ログイン"You could've asked for our help, Frazer!" mariing sabi ni Craig habang pigil ang galit at pagkadismaya sa mukha. "Hindi iyong gagawa ka pa ng kasalanan para lang makuha ang gusto mo." Unti-unting yumuko si Frazer. Halos hindi niya magawang tingnan ang ama sa sobrang hiya. "Sorry, Dad... Sobrang hiya na ako sa inyong lahat. Wala na akong ibang ginawa kundi ang pahiyain kayo." basag ang boses niyang sambit Napahagulhol siya at napahawak sa sariling buhok. "Ano'ng gagawin ko, Dad? Ayoko pang mamatay. Natatakot ako." Huminga nang malalim si Craig bago nagsalita. Kahit galit siya, ama pa rin siya ni Frazer. "Hindi ka pababayaan ng pamilya mo, pero hindi rin puwedeng hindi mo pagbayaran ang ginawa mo kay Lewis. Attempted murder ang kasalanang ginawa mo. Hindi iyon simpleng pagkakamali na puwedeng kalimutan na lang." Dahan-dahang tumango si Frazer habang patuloy na lumuluha. "Papayag ako, Dad. Handa akong makulong. Handa akong pagbayaran ang lahat." Napatingin siya kay Catriona na umi
Pagkarinig sa mga salitang iyon, tila biglang bumigat ang hangin sa loob ng mansyon."Remember when you and Catriona went to the hospital for the DNA test, Uncle?" malamig na tanong ni Lewis habang deretsong nakatingin kay Frazer. "I was there, too. At narinig ko mismo ang pag-uusap ninyong dalawa. Narinig kong pinagplanuhan ninyong pekein ang resulta at palabasing tunay mong anak si Catriona para matuloy ang alyansa."Parang biglang naubusan ng dugo ang mukha ni Catriona. Napaatras siya ng isang hakbang habang nanlalaki ang mga mata."You even paid a doctor you personally knew para baguhin ang resulta ng DNA test."Biglang nanginig ang mga kamay ni Frazer. Napaatras siya at napakapit sa gilid ng mesa."H-How... how do you know that?" nauutal niyang tanong.Walang anumang emosyon sa mukha ni Lewis. Dahan-dahan niyang dinampot ang makapal na folder na nasa kandungan niya at inilabas ang ilang dokumento bago iniabot kay Craig.Tahimik na tinanggap iyon ng matanda.Habang isa-isang binab
Huminga nang malalim si Lewis bago niya dahan-dahang itinaas ang folder na hawak. Agad na napako roon ang mga mata ng lahat ng nasa loob ng silid."Nandito ang dahilan kung bakit hindi pa dapat matapos ang usapang ito."Kasabay ng malamig niyang tinig ay ang biglang pagbigat ng tensyon sa paligid. Maging sina Sebastian at Craig ay napatingin sa isa't isa, tila nagtataka kung ano ang nilalaman ng folder na hawak nito.Samantala, biglang nanlamig ang buong katawan ni Frazer. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang pagpupulong, nakaramdam siya ng matinding takot.Imposible... Paano ito nangyari?At habang papalapit sina Lewis at Blair sa gitna ng sala, lalo niyang naramdaman ang matinding kaba na unti-unting sumisikip sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay anumang oras ay magigiba ang lahat ng kasinungalingang maingat niyang itinago.Nagsimulang mamuo ang malamig na pawis sa kanyang noo habang lihim niyang pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.Nakaramdam si Frazer ng tuna
Nang makita ni Sebastian ang laman ng sobre, wala itong anumang naging reaksyon. Tahimik lang niyang isinara ang dokumento at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa.Lalong bumigat ang tensyon sa loob ng sala."Ano ang resulta, Dad?" hindi na nakatiis na tanong ni James.Nag-angat ng tingin si Sebastian sa lahat bago siya nagsalita. "Ayon sa DNA result na ito, anak nga ni Frazer si Catriona."Napalunok ang lahat.Samantala, lihim namang napangiti si Frazer. This is it.... Nagtagumpay siya.Napaniwala niya ang buong pamilya Blacksmith. Kaunting panahon na lang at tuluyan nang matutupad ang kanyang plano.Ngunit biglang napatayo si Tyler. "Kahit positive pa ang resulta niyan, hindi pa rin ako magpapakasal kay Catriona!"Nagulat ang lahat sa mariing pagtutol nito.Ngumisi si Frazer at sumandal sa kanyang upuan. "Well then, kung ayaw mo talagang pakasalan ang anak ko, Tyler, ayon sa kasunduan ng ating mga pamilya, kukunin na lang namin ang lahat ng ari-arian ninyo.""You're insane,
Samantala, lihim namang ngumisi si Frazer."Ginagalang ko ang opinyon ninyo, Uncle Sebastian," kalmadong sabi niya. "Pero sa pagkakataong ito, gusto ko ring sabihin ang katotohanan."Biglang nagkibit-noo ang lahat. Maging ang kanyang ama ay napatingin sa kanya, tila nagtataka kung ano ang susunod niyang ibubunyag.Unti-unti siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at inilapag ang isang kamay sa balikat ni Catriona."Si Catriona ay tunay kong anak.""What?"Halos sabay-sabay na napabulalas ang lahat.Mabilis na napatayo si Sebastian mula sa kanyang kinauupuan habang hindi makapaniwala ang mga mata nitong nakatitig sa kanina ni Catriona."Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni James, bakas ang pagtataka sa mukha.Samantala, si Craig ay tila nawalan ng kulay. Hindi nito inaasahan ang rebelasyong iyon.Sa kabilang banda, bahagyang siyang napangiti. This is it... Ito na ang sandaling hinihintay niya. Kailangan lang nilang kumbinsihin ang mga Blacksmith para tuluyan nilang paniwalaan ang kasi
Naroon na sila sa tapat ng Blacksmith Estate nang mapansin ni Frazer ang itim na sasakyan ng kanyang ama na si Craig na nakaparada sa harapan ng mansyon. Bahagya siyang napabuntong-hininga. Ibig sabihin, mas nauna pa itong dumating kaysa sa kanila.Kung hindi lang sana sila hinarang ni Arthur at ng mga tauhan nito, kanina pa sana sila nakarating. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip niya ang mga binitiwang salita ng lalaki... ang pagbabanta nito kay Catriona at ang pilit na paggigiit na mapunta dito ang dalaga.Napahigpit ang hawak niya sa manibela bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan. Lumingon siya kay Catriona na tahimik na nakaupo sa tabi niya. Kitang-kita niya ang kaba sa mukha nito, pero pilit itong nagpapakatatag."Are you ready, anak?" mahinahon niyang tanong.Huminga nang malalim si Catriona bago siya tumingin sa ama."Let's do this, Dad. Gagawin natin ang lahat ng paraan para mapapayag ang mga Blacksmith. Para hindi ka na guluhin ng Arthur na 'yon at para hindi na rin ak
ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma
"Ahm, dito mo lagay ang mga gamit mo..." iwas niya, para kasi siyang natutunaw sa pamamaraan ng pagtitig ni Finn sa kanya."Shh... maupo ka lang d'yan. Ayaw kong mapagod ka. Kaya ko na 'to, love..." wika ni Finn saka inakay siyang umupo sa kama. Sinunod naman niya ang utos nito.Habang nag-aayos si
Nagdaan pa ang mga araw at dumating na sa wakas ang opening ng Lilly Rose. Maaga pa lang ay nasa boutique na siya. Ang daming staff na abala sa pag-aayos ng venue para sa grand opening. Kita nya ang excitement sa mukha ng lahat, kasing excited din nya. Suot nya ang isa sa mga design nyang gold l
LILLY'S POV:“Mom, Dad!” sigaw niya nang makarating sila sa bahay niya. Malayo pa lang ay nakita na niya ang mga magulang na nakaabang sa main door ng mansion nila. Agad silang pumasok sa bahay at inupo cya ng mga ito sa sofa. “Huhuhuh... I’m scared, Mom!” sabi niya habang niyayakap ang ina.“You’







