Pagdating nila sa kanyang cubicle ay andoon si Clarkson at mukhang naghihintay sa kanila. Madilim na naman ang mukha nito nang makitang magkasama sila ni Ben.“Bakit ang tagal mo? Naghihintay na ang trabaho mo dito.”Hindi siya sumagot pero sumimangot siya. Bakit kasi siya binabantayan nito?“Iha, andito ka na pala? Kanina pa kita hinahanap,” magiliw na sabi ng Ninang Fe niya nang makita siya. “Oh, may kasama ka pala?”“Ahm, si Ben, Ninang. You remember him?”“Of course, I remember him. Siya ‘yung kaibigan mong ipinakilala sa amin last night, right?”“Yes po, Tita. Ako po ‘yun.” si Ben ang sumagot“Glad to see you again, Ben! Bakit ka nga pala andito? Binibisita mo ba ang dalaga ko?”Namula si Ben sa tanong ng Ninang Fe niya.“Hindi po, Ninang. Aksidente lang kaming nagkita sa cafeteria. Tito pala niya si Mayor at binisita lang niya.” sagot naman nya“Oh, really? What a small world. A-attend ka din sa charity event kung ganun?”“Yes po, Tita. I also asked Aria to be my date, and she s
“Aria?...”Napatingin siya sa kanyang likod nang may tumawag sa kanyang pangalan. Napangiti naman siya nang makita si Ben.“Ben? What are you doing here?” Agad siyang tumayo at nagbeso sa kaibigan.“I’m just visiting Mayor Enrico Fernandez... he’s my tito.”“Really? Tito mo si mayor? What a small world!”“Oo nga eh... hindi ko in-expect na makita kita dito.”“I work here. Ninong ko si Gov. Clark, remember?”“Yeah, nasabi mo kagabi, pero di mo ata nabanggit na dito ka nagtatrabaho.”“Aria... finish your food.”Nagulat sila nang marinig ang seryosong boses ni Clarkson. Nakita niyang nagpipigil ito ng galit habang nakatingin sa kanila ni Ben.“Ahm, Ben... you already know my kuya Clarkson from last night, right? Anak siya ni Gov. And this is his girlfriend, Madison.”“Hi guys, nice to meet you again.”“Why don’t you join us?” aya nya kay Ben. hawak nito ang tray na may pagkain.“Wala nang space, Aria,” agad na sabi ni Clarkson.“Kung ganun, doon na lang kayo sa kabilang table ng friend m
Tiningnan niya lang ang papalayong si Madison. Hindi pa rin siya makapaniwala na humingi ito ng tawad sa kanya. Pero hindi niya alam kung sincere ito o mina-mind games lang siya.Kahit pa sabihing napag-usapan na nila ni Clarkson ‘to, pero masakit pa rin. Kahit pagbali-baliktarin ay siya ang dehado dito dahil siya ang third party. Siya ang tinatago… kumbaga kay Ate Lilly, siya ang kabit.Dinampot niya ang cellphone nang muli itong tumunog. Message galing kay Clarkson."I’m on my way. Miss na kitang makita...." Message nito sa kanya. Napangiti siya ng pait. Parang ayaw na niyang maniwala sa mga sinasabi ni Clarkson."Busy ako, ‘wag ka munang pumunta..."Reply niya. Pagkasend noon ay nagulat siya nang nasa harap na niya ang lalaki.“Hi...” Malaki ang ngiti nitong nakaharap sa kanya. Hindi siya sumagot. Maya-maya ay tumunog ang cellphone nito at tiningnan.“Busy? Hindi ka naman busy ah?...” kunot ang noo nitong tanong sa kanyaNgayon pa lang natanggap ni Clarkson ang message niya. Naun
“But it’s a secret… kaming dalawa lang nakakaalam… at ikaw ngayon, syempre, dahil sinabi ko na sa’yo.” sabi nya sa pinsan. “Aayusin niya daw ang sa kanila ni Madison. Makikipaghiwalay siya then we will make it official.”“Pumayag kang maging kayo ni Clarkson habang may nobya siya? Kabit ka, ganun?”“I-it’s not like that. Doon din naman kami papunta, di ba? Kaya bakit pa namin patatagalin… all I have to do is wait.”“Pero dapat hindi ka pumayag, Aria. Kahit pa si Clarkson pa ‘yan. Hindi mo deserve na itatago.”“Ate… nagkakaintindihan naman kami ni Clarkson… he promised he will take care of everything…”Humugot ito ng malalim na hininga. “Ikaw ang bahala, pero sinasabi ko sa’yo, baka masaktan ka.”Tumahimik siya. “Clarkson will never hurt me, Ate… all we have to do is wait. Kapag hiwalay na sila ni Madison ay hindi na namin kailangang itago ang relasyon namin at matatanggap din ako ni Ninang at Ninong kapag nakita nilang nagmamahalan kami ni Clarkson.”Tiningnan na lang siya ni Lilly na
Kinaumagahan ay maaga siyang nagising. Excited siyang makita si Aria.Paglabas niya ng kwarto ay narinig na niyang nag-uusap ang mga magulang niya at si Aria sa kusina. Mukhang masaya ang pinag-uusapan ng mga ito dahil nagtatawanan pa.“Good morning, guys.” Masayang bati niya. Pasimple niyang kinindatan si Aria nang hindi nakatingin ang mga magulang niya.“Iho, halika at mag-breakfast ka na. Mukhang masarap ang tulog mo ah.”“Nakapagpahinga lang ng maayos, Mom.”“Next week nga pala may charity event tayong pupuntahan. Bring Madison, iho.” sabi ng ama nya.“Why, Dad? Hindi naman ata siya kailangan na doon.”“Bakit ayaw mong kasama ang girlfriend mo?”Natahimik siya. Maging si Aria ay nakikinig lang din sa tabi.“Sige, Dad. I will tell her,” sabi niya para matapos na lang ang usapan.Pasimple niyang tiningnan si Aria. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang maging malungkot si Aria. Pero wala siyang magawa. Sana maintindihan siya nito. Nag-usap na sila
CLARKSON'S POV:Nakapasok siya sa kanyang kwarto nang walang nakapansin. Galing siya sa kwarto ni Aria. Napakasaya niya dahil nobya na niya ang kanyang kinakapatid.Pero hindi pa siya lubusang masaya dahil maraming komplikasyon ang relasyon nila at itatago muna nila iyon. Walang dapat makakaalam na nagmamahalan sila. Sa mata ng iba ay magkapatid lang sila pero alam nila sa kanilang mga sarili na hindi lang kapatid ang turing nila sa isa’t isa.Humiga siya sa kanyang kama at tumitig sa kisame. Napapangiti na lang siya habang inaalala ang ginawa nila ni Aria kani-kanina lang sa kwarto ng dalaga. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang lakas ng kanyang emosyon. Napakasarap ni Aria. Alam niyang siya ang una sa dalaga at wala pang ibang lalaking nakagalaw dito. Di tulad ni Madison na mas eksperto pa sa kanya pagdating sa kama.Magkaibang-magkaiba ang dalawa. Si Madison ay in charge sa kanilang dalawa pagdating sa kama. Magaling itong magpaligaya sa kanya, and for a time ay nagustuhan niya