ログインPagkatapos nilang kumain, nagpasya sina Jolie at Tyler na maglakad-lakad muna sa malawak na hardin ng Mackenzie Estate. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang dahan-dahan silang naglalakad sa sementadong pathway na napapaligiran ng mga bulaklak at matatandang puno.Paminsan-minsan ay napapatingin si Tyler sa kanya, at sa bawat pagkakataon, hindi nito maiwasang ngumiti.“Are you happy, love?” tanong nito habang marahang hinihimas ng hinlalaki ang likod ng kamay niya. “Hindi ko akalain na isang heiress din pala ang mapapangasawa ko. You are full of surprises, baby.”Napatawa si Jolie at napailing. “Hihihi… Hindi ko nga alam na may mga heiress-heiress na gano’n pala. Akala ko sa mga pelikula lang sila nage-exist.”Tumawa si Tyler. “Believe me, baby. You’re definitely one of them.”“Parang ang weird pakinggan,” natatawang sagot niya.“Why? It’s true.”Saglit siyang tinitigan ni Tyler bago muling nagsalita. “Lolo Sebastian and Lolo Craig are going to love you even more. Ikaw ang naging
Samantala, sa hapag-kainan…Tahimik na kumakain si Jolie nang magsalita si Daddy Blair. Maingat ang tono nito, na para bang pinag-iisipan muna ang bawat salitang sasabihin upang hindi siya ma-offend.“Iha, pagpasensyahan mo na si Catriona,” sambit ni Daddy Blair. “Mahirap din para sa kanya ang lahat ng ito. Nakulong ang daddy niya, at sa pamilyang ito, siya lang ang naging prinsesa sa mahabang panahon. Kaya hindi rin nakapagtataka kung ganoon na lang kalalim ang tampo at galit niya ngayon sa amin at pasensiya ka na kung nadamay ka sa galit niya.”“H-hindi naman po galit si Catriona sa akin dad. Maayos naman kaming nag-uusap. Baka nagtatampo lang. Lets just give her time.” pagtatanggol niya kay Catriona.Saglit itong huminga bago nagpatuloy. “Sana habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya. Kahit ampon lang siya, minahal din namin siya. Nag-iisa ang kapatid ko noon, naging malungkot si Frazer sa pag-alis ng kanyAng asawa at binuhos nya ang lahat ng pagmamahal kay Catriona. Pero masasabi kon
Agad na tumayo si Catriona mula sa kinauupuan niya.“Saan ka pupunta, Catriona?” tanong ni Blair nang mapansing bigla itong aalis.“Ahm… papanhik na ako sa kwarto ko, Uncle. I want to take a shower,” sagot niya, pilit na pinanatiling normal ang boses.“Sige, iha.”Ngumiti siya nang matamis, isang ngiting halos walang bahid ng anumang masamang balak, bago isa-isang tingnan sina Uncle Blair, Lewis, at Tyler pero kahit isang sulyap ay hindi niya ibinigay kay Jolie.Sa totoo lang, naiirita siya sa mukha nito. Sa tuwing nakikita niya ito, lalo lang kumukulo ang dugo niya. Para bang anumang sandali ay gusto niyang burahin ang presensya nito sa buhay ng kanilang pamilya.Walang imik na tumalikod si Catriona at mabilis na umakyat sa hagdan. Pagkarating sa kaniyang silid, agad niyang isinara at ni-lock ang pinto. Saglit siyang nanatiling nakasandal doon habang nakikinig kung may sumusunod sa kaniya.Nang makasiguro siyang walang ibang tao, mabilis siyang nagtungo sa kaniyang bedside table at k
“And why are you all making such a big deal out of it?” patuloy nito. “Don't tell me binibigyan ninyo ng malisya ang simpleng halik ko kay Tyler?”Napataas ang isang kilay nito. “He's Jolie's fiancé, I know that. And he's going to be my cousin soon. So what's wrong with what I did?”Napatingin si Jolie kay Tyler. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang selos. Hindi naman niya gustong maging selosa. Pero iba ang pakiramdam kapag nakita mong may ibang babaeng ganoon ka-close sa lalaking mahal mo.“Catriona!” madiing sigaw ni Blair.Napabuntong-hininga ang babae.“Uncle!” Napatingin ito sa kanya, saka bahagyang ngumiti. “Kakadating lang ni Jolie dito tapos iniitsapwera na agad ako?”Tahimik na nagkatinginan ang lahat. Muling pinisil ni Tyler ang kamay niya. Para bang gusto nitong ipaalam sa kaniya na wala siyang dapat ikabahala. Na kahit sino pa ang lumapit sa rito, siya pa rin ang pinipili nito.“Hindi ka iniitsapwera,” agad na sagot ni Blair. “Pinapaalalahanan k
Magkahawak-kamay silang bumaba patungo sa sala. Hindi pa man sila tuluyang nakararating sa ibaba ay ramdam niya ang pagiging extra sweet at maalaga ni Tyler. Halos bawat hakbang niya ay binabantayan nito, at paminsan-minsan ay marahan nitong hinihimas ang likod ng kaniyang kamay o inaayos ang pagkakahawak nito sa kaniya.Para bang matapos ang mga nangyari sa pagitan nila kanina, lalo itong naging protective. At sa totoo lang, hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa sobrang lambing nito.Maging ang mga haplos nito sa kaniyang likod at baywang ay tila may ibang ibig sabihin ngayon. May kakaibang lambot at pamilyar na init na para bang hindi pa rin ito nasisiyahan sa mga sandaling magkasama sila.Napailing na lang si Jolie at bahagyang nilingon ito.“Tyler…”Ngumisi lang ang lalaki at mas hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay.“What?” inosenteng tanong nito.“Nothing.”“Good.”Pagdating nila sa sala, agad silang sinalubong ng masayang tinig ni Daddy Blair.“There you are!”Na
Ilang minuto silang nanatiling magkayakap sa ibabaw ng gulo-gulong kama, tanging ang mabilis na tibok ng kanilang mga puso at ang kapos na paghinga ang naririnig sa buong silid.Dahan-dahang gumulong si Tyler sa kaniyang tabi nang hindi siya lubusang binitiwan, inilagay ang isang braso sa ilalim ng kaniyang ulo at ang isa naman ay protektadong nakapatong sa kaniyang tiyan."I love you, Jolie," bulong nito sabay halik sa kaniyang noo. Nang tuluyang humupa ang maalab na pagnanasa, unti-unting kumalma ang kanilang nagkakasabay na paghinga sa gitna ng tahimik na silid. Mahigpit siyang niyakap ni Tyler mula sa tabi, tila ayaw ipagkait kahit ang kaunting puwang sa pagitan ng kanilang mga katawan."Dito na lang kaya ako titira sa Mackenzie, love?" pabulong ngunit malambing na sambit nito habang nakasubsob ang mukha sa kanyang leeg at dinadama ang init ng kanyang balat.Bahagya siyang napakislot at napangiti sa kiliting dulot ng mainit na hininga nito. "Ano ka ba... nakakahiya kina Daddy at
ARIA’S POV:SA RECEPTION:“Are you happy, babe?” bulong na tanong ni Clarkson sa kanya.“Of course, I’m happy! I have nothing to ask for. Finally, I’m Mrs. Almonte. Lahat ng mahal natin sa buhay ay andito.” nakangiting sabi niya. Ramdam niya na iisa lang ang kanilang nararamdaman.Nang tumawag na a
Hindi naman nagtagal ay nagpahinga na sila. Doon siya natulog sa kwarto ng kanyang mga abuelo. Dahil sa nangyari kanina ay takot siyang iwan ang mga ito kahit pa wala na si JM. Parang nagkaroon na siya ng trauma sa mga ganitong bagay.Kinabukasan ay muli siyang bumalik sa ospital, hindi muna sumama
Pagdating sa resort ay sa restaurant sila dumiretso ni Jolisa. Halos wala pa din siyang lakas at hindi makapaniwala na napaglaruan siya nina JM at Vicky. Kung hindi siya naniwala sa dalawa ay malamang nagpaplano na sila ni Aria ng kasal sa mga oras na ito.Muli niyang naalala ang nobya.... Kinuha a
“Lola?”“Apo… andito ka na ba sa Pilipinas?”“Opo, Lola. Bakit ka po napatawag? Gabi na, hindi ka pa ba natutulog?” nagtatakang tanong niya“Ah hindi kasi kami makatulog ng lolo mo. Para kasing may kaluskos kaming naririnig sa labas. Wala pa naman ang Tito Toto mo dito.”“Kasama ko po si Tito ngayo







