공유

CHAPTER 1583

작가: dyowanabi
last update 게시일: 2026-06-30 22:56:53

JOLIE'S POV:

Sa kabutihang palad, hindi naman malubha ang tama ni Tyler. Bagama't sa dibdib ito tinamaan, sinabi ng mga doktor na hindi naapektuhan ang alinman sa mahahalagang organs nito. Malaki ang naitulong ng mabilis na pagresponde ng mga medic at agarang pagdadala sa kanya sa ospital.

Sa kasalukuyan ay nasa operating room pa rin ito. Samantalang silang lahat ay naghihintay sa VIP room kung saan ito dadalhin pagkatapos ng operasyon.

Naroon na ang buong pamilya. Tahimik ang bawat isa, ngunit
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Diaz
I think buntis si Jolie
댓글 더 보기

최신 챕터

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1601

    Ngunit ano ang gagawin niya? Hindi niya pinagplanuhan nang maayos ang lahat. Ang alam lang niya ay kailangan niyang mawala si Jolie, kailangan nitong lumayo kay Tyler... at kapag nangyari iyon, babalik sa dati ang lahat.Muling bubukas ang pinto ng cubicle. Agad siyang yumuko, lumabas si Jolie at lumapit sa lababo. Hindi siya nito napansin. Binuksan ni Jolie ang gripo at nagsimulang maghugas ng kamay.Pakanta-kanta pa si Jolie habang naghuhugas ng kamay. Napatingin siya sa salamin, at doon niya napansin ang babaeng nakatayo sa kaniyang likuran.Bahagyang kumunot ang kanyang noo, may kung anong pamilyar sa tindig nito. Bago pa niya iyon mapag-isipan nang mabuti ay mabilis nang tumalikod ang babae, naglakad ito patungo sa pinto, pero nahulog ang anyo nito.“Excuse me, nahulog ang panyo mo.”Natigilan si Tiffany. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso pero hindi siya lumingon.“Have we met before?” hindi napigilan ni Jolie na magtanong.Nanatiling nakatayo ang babae pero hindi gumala

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1600

    ***Napangisi si Tiffany habang palihim na pinagmamasdan ang dalawang buntis na babaeng naghihintay sa labas ng clinic... Sina Aria at Jolie.Nakaupo siya sa hindi kalayuan sa kinaroroonan ng dalawa. Sa paningin ng ibang tao, mukha lang siyang ordinaryong pasyente o bantay na may hinihintay na kamag-anak, walang nakaaalam sa tunay niyang pakay.Hindi siya naroon para magpatingin, wala rin siyang hinihintay. Sa halip, matagal na niyang inaabangan ang pagkakataong tulad nito.Nakasuot siya ng simpleng damit, sombrero, at face mask na halos tumatakip sa kaniyang buong mukha. Sinadya rin niyang yumuko paminsan-minsan upang hindi siya madaling makilala ng dalawang babae... Lalo na ni Jolie.Muli siyang napangisi. Sa wakas, nagbunga rin ang matagal niyang paghihintay. Ilang araw na siyang palihim na nagmamasid. Ilang araw na rin niyang hinihintay na magkaroon ng pagkakataong makitang mag-isa si Jolie.At ngayon, naroon ito, wala si Tyler, bagama't kasama nito si Aria at naroon din sa ospita

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1599

    Lumipas pa ang ilang araw at isa-isa na ring nagsiuwian ang pamilya ni Tyler sa kani-kanilang mga tahanan. Unti-unting bumalik sa katahimikan ang malawak na rancho matapos ang ilang araw na puno ng tawanan, kuwentuhan, at masasayang salu-salo.Ang naiwan na lang doon ay ang mag-asawang Clarkson at Aria, pati na rin sila ni Tyler. Marami pa siyang kailangang asikasuhing dokumento bago tuluyang makalipad patungong Scotland, kaya abala si Tyler sa pag-aayos ng lahat. Ayaw nitong magkaroon ng kahit kaunting problema sa kanilang pag-alis, lalo na at magiging kauna-unahang international flight niya iyon.Sa tuwing naiisip niya na malapit na siyang makapunta sa ibang bansa, hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pananabik.Scotland.... Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwalang makakarating siya roon.Ayon naman kina Lola Beth at Lolo Gregore, sabay-sabay na silang aalis patungong Scotland sakay ng private jet ng mga ito. Kaya hindi pa rin muna bumalik sina Clarkson at

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1598

    “So, I guess mauuna na kaming bumalik sa Scotland, iho,” sabad ni Tita Bebe. “Para maayos na rin namin ang ibang detalye bago kayo sumunod.”“Uuwi na po kayo agad?” tanong niyaNgumiti si Tita Bebe. “We have to, dear. Marami pang kailangang ihanda.”“Your mom is right, son,” pagsang-ayon ni Tito James. “We only came here to formally meet Jolie and welcome her into the family after we found out about the pregnancy.”Bahagya siyang namula. “Nakakahiya naman po, Tito. Hindi naman po ninyo kailangang bumiyahe nang ganoon kalayo para lang makilala ako.”“It’s okay, iha,” nakangiting sagot ni Tito James. “Ganito talaga kami.”Saglit itong tumingin kay Tyler bago napailing. “Besides, Tyler is our eldest son.”“Dad,” babala ni Tyler.“What?”“I know that look.”“What look?”“That look you make before embarrassing me!”Natawa si Tito James. “I’m only telling the truth. Which is exactly what I’m worried about.”Nagtawanan na naman ang lahat.“It’s true, Jolie,” pagpapatuloy ni Tito James. “Tyle

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1597

    “Seriously?” mahinang tanong niya.“Seriously.”“Pero ang passport ko? Ang visa? Ang--”“I’ll have everything arranged. Don’t worry about it.”“Tyler, hindi naman ganoon kadali iyon. At marami pang kailangang ayusin!”“I know.”“Paano kung--”“Love.” Pinigilan siya ni Tyler saka marahang pinisil ang kamay niya. “Trust me.”Napatitig siya rito nang ilang sandali bago tuluyang napabuntong-hininga. Wala siyang nagawa kundi tumango.Excited siya, pero hindi niya maikakailang kinakabahan din siya, lalo na nang sabihin ni Tyler na gusto nitong ipakilala siya sa iba pang miyembro ng pamilya nito sa Scotland.Paano kung hindi siya magustuhan ng mga iyon? Paano kung hindi siya tanggapin? At saka, mayroon pa siyang ibang dapat isipin...“Pero papayag kaya sina Lola Beth at Lolo Gregore?” nag-aalangang tanong niya.Napalingon siya sa dalawang matanda. Higit sa lahat, sila ang kailangan niyang isaalang-alang. Hindi niya basta-basta makakalimutan ang lahat ng ginawa ng mga ito para sa kanya. Sila

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1596

    “Actually, I think Scotland would be perfect.”Napalingon ang lahat kay Tyler nang bigla itong magsalita.Agad na kumunot ang noo ni Jolie. “Ha? Kailan pa tayo nagdesisyon?”“Ngayon lang.”Kaswal itong nagkibit-balikat bago kumuha ng isang pirasong bacon mula sa kanyang plato at isinubo iyon na para bang wala itong kababanggit lang na isang napakalaking desisyon.“You said we haven’t talked about it yet, so I’m talking about it now.”“Tyler!”Nagtawanan na naman ang lahat sa reaksiyon niya.“Hayaan mo na, Jolie,” nakangiting sabad ni Aria. “Ganyan talaga ang mga Blacksmith. Kapag may gusto, gusto agad masunod.”“Yeah, Jolie. Ganyan talaga sila." Sabat naman ni Clarkson. "I should know. Blacksmith ang asawa ko.”Agad na pinukol ni Aria ng masamang tingin ang asawa. “Parang may tinutumbok ka, Clarkson Almonte?”Nawala kaagad ang ngiti sa mukha ni Clarkson. “Hahaha! Wala, babe!”Mabilis nitong inakbayan at niyakap ang asawa na para bang natatakot na baka tuluyan itong magalit. “Joke lang

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 809

    "Oh, bakit ka nagmamadali?" tanong ni Gray nang makarating na sa table nila. Nandoon pa din ang mga magulang nito kasama ang mga kaibigan."Ah, wala..." pagsisinungaling niya.Nakita niyang lumabas na si Tyler mula sa pinanggalingan niya. Hinihimas nito ang pangang nasampal nya at masama ang tingin

    last update최신 업데이트 : 2026-03-28
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 785

    Abala siya sa pagtatrabaho nang hindi napansin ang oras. Kinatok siya ni Willow sa opisina niya. "Ma'am Rosabel, hindi ka pa ba uuwi? 6 PM na po." "Huh? Ganoon ba?" Marahil ay wala nang tao sa labas ng opisina. Naawa siya kay Willow, naghihintay ito malamang na makauwi na siya para makauwi na ri

    last update최신 업데이트 : 2026-03-28
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 786

    "Pero natatakot pa rin ako, babe... paano kung malaman nila ang relasyon natin? Pinaghiwalay na nila tayo noon. Hindi kaya hindi pa rin nila matanggap sakaling malaman nila ang relasyon natin? Baka paghiwalayin nila tayo ulit?""Hindi ko na ‘yun papayagan, babe. Pumayag ako noon na ipaglayo tayo ka

    last update최신 업데이트 : 2026-03-28
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 764

    Nang lumabas ito ng banyo ay naka-shorts na lang ito at walang damit pang-itaas. Nagulat pa siya nang tumalon ito sa kama, nagkalat tuloy ang mga chips na kinakain niya."Ano ba!" sigaw niya."Hahaha... pahingi.""Look what have you done! Ang kalat na!" inis niyang sabi."Hayaan mo na. Magpa-room s

    last update최신 업데이트 : 2026-03-28
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status