MasukSi Athena De Vera, dalawampu't dalawang taong gulang, ay isang masayahin at simpleng dalaga na naniniwalang darating ang tamang tao sa tamang panahon. Ngunit hindi niya inaasahan na ang taong magpapabilis ng tibok ng kanyang puso ay ang lalaking hindi niya dapat mahalin—si Leonardo Del Castillo, ang guwapo, matagumpay, at respetadong ama ng kanyang matalik na kaibigan. Sa una, itinuring lamang ni Athena si leonardo bilang isang mabait at responsableng ama. Ngunit habang mas madalas siyang bumibisita sa bahay ng kanyang best friend, mas lalo niyang nakikilala ang lalaki. Unti-unti niyang nakita ang kabutihan, pag-aaruga, at tunay na pagkatao nito sa likod ng malamig at seryosong imahe na ipinapakita nito sa iba. Sa bawat pag-uusap at bawat sandaling magkasama sila, isang damdaming hindi nila inaasahan ang namuo sa pagitan nila. Damdaming pilit nilang nilalabanan dahil alam nilang maraming masasaktan kapag nalaman ang katotohanan. Ngunit gaano man nila subukang pigilan ang kanilang mga puso, mas lalo lamang silang nahuhulog sa isa't isa. Dahil sa takot sa paghusga ng iba at sa posibilidad na masira ang kanilang mga relasyon, pinili nilang itago ang kanilang pag-iibigan. Sa mata ng lahat, isa lamang si Athena sa pinakamatalik na kaibigan ng anak ni Leonardo. Ngunit sa likod ng mga saradong pinto at lihim na pagkikita, may isang pag-ibig na unti-unting lumalalim sa bawat araw na lumilipas. Ngunit walang lihim na nananatiling nakatago habambuhay. Paano kung malaman ng kanyang best friend ang kanilang relasyon? Paano kung tutulan ito ng kanilang mga pamilya? At paano kung dumating ang araw na kailangan nilang pumili sa pagitan ng pagmamahalan at ng mga taong mahalaga sa kanilang buhay? Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isang pag-ibig na ipinagkait ng pagkakataon ngunit kusang pinili ng kanilang mga puso?
Lihat lebih banyakTahimik lang akong kumakain, pilit na itinatago ang kaba sa bawat subo ko. Ngunit kahit nakayuko ako, ramdam na ramdam ko ang paminsan-minsan niyang pagsulyap sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin.. O baka naman hinihintay lang niya akong tumingin sa kanya. "Daddy," tawag ni Amarah, pinutol ang nakakabinging katahimikan. "Ano'ng nangyari? Bakit hindi natuloy ang business trip n'yo?" Kalmadong ibinaba ni Leonardo ang kubyertos bago siya sumagot. "Na-cancel ang flight ng ka-meeting ko, kaya hindi na rin ako tumuloy. Bukas na lang ang alis ko." Huminto siya sandali bago muling nagsalita. "Isang linggo rin akong mawawala." Hindi ko napigilang mapalingon sa kanya. Sa isang iglap, muling nagtama ang aming mga mata. Sa pagkakataong iyon, wala nang malamig na titig. Lungkot ang malinaw na nakikita ko sa kanyang mga mata. Parang gusto niyang sabihin na nasasaktan siya sa ilang linggo kong paglayo. Ngunit hindi ko iyon kayang harapin. Ako ang unang umiwas ng tingin at muling ibinaba an
Ilang sandali muna akong nag-isip bago ko tuluyang sinagot ang tawag niya. Dahan-dahan kong inilapit ang cellphone sa tainga. "Hello, Athena, babe?" bungad niya mula sa kabilang linya. Halata ang pag-aalala sa boses niya. "Hello..." mahina kong tugon. Ilang segundo kaming parehong natahimik. "Ano'ng nangyari?" maingat niyang tanong. "Kanina pa kita tinatawagan. May problema ba?" Napapikit ako at napabuntong-hininga. Pakiramdam ko'y may malaking batong nakadagan sa dibdib ko.Huminga ako nang malalim, saka marahang nagsalita. "Kasi... nagdududa na siya." Biglang natahimik si Leonardo. "Anong ibig mong sabihin?" mas seryoso niyang tanong. "Kanina sa school... sinabi ni Amarah na pakiramdam daw niya may tinatago ka sa kanya." Napalunok ako. "Tapos... natatakot siyang baka may girlfriend ka na." Mariin kong ipinikit ang mga mata habang pinipigilan ang pagbuhos ng emosyon. "Leo... natatakot na ako. Natatakot akong malaman niya ang totoo. Natatakot akong masaktan siya... at higit sa lahat,
Pagkababa ko ng condominium building, agad akong sumakay ng taxi papunta sa school. Pagdating ko roon, kasabay ko ring bumaba si Amarah mula sa kanyang sasakyan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, tila nagtatakang makita akong naka-taxi. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nang makalapit ako, agad niya akong tinanong."Bakit naka-taxi ka ngayon?" usisa niya. "Nasira kasi ang sasakyan ko, kaya napilitan akong mag-taxi," pagsisinungaling ko. Tumango siya at sabay kaming naglakad papasok sa gate ng school. "Athena, si Daddy... hindi umuwi kagabi," bigla niyang sabi.Napahinto ako sandali at nakaramdam ng kaba. "Bakit naman?" tanong ko. "Hindi ko rin alam. Dalawang magkasunod na gabi na siyang hindi umuuwi. Nagtataka nga ako kung saan siya natutulog." Hindi ko napigilang mapaisip. "Hindi mo ba siya tinanong kung saan siya nagpalipas ng gabi?" maingat kong tanong. Umiling siya. "Hindi," maikli niyang sagot. Bigla siyang huminto sa paglalakad at hinarap ako. Tinitigan niya a
Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagulat ako nang maramdaman kong may mahigpit na yakap sa akin mula sa likuran. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at kasabay noon ay ang pagmulat din ng kanyang mga mata. "Good morning," malambing niyang bati habang nakangiti. Bago pa ako makapagsalita, marahan niyang idinikit ang kanyang mga labi sa aking noo. Napapikit ako sandali, dama ang kakaibang init na dulot ng simpleng halik na iyon. "You have class today?" tanong niya sa akin. Tahimik lang akong tumango bilang tugon. "Maliligo muna ako," sabi ko bago marahang bumangon sa kama at nagtungo sa banyo. Magbubukas na sana ako ng shower nang bigla akong makarinig ng katok sa pinto. "Babe..." mahina niyang tawag habang muli itong kumatok. "Bakit? Maliligo muna ako," sagot ko. Ngunit sa halip na sumagot, muli siyang kumatok. Napabuntong-hininga ako at napailing. Mukhang may mahalaga siyang sasabihin kaya lumapit ako sa pinto upang buksan iyon.Pagbukas ng pinto at pagpasok niyang muli,
Matapos kaming kumain, agad kaming bumalik ni Amarah sa kanyang kuwarto upang ipagpatuloy ang aming ginagawa.Bago tuluyang makapasok sa loob, napalingon pa ako sa dining area. Hindi ko alam kung bakit, pero muli kong sinulyapan ang daddy ni Amarah.Nagulat ako nang makitang nakatingin din s'ya sa
Nakasakay ako ngayon sa sasakyan papunta sa school. Third-year college na ako sa isa sa mga kilalang unibersidad sa Manila. Pagdating namin sa tapat ng gate, agad kong kinausap ang driver."Kuya, dito na lang po ako. Huwag mo na akong ihatid sa loob," sabi ko habang inaayos ang aking bag. Tumango s
Matapos kaming kumain ay umakyat na kami sa itaas. Pagdating sa kuwarto ni Amarah, agad akong naligo at nagbihis ng komportableng pantulog. Samantala, si Amarah naman ay parang wala nang pakialam sa nangyari kanina. Mas ikinagulat ko pa nang makita ko siyang uminom ng sleeping pills."Baliw ka tala
Sorry po..."'yon na lamang ang naisagot ko. Punong-puno ng kaba ang aking dibdib habang hinihintay ang sasabihin n'ya. Ngunit sa halip na sumagot, ilang segundo lamang siyang nanahimik. Pagkatapos ay bigla niyang ibinaba ang tawag.Napatitig ako sa screen ng aking cellphone.Lalo akong kinabahan.






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan