LOGINSandaling nabalot ng katahimikan ang silid. Napansin niya kung paanong unti-unting lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Tyler, tila may bahagyang pag-unawa na sumilip sa mga mata nito.“K-kahit wala na tayong relasyon…” mahina niyang simula, pilit pinipigilan ang muling pag-agos ng luha, “gusto kong maging maayos tayo. Kahit… kahit magkaibigan na lang.”Bahagya siyang napangiti, ngunit may halong lungkot. “Ayaw kong umalis ka na may iniisip... na may iniwan. Gusto kong ipagpatuloy mo ang buhay mo nang maluwag sa dibdib, na walang dinadalang bigat… kahit wala na ako.”Muling sumunod ang katahimikan.“H-hindi mo ba talaga ako mahal, Jolisa?”Napahinto siya. Basag ang boses ni Tyler, tila pinipigilan din ang sariling emosyon. Para siyang sinaksak ng tanong. Hindi siya agad nakasagot, nagulo ang isip niya.Mahal ba niya ito? Oo. Pero dapat pa ba niyang sabihin? Tapos na ang lahat sa kanila.Huminga siya nang malalim. “Importante ka sa’kin, Tyler…” marahan niyang sagot. “Isa ka sa pinakamah
TYLER’S POVMatigas ang kanyang mukha habang nakaupo sa gilid ng kama ni Tiffany. Tahimik ang silid, wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.Kasalukuyan silang dalawa roon. Siya mismo ang naghatid dito matapos itong itulak ni Jolisa sa hallway. Hindi niya inakalang aabot sa ganoon si Jolisa.Sa isip niya, malinaw pa rin ang imahe ng dalagang una niyang nakilala... mahinahon, mahinhin, halos hindi makabasag-pinggan. Pero ang nakita niya kanina… ibang-iba. Mapanakit, marahas at parang hindi niya kilala... O baka dahil nagbubulag-bulagan lang siya?“Tyler…”Napalingon siya kay Tiffany. Lumapit ito at kumapit sa kanyang braso, tila doon kumukuha ng lakas. Bahagyang nanginginig ang boses nito, ngunit ramdam ang diin sa bawat salita.“Look what Jolisa did to me…”Tinitigan niya ang braso nitong may bahid ng pamumula. Kumunot ang kanyang noo, ngunit hindi siya agad nagsalita.“Mabuti na lang talaga at hiniwalayan mo siya. Nalaman mo agad ang tunay niyang ugali bago pa tayo umalis. She doesn’t
Nang marinig niya ang mga salitang iyon, tila may matalim na kutsilyong dahan-dahang ibinaon sa kanyang dibdib. Paunti-unti, ngunit sapat upang ubusin ang natitira niyang lakas.Ngunit sa halip na sumagot agad, pinili niyang manahimik.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang kanyang dibdib, bago marahang itinaas ang tingin. Tinitigan niya si Tiffany, mata sa mata at sa unang pagkakataon, wala nang bakas ng pag-aatubili sa kanyang mga titig. Wala nang takot, wala nang paghingi ng paumanhin.“Tapos ka na ba?” malamig niyang tanong.Bahagyang napakunot ang noo ni Tiffany, tila hindi inaasahan ang ganoong klaseng reaksyon. “Excuse me?” Naghalukipkip pa ito na anu mang oras ay parang susugurin siya.“Kung tapos ka na, puwede ka nang umalis sa harap ko.” Kalmado ang kanyang boses ngunit matalim, at hindi magpapatinag.Saglit na natigilan si Tiffany bago sumiklab ang inis sa mukha nito. “Ang kapal naman ng mukha mo!”Hindi siya natakot kahit pinadilatan siya nito ng mata. Kalmado la
Kinabukasan, nagising siya sa malamig at tahimik na silid, walang bakas ng init ni Tyler sa kanyang tabi. Saglit siyang natulala, tila umaasang baka nasa banyo lang ito o bumaba sandali. Ngunit habang tumatagal, unti-unting sumiksik sa dibdib niya ang katotohanan... hindi ito bumalik kagabi.Dahil sa labis na pag-iyak, hindi niya namalayang nakatulog siya. Ngayon, ang tanging natira ay ang bigat sa kanyang ulo at ang hapdi sa kanyang mga mata. “Saan kaya siya natulog…?” bulong niya sa sarili, ngunit alam niyang wala nang saysay ang tanong. Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang nangyari, nakipaghiwalay na si Tyler sa kanya.Napapikit siya sandali, muling sumagi sa isip niya ang mga salitang binitiwan nito kagabi. Pinilit siyang bumangon. Kahit mabigat ang katawan kailangan niyang kumilos. Dumiretso siya sa banyo at naligo, umaasang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Ngunit kahit anong gawin, hindI kaya ng isang paligo lang ang bigat na nararamdaman.Habang nagbibihis, hindi n
Napalunok siya. Parang natuyo ang kanyang lalamunan, at kahit gustuhin niyang magsalita, walang boses na lumalabas.“Sumagot ka, Jolisa!” mas lalong bumigat ang tono ni Tyler, punong-puno ng galit, at may halong sakit na hindi nito maitago.Napayuko siya. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang damit, halos mapunit na sa lakas ng pagkakakapit niya roon.“I… I was just being careful,.” mahina niyang sagot, halos hindi marinig.“Careful?” ulit ni Tyler, bahagyang natawa, pero walang saya ang tunog niyon. “Careful from what? From me?”Napapikit siya. Isang luha ang tuluyang pumatak mula sa kanyang mga mata, ngunit hindi iyon pinansin ni Tyler.“Alam mo ang plano ko... ang buntisin ka!” madiin nitong sabi. “ All the while, habang ginagawa ko ‘yon… may iba ka palang plano? Ang hindi mabuntis?”Bigla nitong itinapon ang pakete ng pills sa kanya. Tumama iyon sa kanyang mukha. Hindi iyon masakit, pero masakit ang inakto nito. Hindi niya akalain na itatapon nito sa kanya.“Bakit? tin
Napapikit siya sandali bago sumagot.“Lola… aalis na po sina Tyler at Tiffany sa susunod na araw. Babalik na sila sa trabaho. Dadalhin ni Tyler si Tiffany para ipagpatuloy ang pagiging modelo niya.”Lalong nalungkot si Lola Beth para sa kanya. “Kakausapin ko si Tyler,” mariing sabi nito.“Huwag na po, Lola,” mabilis niyang pigil. “Kapag magkasama na sila sa abroad… imposibleng hindi bumalik ang dating damdamin nila sa isa’t isa. Mas mabuti na rin po siguro ang ganito.”“Sorry, Jolisa…” nanginginig ang tinig ng matanda. “Sorry kung pinilit kita kay Tyler noon. Hindi ko akalaing babalik si Tiffany. Ikaw ngayon ang maiiwan sa ere.”“It’s okay, Lola. Wala po kayong kasalanan.”Nilunok niya ang bara sa lalamunan. Parang gusto na niyang umiyak, ngunit pinigilan niya. Ayaw niyang makitang nasasaktan siya ng matanda.Agad siyang tumalikod at kinuha ang maleta nito. “Ang mabuti pa, tulungan na lang kitang mag-ayos ng gamit mo. May pasalubong ka bang dala para sa akin, Lola?” pilit niyang pag-i
"Kuya Gray, nakita mo ba si Precious?""Andito lang siya kanina. Baka nasa paligid lang ‘yon.""Hahanapin ko muna siya. Ikaw muna ang bahala dito ha.""Sige, little sis... by the way, I’m so proud of you, congratulations" sambit ng kuya niya saka siya hinalikan sa noo."Thank you, Kuya."Umalis na
Sandali siyang natigilan. "Nasaan si Lilly, Precious?""I-I don’t know....""What? How come you don’t know?" Napalakas ang boses niya kaya napapitlag si Precious.Agad naman siyang natauhan. "Sorry, Precious, I didn’t mean to shout at you. Nasaan si Lilly? Hindi pwedeng hindi mo alam?""N-nasa abro
Gustong niyang humalakhak sa harap ni Mateo. Ang saya tingnan ng mukha nitong natataranta at nawawalan ng pag-asa. Pagdating niya sa opisina ay tinawag niya ang isang pulis. “Dalhin n’yo ‘to sa cyber division. I-extract lahat ng data. Gusto ko real time ang report.” sambit niya habang inaabot ang
Kinabukasan, maaga pa lang ay nagising siya. Gusto sana niyang sumilip sa shop kahit sandali lang, hinid nya lang alam kung paano aalis na hindi magagalit si Finn.Maya-maya at narinig nyang my kumatok. This time, hindi si General... si Finn mismo.“Bumangon ka na. I need my bath,” malamig na sabi







