LOGINSa edad na dalawampu't tatlo, wala nang ibang hangarin si Seraphina Monteverde kundi mailigtas ang nag-iisa niyang pamilya, ang kanyang walong taong gulang na kapatid na si Liam, na lumalaban sa leukemia. Ngunit tila hindi sapat ang lahat ng sakripisyo niya. Matapos masunog ang kanilang munting tahanan, nawalan sila ng tirahan, ng ipon, at ng pag-asang makabangon. Habang lumalala ang kondisyon ng kanyang kapatid at patuloy na dumarami ang gastusin sa ospital, unti-unting nauubos ang lahat ng pinto na maaari niyang katukin. Hanggang sa dumating ang gabing tuluyan siyang itinulak ng desperasyon. Wala nang natitirang pagpipilian. Kumapit siya sa patalim. Ibinenta niya ang sarili... kahit isang gabi lamang... kapalit ng perang makapagliligtas sa buhay ng kanyang kapatid. Ngunit hindi niya inaasahang ang lalaking bibili sa kanya ay ang pinakakinatatakutan at pinakamakapangyarihang billionaire sa bansa. Si Damian Alistair Del Rosario. Isang 42-anyos na negosyanteng bilyonaryo na kinatatakutan sa mundo ng negosyo. Taglay niya ang lahat. Pera, kapangyarihan, at impluwensya, maliban sa isang bagay. Pamilya. Hindi siya nagmamahal. Hindi siya nagtitiwala. At hindi niya kailanman binalak na mag-asawa. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, matapos ang gabing iyon, hindi niya nagawang pakawalan si Seraphina. Binili niya ang buong buhay nito. Mula sa bahay, sa trabaho, hanggang sa bawat desisyong gagawin ni Seraphina... lahat ay nasa ilalim ng kanyang pangalan. Sa mundong ang lahat ay may presyo... May halaga rin ba ang tunay na pag-ibig? O mananatili na lamang siyang... Sold... and Owned by the Billionaire.
View MoreSERA'S POV:
"Tring! Tring! Tring!" Mabilis akong napadilat nang paulit-ulit na umalingawngaw ang alarm clock sa maliit naming inuupahang silid.
Alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw.
Kahit mabigat pa ang mga talukap ng aking mata at nananakit ang buo kong katawan dahil sa pagod kahapon, wala akong pagpipilian kundi bumangon.
Isa pang minuto ng paghiga.
Isa pang minutong mawawala sa oras ng pagtatrabaho.
At para sa akin, bawat segundo ay katumbas ng pera, at bawat perang kinikita ko ay katumbas ng gamot ng kapatid ko.
Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang bumangon mula sa manipis naming higaan.
Napalingon ako sa maliit na kama sa tabi ko.
Mahimbing na natutulog ang walong taong gulang kong kapatid na si Liam. Kahit payat ang kanyang katawan at maputla ang kanyang mukha, parang nakangiti pa rin siya sa kanyang pagtulog.
Napangiti rin ako, kahit may kirot sa dibdib.
"Magtiis ka lang, bunso..." bulong ko sa sarili. "Ate ang bahala sa'yo." Tahimik akong tumayo upang hindi siya magising.
Mabilis akong nagtungo sa maliit naming banyo at naghilamos bago naligo. Kailangan kong magmadali. Alas singko ng umaga ang pasok ko sa panaderya sa kanto, at kapag nahuli ako kahit limang minuto lang, bawas agad iyon sa sahod ko.
Wala akong karapatang mahuli. Wala rin akong karapatang magkasakit. At higit sa lahat, wala akong karapatang sumuko. Dahil habang lumalaban ang kapatid ko para mabuhay, mas kailangan kong maging matatag at lumaban para sa kanya. Pero minsan... napapaisip din ako. Hanggang kailan ko pa kaya kakayanin? Hanggang kailan ko mapipilit ang sarili kong ngumiti, kahit sa totoo lang, unti-unti na rin akong napapagod at gusto nang sumuko?
Ako si Seraphina Monteverde, dalawampu't tatlong taong gulang. Isa lang akong ordinaryong babae na pinilit maging matatag dahil wala nang ibang sasalo sa amin.
Ako na lang..... Ako na lang ang natitirang sandalan ng nag-iisa kong kapatid. Noong nabubuhay pa sina Mama at Papa, hindi man kami mayaman, pero masaya kami.
Sapat ang pagkain sa mesa, may bubong kaming inuuwian, at hindi namin kailangang isipin kung saan kukuha ng panggastos kinabukasan.
Pero isang trahedya lang.
Nagbago ang lahat. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Liam ang magkasama sa mundong ito. At mas masakit pa roon... May leukemia ang kapatid ko.
Walong taong gulang pa lang si Liam. Dapat ang iniisip niya ay ang paglalaro, pakikipagkaibigan, at paglikha ng masasayang alaala bilang isang bata.
Ngunit sa halip... ang ospital ang naging pangalawa niyang tahanan. Sa halip na mga laruan, karayom ang palagi niyang kinakaharap. At sa halip na mga kendi o tsokolate, mga gamot ang araw-araw niyang kasama.
At bilang ate... Parang unti-unti ring namamatay ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko kakayanin. Kaya kahit pagod na pagod na ako.
Lumalaban pa rin ako. Gigising ako bago pa sumikat ang araw.
Tuwing alas-singko ng umaga, nagtatrabaho ako bilang tindera sa isang bakery hanggang alas-diyes.
Mula roon ay didiretso ako sa isang restaurant, kung saan nagtatrabaho ako mula alas-onse ng tanghali hanggang alas-sais ng gabi.
At pagsapit ng gabi, pumapasok naman ako bilang waitress sa isang club hanggang alas-dose ng hatinggabi.
Tatlong trabaho sa loob ng isang araw.
Halos wala nang oras para magpahinga.
Pero kakayanin ko.
Dahil bawat pagod ko ay dagdag na pag-asa para sa buhay ng kapatid ko.
Basta may maipambibili ng gamot. Basta may maipambabayad sa ospital. Umuulan man... Umaaraw man... May lagnat man ako...O halos hindi na ako makatayo sa pagod... Papasok pa rin ako sa trabaho.
Madalas, ako na lang ang hindi kumakain. Mas pipiliin kong uminom ng tubig para lang mabusog ang tiyan ko. Ang perang dapat pambili ng pagkain ko...
Mas pipiliin kong ako ang magutom at mapagod, huwag lang ang kapatid ko. Huwag lang siyang mawalan ng pag-asa. Habang may hininga pa ako, hindi ako titigil sa paghahanap ng paraan para mabuhay si Liam. Dahil habang lumalaban siya para sa kanyang buhay, mas lalo kong kailangang lumaban para sa kanya.
Paglabas ko ng banyo habang nagpupunas pa ng basa kong buhok, bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ng matalik kong kaibigan.
Si Alex.
Kakauwi lang niya galing sa trabaho sa isang club. Halatang pagod na pagod pa siya, ngunit nakangiti pa rin nang makita ako.
"Gising na ba si Liam?" mahina niyang tanong.
Agad kong inilagay ang hintuturo sa labi ko.
"Shhh... Huwag kang maingay. Natutulog pa siya."
Napakamot siya sa ulo bago tumango.
Lumapit ako sa kanya at inabot ang maliit na susi ng inuupahan naming silid.
"Ikaw na muna ang bahala kay Liam, ha? Baka magising siya habang nasa panaderya ako."
Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.
"Pakibantayan mo siya."
Napairap siya at bahagyang napatawa.
"Sus! Para ka namang hindi nakakakilala."
"Tingin mo ba pababayaan ko ang kapatid mo? Para mo naman akong hindi kaibigan kung makapagbilin ka."
Hindi ko napigilang mapangiti.
Isa si Alex sa iilang taong nanatili sa tabi ko kahit wala na kaming maipagmamalaki sa buhay.
Hindi niya kami iniwan.
Hindi siya nagsawang tumulong.
At kahit pagod na pagod siya sa trabaho niya gabi-gabi.
Nagagawa pa rin niyang bantayan si Liam habang nasa trabaho ako.
Bigla niyang kinapa ang bulsa ng kanyang jacket.
"Nga pala..."
May inilabas siyang nakatiklop na mga perang papel at iniabot iyon sa akin.
"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.
Hindi ko agad tinanggap.
"Tip ko 'yan kagabi."
Ngumiti siya.
"May isang foreigner na natuwa sa serbisyo ko. Malaki ang binigay na tip." may pagkindat pa niyang sabi.
Ako naman na napalunok at napatingin sa perang nasa palad niya.
Alam kong pinaghirapan niya iyon.
Alam kong buong gabing pagod ang katawan niya para lang kumita.
Kaya hindi ko magawang tanggapin.
"H-Hindi... Alex. Itabi mo na lang 'yan. Kailangan mo rin 'yan."
Umiling siya.
"Sera..."
Napansin niyang unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata ko.
Kaya bahagya niya akong tinapik sa noo.
"Hoy!!"
"Wag kang drama diyan, gaga!"
Ngumiti siya, kahit halatang pinipilit lang niya akong pagaanin ang pakiramdam.
"Para kay Liam 'yan."
"Malay mo... pangdagdag na rin sa gamot niya."
Hindi ko na napigilang mapaluha.
Mabilis kong niyakap si Alex nang mahigpit.
"Salamat..."
Mahina kong sambit habang nanginginig ang boses ko.
"Maraming salamat."
"Hindi ko ito tatanggihan."
"Dahil alam kong para ito kay Liam."
Marahan niyang tinapik ang likod ko.
"Huwag kang magpasalamat."
"Kapag gumaling na si Liam, doon mo na lang ako ilibre ng isang malaking cake mula sa panaderya."
Napatawa ako sa gitna ng pag-iyak.
"Ikaw talaga"
"Eh syempre!" natatawa niyang sagot. "Libre lang ang gusto ko."
Ngunit pagkatapos ng aming tawanan...
Bigla ring bumigat ang dibdib ko.
Dahil alam kong hindi sapat ang perang hawak ko.
Hindi sapat ang kinikita ko.
At lalong hindi sapat ang lahat ng sakripisyong ginagawa ko...
Para labanan ang sakit na unti-unting kumikitil sa buhay ng pinakamamahal kong kapatid.
Pero bilang ate hinding hindi ako susuko.
Kahit ubusin pa ng mundo ang natitira kong lakas.
Lalaban ako.
Hangga't humihinga pa si Liam.
Hangga't may pag-asa pa siyang mabuhay.
◾◾◾◾
AUTHOR'S NOTE!!!
Ang kuwentong ito ay may ilang sensitibong eksena at seryosong paksa na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa, lalo na sa mas batang edad.
Ang lahat ng tauhan, lugar, organisasyon, at pangyayari sa kuwentong ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malikhaing imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa totoong tao, buhay man o pumanaw na, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang at walang intensyong manakit, manira, o magbigay ng maling impormasyon.
Ang nobelang ito ay isang orihinal na likha ng may-akda. Ang anumang uri ng pagkopya, pagre-repost, pagre-reproduce, pagsasalin, o pamamahagi ng kabuuan o anumang bahagi ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring lumabag sa batas sa copyright at intellectual property.
Pinapayuhan ang mga mambabasa na magpatuloy lamang kung komportable sila sa mga temang tatalakayin sa kuwento.
Maraming salamat sa inyong oras at suporta. Sana ay magustuhan ninyo ang kuwentong ito.
— Ms. Yaen
THIRD PERSON:Hinarap niya si Damian habang mahigpit na nakakuyom ang kaniyang mga palad sa kaniyang tagiliran, pilit pinatatatag ang sarili upang hindi mahalata ang panginginig ng kaniyang mga tuhod."Hinding hindi na ako babalik sa penthouse mo, Damian," mariin at walang pag-aalinlangang pahayag ni Sera habang diretso itong nakatitig sa madidilim na mga mata ng tycoon. "Tapos na ang kontrata natin. Nakuha ko na ang kailangan ko para sa kapatid ko, at nakuha mo na rin ang gusto mo mula sa akin. Kaya pakiusap, umalis ka na at huwag mo na kaming guluhin pa."Ngunit tila walang epekto kay Damian ang matigas niyang mga salita. Nanatili itong tahimik habang nakatitig sa kaniya, saka dahan-dahang humakbang palapit.Agad namang umatras si Sera at mahigpit na humawak sa gilid ng lamesa, na para bang iyon ang nagsisilbi niyang panangga sa pagitan nilang dalawa. Malinaw sa kaniyang kilos na ayaw na niyang muling magpadala sa pamilyar na init, presensya, at kapangyarihan ng lalaking minsan nang
THIRD PERSON:Sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, tuluyan nang nawalan ng kontrol si Sera sa kaniyang emosyon. Ang bawat salitang binitawan ni Damian ay parang muling tumusok sa kaniyang puso, lalo na ngayong hindi na niya maitanggi sa sarili na mahal na niya ang tycoon. Ngunit heto na naman ito, parang wala pa ring pakialam sa kaniyang nararamdaman at handa na namang kunin at gamitin ang kaniyang katawan na para bang iyon lamang ang halaga niya.Sa tindi ng sakit at galit na matagal niyang kinikimkim, hindi na nakapagpigil pa si Sera. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang mabilis niyang iniangat ang isa at buong-lakas na sinampal si Damian sa pisngi.“G-Ganyan ka na ba talaga, Damian? G-Ganiyan na lang ba ka-kaliit ang tingin mo sa akin?!” nanginginig at halos hindi na maayos na mabigkas ni Sera ang kaniyang mga salita habang umiiyak.“La-Laruan na lang ba talaga ako para sa iyo? Ka-Kapag nagsawa ka na… pwede mo na lang akong itapon… ta-tapos pupulutin mo ulit kapag kailan
SERA'S POV:Nang mapansin ni Damian ang napasong daliri ko, nakita kong biglang naglaho ang malamig at matigas na ekspresyon sa kaniyang mukha. Mabilis siyang lumapit sa akin nang walang anumang pag-aalinlangan.Kanina, sa sobrang gulat at kaba ko sa biglaang pagdating niya, halos nakalimutan ko na ang mainit na tray na dahilan ng pamumula ng balat ko. Ngunit habang papalapit siya sa akin, saka ko lamang muling naramdaman ang matinding hapdi ng pagkakapaso ng aking daliri. Parang sabay-sabay bumalik ang sakit at ang panginginig ng buo kong katawan.Bago ko pa man maitago ang kamay ko sa likod ko, naramdaman ko na ang malalaki at maiinit niyang palad na marahang humawak sa mga daliri ko. Maingat niya iyong iniangat upang tingnan ang namumulang balat dahil sa pagkapaso, at sa sandaling iyon ay parang biglang huminto ang paghinga ko."Napakalampa mo pa rin," mababa niyang bulong. Kahit malamig ang kaniyang boses, hindi ko maikakailang may bahid pa rin iyon ng pag-aalala.Napakunot-noo ak
THIRD PERSON:Sa kabilang kalsada ay dahan-dahang huminto ang isang mamahaling itim na sasakyan. Nakatago ito sa bahagyang lilim ng mga puno, ngunit mula sa loob ay kitang-kita ang maliit at payapang bahay na ngayon ay nagsisilbing bakery ni Sera, ang lugar na ilang araw ng gustong makita ni Damian.Mula sa madilim na tinted window ay tahimik na pinagmamasdan niya ang lugar.Ilang araw niyang ipinahanap si Seraphina, at nang sa wakas ay matunton ni David ang kinaroroonan ng dalaga, hindi napigilan ng tycoon ang sariling personal na puntahan ito. Ngunit sa halip na direktang lumapit, sinadya niyang iparada ang sasakyan sa bahaging sapat lamang upang malinaw niyang masilayan ang bahay ng dalaga nang hindi siya napapansin.Maliit lamang ang lugar, malayo sa marangyang mundong nakasanayan ni Damian, ngunit halatang maayos at puno ng buhay. Sa harap ng bahay ay may simpleng karatulang "Sera’s Bakery", at mula sa bukas na bintana ay umaalpas ang amoy ng bagong lutong tinapay.Ngunit bago pa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.