Share

CHAPTER 1213

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-12-22 23:09:43

ARIA’S POV:

Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng kidnaper at ng kanyang Daddy sa kabilang linya. Hindi siya makapagsalita, pinagbawalan siya. Pero ramdam niya ang matinding kaba sa dibdib. Alam na ni Clarkson ang tungkol sa pagkakakidnap sa kanya. Alam na rin ng Daddy niya na naroon si Clarkson sa Scotland. Isa-isang naglalabasan ang mga lihim dahil sa pagkawala niya.

Nakangisi na ang kidnaper matapos nitong makipag-usap sa kanyang ama. “Madali naman pala kausap ang Daddy mo, Miss Blacksmith. Magbibigay siya ng pera,” sabi nito saka umalis na.

Napaisip tuloy siya kung magkano kaya ang hinihingi ng mga ito sa ama niya?

Napapitlag siya nang muling bumukas ang pinto. Pumasok ang tauhan ng mga kidnaper, at may kasama itong isang babae. Halos buhat na buhat nito ang kawawa. Agad siyang naawa... halatang mahina, namumutla, at hirap na hirap huminga.

Ito na siguro ang buntis, naisip niya.

Pero may isang bagay na ikinagulat niya... naka-uniporme ito ng hotel staff niya?! Bakit…? Kilala
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1214

    “Sige. Babayaran ko rin ang ransom niya.”Unti-unti itong ngumisi. “Hahaha… salamat naman kung gano’n, Miss Blacksmith.”“Akin na ang bag ko,” sambit niya. Agad namang umalis ang lalaki at pagbalik nito ay dala niya ang bag niya.Kinuha niya ang kanyang checkbook at sinulat ang malaking halaga para sa ransom nilang dalawa ni Lovely. Pinunit niya iyon sa checkbook at ibinigay sa lalaki. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang halaga.“Hahaha… mayaman na kami! Bakit hindi ko ’yon naisip kanina? Bakit pa ako makikihati kay Mr. Joe kung makukuha ko naman ’yon sa ’yo?”Lihim siyang nanggigil. Nadulas ang lalaki sa pagsambit ng pangalan ni Tito Joe. Tama nga si Lovely, ang Daddy ni Ben ang nagpakidnap sa kanila.“Diyan na kayo. Bahala na kayo sa buhay n’yo. Aalis na kami ng kasama ko.”“Wait! Puwede bang ihatid mo kami sa hotel?”“Ano kami, baliw? Paano kung may pulis na nakaabang doon? Edi timbog kami? Wala sa usapan na ihahatid pa namin kayo. Bahala na kayo sa buhay n’yo!” sambit nito s

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1213

    ARIA’S POV:Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng kidnaper at ng kanyang Daddy sa kabilang linya. Hindi siya makapagsalita, pinagbawalan siya. Pero ramdam niya ang matinding kaba sa dibdib. Alam na ni Clarkson ang tungkol sa pagkakakidnap sa kanya. Alam na rin ng Daddy niya na naroon si Clarkson sa Scotland. Isa-isang naglalabasan ang mga lihim dahil sa pagkawala niya.Nakangisi na ang kidnaper matapos nitong makipag-usap sa kanyang ama. “Madali naman pala kausap ang Daddy mo, Miss Blacksmith. Magbibigay siya ng pera,” sabi nito saka umalis na.Napaisip tuloy siya kung magkano kaya ang hinihingi ng mga ito sa ama niya?Napapitlag siya nang muling bumukas ang pinto. Pumasok ang tauhan ng mga kidnaper, at may kasama itong isang babae. Halos buhat na buhat nito ang kawawa. Agad siyang naawa... halatang mahina, namumutla, at hirap na hirap huminga.Ito na siguro ang buntis, naisip niya.Pero may isang bagay na ikinagulat niya... naka-uniporme ito ng hotel staff niya?! Bakit…? Kilala

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1212

    ARIA'S POV:Hindi niya alam kung ilang oras na siya doon sa kama, nakaupo habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Parang takot na takot ang mga ito na makatakas siya. As if naman may magagawa siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kung tawagin ng iba ay "boss."“Kain ka na,” sabi ng nito saka nilagay ang tray ng pagkain sa kanya. Naka-plastic lang ang kanina at ulam na malamang sa karenderia lang binili.“Paano ako makakaain kung nakatali ako?” inis na sabi niya.Walang nagawa ang lalaki kundi kinalagan siya.“Kain ka na,” muling sabi nito nang makuha na ang pagkakatali nya. Napangiwi siya sa sakit ng kanyang kamay. Marahan niya itong minamasahe ang namumula niyang pulsuhan.“Nakausap na pala namin ang mga magulang mo. Madali naman pala silang kausap, magbibigay agad sila ng pera...hahahah.”“Napakawalang hiya nyo!”“Hahaha. Pasensya na Miss Blacksmith, trabaho lang at napag-utosan.”Natigilan siya. Ibig sabihin may boss pa ang mga ito? Ang akala niya ay ang la

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1211

    Nanigas siya. “Are you sure?” siya na ang nagtanong.“Yes, sir.” sagot mng nurse na palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Walang pasyente na Ben at walang aksidenteng nangyari!?Kasabay noon ay may pumasok na tanong sa isip niya... kung wala si Ben dito, nasaan si Aria?Agad silang bumalik sa kotse at tinawagan muli ang cellphone ni Aria. Out of coverage area. Mas lalo siyang kinabahan.“Putang in*! saan mo dinala si Aria, Ben?” napamura siya ng makapasok na sa kotse.“Sir… nasaan si Ma’am Aria? Sinasabi ko na nga ba na walang gagawing matino si Sir Ben. What are we going to do now?”“I don’t know, Phern. Hindi ko pa naman kabisado dito sa Scotland. Paano natin hahanapin si Ben?”“Bakit di mo sabihin sa mommy at daddy ni Ma’am Aria, sir? Alam nila kung saan nakatira si Sir Ben. Baka matulungan nila tayo.”“Pero hindi nila alam na andito ako sa Scotland. Baka magkaroon ng malaking problema.”“Pero sir, paano natin ngayon hahanapin si Ma’

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1210

    Nagmulat siya ng mata sa isang malamig at madilim na lugar. Masakit ang ulo niya, parang binibiyak, at mabigat ang kanyang mga talukap. Nang subukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay, saka niya napagtantong nakatali ang mga ito... pati ang kanyang mga paa.“Ahh…” napaungol siya habang pilit inaalala ang nangyari.Ang huli niyang natatandaan ay ang panyo, ang matapang na amoy, at ang mabilis na pagdilim ng kanyang paningin.“Gising ka na pala.”Nanigas ang buong katawan niya nang marinig ang malamig na boses na iyon. Unti-unti siyang napatingin sa direksyon ng pinanggagalingan ng tunog. May isang lalaking nakaupo sa hindi kalayuan, bahagyang tinatamaan ng ilaw ang mukha nito. Hindi niya ito kilala, pero alam niyang ito ang dumukot sa kanya kanina.“S-sino kayo? Bakit n’yo ako dinala dito?” nanginginig niyang tanong.Ngumisi ang lalaki. “Alam naming mayaman ang pamilya mo, Miss Blacksmith. Hihingi lang kami ng kakapiranggot ng kayamanan n’yo kapalit ng buhay mo.”Nanlamig siya sa nar

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1209

    ARIA’S POV:Napangiti siya habang inaayos ang kanyang nawala sa puwestong damit. Kakalabas lang ni Clarkson sa opisina niya at bumalik na sa suite nito. Simula nang pinayagan niya itong may mangyari sa kanila doon sa opisina ay inaaraw-araw na siya ni Clarkson. Kapag nabo-bored ito sa suite ay pupunta ito sa opisina niya at doon may mangyayari na naman sa kanila. Sana lang ay hindi muna siya mabuntis sa ginagawa nila. Hindi pa naman siya gumagamit ng contraceptives. Hindi rin si Clarkson nagwi-withdraw... deposito lang ito nang deposito.Hindi niya mapigilang ngumiti habang umupo sa office chair niya at tiningnan ang mga papeles na nakalatag pero wala naman doon ang kanyang atensyon. “Mam Aria… Mam Aria!”Tawag-pansin ni Phern sa kanya.“Ay, ikaw pala, Phern... Kanina ka pa?” Hindi niya napansin na nakapasok na ito sa opisina niya. Lumilipad kasi ang kanyang utak.“Mukhang galing na naman dito si Sir Clarkson at masaya ka na naman, mam?” biro nito sa kanya“Shut up, Phern!” aniyang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status