공유

CHAPTER 1347

작가: dyowanabi
last update 게시일: 2026-03-09 21:14:22
Napahawak siya sa noo. May karanasan ba talaga si Tyler sa bahay na ito? May nakita ba itong kung ano? O talagang tinatakot lang siya ng lalaking iyon para mapilit siyang pumunta sa kwarto nito?

Naalala niya tuloy ang sinabi nitong... “Kapag kailangan mo ng kasama at kayakap sa kama…”

Biglang uminit ang kanyang mga pisngi. “Bwisit!”

Humalukipkip siya habang nakatingin sa pintuan.

Hmp! Manigas siya. Hindi siya pupunta doon, kahit ano pa ang mangyari!

Maaari siyang matakot, oo. Pero hindi ibig sab
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (7)
goodnovel comment avatar
Helen Naredo Estioko
salamat po miss a next po
goodnovel comment avatar
Teresa Degoro
more update pls...thanks
goodnovel comment avatar
miss.leii
wala na author.?? more pa sana hahahaha
댓글 더 보기

최신 챕터

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1456

    Pagmulat ng kanyang mga mata kinabukasan, agad niyang hinanap ang init ng yakap ni Tyler, ngunit malamig ang espasyo sa tabi niya... Wala na ito.Napabalikwas siya ng bangon. Mabilis siyang napatingin sa relong nakapatong sa gilid ng kama. Alas-nueve na ng umaga. Nanlaki ang kanyang mga mata.“Hala…?” bulong niya sa sarili, hindi makapaniwala. Hindi niya inakalang makakatulog siya nang ganoon kahaba, lalo na matapos ang magulong emosyon ng nagdaang gabi.Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad siyang bumangon, halos madapa sa pagmamadali, at naglakad palabas ng kwarto.Habang papalabas, ramdam niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng kanyang puso, parang may hindi maipaliwanag na kaba na gumagapang sa kanyang dibdib.“Tyler?” tawag niya, bahagyang nanginginig ang boses. Ngunit walang sumagot.Mabilis niyang nilibot ang sala. Walang tao. Tahimik ang buong bahay, tila walang bakas ng anumang presensya.Agad siyang lumapit sa pinto ng kwarto ni Lola Beth at kumatok nang sunod-sunod.“

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1455

    Sandaling nabalot ng katahimikan ang silid. Napansin niya kung paanong unti-unting lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Tyler, tila may bahagyang pag-unawa na sumilip sa mga mata nito.“K-kahit wala na tayong relasyon…” mahina niyang simula, pilit pinipigilan ang muling pag-agos ng luha, “gusto kong maging maayos tayo. Kahit… kahit magkaibigan na lang.”Bahagya siyang napangiti, ngunit may halong lungkot. “Ayaw kong umalis ka na may iniisip... na may iniwan. Gusto kong ipagpatuloy mo ang buhay mo nang maluwag sa dibdib, na walang dinadalang bigat… kahit wala na ako.”Muling sumunod ang katahimikan.“H-hindi mo ba talaga ako mahal, Jolisa?”Napahinto siya. Basag ang boses ni Tyler, tila pinipigilan din ang sariling emosyon. Para siyang sinaksak ng tanong. Hindi siya agad nakasagot, nagulo ang isip niya.Mahal ba niya ito? Oo. Pero dapat pa ba niyang sabihin? Tapos na ang lahat sa kanila.Huminga siya nang malalim. “Importante ka sa’kin, Tyler…” marahan niyang sagot. “Isa ka sa pinakamah

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1454

    TYLER’S POVMatigas ang kanyang mukha habang nakaupo sa gilid ng kama ni Tiffany. Tahimik ang silid, wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.Kasalukuyan silang dalawa roon. Siya mismo ang naghatid dito matapos itong itulak ni Jolisa sa hallway. Hindi niya inakalang aabot sa ganoon si Jolisa.Sa isip niya, malinaw pa rin ang imahe ng dalagang una niyang nakilala... mahinahon, mahinhin, halos hindi makabasag-pinggan. Pero ang nakita niya kanina… ibang-iba. Mapanakit, marahas at parang hindi niya kilala... O baka dahil nagbubulag-bulagan lang siya?“Tyler…”Napalingon siya kay Tiffany. Lumapit ito at kumapit sa kanyang braso, tila doon kumukuha ng lakas. Bahagyang nanginginig ang boses nito, ngunit ramdam ang diin sa bawat salita.“Look what Jolisa did to me…”Tinitigan niya ang braso nitong may bahid ng pamumula. Kumunot ang kanyang noo, ngunit hindi siya agad nagsalita.“Mabuti na lang talaga at hiniwalayan mo siya. Nalaman mo agad ang tunay niyang ugali bago pa tayo umalis. She doesn’t

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1453

    Nang marinig niya ang mga salitang iyon, tila may matalim na kutsilyong dahan-dahang ibinaon sa kanyang dibdib. Paunti-unti, ngunit sapat upang ubusin ang natitira niyang lakas.Ngunit sa halip na sumagot agad, pinili niyang manahimik.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang kanyang dibdib, bago marahang itinaas ang tingin. Tinitigan niya si Tiffany, mata sa mata at sa unang pagkakataon, wala nang bakas ng pag-aatubili sa kanyang mga titig. Wala nang takot, wala nang paghingi ng paumanhin.“Tapos ka na ba?” malamig niyang tanong.Bahagyang napakunot ang noo ni Tiffany, tila hindi inaasahan ang ganoong klaseng reaksyon. “Excuse me?” Naghalukipkip pa ito na anu mang oras ay parang susugurin siya.“Kung tapos ka na, puwede ka nang umalis sa harap ko.” Kalmado ang kanyang boses ngunit matalim, at hindi magpapatinag.Saglit na natigilan si Tiffany bago sumiklab ang inis sa mukha nito. “Ang kapal naman ng mukha mo!”Hindi siya natakot kahit pinadilatan siya nito ng mata. Kalmado la

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1452

    Kinabukasan, nagising siya sa malamig at tahimik na silid, walang bakas ng init ni Tyler sa kanyang tabi. Saglit siyang natulala, tila umaasang baka nasa banyo lang ito o bumaba sandali. Ngunit habang tumatagal, unti-unting sumiksik sa dibdib niya ang katotohanan... hindi ito bumalik kagabi.Dahil sa labis na pag-iyak, hindi niya namalayang nakatulog siya. Ngayon, ang tanging natira ay ang bigat sa kanyang ulo at ang hapdi sa kanyang mga mata. “Saan kaya siya natulog…?” bulong niya sa sarili, ngunit alam niyang wala nang saysay ang tanong. Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang nangyari, nakipaghiwalay na si Tyler sa kanya.Napapikit siya sandali, muling sumagi sa isip niya ang mga salitang binitiwan nito kagabi. Pinilit siyang bumangon. Kahit mabigat ang katawan kailangan niyang kumilos. Dumiretso siya sa banyo at naligo, umaasang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Ngunit kahit anong gawin, hindI kaya ng isang paligo lang ang bigat na nararamdaman.Habang nagbibihis, hindi n

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1451

    Napalunok siya. Parang natuyo ang kanyang lalamunan, at kahit gustuhin niyang magsalita, walang boses na lumalabas.“Sumagot ka, Jolisa!” mas lalong bumigat ang tono ni Tyler, punong-puno ng galit, at may halong sakit na hindi nito maitago.Napayuko siya. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang damit, halos mapunit na sa lakas ng pagkakakapit niya roon.“I… I was just being careful,.” mahina niyang sagot, halos hindi marinig.“Careful?” ulit ni Tyler, bahagyang natawa, pero walang saya ang tunog niyon. “Careful from what? From me?”Napapikit siya. Isang luha ang tuluyang pumatak mula sa kanyang mga mata, ngunit hindi iyon pinansin ni Tyler.“Alam mo ang plano ko... ang buntisin ka!” madiin nitong sabi. “ All the while, habang ginagawa ko ‘yon… may iba ka palang plano? Ang hindi mabuntis?”Bigla nitong itinapon ang pakete ng pills sa kanya. Tumama iyon sa kanyang mukha. Hindi iyon masakit, pero masakit ang inakto nito. Hindi niya akalain na itatapon nito sa kanya.“Bakit? tin

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 549

    "Saan tayo pupunta?" tanong niya kay Cindy nang matapos na ang kasal at umuwi na ang lahat ng bisita. Medyo nakainom na siya sa reception kanina kaya wala na siyang lakas para makipag-away kay Cindy.Kasalukuyan silang nagbabiyahe sakay ng bridal car. Wala siyang alam sa mga plano ni Cindy sa kasal

    last update최신 업데이트 : 2026-03-24
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 513

    "Good morning!....."Rinig niyang bulong ni Clark sa kanyang tenga, umaga na pala. Doon na siya nakatulog at hindi na nakalipat sa kwarto niya. Napangiti siya nang nabungaran ang gwapong mukha ni Clark sa tabi niya.Kung sana ay laging ganito... masaya sana sila... pero panandalian lang iyon dahil

    last update최신 업데이트 : 2026-03-24
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 545

    Muling nagpaalam ang mga propesor sa kanya dahil mag-start na ang programa. Hinanap na rin nila ang kanilang designated seats.Nilibot niya ang tingin sa paligid. Everybody is happy and proud sa kani-kanilang mga anak na ga-graduate. Para din siyang nanay ni Lerie na proud parent.Isa-isa nang tina

    last update최신 업데이트 : 2026-03-24
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 528

    ***************CINDY'S POV:"Baba!" sigaw ni Bryan sa kanya nang makarating na sila sa bahay nito. Dali-dali siyang bumaba. Ayaw niyang muling magalit ito sa kanya.Hindi pa man siya nakababa nang tuluyan ay hinawakan siya nito nang mahigpit sa braso at kinaladkad paakyat sa kwarto.Nakita niyang

    last update최신 업데이트 : 2026-03-24
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status