FAZER LOGINPagpasok sa lobby ay mas ibinaba pa nito ang sombrero na para bang ayaw magpakita ng mukha nito. Diretso itong tumayo sa harap ng elevator habang paulit-ulit na pinipindot ang button... Parang nagmamadali.At lalong sumama ang kutob ni niya. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at sumunod papasok sa lobby. Ngunit hindi niya naabutan ang lalaki dahil nakasakay na ito sa elevator. Buti na lang at nasabi ni Jolie kanina kung anong floor ang unit nito.Pagdating niya sa tenth floor, nakita niya muli ang lalaki. Dahan-dahan itong naglalakad sa hallway habang palinga-linga. Hindi siya agad napansin nito. Lumapit ito sa isang unit at marahang pinihit ang doorknob ng ilang beses. Parang pilit nitong binubuksan ang pinto.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya... parang may mali.Nang mapansin ng lalaki ang presensya niya ay agad nitong binitawan ang doorknob saka naglakad palayo na parang walang nangyari. Mabilis itong lumiko sa hallway at tuluyang nawala sa paningin niya.Nanlamig ang buong ka
Dahil sa isang banda… tama si Daniel.Mahigpit niyang hawak ang cellphone habang nakayuko. Mabigat ang dibdib niya at tila unti-unting nauubos ang lakas niya sa bawat salitang binitawan ni Daniel.Malaki ang utang na loob niya rito, ito ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa industriya. Ito ang tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya bilang artista. Kaya kahit gaano ito kakulit noon, pilit niyang iniintindi.Pero hindi niya inakalang darating sa puntong isusumbat nito lahat ng iyon.Mas lalong sumama ang kanyang loob. Dati, maayos naman sila bilang magkaibigan. Pero nang mahaluan ng panliligaw, selos, at fake relationship para sa career… unti-unting naging komplikado ang lahat.“Ang mabuti pa, magpahinga muna tayo bilang magkasama,” muli nitong sabi sa kabilang linya, bahagyang lumalambot ang tono. “Tapos na rin naman ang promo. Nagpaalam na rin ako kay Mama Jess na magbabakasyon muna.”“Saan ka pupunta?” mabilis nitong tanong.“Nangako ako kay Lola Beth na magbabakasyon a
Sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Nakaandar lang ang makina ngunit hindi pa rin sila umaalis sa parking lot. Tanging mahinang ugong ng aircon at ang mabibigat nilang paghinga ang maririnig sa loob ng kotse.“S-sorry, love…” hikbing sabi niya habang pilit pinupunasan ang mga luhang patuloy na pumapatak sa kanyang pisngi.Alam niyang siya ang may kasalanan. Siya itong may lakas-loob na magselos, pero mas malala naman ang ginawa niya. Hindi niya rin masisi si Tyler kung magalit ito nang sobra.Ngunit hindi sumasagot si Tyler. Nanatili lang itong nakatingin sa harapan, mahigpit ang pagkakahawak sa manibela habang tila pinipigilan ang sarili.“I-i promise… aawayin ko si Daniel. Pagsasabihan ko siya,” muli niyang sabi sa nanginginig na boses. “Kapag inulit pa niya ’yon, sasabihin ko na ang totoo. Bahala nang masira ang loveteam naming dalawa… I just don’t want you to get mad again.”Unti-unting lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Tyler bago ito bumaling sa kanya. Nangi
“Hi, Tyler…” nahihiyang bati ni Carla habang kumakaway rito. “I’m your biggest fan.”Ngayon lang muling nag-angat ng tingin si Tyler. Bahagya itong ngumiti, at hindi niya alam kung bakit parang may kung anong kumurot agad sa puso niya nang makita iyon.“Pwede bang magpa-picture?” nahihiyang tanong ni Carla.“Sure,” sagot naman ni Tyler.At iyon na yata ang tuluyang nagpainit sa kanyang ulo. Kanina pa niya sinusubukang kausapin ito pero ni isang ngiti ay hindi niya makuha mula rito.... Pero ngayon Ngumingiti ito kay Carla!“Jolie, could you take a picture of us?”Parang gusto niyang tumanggi. Pero pilit siyang ngumiti. “Sure…”Kinuha niya ang cellphone ni Carla habang pilit na pinapakalma ang sarili. Ngunit lalong sumama ang loob niya nang makitang nakahawak si Carla sa braso ni Tyler habang parehong nakangiti ang dalawa sa camera.“Smile!” masayang sabi ni Carla.Pinilit niyang ngumiti kahit parang gusto niyang ibato ang cellphone sa sobrang selos. At mas lalong sumama ang loob niya n
Napayuko siya sandali bago pilit ngumiti. Nanginginig pa yata ang labi niya habang pinipilit niyang panatilihing kalmado ang sarili sa harap ng camera.“He is my kuya,” mahina niyang sagot. “Apo siya nina Lola Beth at Lolo Gregore.”Halos hindi niya marinig ang sariling boses dahil sa lakas ng tibok ng kanyang dibdib. Hindi niya akalaing darating sa puntong kailangan niyang itanggi si Tyler sa harap ng milyon-milyong tao.Ngunit iyon lang ang paraan para maprotektahan nila ang relasyon nila… kahit pansamantala. Umaasa siyang maiintindihan siya nito. Napag-usapan naman nila iyon kanina.“Is he single?” mabilis na tanong ni Carla habang kinikilig na napahawak pa sa pisngi.Nag-ingay agad ang audience. “Gwapo naman kasi talaga! Bagay kayo, Miss Carla!”Napangiti lang si Carla, samantalang siya ay pilit lamang na nagkibit-balikat. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Hindi naman puwedeng sabihin niyang siya ang girlfriend nito.“Ay, nako!” tawa ng host. “Miss Jolie, baka naman puwede m
“Let’s go, guys. Kayo na ang susunod na tatawagin.”Tumayo silang dalawa ni Daniel mula sa couch, ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod ay marahang hinawakan ni Tyler ang kamay niya.“Good luck, love,” mahina nitong sabi habang nakatingin diretso sa kaniya. May init at lambing sa boses nito na agad nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.Bahagyang yumuko si Tyler, tila balak siyang halikan sa pisngi, ngunit mabilis siyang umiwas.“S-sorry, love… baka may makakita sa atin.” pabulong niyang sabiSa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Bahagyang tumigas ang panga nito bago pilit na ngumiti.“Sorry,” mahinang sabi nito. “Hindi pa ako sanay.”Kaagad siyang nakaramdam ng guilt. Nginitian niya ito nang marahan saka marahang pinisil ang kamay nito. “Masasanay ka rin.”Ilang segundo siyang tinitigan ni Tyler bago ito tumango. “I’ll wait for you here.”“Let’s go, Jolie.”Napalingon siya kay Daniel na tila bahagyang naiinip na. Tumango siya at sumunod dito palabas ng waiting room.Ng
Nagising siya kinaumagahan na maganda na ang pakiramdam niya. Hindi na rin masakit ang kepyas niya, di katulad ng kahapon na parang may nakapondong malaking kahoy na nakabaon sa kanya, kung kaya't paika-ika siya kung maglakad.Nakakahiya man pero ang lahat ng 'yun ay dahil nasobrahan sila ni Gray..
"What are you talking about? Alam mong may dapat tayong patunayan, ‘di ba? Ayaw kong masabihan ni Ma'am Jonie na incompetent tayo dahil hindi natin ginagawa ang trabaho natin! Pagdating sa opisina ay trabaho tayo... hindi 'yun puro landian. Walang mangyayari sa atin kapag gano’n. We need to stay fo
It's past 3 in the morning. Natutulog na si Rosie sa tabi niya. Siya, eto, gising na gising pa at hindi dalawin ng antok. Nakasandal lang siya sa headboard habang umiinom ng alak.Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na naangkin na niya si Rosabel. Pangarap na niya ito simula noong colleg
Nagkatinginan sila ng mata ni Gray! Hindi siya nagsalita, hinintay niya itong magdesisyon. Magkaalaman na kung sesesantihin nito ang sekretarya o hindi. "Sir Gray..." muling pukaw ng sekretarya. Humugot ng malalim na hininga ang binata. "You heard the CEO, Lindy... you're fired!" "What?!" wika ni







