LOGINDumagundong ang katahimikan sa pagitan nila matapos ang malamig na sagot ni Tyler.Hindi na muling nagsalita si Pretzel. Pakiramdam niya, anumang salitang bibitawan niya ngayon ay lalo lamang maglalantad ng mga lihim na pilit niyang tinatago. Kaya pinili niyang manahimik, ngunit sa kaibuturan niya, gusto niyang magwala.Samantala, si Tyler ay hindi na muling tumingin sa kanya. Ibinalik nito ang pansin sa pintuan ng emergency room, ngunit hindi na tulad kanina ang ekspresyon nito. Kung dati ay purong kaba lamang, ngayon ay may halong pagdududa at paghihinala. Tumalim ang kanyang mga mata, kumunot ang noo, at bahagyang humigpit ang kanyang panga.May mali... At ramdam na ramdam niya iyon, parang malamig na hangin na dahan-dahang gumagapang sa kanyang batok.Kailangan niyang kumilos. Habang hindi pa nagigising si Jolisa, may dapat siyang gawin. Hindi siya pwedeng mabisto… hindi sa ngayon.*****TYLER'S POV:Lumipas ang ilang minuto na tila katumbas ng isang oras. Mabigat ang bawat segund
"Naabutan ko siyang walang malay sa bahay kanina. Dali-dali ko siyang dinala dito." paliwanag niya“How is she?” namumulatlang sabi ni Pretzel. Marahil ay nag-aalala din ito kay Jolisa.“Sabi ng doctor, she is safe now pero malubha ang pagkakabagok niya at mukhang may struggle na nangyari. Baka pinasok siya sa bahay kanina habang wala ako.”“Oh God… sino naman kaya ang gumawa sa kanya?”“I don’t know…”“Ikaw… saan ka ba galing? Pagdating ko sa kwarto ni Mayor kanina wala ka doon. Tumawag ako pero hindi mo rin sinasagot ang telepono.”“Huh? Ah eh… lumabas lang ako para mag-breakfast at kape. Ayaw ko ng mga pagkain dito sa ospital.”“Ganun ba.”“Tara, doon muna tayo sa kwarto ni Dad habang naghihintay na ilabas si Jolisa sa emergency.” aya ni Pretzel sa kanya“No, dito lang ako. Hindi ko siya iiwan dito.”“Kung ganun, dito na lang din ako. Sasamahan kita.”Hindi siya sumagot. Umupo siya sa waiting area. Tumabi naman si Pretzel sa kanya.Ngunit hindi niya alam, may ibang iniisip si Pretz
Pagdating sa kaniyang bahay ay may kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya maintindihan. Mabilis siyang tumakbo sa main door saka kumatok.“Jolisa… love? Open the door…” nagmamadaling sabi niya pero walang sumasagot mula sa loob. Nilapit niya ang tenga sa pinto pero wala rin siyang narinig na kaluskos o ingay.Hindi na siya nakatiis. Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang pinto. Sobrang tahimik ng loob ng bahay. Walang bakas ni Jolisa.“Love? Jolisa? Are you here?” Imposible namang lumabas si Jolisa. Wala pa itong alam doon sa Baguio at wala ring kilala.Paglagpas niya sa bandang kusina ay may nakita siyang babaeng nakahiga sa sahig. Bigla siyang kinabahan.“Jolisa!” mabilis niya itong pinuntahan. Walang malay si Jolisa at may dugo ang ulo nito. Marahil ay tumama sa kung saan. Basa pa ang dugo, ibig sabihin kakaaksidente lang nito o kung ano man ang nangyari dito.“What happened, love?”Kinakausap niya ito kahit wala itong malay.Mabilis niyang binuhat si Jolisa. Dada
Ngunit kahit pilit niyang pinapakalma ang isip, hindi niya maikakaila na may bahid ng pagdududa na unti-unting sumisingit sa puso niya.Napansin iyon ni Pretzel. Ngumiti ito... isang ngiting alam na alam niyang tumama ang mga salita nito.“See?” mahinang sambit ni Pretzel. “Nag-iisip ka na ngayon. That’s good… kasi iyon ang totoo.”“H-hindi…” pilit niyang sagot, kahit nanginginig ang boses. “Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ako maniniwala sa’yo!”Biglang tumawa si Pretzel, mahina pero puno ng pang-iinsulto.“Hindi ka naniniwala?” ulit nito. “Then why do you look so shaken, Jolisa?”Hindi siya nakasagot.Dahil totoo nanginginig siya. Hindi lang sa takot… kundi sa posibilidad na baka may bahaging totoo ang lahat ng sinasabi nito.“Alam mo kung anong mali sa’yo?” dahan-dahang lumapit si Pretzel, hanggang sa halos magkalapit na sila. “Masyado kang naniwala sa mga salitang gusto mong marinig.”Napapikit siya, pilit tinatakpan ang tenga niya. “Stop it… please stop!…”Pero hindi tumigil si
Agad niyang sinara ang pinto at nilock iyon. Inayos niya ang pagkakatali ng kanyang roba, Wala na siyang oras na mag-ayos ng damit kanina dahil sa bilis ng pangyayari. Dahan-dahan siyang naupo sa sofa at napayakap sa sarili, pilit pinipigil ang panginginig ng katawan. Hindi niya alam kung alin ang mas kinatatakutan niya... ang maiwan mag-isa sa loob ng bahay… o ang isiping sa mga sandaling iyon, kasama ni Tyler si Pretzel.Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim, paulit-ulit, parang sinusubukang ikalma ang nagwawala niyang dibdib. Lumipas ang ilang minuto, pero hindi pa rin siya mapakali. Para bang bawat segundo ay lalong nagpapabigat sa pakiramdam niya.Kung hindi lang dahil kay Mayor… hindi niya papayagan si Tyler na umalis. At sa isang iglap, may sumagi sa isip niya... isang ideyang lalong nagpagulo sa kanyang utak.Paano kung… dinadahilan lang ni Pretzel si Mayor? Paano kung may ibang plano ito?Napamulat siya bigla. Hindi.... Hindi pwedeng ganoon.Tumayo siya
Kinabukasan, nagising sila sa ingay ng telepono ni Tyler. hindi ito tumitigil sa pag-ring.“Fuck. Who the hell is this? Ang aga-aga, nambubulabog!” ASIK ni Tyler saka kinuha ang kamay sa pagkakayakap sa kanya at dinampot ang cellphone sa side table.Napamulat din siya ng mata para tingnan kung sino ang tumatawag. Nakita niya sa screen ang pangalan ni Pretzel. Napasimangot siya... Alas sais pa lang ng umaga, for God’s sake!Nakita niyang sumimangot din si Tyler at muling binalik ang cellphone kung saan ito nakalagay kanina saka muli siyang niyakap.“Hindi mo ba siya sasagutin?”“No. I’ll pretend I’m sleeping,” sabi nito habang isiniksik ang ulo sa kanyang buhok.“Baka importante ang tawag…” mahina niyang sabi.“Fuck!” inis na sabi ni Tyler saka muling dinampot ang cellphone. “Hello!?” galit nitong sabi.“Tyler! Sabi mo babalik ka na dito?” narinig niya ang sinabi ni Pretzel sa kabilang linya sa lapit ng telepono ni Tyler sa kanya.“Yes, Pretzel, babalik ako. Pero alam mo ba kung anong
Maya-maya ay bumalik si Madison pero mag-isa lang ito.“Aria, pwede mo ba itong papirmahan sa opisina ni Gov?”Binigay ni Madison sa kanya ang isang brown envelope. Sandali niya iyong kinuha at sinipat. Proposed project iyon ng gagawing tulay sa San Manuel. 100 million ang budget para sa tulay na ‘
“H-hi bunso…”“H-hi kuya Clarkson…”Gusto niyang maiyak. Babalik ba sila sa dati?... sa pagiging magkapatid?“K-kamusta ka na? Ano na ang balita sa’yo?” tanong nito bagamat nahihiya. Halatang naghahanap ng paraan na makausap siya.“I’m okay… ako ang nagma-manage ng Blacksmith Hotel. Thanks sa exper
Sumunod pa ang mga araw ay naging abala siya sa hotel. Kasalukuyan siyang nakaupo sa office chair at nakatingin sa glass wall ng kanyang opisina. Kita ang buong siyudad ng Scotland sa pwesto niya. Nag-iisip siya kung ano ang sasabihin sa board mamaya para ma-approve ang café at shopping mall na sin
MADISON'S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang condo. Gagaling lang niya sa ospital at nasabi na niya kay Clarkson at sa mga magulang nito ang ipinagbubuntis niya, pero hindi niya nakuha ang inaasahan nyang reaksyon ng mga ito. Ang inaasahan niya ay matutuwa si Clarkson o di kaya si Gov dahil magka







