ng mag-inarte riyan!”

“Hindi ako nag-iinarte, Lailani. I just don’t like him.”

Magsasalita pa sana ito, pero muli akong nagsalita. “I don’t like him. Period.”

Nagkatinginan na lang ang dalawa at sabay na napabuntong hininga.

“HOW’S YOUR WORK, ANAK?”

Nadatnan ko si mama na nasa sala at prenteng nakaupo sa sofa habang may hawak itong tasa ng tea.

“Hi, Ma!” Lumapit ako rito at nagmano pagkatapos ay humalik sa pisngi nito.

“Are you okay, Jass Anne?”

Tumango ako. “Opo,” sagot ko.

“You don’t seem okay. Is there a problem?”

“Nothing, Ma. I’m just tired. I just want to rest.”

“Hindi ka ba kakain muna?”

“Hindi na po. Kumain na kami ni Lailani sa labas bago kami umuwi,” sabi ko. “Aakyat na po ako sa kuwarto para makapagpahinga ako.”

Mama stared at me for a moment. It’s like she’s reading what’s running through my mind now, so before she could speak, I looked away.

“Good night, Ma,” I said, then I walked towards the stairs, but later, I stopped when I heard she speaks again.

“Paano ang pag-asikaso mo tungkol sa plano natin?”

Humawak ako sa handrail at pumihit paharap kay Mama. “I’m working on it po, Ma.”

“Mag-iisang linggo na, Jass Anne.”

Ugh! It’s been two days since I visited Madam Nancy’s house and learned that he wanted to hire Midas as my fake boyfriend. But I didn’t agree. And now, I’ve been waiting for his call for two days to find out if he has found a new con artist.

“I’m still working on it, Mama. Naghahanap pa po ako ng—”

“Kung payagan mo na lang kaya ako na tulungan ka? Marami akong kakilala na—”

“Ma, we had a deal. Hindi ka po makikialam sa mga gagawin ko.” Pinutol ko rin ang pagsasalita nito.

Humugot naman ito nang malalim na paghinga at inirapan ako. “Hindi lang ako makapaghintay, Jass Anne. Paano kung—”

“Ma, I’m tired. Ngayon po ba natin pag-uusapan ang bagay na ito?”

Medyo napataas ang boses ko.

“Just...” Bumuntong hininga ako at hindi na itinuloy ang gusto kong sabihin. Tumalikod na lang ako at pumanhik na nang tuluyan hanggang sa makarating ako sa kuwarto ko.

“PAPA MIDAS, sige na kasi! Pumayag ka na para wala ka ng problema para sa pambayad mo sa ospital.”

“Nakabayad na ako sa kalahati, Nancy,” sabi niya sa bading habang ginagawa niya ang kaniyang trabaho sa talyer.

Kinukulit na naman siya nito. Dalawang araw na itong nagpapabalik-balik sa talyer o maging sa bahay niya para lang kumbinsihin siyang pumayag ulit sa alok nito. Hindi niya na mabilang kung ilang beses na ba siyang tumanggi, pero heto at hindi pa rin siya nito tinatantanan.

“Nakabayad ka na nga sa kalahati, pero babayaran mo rin naman ’yon sa pinagkautangan mo. Tapos maghahanap ka na naman ng pambayad sa kalahati pa. Kaya sige na, pumayag ka na! Mabait si Jass Anne. I’m sure magkakasundo kayong dalawa.”

Tumawa siya nang pagak at saglit na nilingon ang kausap.

“Mabait?” mapanuyang tanong niya. “Mabait ba sa lagay na ’yon ang babaeng ’yon?” Umiling siya. “Nancy, humanap ka na lang ng iba. Sigurado akong hindi kami magkakasundo sa kahit anong bagay kung tatanggapin ko ang alok mo.”

Sumimangot naman ang bading. “Subukan mo lang. I know magkakasundo kayo.”

“Huwag mo na ipilit ang gusto mo, Nancy. Ganoon pa rin ang magiging sagot ko. Ayoko.”

Umirap ito at namaywang habang nagpapakawala nang malalim na buntong hininga. “Akala ko ba magkaibigan tayo at tutulungan mo ako sa kahit anong hingiin kong pabor sa ’yo? Pero bakit hindi mo ako mapagbigyan ngayon?” nagtatampong tanong nito. “Kapag hindi ko naibigay at napapirmahan kay Jass Anne ang kontrata, baka tanggalin na ako sa trabaho ko. Maaatim mo bang mawalan ako ng trabaho?”

Tinitigan niya ito. “Nancy, alam kong masipag kang trabahante kaya alam ko rin na hindi ka tatanggalin sa trabaho mo dahil lang sa isang kliyente mo.”

“Nakakatampo ka naman, Midas. Huwag na nga kung ayaw mo,” wika nito saka tumalikod at nagmamaktol na umalis.

Napabuntong hininga na lamang siya habang sinusundan niya ito ng tingin.

“MISS BYUTIPOL, nandito po ulit kayo?”

Ngumiti ako kay Kalo nang makita ko ito sa may labasan ng squatter. Mukhang mangangalakal na naman yata ito kasi may bitbit na namang sako.

“Hi, Kalo!”

“Ano po ang ginagawa mo rito?”

Tumikhim ako. “W-Where is he?” tanong ko.

“Si Madam Nancy po ba ang hinahanap mo ulit?”

“Hindi. ’Y-Yong kuya mo,” sabi ko.

“Si Kuya Midas po?”

Tumango ako.

“May kailangan po kayo kay Kuya Midas?”

“Gusto ko sana siyang makausap.”

Ngumiti naman ito sa akin. “Nasa talyer po ngayon si Kuya. Halika po at sasamahan kita papunta roon.”

“Um, malayo ba rito?” tanong ko.

I’m wearing heels. My feet might get hurt again if I walk too far.

“Malayo-layo po, miss byutipol,” sagot nito at tiningnan ang paa ko. “Kaya n’yo po bang maglakad?”

Saglit akong nag-isip. At mayamaya, tumango ako. “Tara na.”

“Dito po.”

Sumunod ako rito sa paglalakad. We walked for almost five minutes, and we arrived at the vulcanising shop.

“Pareng Ikoy, nasaan ang Kuya Midas?” tanong nito sa isang lalaki na naroon at nagtatrabaho din.

“Wala rito.”

“Saan nagpunta?”

“May tinesting na sasakyan. Pero babalik din ’yon mayamaya.”

“Ganoon ba? Sige. Hihintayin na lang namin,” sabi nito at humarap sa akin. “Upo muna tayo rito, miss byutipol. Hintayin lang po natin si Kuya.”

Sumunod ako rito hanggang sa makaupo kami sa isang mahabang upuan na nasa gilid ng talyer.

Ugh! Ito pa naman ang pinakaayoko sa lahat. Ang naghihintay ako. But I can’t complain since he has no idea I’m coming here to talk to him.

Wala akong plano na lunukin ang pride at mga salitang binitawan ko sa kaniya nang nakaraan, pero dahil kinukulit na ako ni mama at tumawag na rin sa akin si lolo at sinabi nitong isama ko raw ang boyfriend ko next week dahil may kaunting salo-salo sa mansion, I don’t have a choice. Wala pa rin kasing mahanap si Madam Nancy.

Ilang minuto pa akong naghintay kasama si Kalo bago may dumating na puting sasakyan at pumarada iyon sa tapat ng talyer. At dahil hindi tinted ang salamin niyon, kitang-kita ko ang taong sakay niyon.

It was him, at may kasama siyang babae.

Nagtatawanan pa sila habang nag-uusap.

And then, he got out of the driver’s seat and hurriedly went around the front seat to open the door for the woman.

They talked again. At dahil medyo malayo-layo ang puwesto ko sa puwesto nila, hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila.

Nakita kong hinawakan ng babae ang balikat niya at dumausdos ang palad nito sa braso niya at pagkuwa’y bahagyang pinalo ang dibdib niya.

Napasimangot ako.

Ugh! Women. I mean, may mga kalahi talaga akong malalandi. Mabuti na lang ay hindi ako kagaya nito na masiyadong flirty.

“Call me, okay?”

Iyon lang ang narinig ko na sinabi ng babae saka ito sumakay sa driver’s seat at nang maisarado ni Midas ang pinto, ibinaba naman ng babae ang salamin.

“Bye, Midas! See you!”

Ngumiti siya at kinawayan ang babae bago nito pinaharurot ang sasakyan.

“Kuya Midas!”

Napalingon siya sa may direksyon namin ni Kalo. Nangunot bigla ang noo niya nang makita niya ako.

“Kalo, ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya.

“Sinamahan ko lang po si miss byutipol. Hinahanap ka po niya, e!”

Ang damuho! Marunong naman pala siyang ngumiti. Pero kapag kami ang magkaharap, parang isang linya lagi ang mga kilay niya.

I stood up from my seat and walked towards him.

“Ano ang ginagawa mo rito?” seryosong tanong niya sa akin.

Tumikhim ako saglit. “Can I talk to you?” tanong ko sa kaniya.

“Busy ako,” sabi niya saka niya ako nilagpasan at pumasok sa shop.

“I just want to talk to you. This is important—”

“Importante rin ang trabaho ko,” wika niya kaya naputol ang pagsasalita ko. “Kalo, ihatid mo na siya sa kotse niya.”

“Opo Kuya—”

“No. Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap.”

Huminto naman siya at pumihit paharap sa akin. Mayamaya, ngumiti siya nang nang-uuyam.

“Sige. Maghintay ka riyan! At kapag inabutan ka ng dilim, hindi ko na problema ’yon.” Pagkasabi niya niyon, muli siyang tumalikod at nagsimulang magtrabaho.

Ugh! I really hate him! Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa lalaking ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status