Share

CHAPTER 1348

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-03-09 21:57:59
Lumipas ang ilang minuto, unti-unting bumigat ang kanyang mga talukap.

Pero bago pa siya tuluyang makatulog, bigla niyang naramdaman na gumalaw ang kama.

Napadilat siya, bahagyang napalapit si Tyler sa kanya.

“Hoy…” bulong niya.

“Hmm?” sagot nito.

“Lumayo ka nga.”

“Hindi naman ako gumagalaw.”

“Gumagalaw ka!”

“Hindi.”

Napasimangot siya. “Tyler....”

Pero bago pa niya matapos ang sasabihin, bigla siyang napatigil, ramdam niya ang mainit na paghinga ni Tyler malapit sa batok niya.

Biglang bumilis an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (15)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
thanks sa update miss a
goodnovel comment avatar
H i K A B
Guard yourself Jolisa.. pero bahala na si batman hehe.. Kayo pa rin naman ang endgame pero after nyo muna pagdaanan ang mga challenges nga lang hmm
goodnovel comment avatar
Jessica
sulitin mo nalang jolisa tandaan isang bwan lang yan. hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1458

    TYLER’S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang kwarto sa condo, tahimik na nakaupo habang nakatitig sa kanyang cellphone. Naghihintay kahit isang mensahe o isang tawag. Kahit ano.... mula kay Jolisa.Kanina pa siya tulala. Mula nang umalis sila ni Tiffany sa rancho, hindi na niya magawang alisin sa isip ang huling sandali nilang magkatabi ni Jolisa. Hindi niya ito ginising. Napaka-payapa ng mukha nito habang natutulog, parang ayaw niyang sirain ang katahimikang iyon.Ngunit ang totoo hindi niya kayang makita ang pag-alis habang gising si Jolisa. Masyadong masakit. Mabigat ang loob niyang iwan ang dalaga, pero kailangan niyang umalis.Kahit nag-usap na sila kagabi at nagkaintindihan, pakiramdam niya… may kulang pa rin. May mga salitang hindi nasabi. May mga damdaming hindi lubusang naipahayag.Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto nito kanina, marahan niyang hinalikan sa noo si Jolisa. Ngayon lang siya nagmahal nang ganito. Ngunit sa kabilang lahat, hindi sila pareho ng nararamdaman. Mar

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1457

    Bigla tuloy siyang nahiya. Hindi na niya magawang kwento kay Daniel ang tungkol kay Tyler, lalo na’t naroon si Mama Jess.“Sorry, Jolisa,” napakamot sa ulo si Daniel. “Ang kulit kasi ni Mama Jess. Gusto talagang sumama.”“Okay lang,” mahina niyang sagot.“So… kamusta ka na?” muling tanong ni Daniel. “Ano ‘yung sinabi mo kanina sa telepono, hiwalay na kayo ni Tyler?”Hindi siya sumagot. Parang muli na namang tutulo ang kanyang mga luha.“A-ako rin naman ang may kasalanan…” bulong niya sa wakas. “Ayokong umalis siyang nag-iisip sa akin… at ayoko ring mag-isip sa kanya habang malayo siya.”“I think you did a great job,” sagot ni Daniel, pilit siyang pinapagaan ang loob. “Okay lang ‘yan. Bata ka pa naman. Alam ko cliché pakinggan, pero… kung kayo, kayo talaga sa huli.” Bahagya pa itong natawa.“Anong gagawin ko, Dan?” nanginginig ang boses niya. “Nalulungkot ako kapag naiisip ko siya. Mag-isa na lang ako sa bahay… Hindi ko pa alam kung aalis na ba ako doon o manatili. Si Tyler naman ang t

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1456

    Pagmulat ng kanyang mga mata kinabukasan, agad niyang hinanap ang init ng yakap ni Tyler, ngunit malamig ang espasyo sa tabi niya... Wala na ito.Napabalikwas siya ng bangon. Mabilis siyang napatingin sa relong nakapatong sa gilid ng kama. Alas-nueve na ng umaga. Nanlaki ang kanyang mga mata.“Hala…?” bulong niya sa sarili, hindi makapaniwala. Hindi niya inakalang makakatulog siya nang ganoon kahaba, lalo na matapos ang magulong emosyon ng nagdaang gabi.Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad siyang bumangon, halos madapa sa pagmamadali, at naglakad palabas ng kwarto.Habang papalabas, ramdam niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng kanyang puso, parang may hindi maipaliwanag na kaba na gumagapang sa kanyang dibdib.“Tyler?” tawag niya, bahagyang nanginginig ang boses. Ngunit walang sumagot.Mabilis niyang nilibot ang sala. Walang tao. Tahimik ang buong bahay, tila walang bakas ng anumang presensya.Agad siyang lumapit sa pinto ng kwarto ni Lola Beth at kumatok nang sunod-sunod.“

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1455

    Sandaling nabalot ng katahimikan ang silid. Napansin niya kung paanong unti-unting lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Tyler, tila may bahagyang pag-unawa na sumilip sa mga mata nito.“K-kahit wala na tayong relasyon…” mahina niyang simula, pilit pinipigilan ang muling pag-agos ng luha, “gusto kong maging maayos tayo. Kahit… kahit magkaibigan na lang.”Bahagya siyang napangiti, ngunit may halong lungkot. “Ayaw kong umalis ka na may iniisip... na may iniwan. Gusto kong ipagpatuloy mo ang buhay mo nang maluwag sa dibdib, na walang dinadalang bigat… kahit wala na ako.”Muling sumunod ang katahimikan.“H-hindi mo ba talaga ako mahal, Jolisa?”Napahinto siya. Basag ang boses ni Tyler, tila pinipigilan din ang sariling emosyon. Para siyang sinaksak ng tanong. Hindi siya agad nakasagot, nagulo ang isip niya.Mahal ba niya ito? Oo. Pero dapat pa ba niyang sabihin? Tapos na ang lahat sa kanila.Huminga siya nang malalim. “Importante ka sa’kin, Tyler…” marahan niyang sagot. “Isa ka sa pinakamah

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1454

    TYLER’S POVMatigas ang kanyang mukha habang nakaupo sa gilid ng kama ni Tiffany. Tahimik ang silid, wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.Kasalukuyan silang dalawa roon. Siya mismo ang naghatid dito matapos itong itulak ni Jolisa sa hallway. Hindi niya inakalang aabot sa ganoon si Jolisa.Sa isip niya, malinaw pa rin ang imahe ng dalagang una niyang nakilala... mahinahon, mahinhin, halos hindi makabasag-pinggan. Pero ang nakita niya kanina… ibang-iba. Mapanakit, marahas at parang hindi niya kilala... O baka dahil nagbubulag-bulagan lang siya?“Tyler…”Napalingon siya kay Tiffany. Lumapit ito at kumapit sa kanyang braso, tila doon kumukuha ng lakas. Bahagyang nanginginig ang boses nito, ngunit ramdam ang diin sa bawat salita.“Look what Jolisa did to me…”Tinitigan niya ang braso nitong may bahid ng pamumula. Kumunot ang kanyang noo, ngunit hindi siya agad nagsalita.“Mabuti na lang talaga at hiniwalayan mo siya. Nalaman mo agad ang tunay niyang ugali bago pa tayo umalis. She doesn’t

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1453

    Nang marinig niya ang mga salitang iyon, tila may matalim na kutsilyong dahan-dahang ibinaon sa kanyang dibdib. Paunti-unti, ngunit sapat upang ubusin ang natitira niyang lakas.Ngunit sa halip na sumagot agad, pinili niyang manahimik.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang kanyang dibdib, bago marahang itinaas ang tingin. Tinitigan niya si Tiffany, mata sa mata at sa unang pagkakataon, wala nang bakas ng pag-aatubili sa kanyang mga titig. Wala nang takot, wala nang paghingi ng paumanhin.“Tapos ka na ba?” malamig niyang tanong.Bahagyang napakunot ang noo ni Tiffany, tila hindi inaasahan ang ganoong klaseng reaksyon. “Excuse me?” Naghalukipkip pa ito na anu mang oras ay parang susugurin siya.“Kung tapos ka na, puwede ka nang umalis sa harap ko.” Kalmado ang kanyang boses ngunit matalim, at hindi magpapatinag.Saglit na natigilan si Tiffany bago sumiklab ang inis sa mukha nito. “Ang kapal naman ng mukha mo!”Hindi siya natakot kahit pinadilatan siya nito ng mata. Kalmado la

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1233

    Napatingin siya kay Clarkson na ngayon ay lumuluha na rin.“Are you crying?” biro niya.“Ah no… napuwing lang ako,” sambit nito sabay punas nang mabilis sa mga mata.“No… you’re crying!” asar niya.“And so are you, babe…” balik nito sa kanya. Iyak-tawa silang dalawa.Tiningnan niya ang singsing na

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1252

    CLARKSON'S POV:Isang linggo na siya sa Iloilo pero hindi pa din sila nakapag-usap ni Aria. Hindi naman niya matanong ang kanyang mga magulang dahil kasalukuyang nasa London ang mga ito at nagbabakasyon.Sinulit masyado ng kanilang mga magulang ang time na magkakasama. Matatandaang matagal na walan

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1235

    Ngumiti si Clarkson pero hindi umabot sa tenga nito. Ramdam niya ’yon. Ramdam niya ang pilit na tapang sa likod ng ngiting iyon, ang takot na pilit ikinukubli, ang pangambang baka kahit anong sabihin niya ay hindi pa rin sapat. “Hindi gano’n kadali ’to sa bubuuin nating pamilya, Aria. May kulang sa

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1288

    TYLER POV:Laking gulat niya nang makita sina Clarkson at Aria sa may pintuan. Palipat-lipat ng tingin sa kanila ang babae, halatang balisa.“Kuya…” muling sabi nito kay Clarkson, tila humihingi ng tulong.Mabilis na lumapit sina Clarkson at Aria at dinaluhan ang babae. Napangiti naman siya nang ba

    last updateLast Updated : 2026-04-04
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status