Napayuko siya at mariing pumikit. Pilit niyang pinipigilan ang pag-init ng mga mata niya. Baby sister... Iyon lang talaga siya kay Clarkson. Wala palang kahulugan ang mga titig, ang mga biro, at ang yakap nito dahil isa lang siyang kapatid. “Aria...” tawag nito sa kanya nang mapansin siguro ang pananahimik niya. “Okay ka lang ba? Parang ang tahimik mo.” “Okay lang ako. Busy lang,” sagot niya, hindi man lang tumingin dito. Tinuon niya ang atensyon sa monitor ng computer at nag-type ng pinapagawa ni Madison. Kailangan niyang magmukhang busy para tigilan na siya ni Clarkson. “Good.” Ngumiti si Clarkson at tumayo. “I’ll check on Dad first, then I’ll come back for lunch, ha?” Ngumiti siya ng pilit. “S-sure.” Pagkaalis nito, saka siya napabuntong-hininga. Bakit ba ako umaasa? bulong niya sa isip. Alam ko namang wala akong karapatan. Habang tumatakbo ang oras, sinubukan niyang ibuhos sa trabaho ang sakit. Binilisan niya ang pag-type para matapos niya agad iyon. Maya-maya ay biglang
Hindi naman nagtagal ay pumasok si Clarkson.Umupo din ito sa upuan sa harap niya, sa desk ni Gov. Hindi niya ito pinansin. Nasa kay Gov lang ang atensyon niya.“Hi, bunso... next time be careful ha. Titingnan mo ang nilalakaran mo. Paano kung wala ako doon, eh di natumba ka?”Tiningnan niya lang si Clarkson na parang wala lang, saka muling tinuon ang atensyon kay Ninong Clark. “Ninong, may iuutos ka ba sa akin? Ano ba ipapagawa mo? Gusto mo pa ba ng isa pang kape?”“Hahaha... wag na, iha. Papatayin mo ba ako sa kape?”“Hihihi... syempre hindi, Ninong. Love kita eh.”“Bunso, pansinin mo naman ako...” biro ni Clarkson pero hindi niya ito pinansin. Maya-maya ay pumasok si Madison. Lihim siyang napangiwi... sinusundan talaga nito kung saan si Clarkson at siya. Grabe talaga ang pagka-praning nito.“Ahm, Aria... andiyan ka pala. May ipapagawa sana ako sa’yo.”Agad siyang tumayo. “Ninong, doon muna ako sa desk ko ha.”“Sige, iha.”“Samahan na kita, bunso.” Tumayo din si Clarkson at inakbaya
Humugot siya ng malalim na hininga at nag-ipon ng maraming pasensya. Nakaka-toxic pala ng Madison na yun. Maiintindihan niya kung galit ito dahil kay Clarkson, pero ang pagbintangan siyang tinutuhog ang mag-ama ay ibang usapan na yun.Gov. Clark is like a father to him. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na may tao palang mag-iisip sa kanila ng ganun.Pumasok siya sa cubicle at umupo siya sa kanyang table. Ookupahin niya ang table ng secretary ni Gov noon. Inayos niya ang mga nakakalat na papel sa kanyang lamesa. Sandaling kakalimutan niya ang sinabi ni Madison at mag-focus sa kanyang sarili. She will not let Madison ruin her day. First day niya iyon kaya dapat ay maging memorable iyon sa kanya.Habang abala ay nagulat siya nang biglang may pumasok na hindi man lang nagpasintabi... Si Madison na naman.“Aria, ipagtimpla mo ako ng kape.”“Huh? Bakit ako? Kaya mo namang timplahan ang sarili mo.”“Ako ang boss mo, remember? Di mo ba narinig ang sabi ni Gov? Ako ang magtuturo sa’yo ng lah
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at naligo. First day niya sa trabaho. Bukod sa gusto niyang hindi ma-late ay ayaw niya ding sumabay kay Clarkson sa pag-alis kaya aabangan niya ang ninong Clark niya at doon sasabay.Fresh pa din sa utak niya ang unang halikan nila ni Clarkson at ang pagtawag nito sa kanya sa ibang babae. Yes, galit siya.“Ang aga mo ngayon, iha. Excited ka yata sa first day mo?” masiglang bati ni Manang nang makitang ready na siya.“Medyo po, Manang.”Suot niya ang binili niya sa Lily Roses kahapon, black pencil-cut na palda at black blazer na may napapaloob na white blouse sa loob. Gusto niya ay maganda at sexy siya sa kanyang first day.“Nakaalis na ba si Ninong Clark, manang?”“Hindi pa siya bumababa pero maya-maya ay baba na din ’yun.”“Ah okay. Sasabay kasi ako sa kanya.”“Ah bakit di na lang kay Senyorito Clarkson?”“Ayaw ko sa kanya, Manang. Baliw kasi ang nobya nun. Panay ang lusot dito kapag may hindi nagugustuhan.”“Oo nga eh. Dati hindi naman ’yun pumup
Sabay silang kumakain pero tahimik silang dalawa. Ayaw niyang kausapin si Clarkson. Tila ay ayaw din nitong makipag-usap dahil mukhang may malalim na iniisip.Wala din si Ninang Fe at Ninong Clark doon dahil may pinuntahang party. Lately ay sila lang palagi ni Clarkson ang naroon sa bahay.“Masarap ba ang luto ko, iha?” tawag-pansin ni Manang sa kanya.“Ang sarap mo, Manang! Na-miss ko ang ganitong luto. Si Ninang Jonie mahilig po mag kare-kare ‘yun... ‘yun kasi ang paborito ni Ninong Ken kaya lagi niya yun niluluto. Tapos nakikikain kami hanggang sa ito na din ang paborito namin lahat. Hihihi.”“This is my favorite too, Manang,” sabat ni Clarkson. Napangiwi siya. Nakikisali sa usapan nila ni Manang. “Papansin, hmp!” inis na sabi niya.“Manang, akyat na ko. Tapos na ko kumain. Salamat sa marasap na dinner.” paalam niya.Bago pa magsalita si Clarkson ay naglakad na siya pabalik sa kuwarto niya. Hindi pa tapos ni Clarkson ang pagkain nito, panay kasi ang tulala.“Hmp! Baka bothered kasi
ARIA'S POV: Pagkatapos nilang bayaran ay si Clarkson na ang nagbitbit ng lahat ng mga paper bag. Nagpaalam din sila kay Ate Precious bago umalis. “Saan mo pa gustong pumunta? Gusto mong kumain muna?” tanong ni Clarkson. “No. Ayoko. Gusto ko nang umuwi. Na-excited ako sa ulam na lulutuin ni Manang. Sabi niya magka-kare-kare daw siya.” “Hahaha. Sure ka bang ayaw mo munang tumambay dito sa mall? I-de-date kita.” “Shut up, kuya... ang gulo mo. I want to go home now,” putol niya sa sasabihin pa nito. Naiilang siya dahil panay “date” ang biro nito sa kanya. Parang may ipinapahiwatig. Pero siyempre hindi niya iyon papatulan dahil alam niyang joke lang naman iyon at may nobya nga ito. Baka siya lang itong over kung mag-react samantalang kay Clarkson ay parang wala lang. “Bukas sabay tayong pumunta sa opisina ha.” “S-sige...” sagot niya. Alangan namang magta-taxi pa siya eh iisa lang naman ang pupuntahan nila. Pwede din naman siyang sumabay sa Ninong Clark niya. Nagtatrabaho din si Cl