"Tutulungan na kita, Mila." Pagpre-presenta niya, ayaw pa niyang pumunta sa mag-asawa dahil baka maya-maya ay may itanong ang mga ito na hindi niya masasagot.""Ano ang pinakain mo sa kanila na hindi sila nagalit sa'yo, Rosabel?""What?"Bakit ‘di ka nila pinagalitan nung sinabi kong sa iisang kwarto lang kayo natulog ni Sir Gray? 'Wag mong sabihing pumayag sila na maging laruan ka ng anak nila? Oo nga naman. Easy target ka nga naman. You're always available, kaya bakit pa maghahanap si Sir Gray ng laruan, ‘di ba?""Shut up, Mila!... kinakain ka na ng inggit mo sa katawan. Nagmamahalan kami ni Gray at hindi niya ako laruan lang gaya ng sinasabi mo!"Ngumisi ito ng nakaka-insulto. "Tingnan lang natin kapag nagsawa si Sir Gray sa’yo."Humugot na lang siya ng malalim na hininga. Ayaw niyang patulan si Mila dahil baka marinig sila ni Ma'am Jonie at Sir Ken.Nang naubos na nilang ipasok ang lahat ng mga maleta ng mag-asawa sa kwarto ay dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito."Ahm, may gusto
"Ang galing naman ng prinsesa!"Napalis ang ngiti niya nang makita si Mila na nasa harap niya. Silang dalawa na lang ang andoon dahil namalengke ang nanay nitong si Manang Glenda."Ano ang kailangan mo, Mila?" Walang emosyon niyang sabi. Alam niyang bibwisitin na naman siya nito."Ang galing mo din, Rosabel, 'no? Lahat na lang ay nakukuha mo. Ang magandang trabaho, nobyo mo pa ang amo natin, at umaakto kang prinsesa dito sa bahay?!""Hindi totoo 'yan, Mila. Hindi ako umaaktong prinsesa dito. Isa lang din akong trabahador nina Ma’am Jonie sa kompanya nila.""Huwag mo na akong pinagloloko, Rosabel. Nakita kong doon natulog si Sir Gray sa kwarto mo. Alam ba nina Ma’am Jonie na sa iisang kwarto lang kayong natutulog?""Wala kaming ginagawang masama!" sigaw niya sa pagiging pakialamera nito."Eh ano'ng ginawa niyo sa kwartong kayo lang? Nagtinginan? Sa tingin mo maniniwala sina Ma’am Jonie sa inyo? Kapag isinumbong kita, siguradong sesentensiyahan ka na! Napakalandi mong babae. Inakit mo s
"Ate, bakit ka namumutla? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Lilly nang makarating sila sa mansion. Nanginginig pa din siya hanggang ngayon kapag naaalala niya ang nangyari sa kanya kanina sa parking."May nag-stalk sa kanya sa parking." si Gray ang sumagot para sa kanya"Oh God, ate... sino naman kaya yun?""I don’t know, Lilly. Dalawang beses na nangyari sa akin ito.""Dapat mag-ingat ka... Saan ka ba kasi, kuya, at mag-isa lang si Ate Rosabel?" iis na tanong ni Lilly sa kapatid. Tumahimik si Gray. Hindi din ito masagot na iniwan siya nito kaya nagkaroon na naman ng pagkakataon ang stalker sa kanya."H-he left me... iniwan niya ako dahil nagtampo siya sa akin." sya ang sumagot ky Lilly"What? Bakit mo ginawa 'yun, kuya?" may paninisi na sambit ni Lilly."Look, I’m sorry, okay? Di ko naman 'yun sinadya, babe. Kung alam ko lang na mapapahamak ka, eh hindi sana kita iniwan doon.""You should do something about it, kuya. Sa parking pa mismo ng building natin? Baka isa lang 'yan sa
"Ma'am Rosabel…" tawag-pansin ni Willow sa kanya. "Hindi ka pa po ba uuwi? Tayo na lang po ang nandito sa opisina."Bigla siyang nataranta at napatingin sa orasan. Ala-sais na pala. Nawiwili na naman siya sa trabaho at hindi niya namalayang gabi na. Silang tatlo na lang nina Willow at Anton ang naroon."Ah, sige, mauna na kayo. Hihintayin ko na lang ang sundo ko.""Sigurado ka, Ma’am? Samahan ka na lang namin habang naghihintay. Sabay na tayong bumaba," alok ni Willow."‘Wag na, nakakahiya naman sa inyo. Na-late na kayo ng uwi dahil sa akin. Maya-maya andiyan na ‘yon," wika niya."Sige po, Ma’am…" alanganing sabi ni Willow bago tuluyang nagpaalam.Inayos na niya ang kaniyang mga gamit at tinawagan si Mang Berting para alamin kung nasaan na ito, pero naka-off ang telepono ng driver."Saan kaya si Mang Berting?" tanong niya sa sarili.Naisipan niyang bumaba na lang sa parking area at doon na hintayin ang driver. Baka na-lowbat lang ang cellphone nito. Gusto sana niyang tawagan si Gray,
"What are you talking about? Alam mong may dapat tayong patunayan, ‘di ba? Ayaw kong masabihan ni Ma'am Jonie na incompetent tayo dahil hindi natin ginagawa ang trabaho natin! Pagdating sa opisina ay trabaho tayo... hindi 'yun puro landian. Walang mangyayari sa atin kapag gano’n. We need to stay focused!""Fine!" wika niya. Wala din naman siyang panalo kay Rosabel. Kung ipipilit niya ang gusto niya, ay mag-aaway lang sila. "You may go now. May gagawin pa ako..." pagtataboy niya sa nobya. Agad naman itong nagmartsa palabas ng opisina niya. Napabuntong-hininga na lang siya. Hanggang kailan ba sila ganito? Dati naman ay siya ang nasusunod sa kanila ni Rosabel. Kung kailan naging CEO ito, ay pinaninindigan nito na mas mataas ito kaysa sa kanya ... and he hates it. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Magpapa-lamig muna siya ng ulo. Walang mangyayari sa kanila ni Rosabel kung palagi silang nagpapataasan. Kakausapin niya ito mamaya sa bahay. Hindi pwedeng ganito sila palagi.Sumakay siya
GRAY'S POV:Lumipas pa ang mga araw, ay naging abala na sila sa opisina. Naging tahimik na din si Solen at Lindy. Hindi nagpaparamdam ang mga ito sa kanila. Pero hindi sila magpapakampante dahil alam nyang hindi pa tapos ang laban. Kasalukuyan siyang nasa opisina. Si Rosabel ay abala naman at nasa opisina din nito. Nakatutuk siya sa kanyang laptop nang may kumatok sa pinto... Si Willow ang pumasok. “Sir Gray, andito na po ang bagong hire na secretary mo.” Kumunot ang noo niya dahil hindi naman siya nag-hire ng secretarya. “Hindi naman ako nag-hire ng secretarya. At ayaw ko na ng secretarya, Willow!” inis na sabi niya. Ayaw na niyang maulit ang nangyari kay Lindy na inaakit lang siya. Ayaw niya ng mga tukso lalo pa’t iisang building lang sila ni Rosabel. “Sino ba ang nakikialam at nag hire ng sekretarya para sa akin?” inis na sabi niya. “Ako...” Napatingin siya sa likod ni Willow dahil sa pagsulpot ni Rosabel doon. “Babe... wala naman akong sinabi na kailangan ko ng secretarya.