LOGINSEBASTIAN’S POV:May pait sa ngiti ni Sebastian habang pinagmamasdan ang pinakamamahal niyang apo na lumalabas ng silid. Oo, galit siya, may bahagi pa rin sa kanyang isip na nagsasabing kailangang magpakasal ni Tyler sa isang Mackenzie.Hindi lang iyon simpleng kasunduan sa pagitan ng dalawang pamilya. Maraming nakataya roon… ang pangalan nila, ang katayuan ng mga Blacksmith sa Scotland, at ang kapangyarihang ilang henerasyon nilang pinaghirapang buuin.Pero kung hindi iyon ang gusto ng kanyang apo... Kung hindi iyon ang magpapasaya kay Tyler... Marahil ay panahon na para lunukin niya ang kanyang pride at ibigay sa apo ang kalayaang matagal na nitong hinihingi.Hindi basta-basta ang desisyong iyon. Malaki ang maaaring mawala sa kanila kapag tinalikuran niya ang kasunduan. Maaaring maapektuhan ang katayuan ng kanilang pamilya sa Scotland. Maaaring masira ang ilang dekada nang relasyon sa mga Mackenzie... pero ano ba talaga ang mas mahalaga sa kanya? Kapangyarihan? Pangalan? O pamilya?.
Nang marinig ang pagbukas ng pinto, dahan-dahang lumingon ang matanda. Nagtama ang kanilang mga mata. At sa loob lang ng ilang segundo, nakita ni Tyler ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito. Parang... masaya itong makita siya.May bahagyang paglambot sa mga mata nito na matagal na niyang hindi nakikita. Marahil ay hindi nito inaasahang siya ang papasok.Pero mabilis ding nawala ang ekspresyong iyon. Parang may kurtinang muling ibinaba sa mukha ng matanda. Bumalik ang seryoso at matigas nitong anyo.“Bumalik na pala kayo.”Tumango siya. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Ayaw niyang patagalin iyon. “Lolo...” Huminga siya nang malalim. “I don’t want to marry Catriona.”Katahimikan. Walang sinabi si Lolo Sebastian. Wala ring makitang emosyon sa mukha nito, nanatili lang itong nakatingin sa kanya.Inihanda na niya ang kanyang sarili sa galit nito... sa pagtutol at mahabang sermon tungkol sa responsibilidad, pangalan ng pamilya, pangako, at tradisyong kailangan niyang sundin bilang isa
Kumapit pa ito sa kanyang isang braso. Napakunot ang kanyang noo, hindi man lang nito binati si Jolie. Wala man lang “hello”. Ni hindi man lang nito tinanong kung sino ito o kung saan ito nanggaling. Para bang hangin lang si Jolie. At hindi iyon nakalampas sa kanyang pansin.“I bet you already know about the party at the Mackenzie Estate tomorrow?” masayang sabi ni Catriona. Pagkatapos ay ngumisi ito nang makahulugan. “It’s for...” Sandali itong tumigil bago kumindat sa kanya. “...you know.”Tumigas ang kanyang panga. So he was right, may kinalaman talaga sa arranged marriage ang party.“I actually came home as soon as Dad called me and told me you were here,” dagdag nito. “I didn’t even finish everything I was supposed to do in Paris. Imagine that.”Pero wala siyang naging reaksyon. Wala siyang pakialam kung iniwan pa nito ang buong Paris para lang makauwi. Hindi naman niya iyon hiniling at lalong hindi siya natutuwa sa ideyang alam na yata ng buong pamilya Mackenzie ang tungkol s
TYLER’S POV:Kanina pa kinakabahan si Tyler.Actually, kagabi pa... Simula nang sabihin sa kanya ni Lolo Sebastian na inimbitahan sila ng pamilya Mackenzie sa isang party sa kanilang estate.hindi na siya mapakali. Ayaw man niyang isipin kung para saan ang biglaang pagtitipon, hindi naman siya tanga para hindi maintindihan kung saan patungo ang lahat.Matagal na siyang sinabihan ng kanyang lolo tungkol doon. Nakatakda siyang ipakasal ang isang Mackenzie, at alam na alam niya kung sino iyonOo nga't bilang panganay na lalaking apo, may mga obligasyon siyang inaasahang gampanan para sa kanilang pamilya. Lumaki siya sa aristocrat family kung saan hindi na bago ang mga arranged marriage.Sa mundong kinalakihan niya, ang pag-aasawa ay hindi palaging tungkol sa pagmamahal. Minsan, tungkol iyon sa pangalan, kapangyarihan, kayamanan at higit sa lahat, sa pagpapatuloy ng magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang pamilya.Pero kahit ilang beses pa iyong ipaliwanag sa kanya, hi
Napalingon siya kay Tyler na nasa tabi niya.Napansin niyang kahit paano ay gumaan na ang ekspresyon nito.May bahagyang ngiti na sa mga labi nito habang pinapanood ang magulong pagtatalo nina Clarkson at Aria tungkol sa rules ng laro.Nakaramdam siya ng kaunting ginhawa.At least, mukhang kahit pansamantala ay nakalimutan nito ang kung anumang nagpapabigat sa isip nito.“Hoy, problema natin!” biglang reklamo ni Lolo Gregore.Napalingon silang lahat dito.“Ano na naman?” tanong ni Lola Beth.Itinuro ni Lolo Gregore ang mga pagkaing hindi pa naaayos sa mesa. “Sino ngayon ang maghahanda ng pagkain natin kung lahat tayo nandito at magsusugal?”Biglang natahimik ang lahat. Nagkatinginan sila, walang nagsalita... parang walang gustong isakripisyo ang pagkakataong makapaglaro.Napatawa siya at napailing. “Ako na lang po, Lolo,” boluntaryo niya habang tumatayo.Agad siyang tiningnan ni Lolo Gregore. “Sigurado ka? Hindi ka maglalaro?”“Gusto ko sana,” natatawang sagot niya, “pero mukhang wala
Kinabukasan, maagang niyaya sila ni Lola Evelyn na magtungo sa lawa. Nagpasabi raw ito sa mga tauhan na mag-set up ng picnic area roon para makapagpalipas silang lahat ng oras bago ang party.Excited na excited siya nang marinig iyon. Sa wakas, makakabalik na naman sila sa lawa. Sa ilang araw niyang pananatili sa napakalawak na estate, pakiramdam niya ay iyon na yata ang naging paborito niyang lugar sa buong lupain. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa napakagandang tanawin, sa katahimikan ng paligid, o sa kakaibang pakiramdam na para bang nasa ibang mundo siya kapag naroon.Samantala, nakahanda na rin ang mga damit na isusuot nila para sa party. Hindi na nila kinailangang lumabas pa para mamili dahil napakaraming damit nina Ate Aria at Lola Evelyn. Sa katunayan, halos hindi siya makapaniwala nang ipakita sa kanya ni Ate Aria ang isang buong walk-in closet na punong-puno ng mga gown.At hindi basta-bastang mga gown ang naroon. May mahahaba at eleganteng evening gowns, may mg classic
Nang tuluyan nang naka-stop ang kotse ay bumaba ang kuya niya saka umikot sa banda niya at pinagbuksan siya ng pinto. Ang kaninang excitement nya ay biglang napalitan ng kaba. Kung nandoon ang mga magulang ni Finn ay di malayong nandoon din si Finn.Shit, ready na ba siyang makita ang binata? Kapag
Nang matapos na silang maligo ay siya na mismo ang pumunas ng nanlalamig na katawan ng nobya. Nagsuot ito ng manipis na pantulog. Di na ito nag-abala pang magsuot ng bra at panty. Tila ba komportable na ito sa presensya niya.Siya naman, dahil walang damit doon, ay pinahiram ni Lilly ng malaking sh
"Pagod ka na ba?" tanong ni Precious nang mahalata nito ang pananahimik niya."Medyo..." pagsisinungaling niya. Pero ang totoo ay iniisip niya si Finn."Ahm, lalabas lang ako sandali para makalanghap ng sariwang hangin.""Sure... tatawagan na lang kita kapag kailangan ka dito."Tumango siya saka lu
Pagdating nila sa police station, agad niyang tinungo ang records section. Si Bert naman ay dumiretso sa intel room para i-check kung may nakalap nang bagong impormasyon tungkol sa black Montero.“Boss, eto,” tawag ni Bert matapos ang ilang minuto, hawak ang folder na makapal na puno ng mga dokumen







